Rated SPG

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Training day!

Excited akong bumangon at naghanda para sa araw na 'to.

Fresh v-neck shirt at denim shorts. Nag-blower pa ko ng buhok ko para maganda bagsak ng buhok ko kasi lately tumitikwas siya. Mukhang nagtampo sakin buhok ko.

Arte nito, bumagay kaya!

Pak na pak kapag nag-hairflip ako.

Sabi nga ni Giselle extra pretty ako. Iba daw ang glow ko lately.

I know, right?

Tinanong ko sila Giselle kung ayos lang ba na sa 1117 yung 'training' kesa sa cafe mismo.

Okay lang naman raw kasi kayang kaya ituro ni Karina doon. Tsaka, hindi lang naman daw barista lang trabaho ko so ayaw nilang ituon ko ang focus doon. Kung kakailanganin lang during peak hours which are morning, afternoon, and evening.

Joke time yung dalawa, edi buong araw din.

Iniisip ko kasi yung equipment nila.

Ang laki kaya nung espresso machine!

Mamaya kung ano mapindot ko dun eh.

Ayaw ko rin masayang yung ibabayad nila sakin. Imbes na nakatayo lang ako sa counter at pagmamasdan yung dalawang makakasama ko na halos mamatay sa dami ng orders, tutulong na lang ako.

Hindi ako pa-bibo!

Pinangako ko sa sarili ko na hindi magiging palamuti lang ang ganda ko or panghatak ng maraming customers.

Charot!

Basta kikilos ako.

For the first week, whole day muna ako para magamay ko raw yung ins and outs sa cafe. Isha-shadow din ako ni Karina para hindi ako mabigla at kung may mga kailangan pa siyang ituro sakin. After nun, tsaka nila ako ibabalik sa rotational shift bilang part time pa rin naman ako.

Plano ko magwhole day na lang din kung kaya naman.

Ano ba kasing gagawin ko sa bahay, diba?

Magiging busy raw kasi sila after next week.

Yung presentation nila tapos birthday celebration nung napakagandang mommy ni Karina.

Speaking of, ang kapal ng pinsan ko!

Di pa ako nagsisimula pinaalam na ako mag-leave kela Karina para makasama ako.

Siya pa talaga nagpaalam hindi man lang ako? 

Manager ko ba siya??

Sinabi naman ng magkaibigan na sasama talaga ako dun pero dahil may trabaho ako, magdagdag na lang ako ng extra shift.

Ang hirap pala nito.

Special treatment agad kasi mga kaibigan ko yung may-ari. Magiging cuzin-in-law ko pa yung isa.

Katok 3x on wood, baka mapurnada yung in-law.

Naku, Minjeong.

Itatakwil ko yan kapag nag-inarte siya.

Magaan ang bawat hakbang ko sa corridor ng 11th floor paglabas ng elevator. Nakangiti kahit cctv lang ang nakakakita sakin.

Walang makakasira ng araw na 'to sa isip-isip ko.

Taympers.

Rinig ko na ang tawanan mula sa corridor pa lang. Like 3 units away, nabobosesan ko kaninong tawa yun -- Giselle at Yuna.

Don't tell me..

Si Karina ang nagbukas ng pinto. Sinilip ko over Karina's shoulders yung mga tao at pumasok na rin. Nagpatuloy sa loob pag-iwan ng slip-ons sa may pinto.

"Bakit nandito kayong lahat?"

Good morning at pagkaway lang ang sagot nila sa akin.

Naabutan kong nakakalat sa unit yung grupo at nakabukas yung tv.

Si Karina at Giselle, sinasalansan yung mga gagamitin namin sa dining table.

May nabuo na naman bang bagong group chat na sa pagkakataong ito, ako naman ang wala? Ginawa kasi namin kay Minjeong yun nung birthday ni Lia.

"Inaantay ka." Simpleng sagot ni Chaeryeong sakin, nakahiga ang ulo sa lap ni Yuna na hinahaplos haplos ang kanyang ulo.

Akala ko ba lockdown sila ni Lia dahil sa trabaho?

"Tinapos namin lahat kanina." Sagot ni Lia na para bang alam ang tanong sa isip ko. "Wala pa kaming tulog." 

Halatang wala pa nga siyang tulog; malalim ang eyebags at lutang ang itsura. Sa kanya naman nakapatong ang paa ni Chaeryeong.

"Ilang araw niyo tinatrabaho isang track?" Curious na tanong ni Heejin na nakaupo sa kabilang side ng sofa at katabi si Yeji.

"Kapag pasado na sa pandinig namin send agad. Kapag binalik, puyat ulit." Sagot ulit nung bangag bago humarap sakin. "Excited na ko sa kape." Walang buhay niyang sinabi.

"Ay, customers pa ang peg niyo dito."

Plano ko pa naman ipalaklak kay Dong lahat. Chance ko na yun to change her ways kasi ang lakas niya uminom ng kape -- three cups a day! Kawawa yung pulso ng pinsan ko.

Pero sayang nga rin naman kung itatapon lang yung mga gagawin namin.

Sige, okay na 'to.

Feedback na rin.

Siniko ni Giselle si Karina na para bang may pinaalala.

"Wait, may ibibigay nga pala kami." Sabi ni Karina bago tumungo ng kwarto.

Tinabihan ko si Giselle at Ryujin na nakatayo lang sa gilid ng dining table at pinagmasdan din yung mga gamit. Naging cue ng mga taong nasa sofa iyon kaya nagtayuan na rin sila at pumwesto na rin sa dining table.

Hindi customers mga 'to.

Audience eh.

"Here you go." Napalingon kaming lahat kay Karina paglabas niya mula kwarto.

Inabot niya sa akin ang isang paperbag.

Di ko pa nasisilip inunahan na ako ni Giselle kung anong laman. Nevertheless, nilabas ko ito mula sa paperbag.

Brown apron with the logo ng cafe and nameplate.

Taray!

"Di ka na namin pinagawan ng shirt uniform, you can wear anything underneath the apron." Dagdag pa ni Karina.

Bigla naman nagtayuan at pumalakpak ang mga audience namin. Si Minjeong kumanta pa nung pang-graduation rites.

"Mga baliw." Iling kong sagot pero napangiti na rin sa pagiging supportive nilang lahat sa akin.

"Game na!" Announce nung bangag samin.

Kawawa naman 'tong babaeng 'to.

Kapeng kape na talaga siya.

"May naisip ako."

"Ano na naman yan, Yuna? Laro na naman ba yan?" Tanong ng pinsan ko.

"Of course!" May pagpitik pa ng isang balikat at hairflip. "Lahat ba tayo naglalagay ng sugar dito sa kape?"

Nagtanguan silang pito.

"Ano yan, yung isang baso walang sugar?" Hula ni Ryujin.

"Yuuuh. Kapag sinundan mo ng tubig, asukal, o pumakla rin mukha mo, may dare na katapat."

The thought of coffee na walang asukal..

Ugh.

Napangiwi kaming lahat.

Okay lang samin nila Karina maglaro sila to counter boredom, taga-timpla lang naman kami.

"Ano, game?" Hamon ni Yuna sa anim.

Game lahat except for one.

Yung resident sweet tooth ng grupo.

Yung swerte sa lablyf pero malas sa ibang aspeto ng buhay.

Yung pinsan ko.

"Lugi ako!" Mangiyak-ngiyak niyang reklamo."Makita ko nga lang ampalaya pumapait na mukha ko."

Totoo.

Tuwing madadaan kami sa vegetable section ng grocery or kapag nagluto ako ng anything na may ampalaya, nagsasalubong kilay niya. Sinubukan namin ni Karina pakainin siya ng ampalaya pero ayaw niya talaga.

Masaya 'to.

Iisip na ko ng dare kay Dong. Buwahaha.

"Wag kang killjoy, babe."

"You do realize ikaw ang recipient, diba?" Sarcastic na sabi ni Minjeong. "Imahe natin as magjowa nakasalalay!"

"Oh, yes." Nakangiting sagot ni Karina. "I'm expecting my first ever at" humapyaw siya ng tingin sa wall clock. "10 in the morning."

Hala si mumsh.

G na g.

"Teh, di ka man lang nagpatweetums konti." Komento ni Yuna.

"Hinain mo na agad sarili mo." Hagikgik si Ryujin.

"Ibibigay naman namin sayo eh." Sabi naman ni Yeji.

"Tinago mo lang sana yung excitement mo." Dagdag ni Giselle.

"Yun lang naman ang sa amin." Comment ni Heejin.

"I'm just clarifying it to everyone. That is mine."

Taray talaga ni in-law.

May pag-claim!

Ngumisi bigla si Ryujin fixing her shirt pagtayo. "Pano kung gusto ko rin ng ?"

Ay.

May contender.

"Don't you dare, Ryujin." Masungit na sagot ni Karina.

Tinaas ni Minjeong ang isang kamay. "Sorry to bother you guys but I'm like right here?"

Masyado kaming focused sa ahasan na nangyayari, walang pumansin sa pinsan ko.

"Oo nga." Singit ni Heejin. "Pano kung gusto ko rin?"

Ay.

Mabenta ang pinsan ko.

"Should I feel flattered?" Side comment ni Minjeong. "But I don't even dance."

Wala pa rin pumansin kay Minjeong.

"Magtuos na lang kayong tatlo mamaya kapag natalo si Winter." Sabi ni Yuna.

"Better yet, silang tatlo na lang sayawan niya." Suggestion ni Giselle.

"Seriously, dadayain niyo yung laro para lang mapasayaw ako?"

Lumingon kaming lahat kay Minjeong.

"Yes." Sagot naming lahat.

Hindi na sumagot pinsan ko.

Tinanggap na lang niya sasayaw siya today.

Nakaupo siya malapit sa akin, abot kamay nang kalabitin at kunin ko ang atensyon niya. Nilapit ko nang kaunti ang ulo sa kanya.

"Magsearch ka na ng dance video if I were you."

"Walang sasayaw!"

Pikon talo talaga 'to.

Di na nagbago.

Pero di nagkakamali si Karina, agad agad ang hamon!

"Game na, Winter!" Pilit ni Chaeryeong na pilit dinidilat ang mga mata sa antok. "Kapeng kape na kami ni Lia, please."

Bangag number 2.

Labag man sa kalooban ni Minjeong, pumayag na rin siya.

Di talaga makatanggi kay Chaeryeong.

Pero bago ang laro, training muna.

Na-sidetrack na naman kami.

"We'll use our old espresso machine for today." Simula ni Karina.

Bilis mag-switch back to prim and proper ni Karina.

Kanina lang hayok na hayok sa ngayon boss mode na siya.

Inexplain niya muna sa akin step-by-step kung pano gumawa ng espresso shot, yung main component ng iba't ibang kape nila. May mga kape na hinahaluan ng milk; meron steamed milk and froth, meron naman froth lang. Kaya importante na perfect  yung espresso kasi nakasalalay daw dun lahat.

Pati pag-grind ng beans importante din daw.

Kapag masyadong pino, papait daw yung shot.

Hindi nila matuturo sakin yung tamang pag-grind ng beans ngayon kasi nga naman, nasa cafe yung grinder, nagtatrabaho pa. Pupunta na lang kami sa cafe kapag closing na or tomorrow morning para maturo niya sakin.

Sa kalagitnaan ng pag-explain ni Giselle ng key pointers, tumawa ng mahinhin si Karina at tinuro si Lia.

Tumitirik na yung mga mata sa antok.

Yung katabi niyang si Yuna dahan-dahan inangat yung phone at nagselfie pero mukhang hindi picture, video pa yata. Napayuko siya kakahagikgik sa upuan niya. Si Yeji tinutok na talaga yung phone sa mukha ni Lia.

Si Chaeryeong naman nakayuko ang ulo sa upuan ni Ryujin. Nahuli ko pang nag-flinch yung katawan, nakatulog na talaga.

"Pahigain niyo na kaya yung dalawa." Suggestion ni Giselle.

Biglang umayos ng pagkakaupo yung dalawang bangag, si Chaeryeong sumipsip pa ng laway. May patulo na siguro.

"Malalaman natin kung anong baso yung di nila lalagyan ng sugar." Patay-malisyang sabi ni Yuna.

"Talikod na lang." Suggestion ni Ryujin.

"Balcony, tara." Yakag ng pinsan ko.

Sabay-sabay silang tumayong pito pero bitbit ang mga upuan?

Anong tinira ng mga 'to?

Pinanood lang namin sila nila Giselle pumwesto sa tapat ng glass door. Si Minjeong at Ryujin tinabi yung karugtong ng sofa at center table para makasiksik yung iba sa sightseeing trip nila.

Mga shunga talaga, pwede naman sa sofa umupo yung iba!

Pinabayaan na lang namin sila sa gusto nilang mangyari at nagpatuloy na rin. Nagtitigan pa kaming tatlo, nag-aantayan sino dadampot nung portafilter. Ako pala nung sumenyas sakin si Karina gamit ulo.

Ako nga pala tinuturuan.

Okay, sorbetes sandok muna

Joke lang.

Yung portafilter.

Lalagyan ng coffee grounds yung portafilter at iwe-weigh kung tama yung amount na nilagay ko. Nalunod ako sa dami ng inexplain nila about brew ratio. Basta sabi ni Karina weight should be exact.

Next, yung tamper.

Kailangan i-compress yung coffee grounds para walang space at makatulong sa pagdaloy nung tubig. Importante daw yun para maganda yung ma-pull na espresso shot. It's also important na tamang pressure ang gamitin at level dapat ang pagka-compress.

Shemay.

Tubig lang ako familiar.

After nun, ikakabit yung portafilter sa machine na nakapatong sa may counter. Na-preheat na nila Karina bago pa ko dumating.

Di pa ako nagsisimula sa trabaho napagalitan na ako ni Giselle.

Nakalimutan ko raw yung first step.

Sana umpisa pa lang sinabi na niya!

Nasa step 4 na kaya ako nung nagsalita siya!

Kung hot drink and for here yung order, necessary daw na warm yung mug kaya kailangan punuin ito ng warm water.

Single shot daw usually nilalagay nila for their coffees.

If the mix requires or may nag-request, tsaka lang nila ginagawang double.

Seryoso ako sa trabahong 'to pero.. nalulunod talaga ako kapag may sinasabi nang numero si Karina sakin. Something about ilang volume ang single and double shot and ilang dosage ng caffeine meron each. May binanggit pa siyang arabica and robusta beans.

Wooh!

Kaya mo 'to, Ning!

The art of brewing pa nga!

Ang komplikado pala nito?

Yung mga engot na nasa tapat ng balcony nagkekwentuhan lang din. Pati ibon na dumaan sa harap nila pinag-usapan na rin nila.

Nabanggit naman ni Giselle na most of their beans ay local kasi support local daw sila ever since. Tinahak daw nila ang north para maghanap ng supplier.

Tinawag na namin sila pagkatapos namin ihilera to one line yung mugs.

"Kapag nahawakan yung mug, final na ah." Ngising ngisi si Giselle.

Si Minjeong nagdadasal pa nung namili. Hinugot ko lahat ng lakas na meron pa ko para matago yung saya sa puso ko kasi mapipili na niya yung walang asukal!

Ay.

Si Ryujin nakadampot.

Ngiti-ngiti pa siya eh.

Si Minjeong halatang kinakabahan pa rin.

Safe siya this round pero sa next hindi na base sa itsura ni Karina. Mukha siyang nagca-calculate sa utak pano mapupunta kay Minjeong yung coffee without sugar eh.

"Di pwede cheers dito, dapat clink." Nag-aalinlangang sabi ni Heejin, sinisipat ng tingin yung kinuha niya.

Nag-countdown sila from three.

Clink!

Tumigil ang mundo nilang pito. Minamata ang isa't isa kung sino papait ang mukha.

So far, matibay si Ryujin.

"Goddamnit." Agad niyang kinuha yung tubig na nilabas ni Karina mula sa ref. "Ano 'to, kape na may onting tubig?"

Hindi maipinta yung mukha niya.

"Okay first pull mo, Ning, pero napapaitan pa ako konti." Comment ng katabi kong si Giselle.

Helpful yung feedback pero pano ko ia-adjust yun? Sa tubig ba yun?

Nagvictory dance yung iba kasi ligtas sila.

"Simple lang papagawa namin sayo." Inakbayan ni Heejin si Ryujin at tinalikuran kami. "Kita mo yung balcony?"

"Please, don't tell me."

"Sigaw ka lang."

If you must know, sa busy streets ng QC located ang condo. Katabi lang namin gateway, malapit sa cubao-ex and sa baba lang namin lakaran ng pedestrian papuntang aurora boulevard. May katapat rin ang condo na isa pang condo.

So yes, matao.

Mataas naman so baka walang makarinig.

Sana walang makarinig..

"Ano isisigaw ko?" Malamyang tanong ni Ryujin.

Tumabi sa kanya si Yeji, umakbay rin.

"Gusto ko ng ."

Humarap siya kay Yeji. "Gusto ko ng ?" Pag-ulit niya, talunan ang mukha.

"Yes," pag-confirm ni Yeji. "gusto mo ng ."

"Pwede ko ba kayo murahin? Paisa lang."

"Kung sinigaw mo na, nakausad na tayo. Baka ikaw pa ang lucky recipient ng Winter ." Sarcastic ang tono ni Giselle.

"Over my dead body."

Palaban talaga 'tong in-law ko.

Labag sa kalooban, naglakad na palabas sa balcony si Ryujin. Tiningnan muna kaming lahat bago huminga ng malalim at humawak sa railings pangbwelo niya. Lumingon siya ulit sa amin.

"Pwede bang i love you piolo na lang, guys?"

"Nope." Sagot naming lahat.

"Pano ba ko nasama sa grupong 'to?" Tanong sa sarili, humarap na siya ulit sa kawalan.

Sabay-sabay namin inangat ang mga phone para mag-record.

"GUSTO KO NG !!!"

Napuno ng tawanan ang sala.

Lahat kami nagsiyukuan at lumuhod sa sahig para magtago nang may sumagot kay Ryujin.

Nagtakip ng mukha si Ryujin at dali-daling pumasok sa loob ng unit. Nabangga pa ang ibang upuan na nakaharang sa pinto nang makapasok na. Tinuro ni Karina ang kurtina kay Ryujin para hawiin ito.

Bakas ang pagsisisi sa mukha, sinamaan niya kami ng tingin. "Ayoko na pala ng , I want vengeance. Isa pang round ng espresso!"

Isa-isa kaming tumayo sa pagkakaluhod.

"We're training Ning." Paalala ni Karina kay Ryujin, lumagok ng laway after maka-recover sa pagtawa. "Next coffee."

Tumingin sakin si Ryujin. "Ning, papasayawin natin pinsan mo."

"Hoy! Anong kinalaman ko diyan!" Reklamo ng pinsan ko. "Ikaw dumampot nung mug!"

"Karina, okay lang. Mahaba pa araw."

Nilapit niya ang mukha sa tenga ko at bumulong. "Joke lang yun siyempre. Nagpatweetums lang ako."

"Gorl, late ka na for that." Sagot ko.

Nagprepare na ulit ako ng second shot nila.

Sabi ni Karina baka sa pag-tamper ako nagkaproblema..? Pano ko ia-adjust yun?

Yung mga shunga nagsibalikan na sa upuan. Habang tinataktak ko nang maigi yung portafilter, nag-echo sa buong unit yung sigaw ni Ryujin.

Mga siraulo talaga.

Plinay nila ng sabay yung mga videos for extra boost daw sa volume. I think may narinig pa kong 'laplap' kasi may na-delay na video. Wala ng nagawa si Ryujin, tinakpan na lang ang mukha dahil sa hiya.

Sa second round, chill pa rin si Karina.

Nilagay niya sa gitna yung poison mug.

Tinitignan niya siguro kung may pattern ng pagpili si Minjeong.

Si Yuna nakakuha nung walang asukal.

Nag-countdown ulit sila bago ininom yung espresso shots.

Walang patumpik tumpik, lumapit na agad samin si Yuna para humingi ng asukal.

"Sana pinapak ko na lang yung grounds!"

Nagfist pump si Minjeong na ikina-scoff lang ni Karina.

Mamaya ka, sure ako rito.

"Yuna, it's time to show us everything you've learned sa dance classes niyo ni Karina." Giselle said, smirking.

"Kanino?"

"Ay, taray. Gusto may sayawan." Di ko napigilan ang sarili mag-comment.

Tinulak ni Dong si Lia papunta kay Yuna na tinulak naman ni Yuna papunta sa gitna ng living room.

Tumingin si Yuna kay Yeji. "Wala ako diyan!"

"Okay lang. I mean, look at her," tinuro ni Yeji yung subject. "she's too sleepy to care."

Truelaloo.

Bangag pa rin talaga si Lia kahit nak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u