YOLO.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

All along the Western front

People line up to receive

She got the power in her hand

To shock you like you won't believe

 

 

Happy to report, buhay pa ako.

Well, kailangan.

Kahit nakakatunaw ang titig ni Karina sa akin.

Babe, kalmahan mo lang.

I know extra cute ako today dahil sa navy blue sweater ko with bear design, denim shorts, and black low cut converse. Mukhang masaya si Karina sa outfit upgrade ko kaya napapatitig ito sa akin.

Syempre mas cute ang girlfriend ko! Tinatanong pa ba yan?

Sleeveless pastel pink top. Black smart shorts na nagcompliment sa long legs niya. White snickers. At messy bun para ma-flaunt niya ang shoulders at collarbone.

Nakakagigil.

Kung wala lang kaming isa pang pasahero at di lang niya ako tinatantsa ngayon baka pinanggigilan ko na talaga si Karina.

Nakakatuyo din ng lalamunan ang katahimikan.

Electric feel by MGMT yung kanta pero yung feels dito sa sasakyan, awkward nothing electric. Nagpapakiramdam lang ba kaming tatlo or ganito lang talaga sila as pasahero?

Okay.. nevermind.

Eyes on the road, Minjeong.

Head bop na lang sa kanta. 

 

 

Saw her in the amazon

With the voltage running through her skin

Standing there with nothing on

She gonna teach me how to swim

 


"Anong nagustuhan mo sa kapatid ko?"

"Wow, Ate."

Gusto kong mabilaukan pero di pwede.

Ako may hawak ng manibela.

Sabay kami napatingin ni Karina sa nasa likuran; ako sa rearview mirror, Karina turned to Ate Irene seated sa gitna ng backseat.

"An icebreaker wouldn't hurt like kamustahin mo muna si Winter or remind her of her rent diba?'"

Tinawanan niya kami. "Think of this as practice for later, Winter. So.."

"Again, Ate, kamustahin mo muna, please?" Medyo pataray ang tono ni Karina pero natatawa rin sa trip ng kapatid.

On the way kaming tatlo sa Pampanga ngayon.

Tomorrow morning pa dapat kasama buong grupo pero pinauwi ang magkapatid ni Tita Kat para magpatulong sa mga kailangan pang asikasuhin for the party on Saturday. Busy raw kasi si Tito Ice sa work so ipapasuyo na niya yung iba sa mga anak.

Original plan was susunduin kami ng family driver nila Giselle para iisang sasakyan lahat. Yan pa rin naman yung plano minus us three na lang. May mga trabaho halos lahat sa amin kaya di rin makakasama.

"Sige." Nagtama mga mata namin ni Ate sa rearview. "Kamusta naman kayo ng girlfriend mo na, by the way, ay kapatid ko na kasama mo rin sa bahay?"

Good Lord.

Nasa EDSA pa lang kami!

Wala pa sa kalahati ng byahe namin!

"Will you please stop it, Ate?"

"I'm just joking. Right, Winter?"

Tumango ako kahit labag sa kalooban.

Joke ba yon..

Yung tanong parang may bahid ng pananakot..

Yung pananakot na alam niyang kami na nung isang araw pa at yung tanong ay munting paalala na bakit hindi ko pa siya kinakausap tungkol sa kapatid niya.

Kakausapin ko naman talaga siya eh. Hindi lang ako makahanap ng timing and.. paano ba kasi sinisimulan yun? Paano yung flow ng conversation?

'Ate Irene, kami na po ni Karina. Also, na-transfer ko na po rent for this month.'

Ganyan?

My god, I'm 25 and I still don't know how to do this.

I never met Somi's parents.

Wala din akong reference mula sa tatay ko kasi poging pogi siya sa sarili niya. Si lola raw kasi yung nanligaw sa kanya para sa nanay ko!

Tapos kakausapin namin parents ni Karina mamaya??

Yeah, di pa niya sinasabi kela Tito which is totally fine by me kasi gusto ko rin talaga silang makausap in person.

Alam kong nasa tamang edad na kami and all pero gusto ko pa rin talaga ipaalam si Karina kela Tito. Para alam nila na malinis ang intensyon ko sa bunso nila at hinding hindi sasaktan.

Juskolord.

Taympers.

Iniisip ko pa lang yung mukha ni Tito mamaya habang sinasabi ko na 'kami na po ni Karina, opo, aalagaan po, yes po, di po ipapakagat sa lamok' kinakabahan na ako.

I think it's proper to ask for her parents' blessings to our relationship. No further explanation needed kasi magulang yun. Any parent would want to know their daughter is in good hands.

Ehem, ehem.

Good hands would be me.

Kaya sabi niya sige, today namin kakausapin.

Kapag inofferan ako ng isang milyon para hiwalayan ang anak nila, tatanggihan ko kasi test lang talaga yon. Parang pera o bayong, laban laban lang, walang bawi bawi. Sana lang hindi ako i-get get out nila Tita.

"Kamusta kayo ng kapatid ko, Winter?'

Ayan, medyo kalmado na yung tono ni Ate. I think she's genuinely asking kung kamusta kami ng girlfriend ko na kapatid niya na kasama ko rin sa bahay.

Bakit ba ako nag-sweater?

Ang init.

Okay naman kami ni Ate Irene before maging kami ni Karina. Hi hello kapag nakasalubong sa lobby ng condo or sa cafe. May konting chikahan kapag nagkasabay sa elevator. Kapag tinamad siya magluto bababa din sila samin para makikain.

Di ko sure paano ngayong kami na ng kapatid niya. Ngayon ko na lang siya ulit nakita eh.

"O-okay naman po kami.." Sagot ko.

"Yun lang?"

Hala, ano pang gusto malaman ni Ate Irene? Okay naman talaga kami ng kapatid niya eh. Smooth sailing so far.

Napaiwas ako sa dumamping tissue sa mukha ko.

Akala ko kung ano, si Karina pala. Pinunasan yung very visible butil ng pawis sa noo, nilakasan na rin niya yung aircon at tinapat yung isa sa akin.

"Dapat di ka nag-sweater, babe." Bakas ang concern sa mukha niya.

Pinigilan ko mangiti ng todo, hayaan ko nang ilaglag ako ng dimple ko.

Hindi kasi ako prepared!

Kinikilig ako kay Karina tapos sa Ate niya kinakabahan ako. Sabog na yung nararamdaman ko.

Kayanin mo 'to, heart.

Tiisin mo lang for, ayon sa waze, the next 4 hours. Aakyat ba kami ng Baguio, baket ang tagal?

"Ate, tigilan mo na."

"Dad's right, protective ka kay Winter."

"Wala sa usapan natin kagabi na tatakutin mo girlfriend ko."

BAKIT BA AKO NAGPRESINTA MAGMANEHO? 

'Girlfriend ko.'

Ang sarap ulit-ulitin.

Kung hindi ko lang hawak yung manibela baka naging uod na ko sa kinauupuan ko. Iba yung epekto kapag tinatawag kang girlfriend sa ibang tao eh!

Di ko nasundan yung pinag-usapan nila kasi busy ako lumipat ng lane pero rinig ko yung pag-whine ni Karina sa Ate niya na parang bata.

Nasa Balintawak na kami, palabas na ng NLEX. Lumuwag na yung traffic paglagpas namin sa SM North.

May mga truck kasi na nakikipaggitgitan. Feel na feel ng mga driver na pang-bumpcar lang dala nila.

"Promise, behave na ako."

"You better, Ate."

"How are things sa bahay, Winter? Pinapauwi ka pa ba ng kapatid ko sa kwarto mo?"

"My god, Ate!"

Unusual occurrence marinig magmaktol si Karina kasi between the two of us, ako gumagawa non. Lumalabas yata talaga pagiging bunso niya kapag pamilya ang kasama.

I caught Ate Irene smirking kay Karina nang tingnan ko siya sa rearview. Nang magtama mata namin, kinindatan niya lang ako.

Okay, gets.

Medyo nawala na yung kaba ko kasi yung kasama na namin ang target niya ngayon.

"Hindi ako ganyan kay Ate Seul before."

"Excuse me? Nakalimutan mo na yata yung ginawa mo kay Seulgi."

Tumawa na si Karina.

"Anong ginawa mo?" Curious kong tanong ko.

"Sabi lang naman ng girlfriend mo kailangan humalik muna sa sahig kapag bagong tapak sa bahay."

Pumalakpak na din yung katabi ko kakatawa.

Akala ng mga tao sa aming dalawa, ako yung maloko o malakas mangtrip ng iba. Try nila makasama si Karina si bahay, magbabago yan.

"Baliw ka, babe." Sita ko pero ngumisi din. "Ginawa nga?"

"Paluhod na." She said in between her laughter. "Priceless."

"Dapat pala di ko kinwento para pagawa ko kay Winter mamaya."

"Subukan mo lang talaga, Ate."

Napunta yung usapan namin kay Ate Teds at bakit hindi siya nakasama samin ngayon.

Dapat kasama namin siya eh. Tinanong pa nga niya ako anong snacks gusto for the drive nung nakasabay ko siya sa elev the other day. Pagbukas ko ng pinto kanina si Ate Irene at isang can ng pringles ang sumalubong sakin. Proxy daw ni Ate Teds.

Nagpatawag pala kasi ng emergency meeting in preparation yung department for the school year. Next week na kasi start ng classes. At bilang associate professor, required siya umattend.

Nasa may Bulacan na kami banda nang magsabi si Karina na gusto niya sana mag-CR.

"Ready ka na for dinner, Winter?"

"I think.." Nagsignal ako pa-right bago lumipat ng lane, malapit na rin yung next stopover na madadaanan namin. "Maduduwal po ako sa kaba."

Itatago ko pa ba? Yun naman talaga nararamdaman ko eh.

"Wala siyang printed speech like Ate Seul though."

Pumalakpak kakatawa si Ate Irene.

"Yung speech niya na may line height, letter spacing, at margins kasi ginawa niya sa photoshop." Dagdag pa niya. "Wala daw siyang MS Word sa laptop niya."

Natatawa na rin ako pero kailangan ko ipagtanggol si Ate Teds!

"Grabe kayo! Akala niyo ba madali malagay sa posisyon namin?"

"Winter, yung pinagtatanggol mo wala dito. Okay lang, you have my blessing."

Humapyaw ako ng tingin kay Ate Irene. "I'm guessing hindi niya nabasa yun?"

"Not even a word out from it." Sagot ni Karina. "It was the most funny and brutal thing."

"An hour before meeting our parents, na-crumple niya yung papel sa kaba, akala daw niya yun yung tissue." Dugtong ni Ate Irene sa kwento.

"When Ate Seul tried straightening the paper, napunit niya in half. Basa na rin pala sa pawis dahil pasmado siya. Mind you, napunit niya nung kaharap na niya sila Daddy."

"Dad warmed up to her after that."

Ate Irene was looking outside the window when I glanced at her.

I don't know.. something was off sa sinabi niya. Not really off na ayaw niyang natanggap sila nila Tito. More like, there's more to the story.

Narating na rin namin yung stopover.

"Who wouldn't? Natatawa pa rin ako kapag naalala ko gano kaputla si Ate Seul non." Karina unbuckled her seatbelt, marking the end of the story.

I didn't ask more questions. Baka masira pa yung mood dito sa car.

"You guys want anything? Coffee, babe?"

"Meron pa sa tumbler," I answered, smiling.

"Water?"

"May baon rin tayo, babe." Paalala ko.

Ngumiti lang siya and bumaba na rin.

I watched Karina cross the road and until mawala na siya sa paningin ko. Ang daming tao. Last hurrah bago mag-back to school kasi may pamilya at mga mukhang studyante pa akong nakita. Nahirapan din kami maghanap ng parking kasi punuan, medyo malayo tuloy nilakad ni Karina.

Siya kaya nagprepare ng mga baon for this drive. Water, snacks, may gamot pa nga like paracetamol, pati kape binaunan niya ko. Kulang na lang pati babaunin kong damit siya na mag-empake eh. Buti napigilan ko pa.. slight.

May mga inabot siyang travel items na alam niyang di ko iisipin. Like laundry bag, shoe bags, and travel bottles daw for my skincare kit para di ko dalhin buong bote.

Akala niyo nalunod ako sa pagiging organized ng girlfriend ko?

Nope.

She's amazing. Pati bote meron siya. Napagtanto ko na ang laid back kong tao kasi plano ko lang talaga i-plastic mga madudumi kong damit pati mga sapatos.

"Take care of my sister, okay?" Putol ni Ate Irene sa pagmamatiyag ko sa mga tao. "Subukan mong saktan katulad nung last, sinasabi ko sayo, Winter, baka di ka makabalik ng buhay sa US."

"I won't even dare think of it." I smiled. "And yes, I will take care of her."

"Thank you."

"I'm sorry di ko kayo kinausap muna about samin."

"Nasa tamang edad na kayo ng kapatid ko, there's no need to ask for my permission. But if I may ask, anong nagustuhan mo sa kapatid ko?"

I unbuckled my seatbelt and turned my body to face her. Puros sa rearview lang kami nag-uusap eh.

"Aside from who she is and how she is to other people?" She nodded and waited for my answer. "She values her family just like me."

Ang tagal bago ko siya nagustuhan or maybe gusto ko na talaga siya dati pa preoccupied lang ako with a lot of things. But when I saw Karina with her family.. ewan ko. Whole new side of her for me eh.

"I was curious lang talaga pero yung sagot mo pangsagot sa tatay ko. Yan isagot mo mamaya ha?"

I chuckled.

Napasarap kwentuhan namin tungkol sa parents nila, nakabalik na pala si Karina.

"What I missed?"

"Not much." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Natapilok ako. Panigurado ako yan."

Sabay kaming tumawa ni Ate Irene. Pero ibang rason yata yung kanya kasi paglingon namin ni Karina, she was reading something sa phone niya.

"Nagmessage si Seulgi. And I quote, utang na loob wag niyo kong pag-usapan. Kanina ko pa nakakagat dila ko."

At napuno na nga ulit ng tawanan ang sasakyan.

Bumyahe na ulit kami.

Nginitian ako ni Ate Irene sa rearview mirror.

Alright, one down.

Relaxed na rin ako compared nung nagsimula kaming bumyahe. Sana magtuloy-tuloy.

Next up, parentals.

 

 

 

-----

 

 

 

"Babe."

"Babe?" Sagot ni Karina from the other line. "Kakauwi lang namin ni Mommy dito sa bahay. Papalit lang ako then puntahan ko kayo ni Ate."

Okay.. mukhang hindi niya alam ang nangyayari.

Sinalubong kami ni Tita Kat pagdating namin sa kanila and as much as she wants to give me a tour daw sa PalasYu (gotta admit, ang witty ni Tita dito) nila, we'll have to postpone it muna. Late na raw siya sa ka-meeting niyang supplier nila sa restaurant.

We were supposed to eat lunch din kela Karina pero lagpas lunchtime na kami nakadating. Buti na lang may binaon din na sandwich si Karina sa byahe.

Binaba lang namin yung mga bags then umalis na rin.

Ako nag-drive for Ate Irene, si Karina sa mommy niya. Alangan naman ako magdrive para kay Tita, diba? Baka tunaw na talaga ako sa kaba. Buti na lang naunahan siya ni Ate Irene kasi parang gusto nga akong hiramin sa anak.

Pero parang ganun din yung nangyari, matutunaw ako pagbalik ko sa lamesa.

After namin mamili ni Ate Irene sa mall, nag-aya siya na magkumain muna kami. Sakto kasi gutom na rin ako eh.

"No rush, babe. And please ingat sa pag-drive pero ano.." huminga ako ng malalim. "How long will that take if ever?"

"Is everything okay?" She asked, worried.

Nakutuban yata ni Karina na may something.

May something talaga, babe!

"Ate daw kakausapin pero babe ang tawagan. Wag ako, Wintot!"

Blag!

Shet.

"Is that -"

"Na-ambush ako ng mga pinsan mo, babe."

"Oh my god." Tinawanan niya lang ako. "Okay, I'm on my way. Hold the fort."

"Ingat ka ha?"

Binaba na namin yung tawag.

Hold the fort. Okay. Kaya ko 'to.

Naghilamos muna ako bago bumalik sa lamesa namin.

Ang hulas na nga ng itsura ko!

Di pwede 'to, kailangan mukha akong fresh kasi ang fresh ng mga pinsan ni Karina! Legit, flower garden clan!

Kaya pala nagsorry si Ate Irene pagpasok namin sa restaurant. Yun na pala kasi tutumbad sakin! Nagtaka pa nga ako bakit kami uupo sa table na may nakaupo na.

Okay lang naman pero di ako prepared! Akala ko sa sabado ko pa sila mami-meet or sa Sunday.

Pagbalik ko sa lamesa namin, walang pinagbago. Ganun pa rin mga tingin nila sakin -- nanlilisik.

Lunok na lang ng hangin.

Kaka-order lang din namin nung nagpaalam ako na mag-CR kanina. Natagalan yata sila sakin kaya pina-check na nila ako.

Di naman ako tatakbo no!

Kinalabit ako ni Ate Irene pagtabi ko, may pinabasa sa phone niya. Si Karina.

 

Karina: How dare you!
Irene: She'll live. Akong bahala.
Karina: Gumaganti ka ba sa ginawa ko kay Ate Seulgi dati??
Irene: Oh, right. Ganito din ginawa mo before.
Karina: You're so dead when I get there!

 

Nangiti ako sa pagiging protective ng jowa ko sakin.

Pero baliw yan, don't be deceived. Ang lagay eh, siya lang pwede mangtrip sakin. Kapag ibang tao, depende pa kung papayag siya.

"Kilatisin na yan habang wala pa si Karing."

Sabay kaming nag-angat ni Ate Irene ng ulo.

"Si Karina po ba si Karing?" Pigil ang tawa ko pagbulong kay Ate Irene.

"Patay talaga ako sa kapatid ko mamaya." Sagot din niya sakin nang pabulong.

Pasimple akong tumingin sa entrance ng restaurant na tanaw mula sa kinauupuan ko.

Hold the fort.

Okay, ilang minuto lang, kaya ko 'to.

"Malinis ba intensyon mo sa pinsan namin?" Agad na tanong ng katapat ko.

"Opo, Ate.." tinaasan niya ako ng kilay. "Joy?"

Isang tango.

Bawal ako magkamali sa pangalan!

Base sa short introduction kanina, pinsan buo siya nila Karina sa mother side.

"Wintot," tawag ng katabi niya. "Baka paiyakin mo pinsan namin."

"Hindi po, Ate.." tumaray ang kanyang mukha. "Yeri?"

Isang tango din ang natanggap ko.

Pinsan buo din siya pero sa father side.

Sabay sabay kaming tumingin sa isa pa nilang kasama.

"..."

Siniko siya ni Ate Joy. "Teh, turn mo na magsungit."

"..."

Hindi pa ba pagsusungit yung talas ng tingin niya sakin? Sa sobrang talas hindi ko na maalala pangalan at family history niya!

Hindi rin ako matutunaw eh. Liliyab na lang ako bigla sa kinauupuan ko.

"..."

"Tunaw na si Winter sa titig mo, Jennie." Sabi ng katabi ko na si Ate Irene.

Ayun!

Jennie!

Kanina pa nakataas kilay niya sakin..

Ate Jennie.. di po talaga pantay kilay niyo?

"Wala akong tiwala kapag may bangs." Simula niya, tinanguan yung said bangs ko.

Tumingin silang lahat sakin, tiningnan din ang buhok ko. Medyo weird na nga kasi tinitigan lang nila.

Anong kinalaman ng bangs dito?

"Ano pong meron sa bangs ko..?" Kabado kong tanong kay Ate Jennie.

"Habulin ng babae, masakit sa ulo."

Nanlaki ang mga mata ko sa akusasyon sa akin.

Habulin ako pero di ako masakit sa ulo!

"Oh, yeah." Tumango tango din si Ate Irene habang nakatingin sakin. "May bangs era din si Seulgi, sumakit ulo ko."

"Napaka niyong dalawa." Singit ni Ate Joy. "Naloka rin naman kayo sa bangs ng mga jowa niyo."

"Akala mo hindi ikakasal sa nakabangs yang si Ate Jennie." Sagot ng katabi niya.

Ikakasal naman pala siya eh.. 

Bakit niya pinagdidiskitahan bangs ko..

Gusto na tuloy nila umurong..

"Uy," kinalabit ni Ate Joy si Ate Yeri at inakbayan ito. "wag ka magbanggit ng kasal. Nahu-hurt si Ate Irene."

Huh?

Baket?

Anmeron sa kasal?

Bigla naman cinompose ni Ate Yeri ang sarili at mukhang may gustong i-channel na tao. Lumawak ang ngiti niya, tumawa tawa pa.

"Hoy, Anj! Di sa.. tagal yan ha. Yung iba nga diyan sa hinaba-haba pero sa hiwalayan pa din ang tuloy. Diba, Joy? Ay, Poy." Ngumiwi si Ate Yeri, kinurot yata siya ng katabi. "Poy nga!"

"Gaga ka! Tayo magkakampi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u