Background check tawag dito, Win.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Ano yung  tumutunog?

Phone ko ba yun?

Tamad kong kinapa sa bedside table yung cellphone ko na kanina pa nagri-ring.

"Hell -"

"Winter Kim!"

Huh?

Hindi ko mabosesan kung sino yung nasa kabilang linya dahil sa antok. Madilim pa sa labas nang sumilip ako sa bintana, madaling araw pa lang ata.

"Ate?"

"Engk! Try again."

Nilayo ko saglit ang phone sa tenga para makita sino ang kausap. Pilit kong idinilat ang mga mata na bahagyang lumaki din nang mabasa ko sino, 'Maflia.'

"Lia?"

"Pinas? Talaga? Without telling us?"

I'm dead.

Naunahan ako.

Ang dami kong nakakalimutan gawin lately. Ngayon ko lang naalala na kakausapin ko nga pala siya.

"Nawala lang -"

"Kung hindi ko pa nakita si ate Taeyeon sa studio hindi ko malalaman!"

Hindi ko alam isasagot ko kasi alam ko na-hurt 'to.

I didn't mean to keep it from her. Understanding naman 'tong kaibigan ko, especially pagdating sakin. 'Wag lang talaga manggaling sa ibang tao mga bagay-bagay about me, gusto niya sakin galing mismo.

"Uhh..okay. Ganito kasi yun," dahan dahan kong pag-explain. "biglaan kasi mga nangyari tapos nawala na sa utak ko.."

I heard her scoffed.

"Hanggang kailan ka diyan?"

"Next year?"

"Next year?!" Bulas niyang gulat sa sinabi ko, narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Okay, okay. At least babalik ka pa rin. But still! Naging busy lang ako!"

Busy talaga siya when I left kaya no comms kami nung time na yun. She was working on ate Taeyeon's album and ngayong tapos na, free na siya ulit. When she's in the zone kasi sa work, ayaw niyang iniistorbo siya. Kaya siguro hindi ko din naisip. 

"Sorry na oh. Hindi mo mamamalayan nakabalik na ako sa piling mo, mylabs." I joked. Baka madaan ko sa biro kaibigan ko.

"Ha! That's what you think." Sagot niya, narinig ko ang pagsarado ng sasakyan sa kabilang linya. "I'm hanging up, may aasikasuhin ako."

"Papasalubungan kita pagbalik ko.."

"Babawi ka."

"I will." I promised.

Pagbaba ng call nakita kong alas tres pa lang ng madaling araw. 

May dalawang oras pa ako para matulog.

 

 

-----

 


"One, don't pick up the phone!"

"You know he's only callin' 'cause he's drunk and alone."

Nag-duet pa talaga si Ning at Giselle sa sasakyan.

On the way kami ng UP para sa photowalk slash jogging session. 6am pa lang, jusko. 

Lugi kami ni Heejin eh. Outnumbered kami!

Actually, it's just me versus these three. Nadamay lang si Heejin sa akin. Nung inaya ko silang tatlong na sumama sa practice shoot namin, sila yung nagplano saan. Naisipan nila na isabay sa weekly jogging session para daw sporty ang dating ng mga pictures nila.

Akala naman ng mga 'to professional kami ng newfound friend ko. Kapag nagmukha silang espiritu, walang sisihan!

Nagkasundo naman na weekend i-schedule para saktong walang pasok si Heejin. Weekends lang kasi ang off niya.

"Sorry, ang ingay nila." Nahihiya kong sabi kay Heejin. 

Sinulyapan ko sa likod si Ning na napaggigitnaan ng dalawang magkaibigan. Sabay ang pagtango ng ulo sa kanta, nakanguso pa.

Tiningnan ako ni Heejin saglit at ibinalik din agad ang mata sa daan. 

"Okay lang, ano ka ba! Fun kaya!" Sagot niya habang nakiki-jam din ang ulo sa pagkanta habang nagmamaneho.

Dinaanan niya kami sa condo kanina.

Pwedeng mag-grab na lang kami papunta pero inoffer niya na sumabay na sa kanya. 'Wag daw ako tumanggi this time kasi parehas lang naman pupuntahan namin. Pumayag na din ako.

"Taga-saan ka pala, Heejin?" Tanong ni Ning nang mag-play ang next song. 

"Project 6 lang." Kaswal na sagot ni Heejin.

"Oh? QC ka lang din pala." Comment ni Karina.

Ngayon ko lang siya narinig magsalita.

Pansin ko lang kanina pa siya tahimik mula nang bumyahe kami. Or baka kasi maingay na sila Ning at Giselle kaya ayaw na niya dumagdag pa.  Nakita ko naman na parang nahihiya siya para dun sa dalawa kanina. Titingin siya sa bintana tapos lilingon din kela Ning paminsan-minsan at tatawa lang. 

"Sabi ko nga kay Winter last time idaan ko na siya kasi on the way naman." Sagot ni Heejin.

"Nakakahiya kaya! First meeting hatid agad? Buti nga hindi ako pumayag. Baka nabaha ka din, abala pa 'ko." Pagrarason ko.

Narinig kong umubo si Ning para makuha ang atensyon namin. I turned my head slightly para makita siya from my peripheral. 

"Saan ka pala nagwo-work, Heejin?" Tanong niya.

"BGC."

"Ano work mo?" 

"Ning, nagmamaneho siya." Singit ko.

"Baka kasi antukin siya. Ikaw nasa passenger seat, trabaho mo kaya 'to." Nakita kong umirap siya.

"Parang hindi naman kailangan? Enough na kayo ni Giselle." Sarcastic kong sagot.

Hinampas ako nung dalawa sa magkabilang balikat ko. Narinig kong tumawa si Karina.

Short drive lang yung byahe kaya nakarating din kami agad sa UP. 

Hindi na kami nahirapan maghanap ng parking kasi mukhang alam na alam nila Karina pasikot sikot dito. Nakahanap kami agad ng pwesto kung saan pwede mag-park si Heejin. Maglalakad na lang daw kami papunta sa UP oval, dun daw kasi yung spot for joggers.

Nag-ayos muna kami ng mga sarili at gamit.

Sumandal kami ni Heejin sa sasakyan niya habang nagse-stretching yung tatlo sa may harapan namin. Inaayos ko yung settings ng camera ko nang mapatingin ako kay Karina.

Naka-tank top dri-fit and leggings siya. Sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay bago ipusod ito. Para namang nahatak ang mga mata ko ng mahaba niyang leeg nang ilingon niya ang ulo sa kaliwa.

Yung neck muscle niya..

"Humihinga ka pa ba?"

Mabilis kong tiningnan si Heejin. Nakataas ang mga kilay niya sa akin.

"Para kang tumigil sa paghinga nung nagside-view si Karina." Mapang-asar ang tingin niya sakin.

Tinawanan lang niya ako nang itulak ko siya.

"Na-distract lang saglit eh!" I reasoned out. Kasi naman..

 "Tara na?"

Napalingon kami ni Heejin kay Karina na nakangiting nag-aya.

Sinabayan ko si Karina nang maglakad na kami. Iniwan ko yung tatlong nagke-kwentuhan sa unahan.

"Okay ka lang?" Worried kong tanong. "Kanina ka pa kasi tahimik eh."

She gave me a confused look.

"Sa car kanina." Patuloy kong pagpunto sa katahimikan niya. "Usually magulo kayong tatlo eh."

Natawa siya. "Nahiya kasi ako. Bigay na bigay yung dalawa sa pagkanta, pumipikit pa sila!"

Tama nga ako.

Kasi naman yung dalawa. 

May segment sila kanina na best of the best birit songs ni Ariana Grande yung kinanta, from Yours Truly to Dangerous Woman. Hindi naman nila sinira yung kanta so okay lang. Maganda din kasi boses ni Ning pero nagulat ako dito kay Giselle. Maganda na boses, ang galing pa mag-rap!

Tumabi ka, Nicki.

"Mukha nga wala lang dun sa dalawa." Itinango ko ang ulo sa direksyon nila Ning. "Buti game lang si Heejin sa trip nila."

"Mabait naman siya ah? Mukhang makakasundo namin. Don't worry, chikahin ko siya later." Nginitian niya ako.

Hindi naman ako worried na baka hindi nila makasundo. Magaling sila makisama sa ibang tao eh. Wala pa nga kaming isang buwan sa condo, para na silang mag-kumareng tatlo. Hindi naman ako OP, ako kasi bagsakan ng pang-aasar nila madalas.

"Daming tao ngayon!" Sabi ni Ning sa unahan at nakaturo pa ang daliri sa tinutukoy niya.

Ang dami ngang tao. 

May mga nagba-bike, may mga pamilya na naglalakad lang, and may mga tumatakbo din. Ang aliwalas kasi ng panahon kaya gaganahan ka talaga tumakbo.

Tumigil kami sa gitna ng kalsada bago maghiwalay. Wala naman mga sasakyan kasi sarado daw talaga itong part na 'to for joggers every Sunday.

"Winter, okay lang iwan namin sa inyo yung tubig?" Tanong ni Giselle paglingon sakin.

"Yup, akin na." Sagot ko.

Buti na lang dinala ko backpack ko. 

Plano ko camera lang ang dalhin kanina pero nung nakita ko sila Karina na binitbit lang mga tumblers nila, naisip kong magdala ng bag. Ipapaiwan ko din talaga sakin yung mga gamit nila para makatakbo sila maigi.

"Insan, gandahan mo kuha sakin pagdaan ko ha?" Bilin ni Ning habang nagse-stretching kuno round two siya.

Sinabit ko na ulit yung bag sa balikat ko pagkatapos ilagay mga gamit nila.

"Aabot ka ba samin pag-ikot? Baka daanan ka pa namin on the way?" Asar ko sa kanya.

Tatakbo sana ako palayo nung akmang hahambalusin niya 'ko pero hindi 'ko nakita na may tao pala sa likuran ko..

Oof!

Sinalo ako nung nabangga ko kaya napaakap siya sa akin.

Pag-angat ko ng ulo, nakatingin sakin si Karina. 

Bahagyang humangin ng malakas at nagsilaglagan ang iilang dahon mula sa mga puno. Wala akong ibang narinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. Akin ba yun? Bakit parang pang-dalawang tao?

Lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko nang bumaba ang mga mata ko sa labi niya.

Napalunok ako.

"Sa gitna talaga ng kalsada, guys?" Rinig kong asar ni Giselle.

Mabilis kaming naghiwalay ni Karina sa posisyon namin at inayos ang mga sarili. Ang tagal namin magkatitigan kanina pero ngayon iwas na iwas ang mga mata namin sa isa't isa.

"Sorry." Mabilis kong sabi sa kanya.

She cleared . "Ingat lang."

Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya iniwas ko ang mukha sa mga kasama namin. Nakayuko si Karina nang naglakad papunta kay Giselle.

"Lakas maka-romcom nun, insan. Rico Yan ka? Porke may dimple ka?" Sunod sunod na banat sakin ni Ning.

Pinandilatan ko siya ng mata at tinulak na papunta sa unahan. "Tumakbo ka na lang please."

Nagsimula na sila mag-jog at naiwan na kami ni Heejin.

Ito namang kasama ko, akala mo hindi ko nakikita yung nakakaasar niyang ngiti.

"Para san pa't may camera ako kung hindi ko makuhanan mga ganung ganap?" 

Tinikom na niya ang bibig nang titigan ko siya ng masama.

Kung anu-ano na kinuhanan ko habang naglalakad kami. Hindi naman ako bored pero gusto ko lang lumihis saglit sana sa dinadaanan namin ni Heejin para iba naman makita namin. Inaya ko siya lumiko sa isang street na nadaanan namin. Muntik pa kami mawala kasi kung saan saan kami pumasok. 

Pagbalik namin sa oval, nakita ko agad si Karina na nakaupo sa gutter, parang malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya.

"Tapos na kayo?" tanong ko.

Hinampas niya ako sa hita bago tingalain. Nagulat ata may kumausap sa kanya.

"Kami ni Ning tapos na, si Giselle 1 lap pa daw."

Nakailang ikot na ba sila? Ganun kami katagal nawala?

Kinuha ko agad sa bag yung towel at tumbler niya nang mapansin ko yung tumutulong pawis sa noo niya.  Nag-thank you lang siya pagkaabot ko ng mga 'to.

Tiningnan ko si Karina habang umiinom siya ng tubig at ibinalik ang mga mata sa mga taong dumadaan sa amin.

Hmm, parang maganda motion capture dito.

"Karina, diyan ka lang, wag kang gagalaw. May ita-try lang ako." Paalam ko sa kanya.

Pumunta na ako sa kabilang side ng kalsada at tumapat ng upo kay Karina. Kinuha ko yung camera ko sa bag at inayos yung settings. Sabi ni Lisa, adjust daw yung shutter speed for motion capture, if masyadong maliwanang, adjust ISO or aperture.

Okay, kailangan maganda kuha ko dito.

I took some test shots first para i-check kung okay na yung settings, deleted it after din. When I finally got the right mix, I pointed my camera again to her direction.

She looked at the camera this time, showing her warmest smile. I couldn't help myself from smiling as well.

"Insan!"

Agad nakuha ni Ning ang atensyon ko. Kasabay niyang naglalakad papunta sakin sila Giselle.

Hala, yung pictures niya!

Tinutok ko agad yung camera ko sa kanya at kinuhanan siya ng litrato. Hindi ko naalala na pang-motion capture yung settings ko kaya nung tiningnan namin yung picture, mukhang nasusunog yung ulo niya.

Ngumiwi ako. "Caption mo na lang fayer!"

Isang malakas na hampas sa likod ang natanggap ko.

Bumawi na lang ako sa kanya nung naglakad na kami pabalik ng sasakyan.

Nag-ibang route kami ngayon, tour guide namin sila Karina. Bawat sulok ata ng UP kabisado nila kahit hindi sila dito nag-aral. Same university silang apat, ibang course lang sila Heejin at Ning.

"Winter, lika dito may papakita ako." Tawag sakin ni Heejin pagdating namin sa parking. Nasa may driver's side na siya ng sasakyan kaya umikot pa 'ko.

Hinatak niya ako palayo kaunti dun sa tatlo.

Yung tatlo kasi nag-aayos ng mga sarili bago sumakay. Napagdesisyunan namin mag-breakfast somewhere in Marikina.

Parang kinikilig pa si Heejin habang may kinakalikot sa camera. Bina-browse niya lang pala yung pictures nang silipin ko saglit yung ginagawa niya.

"Ikaw ba kinukuhanan? Bakit nakangiti ka din?" Tinapat niya sakin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u