boom bars

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi na ako natutuwa.

Gusto ko lang naman lutuan si Karina.

Gusto ko lang magpasalamat pero bakit parang ayaw ng mundo?

Plano ko sana siya i-surprise with a breakfast pero hindi ako nagigising on time. Twice ko naabutan na may pagkain na sa lamesa. Ang palamunin ng dating ko.

First attempt, nung tinanong ko what time siya nagising, 6am lang naman. Ginising daw siya ni Giselle.

Ning, who?

Second attempt, nag-alarm nga ako. PM naman na-set ko.

Ano ba?

Favorite topic na 'to ng pinsan ko, magiging life long mission ko naman ata.

Okay, fine. Kasalanan ko naman bakit hindi natutuloy. Hindi ba ako pwedeng tulungan ng mundo kahit kaunti lang?

Pero hindi ako susuko. Not today.

Kung pagtitripan ako ng universe, lalaban ako.

I checked everything. Lahat ng possible scenarios, loop holes na planong ibato sakin ng universe. Grocery, alarm, at biglaang lakad nila ni Giselle.

Weird yung last pero you'll never know kaya tinanong ko na lang din. Timing naman kasi weekly jogging nila. Marami akong time to prepare.

Nagpagising din ako kay Ning bago siya umuwi ng Pangasinan, just in case.

May kailangan daw asikasuhin si kuya Leng. Walang tutulong kay auntie sa water station kaya kailangan niya umuwi. Gusto pa ni Ning bumalik din agad. Sabi ko na lang magpabukas na doon at nakakapagod din bumyahe.

Today yung photography class ni Lalisa kaya hindi na niya ako inaya. Although it's odd na hindi niya ako kinulit sumama.

Pumunta ako ng kitchen at sinimulan ko nang gawin yung french toast.

Eggs. Vanilla. Cinnamon. Milk.

While preparing the egg mixture, sumayaw-sayaw pa 'ko kasabay ng napili kong kanta.

Sara Bareilles - I Choose You.

Ngayon ko na lang ulit binuksan spotify ko. Ang funny lang, trabaho ko 'to pero I lost interest for some time.

But not today!

Maganda gising ko kaya Sara, drop the beat!

"I choo-oo-ooo-oooo-oose yoo-oo-ooo-oooo-oouu." Sinabayan ko yung chorus habang hinihiwa ang loaf of bread.

After dipping 1 slice, pinainit ko na ang isang skillet at pinahiran ito ng butter.

Nagplay ang next song.

Ano 'to?

Pag-check ko, Wicked pala, yung musical. Pumili na ako ng ibang kanta, yung fit sa mood.

Jon McLaughlin - I Write Her a Song Every Day.

Tinuloy ko na ang pagluto sa tinapay.

I placed the cooked slices sa isang plato at naglabas ulit ng eggs for omelet. Baka mabitin kami kung tinapay lang eh.

Bago ko pa ma-crack yung unang egg, dumating na din sila Karina. Si Giselle unang pumasok.

Kinuha ko agad yung phone ko at pinatay yung music.

"Oh? You're up early?" Tiningnan niya yung stove and plate with french toast. "You're cooking breakfast?" She asked, looking excited.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang marinig ko si Karina mula sa door.

"...thank you ulit!" Sabi niya.

Nakangiti akong sumilip nang sumarado na yung pinto. Lumingon din si Giselle kay Karina.

Is she holding a plate?

"Wow, ang aga mo today!" Nakangiti si Karina sakin. "You're cooking?" Napansin din niya yung kalat ko sa kitchen counter.

Inusisa ni Giselle yung plato na hawak ng kaibigan niya. "Anong binigay sayo ngayon?"

Inangat ni Karina yung takip at para akong binagsakan ng langit at lupa.

French toast.

Sinong Diyos ba na-offend ko?

Nag-flash sa utak ko yung time na may bibigyan sana ako ng teddy bear. When I was about to give it, ang sabi niya sakin 'may ganyan din ako, bigay sakin.'

Ganitong-ganito yung feeling.

Hindi ko na lang pinahalata pagka-awkward sa nangyari at ngumiti.

"Ahh. Nagluto ako breakfast ko and baon ko na din para sa photog class later." Singit ko sa kanila, naunahan na ng hiya. "Sorry, akala ko sa labas kayo kakain eh. Iilan lang ginawa ko."

Ang galing ko sa math. Iilan, 8 pieces?

Kasi naman..

Bakit may kalaban?

Bakit naman ako tinapatan ng french toast din and with blueberries pa? Anong laban ko dun?

Papanindigan ko na 'to.

"Karina, pwede makihiram ng tupperware?" Tanong ko.

Tumango lang siya at kumuha ng tupperware sa cabinet. Inabot niya ito sa akin pero bakit parang nag-iba mood niya? Hindi niya ako tiningnan eh.

Nakita ko si Giselle na nagpipigil ng tawa sa nangyari. Kinwento na siguro sa kanya ni Ning lahat ng failed attempts ko.

Pinanlakihan ko lang siya ng mata para tumigil.

Binalik ko yung mga itlog na kinuha ko sa ref. Kinuha ko na din yung honey at kumuha ng dalawang pirasong toast sa baunan.

Pumwesto na kaming tatlo sa dining.

"Ang sarap nito ha!" Comment ni Giselle, mapang-asar ang tingin sakin. "Pero tingin ko mas masarap yang tinapay mo, Winter."

Do I offer them a bite or no? Kaso nahihiya ako sa gawa ko. Ang restaurant quality nung bigay sa kanila. Chef pa ata yung nagluto.

"Ang dugyot pakinggan." Singit ni Karina. "Wag mo nga pagdiskitahan pagkain niya. Ito oh." Sinubuan niya si Giselle.

Nabasa niya ata internal struggle ko.

Buti na lang wala si Ning. Hindi ko kakayanin kapag sabay sila ni Giselle nang-asar.

Tahimik lang akong kumain habang nakikinig sa usapan nilang magkaibigan.

They talked about their scheduled meeting with an interested investor ng cafe nila. Hindi pa daw sigurado kasi for Giselle, masyado pang maaga para mag-expand. Gusto kasi ng investor mag-open ng isa pang branch, yung malapit sa university. 

Karina thought differently about the offer.

Hindi naman sila nag-away sa harap ko pero parang papunta na nga dun. Tumataas na kasi boses nilang dalawa. 

Ang awkward. Nandito ako, guys.

Yung mga mata ko palipat lipat sa kanilang dalawa habang sumusubo ako ng toast. 

Lumalim na sagutan nila.

"How will the cafe grow if we're scared of taking risks, Giselle? Part ng business yun!"

Bilisan mo na lang kumain, Minjeong.

"And if hindi nag-work, iyak na lang tayo? Pera usapan dito, baka lang nakakalimutan mo." Sagot ni Giselle.

Should I leave the room? Pero masisira momentum nila kapag tumayo ako..

"Then we try again." Karina said, her tone calm. "At least we tried and may natutunan tayo from that experience. That's how we grow."

Tumahimik sila parehas.

Nabilaukan ako out of nowhere.

Sabay silang lumingon sakin.

Ngayon lang nila naalala na may kasama sila. Naging audience niyo po ako.

Huminga ng malalim si Giselle at sinabi na lang na pag-iisipan niya mabuti bago siya mag-decide.

Napansin naman ni Karina na naubos ko na yung pagkain ko kaya she offered na i-try ko yung kanila.

Ginamit pa akong change topic. Sinabi ko na lang busog na ako.

Tumawa si Giselle.

"That's new. Malakas ka kumain eh." Sabi niya, her stare suggesting something else. "Hindi ka mag-round two? Marami pa naman yung niluto mo." Ngumisi siya.

Wag mo ilipat sakin ang spotlight!

Pinanliitan ko siya ng mata nang tumayo si Karina para kumuha ng tubig.

"Medyo masama lang pakiramdam ko kaya wala din gana." Palusot ko.

Tumingin sakin si Karina.

"Parang maputla ka nga." She said, studying my face. "May class ka later di ba? Tutuloy ka ba?"

Mamayang 10 am yung photography class.

"Yup." Tipid kong sagot.

Inantay ko sila matapos kumain para ako na maghugas ng mga plato.

Pumasok na si Karina ng kwarto niya pagkatapos namin magligpit sa dining.

Bago magpaalam yung isa, nilapitan niya ko sa kitchen.

"Bumawi ka ha. Manok kita eh." Mahina ang boses. Kinurot pa ako sa pisngi.

Ano bang pinagsasabi ng pinsan ko dito? Parang gusto ko na sila paghiwalayin.

I admit, maganda si Karina. Masarap siyang kausap at sobrang maalaga sa tao. I should know, recipient ako palagi.

But that's just it.

"Ay ako ba yung manok, Ae? Akala ko kayo. Sabong yung na-witness ko eh." Asar ko sa kanya, changing the topic.

Kinurot niya ako sa tagiliran. Muntik ko pa mabitawan yung plato na sinasabunan ko sa sakit.

"It's Giselle nga kasi for you." Binaling niya ang mga mata sa hinuhugasan ko. "That's how we discuss things. Pasensya ka na. Masasanay ka din sa amin."

"Pwede yung hindi ako napaggigitnaan? Ang awkward eh. Gusto ko na magpabaon sa lupa kanina."

"Dahil ba samin?" Mapang-asar ang tono. "Hindi dahil sa pa-breakfast mo?"

Tiningnan ko siya ng masama.

Tumawa lang siya at nagpaalam na din.

Pumunta na ako ng kwarto para mag-ayos ng gamit after maghugas. Aagahan ko umalis. Baka maipit ako sa traffic.

Habang inaayos ko yung backpack na gagamitin ko, nakita ko yung tupperware with my 'baon.' Naalala ko na naman yung nangyari kanina.

Yeah, I could've just said na nilutuan ko nga siya ng breakfast. I don't know. Naunahan ako ng hiya eh. Nahalata kaya ni Karina? Ang galing pa naman magbasa nun ng tao.

Kinuha ko yung phone sa bedside table at nag-send ng message kay Ning.

 

Me: Saan pwede mag-alay ng itlog para mawala ang malas?

 

Umilaw din kaagad yung phone pagkalapag ko nito.

 

Ning: sayang itlog, gawin mong scrambled
Ning: boom bars
Ning: baka kapag simple lang niluto mo wala nang gumaya *wink*

 

Ang bilis naman ng balita.

 

Ning: simplicity is beauty insan
Ning: kung hindi madaan sa simpol, gamitin ang iyong dimpol
Me: Yan lang matutulong mo sakin?
Ning: ang dami mo kasing alam. Kelangan breakfast?
Ning: E HINDI KA NAMAN MORNING PERSON 
Ning: pinapahirapan mo sarili mo
Ning: manliligaw ka ba?

 

Hindi ko na siya sinagot.

 

 

-----

 


Thank the Gods at hindi ako na-late.

Pagbaba ko ng Grab tumakbo na ako papunta sa store. Dun din kasi ang venue for the class. 

Nilapitan ko si ate sales clerk pagdating sa entrance and asked saan yung class. Pinakita ko sa kanya yung confirmation sa phone ko and dinala niya ako sa dulo ng store. Pumasok siya sa isang pinto.

May classroom pala sa likod.

Hindi kalakihan yung room. May nakaset-up na backdrop with some lighting equipment sa harapan. May table and screen din sa tabi nito.

Nakahilera ang tables and chairs for the attendees. Limited slots nga talaga yung class. I think wala pa kaming 15.

Umupo ako sa may likuran. Dito na lang may bakante eh.

Kinuha ko sa bulsa yung phone ko at nag-send ng message sa group chat. Ginawa ni Ning para daw alam ng lahat kung nasaan ako if maisipan kong umalis ng condo.

 

(Group chat: Unit 1117)

Me: Dito na ako sa class.
Giselle: Have fun! :)
Ning: nagdala ka ba ng payong?
Karina: Did you bring your baon?
Ning: boom bars
Giselle: HAHAHAHAHA

 

Binulsa ko na phone ko bago pa 'ko simulan nung dalawa.

Kinuha ko sa bag yung bagong camera at kinalikot na lang habang nag-aantay.

Kinabukasan after the P. Tuazon incident, pumunta kami ng Mega para bumili ng bago

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u