pitaka

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"A job."

"Oo, trabaho."

Dumiretso si Ning sa kusina namin.

Normally I say hi or hello sa mga visitors pero nung nakita ko si Ning sa pintuan namin, gusto kong siguraduhin kung sure na ba siya sa gusto niyang pasukin.

Minsan naiisip kong bad influence ako sa mga nakapalibot sakin ngayon.

Kung ano na lang kasi maisipan?

Siguro kung sasabihin sakin ni Lia na gusto na lang niya maging patatas, maniniwala na lang ako at hahanap agad ng lugar kung saan ko siya pwedeng itanim.

Kagabi pa namin pinag-uusapan 'to ni Ning eh. Naputol lang kasi umuwi yung mga landlords namin na bagsak na naman ang mga mukha at balikat. We asked them ano nangyari, pag-uusapan daw muna nila.

I guess cafe problem.

I understand, of course. Wala rin naman talaga ako maco-contribute dahil ano bang alam ko sa pagpapatakbo ng business, diba?

I still worry, though.

Solo namin ang unit today coz weekday so nasa trabaho more than half ng circle namin.

Yung dalawa kong kaibigan? Syempre tulog pa. 

Di na nabago body clock ng mga kaibigan ko. Busy din sila kasi may pinapa-check sa kanilang track.

Kapag sinabi nilang check lang, alam ko nang bubusisiin nila mabuti yun so baka sa weekend pa namin sila makita, lalo na si Lia. Lumalabas pagiging perfectionist sa trabaho.

"Bakit gusto mo mag-apply?" Tanong ko kay Ning.

Nagkibit-balikat lang siya habang nagtitingin sa ref.

Naglabas siya ng tubig at lemon. Kinuha yung wooden chopping board ni Karina mula sa cupboard at kutsilyo naman mula sa knife holder.

Lemon water daw para healthy.

Sinandal ko ang sarili sa kitchen counter at pinanood siya sa paghiwa nung lemon.

"Minjeong," tawag niya, seryoso ang kanyang mukha habang tinatabi ang nahiwang lemon, kumuha siya ng isa pang lemon.

Ngumiwi ako sa nakita.

Seryoso, gano kaasim na tubig ba gusto nito? Bigyan ko na lang siya ng suka.

"Gusto ko lang maka-experience ng ibang trabaho." Sagot niya.

Binaba niya ang kutsilyo, binuksan ang lid ng water pitcher at piniga ang lemon slices.

"Alam mo na, maliban sa pag-igib ng tubig sa amin."

Tinapik ko siya sa likod. "Baliw ka."

"Joke lang syempre. Paborito ko gripo number 3 kasi malakas ang agos ng tubig."

Natahimik ulit kami. Tinikman niya ang tinimplang lemon water pero nangasim din ang mukha. Bumalik siya sa ref namin at nilabas yung honey jar.

"Ano yung totoong rason, Ning?"

Nagkibit balikat lang siyang binubuksan ang lid nung honey jar.

"Gusto ko lang, Minjeong. Pipigilan mo ba ko?"

Isang malalim na paghinga bago siya tingnan kasi hindi naman magpapatalo 'to eh. Kagabi nga sabi niya pinag-iisipan pa niya ng mabuti, ngayon desidido na siya.

"Siyempre hindi."

Kumuha siya ng baso sa cupboard at nagsalok dito ng upgraded honey lemon water niya. Ngumiti pagkatapos, mukhang satisfied na.

"Naisip mo na ba saan ka mag-apply?"

"Hindi pa. Gagawa muna tayo resume ko."

Patango tango lang ako. "Wala akong matutulong diyan."

Inabutan niya ako ng isang baso para i-try din yung timpla niya.

"Meron, hiramin mo laptop ni Karina."

"Bili na lang tayo ng sayo ngayon." Suggestion ko.

"Hindi." Madiin niyang sabi. "Wala akong oras. Either hihiramin natin laptop ni Karina ngayon or.." nag-isip siya tsaka umiling. "wala palang ibang option. Basta hiramin mo laptop ni Karina."

Bahagya pang napaurong ang ulo ko sa pagkaseryoso ng tono niya pero hinayaan ko na lang.

"Remind me to buy you one next time para may gagamitin din kayo sa Pangasinan."

Hindi siya sumagot at inantay lang akong ubusin yung baso ng honey lemon water niya.

In fairness, I feel healthy.

I went to my room to get my phone para ma-text si Karina.


Winter: Babe, I'm sorry.


Kaka-lock ko pa lang ng phone nagreply agad.

Di siya busy?

 


Karina: What did you do?
Winter: Nothing?
Winter: Oh. Sabi ko nga.
Karina: You might want to change your opening line.
Winter: Hehe.

 


Bakit nga naman kasi ganyan message ko?

 


Winter: I know you're busy but can I borrow your laptop?
Winter: May gagawin lang kami ni Ning.
Karina: Sure, babe. Okay lang kunin mo dito sa cafe? Medyo busy kami di ako makakaakyat.
Winter: Okay! See you in 5 minutes. :D
Karina: Nasa office yung laptop.

 


Nagpaalam ako kay Ning na aalis ako sandali para kunin yung laptop. Pinagsabihan pa kong wag magtatagal sa baba.

Kukunin ko lang yung laptop anong itatagal ko?

"Mag-audition na lang kaya ako sa The Voice?" Tanong niya out of nowhere nang madaanan ang commercial break sa isang channel.

Sinilip ko yung TV saglit.

"Ning, The Voice Kids yan."

"Ay oo nga." She laughed, yung dolphin laugh niya. "Di ko nabasa yung kids."

Sitting pretty ko siyang iniwan sa sala namin, nanonood pa rin.

Napag-usapan rin namin ni Karina na kapag may kailangan ako sa kanya, sa back gate ako dadaan.

Jowa rule.

Kapag may bibilhin, sa harapan.

Customer rule.

Nakakaloka jowa ko.

Para daw alam na niya agad kung anong pakay ko sa cafe niya. Lagi naman ako nagpapaalam sa kanya muna bago siya puntahan.

Parehas kaming nagulat ni Mabel nang makita ang isa't-isa sa likuran ng cafe, may kausap siya sa phone. Nahihiyang kumaway lang ako at pumasok na rin.

Akala ko busy sila? Bakit chill mode kitchen boys?

Nag-hi lang ako sa kanila at tumungo na sa opisina.

Si Karina ang una kong nakita pagbukas ng office. Nakaupo sa couch at may binabasang papel.

"Ehem?" Bati ko, closing the door behind me.

Kasabay ng pagtingala niya ang isang malawak na ngiti. Agad din niyang binitawan ang hawak na papel at lumapit. Pumaikot ang braso sa balikat ko, ang tingin ay dahan dahan bumaba papunta sa mga labi ko.

She crushed her lips with mine.

Bahagya pa akong nagulat pero sumabay na rin sa paggalaw ng kanyang mga labi. Ang mga kamay ko ay yumakap na rin sa kanyang bewang kasabay ng marahan na pagpihit ng ulo namin.

Humigpit ang kapit niya sa aking batok.

Nauubusan na ko ng hangin.

She nibbled my lower lip before parting her lips from mine. A short breather then she kissed me again, softer this time.

Naramdaman ko ang pagngiti niya sa labi ko nang maghiwalay kami ng tuluyan, sinandal niya ang noo sa akin.

"Hi, babe." Malambing niyang sabi.

Di ko na rin napigilan ang sarili, ngumiti na rin ako.

I leaned my head backward and raised an eyebrow.

"I thought you guys are busy? Lahat ng nadaanan ko naka-downtime."

"I was busy, just seconds ago." She said, smirking.

Napailing na lang ako sa kinatatayuan namin.

"Smooth, Ma'am Karina." Komento ko, "You okay now?"

She pulled me into an embrace and tighten her hold on me. Her deep breath telling me hindi pa rin okay kung ano man ang pinoproblema nila ni Giselle.

"Nagkasabay-sabay lang inaasikaso namin. I'll be fine."

"Okay.. if you need help on anything, you can tell me. One call away ang Winter Express."

She nodded on my shoulder.

I slowly swayed our bodies, humming whatever comes to mind. Her body relaxed and succumbed to the only thing I can do right now for her, comfort.

"We need to close the deal with the caterer kaya extra pressure samin ni Giselle."

Ahh.

Tumawag kasi yung contact nila from the catering company the other day. Pinapa-submit na sa kanila yung proposal para ma-present na sa management.

"Hey," I gently rubbed her back, "remember what happens when you're pressured?" She nodded, her even breathing hitting my neck. "It's okay to prepare for the worst-case scenario but if it gets in your head, it will show on your work. Just give your best like you always do. If they reject your proposal, then maybe that deal is not for you guys. Baka blessing disguise pa."

I know I should tell her they will get that deal but I'm not that kind of a person, I will not give her false hopes only for this world to crush it. I don't want her to beat herself again on something she has no complete control over.

Maybe it's what she wanted to hear, maybe not.

But if I will be honest, I think they will get that deal. Kinulit sila nung caterer eh. Ayoko lang maulit yung nangyari dati sa investor.

She continued playing with the hem of my shirt's neckline.

"And it's their loss, they won't get to work with someone as beautiful and hardworking as you two," I added.

I felt a smile slowly forming on her lips, my neck feeling the sensation. She pulled away.

"I don't think I can handle another rejection. Masakit yung last, not gonna lie."

"Good thing I didn't reject you then." I joked.

"What a fabricated truth you keep telling yourself." She rolled her eyes.

Now that's more like it.

"Karina," she quirked her eyebrow. "you will face a lot of rejections before you reach the finish line. You said it before, take it as a lesson to grow." She sighed but nodded in agreement. "I promise I'll be here to cheer you up, okay?"

Tumango siya ulit, siniksik ulit ang sarili sa leeg ko. "Thank you." Bulong niya.

Sumimple pa ng singhot!

Walang singhutan please..

"Do you feel better?" Worried kong tanong.

Kasi ako nakikiliti na.

"Yes, we can make out now."

Natawa kami parehas.

Kung hindi lang ako inaantay ni Ning sa taas, mag-stay pa ako eh. Pero baka kalbuhin na niya ako so..

"Look, I'd love to stay but I have an impatient visitor upstairs. So.." I trailed off when our eyes met.

She has pulled me again under her gaze, deeper like a trance. Ang hirap kumawala when she's holding me so close to her, our lips just inches apart.

I stared at her lips before looking up and saw her hooded eyes as if trying to hold herself from kissing me again.

"Pwede na makuha yung laptop?" I finally said.

Napalunok na lang at napadasal kasi parang sinapian pa ata ng ibang elemento yung jowa ko when suddenly her lips turned into a playful one.

Hindi pa yata ako papaalisin..

"Sure," she said in a low voice, almost a whisper.

She hovered her lips on mine, taunting me for another round  sa opisina niya. She kissed the corner of my lips, leaving kisses on my cheeks up to my ear and whispered..

"It's in my room upstairs.."

My hands instantly dropped on my sides, I playfully glared at her when she turned to me giggling.

Humabol pa ng isang halik sa pisngi ko ulit.

"Worth the trip, right?" She winked.

Pabiro ko siyang itinulak palayo sa akin at tumalikod na palabas ng opisina.

"You could have just told me you wanted vitawin!"

I heard her sweet laughter when I opened the door.

"Where's the fun in that?"

 

 

 

-----

 

 

 

"So, bakit ang tagal mo sa baba?"

Umubo na lang ako.

Akala ko naman di na niya ako sisitahin, baka madaan ang pagdedma sa ubo.

Yung jowa ko naman kasi, how to resist?!

Kailangan mag-isip din ako ng akin. Yung di rin niya ko mare-resist. I tried beautiful eyes, didn't work. I tried that lip biting, didn't work as well. What is that one thing she can't resist sakin? I have to find that out.

Ano pa bang di ko nagagawa?

"Ahh.. may pinatikim sakin si Karina." Rason ko, pinipigilan ang sarili mangiti sa kapilyuhan ng girlfriend ko.

"Lipstick ba pinatikim sayo, insan?"

Nadulas ang pagkahalumbaba ko sa lamesa, agad kong kinuha yung phone para i-check sa ang mukha sa front cam.

"Ganda ng trail eh." Ning snorted, patuloy ang pagscroll sa net. "Alam ng lahat saan pumunta."

"Can we focus on your job hunt instead?" Pasungit kong tan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u