I dare the universe!

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko alam paano ako napunta dito. 

Masaya pa pakiramdam ko kanina pero bigla akong lumungkot at ito na nga, dumilim na paligid ko. Napunta ako sa masikip na eskinita.

Nilakad ko papunta sa dulo pero parang walang hanggan. Nagsimula na din pumatak ang ulan.

Dire-diretso lang akong naglalakad pero naramdaman kong may sumusunod sakin.

Lumingon ako sa likod pero wala naman tao, ako lang.

Tatakbo na ba ako?

"Winter!"

May tumawag sa akin sa unahan pero hindi ko makita sino. 

"Winter!"

Si Karina ba yun?

"...please!"

Ning?

"Gumising ka na please!"

Napabalikwas ako sa kama sa lakas ng boses ni Ning.

Panaginip lang pala.

"Kanina pa kita ginigising." Nakapamewang siya sa gilid ng kama. "Mahiya ka naman sa kasama natin, siya ulit nagluluto ng breakfast."

Mag-iisang linggo na kami dito at si Karina ang laging nagluluto ng umagahan namin.

She enjoys it naman sabi niya kaya okay lang daw.

Nakakahiya pa din syempre kaya tuwing dinner tumutulong si Ning or minsan siya nagpiprisinta para samin dalawa. Go Ning, represent!

Kinusot ko ang aking mga mata at humikab bago siya tignan. "What time is it?"

Kinuha niya ang isang bag niya sa cabinet at naglabas ng mga damit na pagpipilian.

Hindi na siya nag-unpack kasi lilipat na din siya ng kwarto mamaya.

Today dadating yung mga binili namin for her room. Bumili kami ng bed frame, mattress, cabinet, at bedside table niya. 2-3 weeks ang delivery. Buti napaaga, 1 week lang.

Hindi sa nagmamadali akong palipatin siya pero buong linggo na niya ako kasi ginigising ng maaga. Hapon kami usually umaalis pero 7am kailangan gising na kami.

"7 na. Dadating yung delivery ng 10am."

Jusko.

"Tatlong oras ba 'ko maligo?" Humiga ulit ako at nagtaklob ng kumot.

Narinig kong humakbang siya pabalik sa kama, hinatak niya kumot ko. "Kapag balcony time, gising ka?"

Nahuli nga pala niya ako nung unang gabi namin nagkwentuhan ni Karina sa balcony.

After pumasok ni Karina nun, inubos ko lang yung tsaa at pumasok na din. 

Akala ko mahimbing tulog ng pinsan ko when I got back sa room. Dahan dahan pa akong naglakad nun pero paghiga ko sa kama bigla siyang bumulong - 'huli ka.'

Muntik 'ko na siya masampal sa gulat.

Since then, naging ritual na namin mag-balcony after dinner. 

Laging si Ning bida magkwento pero hindi siya ang topic, ako lang naman. Pati yung story kung paano ako nabungal nung bata ako kinwento na niya.

Tuwang tuwa lang naman si Karina sa mga kwento. At tulad nung unang gabi, may pa-tsaa ulit siya.

Speaking of tsaa, lagi akong tinatanong ni Ning anong tsaa samin ni Karina. Chamomile, insan. 'Wag haluan ng iba.

Minsan lang makasama si Aeri samin dahil sa pagod. Siya kasi naka-schedule na magbantay sa cafe this month. Salitan sila ni Karina pero starting next month maluwag na daw schedule nila. Kumuha na sila ng manager eh.

Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang suot ni Ning.

"Bakit ganyan suot mo?"

Nakapang-jogging siya na shorts at sa ilalim nito ay may cycling shorts pa. Black dri-fit as her top.

"Inaya ako nila Karina mag-jogging kanina." She said, folding a red shirt and denim shorts. "Eh tulog ka pa so sumama ako." She shrugged her shoulders.

"Hindi niyo 'ko inaya." Nagtampo ako kunwari.

She rolled her eyes. "Kung alam mo lang."

Tumungo na siya pintuan at iniwan ang mga nilabas na damit sa study table. Kakain daw muna siya. 

Nag-unat unat muna ako bago bumangon.

Paglabas ko ng kwarto naamoy ko na agad yung breakfast.

Pancakes. Coffee.

Nung mga nakaraang araw, iba't ibang Filipino breakfast food hinanda ni Karina. Tocino, longganisa, at corned beef to name a few.

Dali dali akong nag-ayos muna sa CR bago pumunta sa dining.

Magkatapat sa lamesa si Ning at Aeri. Si Karina, hinahain yung mga pancakes.

Lahat sila nakapang-jogging, ako lang nakapajamas. Napaghahalataan.

"Good morning!" Masayang bati ni Karina sakin.

Mas mukha pa akong nag-jogging compared sa kanya. Ang fresh pa din niyang tignan.

Binati ko siya ng malaking ngiti.

"May pa-breakfast ulit?" Tanong ko.

"Of course!" She said after sitting down sa tabi ni Aeri. "Best way to start the the day di ba?"

Nung second day namin, pinagalitan nila ako ni Ning bakit hindi ako kumakain ng breakfast that time. 

Hindi kasi ako morning person hence, hindi ko naaabutan yun. Kung maabutan ko man, coffee lang.

Pero after ilatag ni Karina sakin ang benefits ng breakfast, kumain na din ako. 

Have to say, best way to start nga naman. Nakakaganda ng mood pagkagising.

"Wag mo abusuhin swerte mo." Sabi ni Ning sakin after ko siya tabihan. Then she faced Aeri. "Giselle, kapag ba lumipat na ako sayo ano naman bibigay mo sakin? Si Karina may pa-breakfast e."

"Bills." Deadpan na sagot ni Aeri.

Natawa kami parehas ni Karina. Sumimangot lang pinsan ko.

"Ning, ikaw lang malas satin." Sabi ko pagkahigop ng kape.

Tinignan niya 'ko habang kumukuha ako ng pancake. "Tara, hamunin natin swerte mo. Game?"

It's probably because of the coffee and may nakahain na pancakes sa harap ko kaya nasa mood ako pumatol.

I gave her a smug look.

"Sige." Binaba ko ang hawak kong honey syrup at tumuro sa langit. "I dare the universe!" Ma-drama kong sabi.

"If I were you, babawiin ko yan." Sabi ni Karina sakin.

"I've been through a lot, may ilalala pa ba?" I shrugged.

Aeri scoffed. "Walang iiyak ha."

Nagpatuloy na kami sa pagkain.

Hindi ko na maalala nakailang pieces ako. Ang sarap kasi ng timpla ni Karina sa pancakes.

Nagkwentuhan lang kami about sa lakad nila kanina.

Weekly pala nagjo-jogging sila Aeri. Her idea. Pinipilit lang niya si Karina na samahan siya. Usually around UP sila tumatakbo.

Niyabang naman sakin ng pinsan ko na naka-isang ikot siya, walang hinto. Pero binawi din ni Aeri kasi after daw ng ikot ni Ning, nagpicture na lang siya sa mga puno.

"Nga pala," I said, munching on the pancakes. "bakit di niyo 'ko inaya?" Nag-drama ulit ako.

Inabutan ako ni Karina ng tissue at tinuro na may dumi sa tabi ng labi ko.

Tinignan ako ni Aeri. "Aayain ka namin dapat kaso ang sarap ng tulog mo."

"And by masarap, we mean nakanganga ka." Dagdag ni Karina, laughing at me. "Nakakahiya naman maka-istorbo."

Binato ko kay Ning yung ginamit kong tissue.

"Hindi mo man lang inisip reputasyon ko. Sana tinignan mo muna itsura ko."

"Baka dahil sa hiya maisipan mo na gumising ng maaga." Kibit-balikat niyang sagot sakin.

After breakfast, umalis na din si Aeri para i-open yung cafe. Kailangan niya bilinan mga employees nila kasi tutulong din siya mag-ayos ng room. Sunduin na lang daw namin siya kapag dumating na yung mga gamit.

Pinauna ko na sila Ning at Karina mag-prepare. Ako na naghugas ng mga pinagkainan namin.

Ligong uwak pinsan ko kaya mabilis natapos.

Habang inaantay ko matapos si Karina maligo, nanood na lang muna kami ni Ning ng TV.

"Commercial, lipat muna natin." Sabi ni Ning.

Inagaw ko yung remote sa kanya. "Wag muna. Baka may nakakatawang ad."

Funny kasi mga ads sa states kaya nakahiligan ko abangan.

Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo?

"Luh. Luma na yan ah?" Comment ni Ning.

Hindi ko siya pinansin at nanood lang.

Tawang tawa ako pagkatapos nung commercial. Para sa ice cream pala yung ad.

Ang simple pero kuhang kuha yung humor ko.

Karina joined us after niya mag-ayos.

She's wearing a black tee with denim shorts. Ang simple pero ang lakas ng dating. Hindi pa yan naka-make up.

Tinulak na 'ko ni Ning para maligo na din.

Sakto naman pagkatapos ko mag-ayos tumawag na yung mag-deliver ng gamit. Nasa lobby na daw sila.

Bumaba na kami agad para sunduin sila. Si Karina pinuntahan si Aeri sa cafe.

Nakakatuwa yung mga nag-deliver, sumisigaw pa ng 'pivot' kapag ipapasok sa elevator yung mga gamit. Fans lang ng Friends?

Pagdating sa unit nila Ning sinimulan na namin agad ayusin yung mga gamit.

"Hindi ko alam pano mo 'ko napapayag na tayo mag-assemble ng mga 'to." Iritang sabi sakin ni Ning.

Drinop off lang yung mga gamit kasi sabi ko kay Ning kaya namin yun i-assemble. Pinagmalaki ko pa na suki ako ng Ikea kaya sisiw lang yun.

Kapag nagawa mong mag-assemble ng furnitures from Ikea, makakaya mo na lahat ng pagsubok sa buhay.

Pero hindi pala ganun yun kasi ang vague ng manual na kasama sa gamit! Tingin ko steps 1-10 talaga siya dapat pero need mo hulaan yung 5-9.

Nautusan pa akong bumaba sa unit namin kasi wala palang screw driver si Aeri sa unit niya.

Kinukuha ko yung susi sa bulsa nang marinig kong sumara yung pinto sa katabing unit.

"Hello!" Bati sakin ng babae.

Kinawayan ko lang siya and smiled a bit.

"Ikaw na bagong nakatira diyan?"

"Uhm, no. Rent lang." I answered.

May sinabi pa siya pero hindi ko narinig.

"Sorry?" I asked.

"Ahh wala. Pasabi hi kay Karina!" She said at umalis na din.

Tinitigan ko lang siya hanggang makaliko siya sa corner at nagkibit-balikat. Baka friend ni Karina.

Pagbalik ko kela Ning, nakalatag na yung mga parts ng kama. 

Tinanong ko pa pinsan ko kung may contribution man lang ba siya kasi naabutan ko siyang nakatayo lang sa gilid. Supervisor ang trip niya sa likod nila Aeri.

"Winter," Karina called. "help me lift the other end."

Pumwesto na ako sa tabi ng kahoy. Pag-angat ko, nadulas din sa kamay ko yung kahoy.

Bam!

Right to my foot.

Napayuko ako sa sakit. Si Karina nilapitan ako agad.

Ma-touch na sana ako kasi nag-worry siya kaso dahil sa gulat namin, nabitawan niya din yung kabilang dulo.

Kari

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u