No clue.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Dumiretso kami ni Karina sa open mic.

Sayang kasi sa pamasahe kung uuwi pa kami ng bahay para lang i-meet yung iba. Good decision na rin kasi naipit kami sa traffic nung papunta kami, sabado nga pala kasi.

Lahat ata ng tao pinili lumabas ngayong araw sa mga bahay-bahay nila. May mga pamilyang mamamasyal, may mga magkakaibigan na magkikita-kita to catch up or mag-iinom siguro, and may mga uuwi sa probinsya.

Kaya yun, more lambing time kami ni Karina sa byahe. 

Wholesome, promise.

Nahiya kami kay kuya grab na sinabayan si Daryl Ong sa rendition niya ng 'I want you to stay, never go away from me.' Eto yung kanta dun sa kinabaliwan ni Ate na On the Wings of Love eh. Damang dama ni kuya grab yung bawat salita, malalim ata pinagdadaanan. Muntik ko na siya abutan ng tissue.

Habang may pa-free concert si kuya grab, nagkwentuhan lang kami ni Karina. Mostly about sa kanila ni Minju nung mga bata pa sila.

Wala naman pinagkaiba samin ni Ning, may bardagulan nung mga bata kami. At katulad din namin ni Ning, sila lang pwede gumawa nun sa isa't-isa, kapag ibang tao na.. lumalabas daw pagiging batang kanto nila magpinsan.

I guess, okay na talaga siya with Minju.

Though, of course, it will take some time daw to be exactly how they were before. Pero ang importante ay nagkaayos na sila. No more labas sa ilong na hi and hello tuwing family reunions or mala-slot machine sa casino na pag-ikot ng mata niya. Para daw siyang nabunutan ng tinik.

Totoo.

Iba yung aura ni Karina ngayon eh.

Kahit simpleng mustard colored plain t-shirt na naka-tuck in sa high-waist black pants at white sneakers lang siya, parang.. hmm.. tama nga siya, parang lighter?

She moves gracefully pero may ihihigit pa pala yun.

Kakaunti pa lang ang tao pagdating namin sa cafe kung saan yung open mic.

Sabi ni Ning, up and coming gig place daw ito sa Maginhawa and mostly indie bands ang ini-invite nila to play. Just like tonight, they host open mics and minsan may spoken poetry pa nga raw.

Ang ganda ng concept eh.

Para siyang hub not just for musicians but others, as well. Meron silang corner where they sell yung works ng artists like paintings, books, and meron pa kaming nakita na crafts like bracelets and necklaces.

Excited din ako for tonight.

It has been a while since nakanood ako ng live bands.

Ganito rin trip namin nila Lia sa states. Although for Chaeryeong, may halong work yung kanya. Mahilig kasi yun mag-scout sa open mics, sabit lang talaga kami ni Lia. Yung samin eh plainly for entertainment purposes lang, break from work.

Share ko lang, sa open mic na-discover ni Chaeryeong si Somi.

"Saan na raw sila?" I asked Karina after taking a seat.

"Kakasakay pa lang ng grab."

"Nahirapan sila mag-book?"

"Oo daw and late na rin nakarating si Heej."

Tumango lamang ako.

May mic stands, mixer, and acoustic drumset na naka-set up for the bands.

Occupied na yung tables sa may harapan kaya sa likuran na lang kami.

Hihila sana kami ng isa pang lamesa para idugtong sa square table namin for everyone else kaso may dumating bigla na malaking grupo. Mukhang friends sila na nandito to support yung kabarkada nilang naka-lineup for later. Nakakahiya magpakahoarder ng lamesa.

We decided to wait for the others bago umorder kahit takam na takam ako sa tapsilog na nasa menu nila.

"Full house yata mamaya." Banggit ni Karina nang may mga nagsidatingan pa ulit. This time dumiretso sila sa terrace ng cafe kahit marami-rami pa naman vacant tables.

While waiting, we talked about her plans with Giselle mamili ng gamit next week, she's excited for the coffee bar na papasukin nila ng kaibigan niya. Inaya niya rin ako sumama pero sa mas malaking branch daw sila ng HMR pupunta, sa may Pioneer?

Then I remembered na aayain ko nga pala siya sa amin!

Okay lang kaya?

Pwede naman ako lang yung umuwi kung wala siyang time.

She must have noticed yung pagka-distracted ko kaya natigil siya sa paggawa ng listahan mentally ng mga bibilhin nilang gamit.

"What is it?" 

"Uhh.. eh.." napahawak ako sa batok.

She tilted her head slightly. "Yes?"

"Papasama sana ako but it's okay, kahit ako na lang pumunta."

"Where to?"

"Uhm.. malayo eh. I know you're busy -"

"I can make time, babe."

"Uhh.. sa Pangasinan."

"Uuwi ka sa inyo?"

"Yeah, bibisita. Death anniversary nila daddy."

Nagulat siya ng bahagya pero agad din binawi ang reaksyon para itago sakin.

Hinawakan niya ang kamay ko and squeezed it lightly, a small smile crawling its way onto her lips.

"We'll buy them flowers, okay?"

Napakurap lang ako.

There was warmth in her words that filled my chest.

Speechless on how sweet she is to my parents kahit never niya silang na-meet.

"Yes?" Takang tanong niya kung bakit nakatitig lang ako.

"Thank you."

"For?" Confused niyang tanong.

"For being sweet and thoughtful to my parents."

"Kalimutan mo na yung akin wag lang yung sa parents mo." 

She threw a playful wink at me before turning sa guy na nagtanong kung may kasama pa ba kami, kukunin sana nila yung ibang chairs.

She answered him nicely that we have others joining as well at pagharap niya sakin, para akong may ginawang kasalan. Bigla niya kinurot sa tagiliran ko, muntik na ko mahulog sa kinauupuan ko!

"Masaket?!"

"Kung hindi pa death anniversary ng parents mo," at isa pang kurot sa tagiliran ko ulit, para na akong sumasayaw kakaiwas. "hindi mo pa sila bibisitahin?"

At pinaulanan na niya ako ng mahihinang kurot sa tagiliran, lambing niya 'to sakin kapag sinisita niya ko eh. Okay na sana eh, napagalitan pa.

"Magpapakita naman ako eh."

Sinangga ko yung isang swift atake niya sa sakin. 

Memorized ko na yung combo ni Karina.

Right.

Left.

Left.

Sa midsection ng tiyan ko.

Right.

Panis si coach Freddie Roach.

Tuloy lang ang attempts ni Karina makurot ako kahit hawak ko na siya sa magkabilang wrists niya.

Ang lakas ng bebe ko, jusko po.

Kailangan ko talaga mag-gym para mapantayan ko sya. Feeling ko kayang kaya niya akong balibagin.

"Naging busy kasi ako, diba?" Pagrason ko.

"Gagawin mo pa kong excuse sa parents mo?"

"Hindi kasi!"

Tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Magso-sorry ako pagpunta natin, promise."

Binawi niya ang mga kamay sa pagkakagapos ko dito. "You better."

Nagcross my heart pa ko sa kanya.

Parang kelan lang awkward pa siya kapag sila Daddy topic namin, she'd be careful around me whenever I'd mention my parents. Ngayon, pinapagalitan na niya ako because of them. Yung totoo, pinadala siguro siya ng magulang ko.

Maraming salamat, parentals.

Mas gusto ko 'to, yung komportable siya.

In no time, dumating na rin sila Lia, Chaeryeong, Yuna, and Ning.

Nasa kabilang grab raw sila Giselle.

Chaeryeong took the seat beside me, si Yuna sa harap ko. Lia and Ning stood close behind me.

Hindi mapakali pinsan ko.

Tumagos yung lamig ng kamay niya sa kapal ng plaid polo ko.

"Okay ka lang?" Tumingala ako kay Ning.

Tumango lang siya sa akin at para bang may hinahanap sa crowd.

Occupied na lahat ng tables. Maingay na rin ang cafe dahil sa tawanan at kwentuhan ng mga customers. Studyante pa yata yung iba dito, may nakita akong isang babae na may bitbit na textbook.

Namimili na kami ng order namin for dinner when Yeji and the rest arrived.

Si Giselle parang hyped up about something.

"Did you receive the text??" Bilog ang mga mata nang tumingin siya kay Karina.

Litong lito lang si Karina anong meron kaya marahan niyang inangat yung phone niya para i-check but Giselle beat her to it. Dumiretso siya sa tabi namin ni Karina.

Karina's eyes widen as she reads something sa phone ni Giselle.

"Excuse us for a bit." Tumayo si Karina at lumabas sila ni Giselle ng cafe, sa main entrance. Puno na rin ng smokers sa outdoor seating.

"Anyare dun?" Yuna asked me.

I shook my head. "No clue."

Yeji sat at the now empty seat ni Karina.

Humingi si Ryujin ng isa pang menu sa staff kasi pinagkakaguluhan nung iba yung natatanging menu sa lamesa namin. Yun din ang pinagpilian nung mga nakatayo na sila Chaeryeong, Ning (na aligaga pa rin), Ryujin, Heejin, at Lia kasi sa dami ng tao, walang dumating na menu.

Pansin ko lang, hindi nakadikit si Lia kay Yeji.

Nung isang linggo pa naman pinag-uusapan 'to ni Karina, medyo worried na kami for them. Hindi kasi naghihiwalay yang dalawang yan. But we both agreed na antayin silang dalawa lumapit sa amin.

Para kaming counsellor nung dalawa.

We don't think they fought, may tension lang. And it's not a good kind of tension. I hope everything's okay.

I saw Karina and Giselle squeezing their way back to us sa mga standing na customers.

"Our treat tonight!" Bungad ni Giselle.

She was beaming with so much joy.

"Yown!" Nag-celebrate for a brief second si Lia sabay bawi. "Wait, anong meron?"

I glanced at Karina, para siyang naiiyak pero nakangiti.

Napatayo ako agad and hinawakan siya sa bewang, worry painted all over my face. "You okay??"

"Winter," nanginginig ang boses niya, mas lalo pa akong kinabahan. Yung isa nagce-celebrate, yung jowa ko naiiyak. Not helping yung suspense! "Winter, we got the deal."

"Wait, what?" Bumilog ang mga mata ko.

Tama ba narinig ko..

"You mean.."

"We're signing the deal with the caterer on Monday."

"Hol -"

"Libreng dinner! Libreng dinner! Libreng dinner!"

Nakapalibot na pala silang lahat sa aming dalawa.

"Oh my god, babe!" I smiled and cupped both her cheeks, yumuko siya to wipe her tears, tears of joy 'to eh. "Congrats!"

"That's not the best part yet." Sambit ni Giselle, naiiyak na rin.

"There's more?" Tanong ni Chaeryeong na nakatayo sa likuran ko, ang weird ng group hug na 'to.

Giselle nodded in response.

"They heard about the coffee bar we started," sagot ni Karina. "If we want daw, we can do a tie-up. Parang upgrade yung service namin kung gusto ng clients nila."

"Oh my god?!"

"For real??" Tanong nung madalang maghigh-pitch samin na si Heejin.

"Guys, they cater, like, 3 events per day," Giselle added.

"A day?!" Ulit ni Yuna.

Giselle and Karina nodded.

Nagtinginan kaming lahat.

Kailangan i-revise yung chant!

"Libreng dinner.."

".. for a week!"

"Libreng dinner.."

".. for a week!"

At sa isang iglap, kami na ang pinakamaingay sa cafe.

Wala kaming pake, we're here now to celebrate.

 

 

 

-----

 

 

 

Pero naputol ang celebration kasi hindi pa kami kumakain.

As promised, sagot nila Karina yung bill tonight.

Order whatever we want daw!

Syempre gusto namin yon!

Pero grabe 'tong mga 'to, cafe kasi pinuntahan namin. Silog meals, shakes, coffee, at sweets lang meron dito. Kung maka-order, akala mo nasa buffet kami!

Problemado pa kami kasi square lang yung lamesa namin!

Hindi namin naisip yun.

Nag-uusap kami about sa plano for Ning and Giselle's birthday nang dumating yung sandamakmak naming orders.

Palipat-lipat ang tingin ni ate server sa amin at sa lamesa. Hindi rin niya alam paano ihahain yung mga plato kasi ang liit ng space.

Yes, ate. We know.

New challenge unlocked -- kumain sa 4-seater ang 10-person group.

Take turns na lang daw sa pagkain suggest ni Heejin. Serve yung iba ngayon then kapag natapos na yung iba, tsaka i-serve yung next.

Mauuna sila Ning, Giselle, Ryujin, at Yeji.

Nakatayo lang kami sa bandang likuran ni Ning.

Yung mga totoy sa kabilang katabing lamesa nagsisikuhan. Hindi discreet eh, rinig yung 'ikaw na!' at 'de, ikaw na!' kahit pabulong sila mag-usap.

Yung napili nilang alay nagbuntong hininga na lang.

Kindly take note na si Karina ang pinakamalapit sa kanya.

Kasabay ng mabagal niyang pagtayo ang pagtingala sa girlfriend ko. Nang magtama ang mga mata nila, parang na-magnet si totoy 1 pabalik sa upuan niya.

Natawa kaming lahat, pati mga kasama niya ay tinawanan siya.

Siniko ko si Karina para makuha ang atensyon niya saglit.

"Akala ko luluhuran ka na eh." Bulong ko.

Nilapit niya ng bahagya ang mukha sa akin. "Isa lang gusto kong lumuhod sa akin."

I freaking choked on my laway.

Diyos ko pong mahabagin talaga!

Ang bilis magbackfire ng joke ko!

Nanlumo yung tuhod at buong pagkatao ko!

With kindat pa na may laman yan at nakakalokong ngiti! Ang lalim pati ng boses!

Tinikom ko na lang bibig ko sa takot na baka kung ano pang ibulong sakin ng katabi ko. Tuwang tuwa naman syang nakaisa siya sakin tonight. Tinuon ko na lang ang atensyon kela totoy na inuurong na yung lamesa nila para idikit sa amin.

Luhod.

Bwiset naman. Ayaw maalis sa utak ko!

"Bakit ka namumula, babe?"

Di ako sumagot.

Kunware wala akong naririnig!

Nilapit niya ulit sarili sakin, her warm breath hitting a very sensitive area sa tenga ko making me shiver. "Ikaw ha, wholesome tayo dito."

I snapped my head to her, her face just inches away from me. "Wholesome nga!"

She smirked sa outburst ko.

"Anong oras kaya tayo matatapos dito?" She asked with a suggestive tone.

"Bago ako pumatol, parehas ba tayo ng na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
#1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((