Winter card.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"Can I explain myself?" 

I asked, breaking the silence.

Pauwi na kami galing BGC.

Wala akong choice kundi harapin si Karina, sabay pa rin kami uuwi eh. Pero parang mas gusto ko na lang magcommute kesa ma-stuck kasama siya buong byahe dahil sa hiya.

Hindi naman na niya ako inasar mula nung sumakay kami. Ano lang, ang awkward ko. Hindi ko siya matingnan, hindi ako mapakali sa upuan ko. Parang irarason ko lahat ngayon makalusot lang sa nangyari.

"You don't have to pero sige."

Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo para humarap sa kanya, she did the same.

Nasa magkabilang dulo kami ng backseat.

Hindi ko talaga siya matignan ng diretso.

But I know she's looking at me.

Bumuntong-hininga ako.

"Kaya ko ata nasabi yun kasi.." dahan dahan kong sabi.

"Ahuh.." she said, nodding her head slowly at malumanay ang boses.

"..kasi night before nun -" I stopped, kumurap kurap nang maalala ko anong meron nung gabing yun.

"..yung night na inantay mo ko umuwi.." pagtuloy niya. "..go on."

Jusko, Minjeong.

Sige, laglag mo pa sarili mo.

"Yeah.. akala ko kasi umiiwas ka sakin nun.." I said in a low voice.

Nanunuyot na lalamunan ko. Lahat ata ng laway sa bibig ko naging pawis. 

Bakit ang init bigla?

"Hindi kasi marunong magmove-on utak ko.." I continued. "siguro na-stuck siya sakin?"

"So, akala ni drunk Winter hindi tayo okay?"

"Yes..?"

"Okay. So, dahil lang dun kaya yun nasabi mo?"

"Yes.."

"So, hindi mo talaga ako gusto kasama?"

"Yes." I nodded.

Nanlaki yung mata ko nang ma-process ko yung tanong niya.

"Wait, hindi!" I waived my hand, dismissing my answer earlier. "I mean, I do!" Panic kong sabi sa kanya, tumatawa na siya. "Will you stop laughing!"

"Gusto mo ba ng alak? Nahihirapan ka na eh."

 

 


"Hello? Insan?"

Ning snapped her fingers to get my attention.

I spaced out.

"Yeah?" I asked.

"Penge tissue sabi ko."

Kumuha ako ng isa mula sa tray ko.

Kakagaling lang namin sa salon.

Mamaya pa kasing 6 pm yung lakad kela Lia kaya inaya ko si Ning magpalipas ng oras dito sa mall. Nagrequest siya kung pwede daw kami magpa-ayos ng buhok. Gusto na daw niya magbago ng hair color.

Actually, kahit saan at ano pa gusto niya basta malayo sa unit.

Hindi naman ako umiiwas kay Karina, hindi ako ganung tao.

I'm a person who handle relationships like an adult.

I just..

I realized something last night.

"Ning," I called her attention, nabitin yung pagsubo niya sana ng palabok. "ano sa tingin mo mangyayari pagbalik ko ng states?"

Kunot-noo niya akong tiningnan.

Napangiwi ako sa pagbagsak ng plato sa kabilang table.

"Kakabalik mo lang, paalis na utak mo?"

"Naisip ko lang naman." Nagkibit-balikat lang ako.

"Hmm.." She pondered. "Eh di babalik ka sa dating buhay mo, babalik kami sa mga buhay namin."

I know.

I don't know why I even asked.

Maybe I was hoping for a different answer.

Hindi hihinto ang ikot ng mundo para samin. We have to keep living our lives.

"Bakit mo ba iniisip yan? I-enjoy mo lang kasi yung ngayon." Dagdag pa niya.

"Ang red flag ng suggestion mo." Sagot ko. "Para mong sinabi na saka ko na problemahin yung mga bagay bagay."

"Problema pa rin sila pagdating mo sa dulo." Kibit-balikat niyang sagot.

"Para nga maagapan."

Natigil si Ning sa pagkain at tumingin lang sakin.

May nasabi ba ako? 

Bakit para niyang tinatantsa mukha ko?

"Anong tension ba meron sa unit niyo ni Karina?"

Binato ko siya ng tissue.

"Bakit naman siya napasok dito?" Masungit kong tanong. "Hindi ba pwedeng tungkol sa buhay ko yung topic?"

"Mukha mo, Dong." Sabi niya, akmang susubo na ulit ng pagkain. "Ang awkward mo kaya kanina."

It wasn't intentional.

Na-stuck lang talaga sa utak ko yung sinabi ni Karina kagabi. I just hope hindi niya napansin although may chance na oo. Napansin nga ng pinsan ko eh, siya pa kaya?

"Pangit lang gising ko kanina, Ning."

Natahimik kami.

Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip kung ike-kwento ko sa kanya yung nangyari. Okay naman kausap si Ning kapag kaming dalawa na lang. Hindi ko lang matuloy kasi feeling ko hindi naman dapat pinapalaki yung ganito. I can handle this one on my own.

"Minjeong," she called. "babalik tayo sa mga buhay natin pero hindi ibig-sabihin hanggang dito na lang yun." Her voice gentle, as if she knows what's been bugging me. "Mag-uusap usap pa rin tayo sa gc, asa kang matatahimik yun. Kay Chaeryeong at Yuna palang eh."

Tumawa ako.

I can't remember paano nagsimula yun. Si Yuna ata may pakana pero nagkaroon ng segment sa Unit 1117 na selfie of the day. 

Tuwing 1pm, mandatory mag-send ng selfie or pakita kung ano ginagawa mo that time. Isang picture lang naman dapat ise-send eh. Pero si Yuna at Chaeryeong ginawang album yung gc namin.

"I know napapalapit ka na sa kanila, lalo na kay Karina," Pagpatuloy niya. "but you might miss the best moments just because you're scared to get attached."

She has a point.

But there are things we can't control, diba?

 

 

-----

 

 

"Party mo, Winter?"

Nakataas na kilay ang bungad sakin ni Chaeryeong pagbukas ng pintuan.

"Nagpakulay ka na, nagpagupit ka pa."

I rolled my eyes. "Please, let me in."

Tumabi na din siya at pinadaan ako.

Pagpasok ko sa sala, bumungad sakin ang malakas na 'Win!' ni Lia at Yeji na nakaupo sa couch.

"Bagay sayo, girl!" Bati ni Yuna.

I waved shyly. "Thanks."

"Taray new hair!" Sabi ni Giselle pagkagaling sa hallway. "Bagay sa inyo ni Ning."

"Penitensya 'to." Pabiro kong sabi. "Baka mabawasan ang kasalanan."

Natawa siya. "Si Karina?"

"Wala pa dito?" Kunot noo kong tanong.

Umiling si Giselle.

Wala naman siya sa unit kanina?

Tumabi na ako sa pinsan ko.

Pagkatapos namin magmeryenda kanina, nag-aya pinsan ko na magkaraoke sa arcade. Marami pa naman daw kasing time at halata naman daw na ayaw kong mag-stay sa unit.

Naghiwalay din kami pag-uwi dito sa condo para mag-prepare. Natagalan ako kasi tumawag pa si ate Taeyeon kanina, nangamusta lang naman siya.

Pinagmasdan ko yung unit nila Lia habang inaantay namin si Karina.

Same siguro layout ng units dito sa condo, ganito din kasi yung kela Giselle eh. Spacious lang itong living room ngayon. 

Wala yung tv at center table.

Baka pinasok nila sa kwarto para sa gagawin mamaya. Ano ba hinanda ng mga 'to at kailangan ng malaking space?

Lumingon kaming lahat nang may kumatok na sa main door.

"Win!" Tawag sakin ni Lia. "Pabukas nung door, baka si Karina na yan."

Busy si Lia at Chaeryeong sa kusina, hinahain na nila yung food sa dining para pagdating ni Karina pwede na kaming kumain.

Bago ko buksan yung pintuan, nag-chant pa ako sa utak ko.

Act normal.

Act normal.

Act normal.

 

 


"Bakit ka ba nahihiya sakin?"

Okay, legit. Pinagpapawisan na ako.

Pinatodo ko naman yung aircon kay kuya grab ah.

Nakaharap pa rin ako kay Karina nang isandal ang ulo sa headrest.

"Kasi.." I whined.

"Because you were honest with me?" Karina asked. "Akala ko naman wala kang filter pagdating sakin kasi you've always been open to me. Ilang barriers ba meron ka, sober Winter?"

She chuckled.

Nagpout ako kahit hindi niya nakikita.

Ilaw lang galing sa mga poste na dinadaan namin ang nagpapaliwanag sa loob ng sasakyan. 

"Hindi naman kasi yun.." 

"Hindi ka sanay magsabi ng ganun?"

"Yeah, I guess.. tapos this one involves you.."

She adjusted herself sa pagkakaupo at lumapit sakin konti.

"Game. Practice it with me."

I leaned back.

"Huh? Practice what?" Kunot ang noo ko.

"Being vocal?"

"I am vocal?" I answered.

"Kinakain ka ng hiya mo over something simple as 'gusto ko siya makasa -'"

Mabilis kong tinakpan tenga ko. "Lalalalala."

Natawa siya.

"See? Minsan hindi enough ang effort, kailangan may sabihin ka din." She reasoned. "You do that a lot with your friends and Ning."

Kung makikita ako ni Karina ngayon, tumanda na ako ng 10 years dahil sa pagbusangot ko.

"Do I really have to say those things?"

"Yes." May diin sa sagot niya.

"Hindi ba ang weird nun?"

"No." She answered. "Weird ba nung sinabi ko sayo na I enjoy your company?" Umiling ako. "Oh, hindi naman pala eh."

I sighed.

"Okay, game. Just tell me 'I enjoy your company, Karina."

Is this really happening?

Tumingin ako sa rearview mirror.

"Kuya, kunwari wala kang maririnig ha?" Pakiusap ko sa kanya.

Tinawanan ako ni kuya grab.

"Ma'am, kaya siguro lagi ako inaaway ng asawa ko kasi hindi din ako nagsasalita." Kumambyo siya at tumingin kay Karina sa rearview. "Salamat po sa tip."

Pinanlakihan pa ako ni Karina ng mata, telling me na tama siya.

"Go na, Winter."

Nakatigil kami sa stoplight.

"I.." I look at her.

She's waiting for me to speak.

I don't know what's got into me.

Kung yung pinapatugtog ni kuya grab, yung mood na dala ng ilaw galing sa labas, or how beautiful Karina looks right now.

But I can hear my heart pounding.

I don't even know why.

Am I nervous?

There was a sudden push inside me to just say it.

"I like talking with you, Karina."

She was taken aback but quickly recovered.

She smiled.

"I like talking with you, too."

 

 


"Welcome!"

Masigla kong bati kay Karina pagbukas ng pintuan.

Nagulat siya ng bahagya at natahimik.

Okay?

She's just.. staring.

I waved my hand near her face. "Hello?"

"Sorry." She said, nag-ayos siya ng buhok. "You got a haircut," I nodded. "and nagpakulay ka." I nodded again.

I suddenly felt shy under her gaze. 

Ang pangit ko ba?

"Okay ba?" I asked, nakayuko at inaayos ang buhok. "First time ko magpagupit ng shoulder level."

Usually kasi layered yung buhok tapos lagpas balikat. Nung tinanong ako ng stylist kanina anong gupit, ito unang pumasok sa utak ko.

For a change, I guess.

Magpapakulay lang talaga dapat ako kasi magiging ombre na yung kulay ng buhok ko sa tagal na. Eh ang galing magsales talk nung stylist tapos gumatong pa pinsan ko, edi nagpagupit na din ako.

"You look great, Winter."

I nod my head again, stopping myself from grinning too much.

"Kain na tayo, guys!" Rinig kong aya ni Giselle sa lahat.

 


-----

 


"So, ano lalaruin?"

Tanong ni Yeji kay Yuna.

Nakaikot kami sa living room ngayon.

May mga nakaupo sa floor, meron sa couch.

Sumiksik ako sa gitna nila Ning na nakaupo sa floor, malayo kay Karina.

"Team games muna tayo?" Tanong ni Chaeryeong kay Yuna. "Mamaya na individual?"

"Ilang games ba hinanda niyo?" Tanong ko.

Nung nagpaplano kami last week, nag-volunteer si Yuna for the games. Inaya na din niya si Chaeryeong na tulungan siya kasi ang kinang ng mata niya nun, excited talaga eh. May naisip na din daw siyang games.

Pero sana matino naman ipapagawa nila sa amin.

"Tatlo for team, yung individual kung ano maisipan sa dala naming board games." Sagot ni Yuna.

Inaantok na ako.

Ang dami ko nakain nung dinner.

Ang sarap kasi ng luto ni Lia dun sa chicken — creamy lemon parmesan chicken. Tapos napaka-cute ni Chaeryeong, tinuturo pa sakin kung ano yung contribution niya sa handa.

'Ako naghiwa niyan!'

'Nagpiga kaya ako ng lemon!'

Hindi kasi sanay sa gawaing bahay 'to.

"Paano kampihan?" Tanong ni Ning.

"Team Lia versus Team Chaeryeong?" Suggest ni Yeji.

"I have an idea." Singit ni Giselle. "Grupo niyo versus grupo namin nila Karina." Tinuro niya grupo namin at saka silang apat na nasa couch. "Swak o, 4v4."

Tumingin ako sa mga katabi ko at nagtanguan, okay lang naman sa amin.

"Ano prize for the winning team?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u