Scene stealer.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Minasahe ko agad balikat ko pagbaba namin ng sasakyan.

Kakarating lang namin dito sa venue for the team building.

Matutulog sana ako sa byahe kaso nakakahiya naman sa dalawang ulo na natulog sa balikat ko. Napaggitnaan kasi ako ni Ning at Chaeryeong sa sitting arrangement namin sa van.

Nag-rent sila Giselle ng van good for 16 people para iisang sasakyan na lang lahat. Kumuha rin sila ng driver para wala nang magmaneho sa kanila.

Maliban samin at tauhan nila Karina, sumama din sila ate Irene at ate Teddy. It makes sense nga naman bakit sila sasama kesa sa amin, nagulat pa ako kanina.

Pati si Lia at Chaeryeong nagulat din sa kanila.

First time kasi nila na-meet kapatid ni Karina.

Sana nakuhanan ko ng video yung pagbuka ng bibig nung dalawa habang nakikipagkamay kay ate Irene. 

Tanong pa ni Chaeryeong sakin, sila daw ng kapatid niya hinulma naman na maganda pero bakit daw kailangan magkamukha? Hindi ba daw pwede na may unique beauty sila tulad nung magkapatid?

Sumbong ko 'to sa ate niya eh.

Day tour lang kinuha ng magkaibigan dito sa venue. First half for the team activities, second half para makapag-ikot dito kahit sandali lang. Aalis din kasi agad para makapamili pa bago pumunta sa ni-rent nilang vacation house.

Complete package in one place 'tong resort.

Aside from the team building activities they offer to companies, open din ang venue for retreats or seminars bilang may chapel and function halls din daw sa loob. Pwede rin daw mag-camping dito kasi they have intended area for campers. Kung trip daw namin relaxing activities, may fishing grounds naman sila.

They considered na mag-overnight dito kasi may accommodations naman pero mas okay daw kung private na lang yung celebration later. Para daw may freedom kami to do whatever we want mamaya.

Dapat ba akong kabahan?

Dinala kami ng staff sa isang pavilion na pwede namin pag-iwanan ng mga gamit. Dito din kami susunduin ng facilitator na naka-assign for our group.

Understandable naman bakit humiwalay ng table mga employees nila Karina. Kayo ba naman ma-outnumber ng guests na usual customers on where you work, diba? Mahihiya din talaga kayo.

Ewan ko ba kasi anong trip nila Giselle.

Pero dahil kasama namin ang isang Yuna, hindi pwede ang ganitong setup for her kaya pinilit niya lumipat samin yung lima para makisalimuha.

Best thing about Yuna is she includes everyone sa conversation. Walang OP kapag kasama namin siya. No dull moments din with her and lagi siyang may chika from work or any funny thing na mae-experience niya.

Tawang tawa ako nung kinwento niya paano na-shoot isang paa niya sa gitna ng platform at train ng MRT. Yung mga ulo daw na ka-level niya naging mga tuhod nung nalusot na siya.

Mukhang matatagalan pa yung facilitator kaya kinuha ko na muna yung camera ko at naglakad sa labas ng pavilion.

Sumunod din sakin si Heejin.

"Uy," kinalabit niya ako, pabulong ang boses sa hina kahit malayo kami sa grupo. "okay lang talagang kasama ako dito?"

Kinuhanan ko muna yung man-made lagoon na may water course bago siya sagutin. 

Parang american ninja warrior yung course.

Jusko.

Ngayon pa lang naririnig ko na pag-crack ng mga buto ko bukas.

Sana hindi 'to kasama sa mga gagawin. Binigyan daw kasi sila ng list of activities na pagpipilian. Meron rope, relay, and water obstacle courses.

Tiningnan ko muna yung shot bago humarap kay Heejin.

"Nag-duet na kayo ni Yuna sa van, ngayon mo lang ako tatanungin niyan?"

Tinitigan niya ako ng masama.

Ang dami kasing energy nung dalawa kanina sa byahe. Sila nga lang natirang gising eh. Well, aside from me na nag-asikaso ng mga tulog.

Kawawa tuloy katabi ni Yuna.

Kapag nagkakasabay silang dalawa sa pagkanta, pipilitin ni Yuna humarap kay Heejin para mas dama nilang dalawa. Eh kahilera namin si Heejin sa likuran. Kitang kita ko from my seat ilang beses nagising si Lia sa likot ng katabi niya.

"Good morning po!"

Napalingon kami ni Heejin sa pavilion.

May isang lalake na naka-green t-shirt and camouflage shorts ang lumapit sa table namin.

Nagmadali na kami bumalik.

Napatid pa nga ako.

Ano ba naman yan, Minjeong. Patag naman yung daan.

Buti di nakita nung isa.

Pag-angat ko ng ulo, nakita ko si Karina na magkasalubong ang kilay sakin.

Nakangiwing kumaway ako sa kanya.

Umiiling siyang bumaling ulit kay kuya.

Sorry na..

Yung bato kasi..

Okay naman kami ni Karina ngayon.

I think.

I'm not sure if she noticed that I've been distancing myself a bit from her since that car ride. She'd usually drop subtle hints kasi na she knows what's up pero ngayon, ni-isa wala.

Or baka hindi ko siya nabibigyan ng opening kasi iwas talaga ako na maiwan kaming dalawa sa ilalim ng buwan.

Bwiset.

Ang hirap kaya!

Nabuburyo na ako sa loob ng kwarto ko. Sasama pa rin naman ako sa kwentuhan after dinner pero kapag umalis na lahat, papasok na ako sa kwarto ko or sasama kela Lia pabalik sa unit nila.

We still talk, of course. Hindi lang katulad ng dati.

Pero ngayon lang naman 'to.

I just need to find and set a boundary when it comes to her. I mean, nahihirapan kasi ako mag-set ng border between Winter and Minjeong kapag siya kausap ko.

She'd call for Winter but Minjeong would show up.

I'm not making sense, am I?

Kahit ako nalilito na minsan.

Basta gusto ko dun lang siya sa Winter side kahit ang hirap. Ito kasing sarili ko ang daldal pagdating sa kanya.

At saka, nandito ako to focus on myself.

Okay, ito lang aaminin ko sa sarili ko at once ko lang siya aaminin.

Fine, twice. Kagabi ko pa na-admit talaga.

I miss her.

Not in a romantic way ha? Delikado kapag umabot ako diyan given my situation.

Nami-miss ko siyang kakwentuhan.

Yun lang.

Umupo na ako sa tabi ni Yeji.

"Welcome to The Sanctuary! Ako po si Kuya Allan, I'll be your facilitator for the day." Malawak ang ngiti niya na tumingin sa amin at inangat din ang kamay. "Sino po ang owner ng Fort Cafe?"

Nagtaas ng kamay si Giselle at Karina.

"Any words of encouragement po for your employees bago tayo magsimula?"

Naghiyawan sila Yeji sa pag-udyok sa dalawa.

Nahihiyang umayaw si Karina magsalita.

"You're all dead." Banta ni Giselle sa lahat.

Yeah, I'm sure patay kaming lahat mamaya.

 


-----

 


"May groupings na po ba kayo?"

Tanong ni kuya Allan pagdating namin sa isang open area.

Ang layo ng nilakad namin from the pav, hingal na hingal kami ng mga kaibigan ko. Kung titignan ang grupo namin, makikita mo agad sino yung prepared for this at sino yung saktong ready lang.

Nag-rubber shoes naman kami tulad ng bilin ni Ning, pero ang kapal ng t-shirts namin nila Lia.

Mahangin pa kanina ha?

Ano nangyari?

Nang sabihin nila Karina kay kuya Allan na wala pang teams, nag-suggest siya to pair up and magbato bato piks na lang to form the groups.

Winners and losers.

Instead of leaders, magkakaroon lang daw ng representative per team. He reminded all of us na kahit may representative, mag-participate and contribute lahat sa discussion ng group per games. Wag daw mahiya to suggest a better strategy.

Teamwork and communication.

Tama ka diyan, kuya A!

Blue team (Winners) - Giselle, Ning, Ate Irene, Ate Teddy, Yeji, Lia, Mark, Jason

Red team (Losers) - Karina, Winter, Yuna, Chaeryeong, Heejin, Mabel, Japeth, Nico

Nagsama-sama na per group.

Groupings palang nangtrash talk na yung kabila, nanguna pa nga si ate Irene! Magiging totoo daw pagiging losers namin after ng games.

Ha!

No reason para magpatalo this time!

Nagkakagulo na kami nang may narinig kaming nakakabinging feedback galing sa mic.

Paglingon namin lahat kay kuya Allan, may suot na siyang headmic na nakasaksak sa isang portable speaker sa bewang. Ginagamit daw niya talaga yun kapag natapat siya sa maingay na grupo.

Ang lalakas kasi ng boses ng mga 'to. Kahit employees nila Karina nakikigulo na.

Pero brag ko lang, natalo ni Chaeryeong si Yeji sa short dance showdown nila. 

Nag-twerk kasi yung isa!

Kahit kami ni Lia nagulat eh. Ginagawa naman niya yan kapag nakainom pero ang weird pala kapag napanood mong sober?

"First icebreaker po natin ay — Picture Me." Nakangiting sabi samin ni kuya. "Meron po kayong 3 minutes to plan at execute ang scenarios na ibibigay ko." Nagtanguan kaming lahat, tinaas niya ang kamay. "First scenario — normal day sa cafe!"

Mabilis na nag-huddle ang mga grupo.

"Kapag 'to hindi natin nakuha, itatakwil ko kayong tatlo." Pabirong sabi ni Karina sa mga tauhan niya.

Kabadong nagtawanan yung tatlo.

Ang scary mo po, ma'am Karina.

Isa isang nagsabi mga groupmates ko kung anong gagawin nila at pumwesto na din.

Si Mabel ang barista.

Si Heejin ang umo-order.

Si Japeth, Nico, at Yuna ang lamesa at upuan.

Si Chaeryeong, barista din na naglilinis ng lamesa? Hinahaplos niya likod ni Nico eh.

Si Karina umupo sa likod ni Yuna as customer.

Napako ako sa kinatatayuan ko kasi naunahan ako sa umo-order ng drinks sa counter. Customer na lang kaya ako na kakapasok lang?

"Last 10 seconds!"

Bigla akong hinatak ni Karina para umupo sa tapat niya, nakaupo ako sa likod ni Japeth.

"3, 2, 1, freeze!" Naglakad si kuya A paikot sa mga grupo. "Aba, parang magkaparehas lang ah? Magkakaalaman po anong laman ng mga litrato niyo. Dito muna tayo sa blue team!"

Pinuntahan ni kuya Allan yung grupo nila Giselle at tinanong isa isa kung anong role nila. Halos magkaparehas nga yung teams namin.

Naiba lang si Ning.

Nakataas ang dalawang kamay niya at nakatagilid ang kalahati ng katawan.

"Soft opening po ng branch kaya -" she moved her upper body, her arms flailing. "inflatable tube man!"

Ning naman..

Tuwang tuwa si kuya Allan sa kanya at pinalakpakan pa siya.

"Pwede na po kayo makahinga sa gilid." Tumingin na si kuya sa amin. "Dito naman po tayo sa next group." 

Nakangiting lumapit na sa grupo namin si kuya para tanungin kami isa isa.

Nung papunta na siya samin ni Karina, naghiyawan yung kabilang grupo.

Hindi namin napag-usapan ni Karina anong isasagot pero may idea na ako kung ano 'to. Same lang nung kela ate Irene at ate Teds - magjowang nasa date.

Sana grupo na lang namin naunang tinanong ni kuya. Nagkaroon pa tuloy kami ng audience na magugulo.

"Okay lang po ba makaistorbo?" Mapang-asar na tanong ni kuya A kay Karina, titig na titig kasi siya sakin, on point daw kasi dapat. "Ano po ang role niyong dalawa?"

"Mag-jowa nasa date!" Tukso ni ate Teds.

Pinalo siya ni ate Irene para wag makigulo.

Ako na sasagot!

Tumingin ako kay kuya. "Magkai -"

"Mag-jowang nagkakalabuan po." Sagot ni Karina kay kuya pero nakangisi sa akin.

Shet.

Subtle hint.

Nanginginig yung 'upuan' ko. Nagpipigil ba 'to ng tawa?

"Eh bakit walang umiiyak?" Ambag ni ate Irene sa pang-aasar.

Akala ko hindi makikigulo, ate?

"Pipigilan ko pa siya makipaghiwalay eh." Kinindatan niya ko.

Tumilapon ako nang biglang tumayo si Japeth. "Mumsh, ayoko na! Hindi ko kayo keri!"

Batang 'to!

Yung pwet ko!

 

 

-----

 


First activity - Spider Web


Ang lawak ng resort na 'to.

Pakiramdam ko dulo sa dulo yung nilalakad namin papunta sa sa mga activity areas.

"Nakapag-warmup na po ba tayo?" Masiglang tanong samin ni kuya A kahit tagaktak na din ang pawis niya sa noo.

Maliban sa Picture Me, nag-unity walk din kami. Nagkalituhan pa mga grupo namin kasi sabay na sumisigaw both teams ng directions kung ano ang i-aangat na paa, kung left or right. Ilang beses tuloy nasubsob lahat! 

Pakiramdam ko naubos na yung tinulog ko kagabi.

Nag-short break muna kami bago pumunta sa first activity area.

"For the first activity," panimula ni kuya A sa unahan, "you ca

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
#1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((