Katarina.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Blag!

"Kuya Mac.." sambit ni Giselle sa family driver nila. "Wag niyo pong kalabanin yung lubak.."

"Nasu -" rinig ko ang paglunok ni Heejin sa tabi ko. "suka pa rin po kami."

I couldn't help but laugh.

Alak pa!

On the way kami sa birthday party ni Tita ngayon.

Minus Karina.

Nag-hire si Tita Kat ng professional makeup artist and may family photoshoot din daw kaya nauna siyang umalis kesa sa amin. Pinasuyo na rin sa akin yung mga tao sa bahay.

Okay lang, family time yun eh. Nakakahiya naman kung makikigulo pa kaming lahat dun. Actually, kahit naman pwede di rin kami aabot on time kasi after lunch na nagsigising 'tong mga 'to. Muntik na naman kami abutan ng sunrise kanina.

"Nakailang bote ba kayo, 'nak?" Tanong ni Nay Mel sa katabi na si Yej.

"Wala po kaming maalala." She replied.

Paano sila may maaalala? Eh sinimot nila lahat ng binili namin kahapon. Pinasuyo pa nga kay Kuya Mac na bumili pa kasi 'vethin!' daw kahit slurred na pagsasalita nila.

Inalayan ko na lang sila ng silent prayer before going to sleep.

Kami ni Karina ang designated moms kagabi. Wala naman problema kung tutuusin pero kasi.. anong laban namin sa walo, diba? Ang kukulit pa ng mga pwet!

Umiksi yung lifespan namin, my god!

May umiyak, may nasubsob, ayaw pa nga nung una magsipalit ng basang damit. Gusto nila matulog na diretso. Kung hindi lang sila magkakasakit baka hinayaan na namin ni Karina. Para kaming ewan magjowa na take turns sa pagpalit ng mga damit nila. Syempre nakapikit ako nung sinamahan ko sila sa CR. Tamang ratrat lang kapag napipikit sila habang nakaupo sa toilet seat.

Although.. hinayaan na namin sila sa sala matulog lahat. Hindi nagsiabot sa mga kwarto sa taas nung pinasok na namin sila ng bahay. We planned of course na buhatin sila papunta sa kwarto kaso tao lang kami ni Karina, napagod kami.

Napagod na kami na-stress din kami sa mga nangyari.

"We're here." Pag-announce ni Giselle sa amin nang huminto ang sasakyan sa entrance driveway ng.. I'm guessing 5-star hotel.

Kwento ni Karina before, third relocation na 'to ng restaurant ni Tita. Yung una, nagkaproblema with owner. Yung pangalawa, nasunog yung building. Then finally, itong sa Clark.

Agad akong nag-message kay Karina na nakarating na kami sa hotel. Papasok na kami ng tumawag siya.

"Karina?"

Medyo may commotion pang nangyayari sa kabilang linya.

"Meet me sa elevators?"

"Okie!" Tone a bit excited bago tawagin ang mga kasamang naglalakad sa unahan ko. "You guys go ahead, I'll wait for Karina."

Wala talaga sila sa mga wisyo, tinanguan lang ako at naglakad na rin papunta sa resto.

I checked myself sa reflection ng elevator doors while waiting for my girlfriend.

I think I look alright.

Pwede isabak sa meet the clan that will happen in a few hours. Pwede rin maging ninang sa binyag on the spot base sa suot ko.

White tweed blazer, white skirt, white heels. 

Yes, all white kasi yun ang theme ng party ni Tita.

Ding!

Minsan ang buhay ay parang pelikula talaga no?

Saktong sakto kasi.

Pero hindi yung katapat kong elevator yung bumukas, masyadong cliche yun. Yung nasa likuran ko pero sakto pa rin kasi pagturn ko, slow motion na naman lahat.

Yung pagbukas ng doors.

Yung dahan dahang pang-angat ng ulo ni Karina.

Yung pagtama ng mga mata namin.

Yung pagngiti niya sakin.

Gusto ba lagi ng jowa ko nalalagutan ako ng hininga whenever I see her? Kasi she never fails to do so every damn time.

"Hey, gorgeous."

Nag-short circuit ako hindi dahil sa bati niya but because of..

I know, ilang beses ko na sinabi pero di ako magsasawang sabihin. Karina is the most beautiful person I've ever laid my eyes on. And even if makabisa ko na bawat sulok ng mukha niya, hinding hindi ako magsasawang sabihin yun.

"Yeah, worth the wait." I said paglapit niya sakin, smiling back at her.

Her face reddened upon hearing me na ikinatawa ko ng mahina.

I asked her the other day kung anong susuotin niya. She replied it's a surprise, something to look forward to. Syempre mapapa-worth the wait talaga ako sa outfit ng girlfriend ko.

Off-shoulder top with, take note, a big ribbon. Pencil cut skirt na extra hapit sa thighs niya and heels.

I offered my arm bago kami tumungo na sa restaurant. But instead, she lingered her hand from my arm down to mine before walking.

Hinay hinay lang, babe!

Parang ano.. parang gusto kong nakadikit lang sakin si Karina tonight. Parang gusto kong ipaikot sa bewang ang kamay and keep her close to me.

Of course, I dismissed the thought kasi di pwede.

Nauna siyang bumaba kesa sa family niya kasi siya raw naatasan to receive guests kapag may dumating na.

Maaga pa talaga kung tutuusin, around 5 pm. 6 pm pa start ng party. Inagahan lang namin kasi mababaliw ako kasama yung walo. My god.

Nasa ground floor lang din yung restaurant ni Tita banggit ni Karina. At nang ituro niya sakin from a distant, agad akong tumingin sa kanya.

"Katarina?" I asked her.

"Yup, si Ate nakaisip ng name."

"What's the story behind it para mapadpad ang pangalan mo dun?"

Natawa lang siya.

Halata naman kasi!

Wala naman daw favoritism kasi kapatid pa nga niya ang nagpangalan. Di naman yun yung iniisip ko eh!

Kwento niya, when her mom quit her job sa Manila, nagstop si Tita magwork para magfocus sa family nila. Para daw bumawi for all the times na wala siya kasi kinain ng trabaho ang attention and oras niya away from them. Then out of the blue, tinanong na lang ni little Karina bakit hindi magbukas ng karinderya ang nanay kasi masarap nga magluto.

"Then poof, Katarina."

Because little Karina pushed her mom to pursue what she loves. Again.

May power talaga 'to give that needed push sa mga tao eh.

Ang lakas ng dating nung pangalan. Actually, the name fits the place eh.

From the outside kita ko na yung interior ng restaurant. Dark colors ang interior, mostly black with a touch of red sa seats. Wood panels sa walls and columns. High ceiling with pin and mood lights to add sophistication sa buong resto.

The restaurant screams high-class dining experience.

May long and round tables na naka-setup sa gitna ng resto. May mini-platform at sa gilid nun ay may nakasetup na banda, jazz band pa yata kinuha ni Tito.

Nice!

Truly a man with taste!

Binati kami ng staff pagpasok, bumati din yung iba pang staff nang makita si Karina.

Naputol ang kwentuhan namin about her mom's previous employees slash babysitters niya when we finally reached the table. Nagtataka bakit mukhang mga robot sila Ning dahil sa upo nila when in fact, kami kami pa lang ang bisita dito.

"Bakit ganyan mga itsura niyo?" Husga ko sa upo nila.

"Are you guys okay?" Worried naman talaga si Karina pero natatawa na rin siya sa kaitsurahan nung walo. Kahit si Nay Mel na nakahiwalay ng upo sa kanila, tinatawanan lang din sila.

Pumihit lang ang mga ulo nila sa aming nakatayo sa dulo ng long table.

"Wala kaming plano magkalat sa party ng mommy mo." Sagot ni Ning.

"I will never EVER drink again." May determinasyon sa mukha ni Ryujin.

"Yeah, right." Karina and I snorted.

Lolokohan pa ba kami? Ilang beses ko nang narinig yan at sinabi ko na nga rin yan before. One of the biggest lie a person will say in his or her lifetime.

"Amoy kabayo yung burp ko kanina." Sabi ni Heejin.

Ang dugyot?

"Beer naman! Maka-kabayo ka." Sagot lang ng katabi niyang si Giselle na agad din humawak sa ulo niya because of her sudden movement.

"Yung ihi ko amoy beer." Nakangiwi lang si Chaeryeong nang alalahanin.

Ba namang TMI yan?

Excited pa naman akong pumila sa buffet mamaya.

"Kapag pumipikit ako para akong susunduin ni satanas." Walang kaemo-emosyong sabi ni Yuna.

"Bumangon ako kanina kasi nahilo ako, pagbangon ko nahilo pa rin ako, paghiga ko ulit ganun pa rin. Pukpok ko na ulo ko." Gumusot ang buong mukha ni Lia nang maalala.

"Ang sarap ng niluto ni Nay Mel pero ayaw siyang tanggapin ng katawan ko." Sabi naman ni Yeji.

"Di gumana yung sinigang?" Tanong ni Karina sa lahat.

"Di, babe." Ako na sumagot para sa kanila. "Ako lang yung nag-enjoy."

"Nakailang balik nga yang Winter mo." Nakangiti naman si Nay Mel sa akin. "Ang sarap pakainin ng pakainin."

Sa totoo lang, nakailang round ako kasi panay ang sandok ni Nay Mel ng kanin sa plato ko. Katabi na nga niya yung kaldero ng kanin eh!

Inilapit ni Karina ang ulo sa akin tsaka bumulong. "Winter ko raw."

Karina?

That was not the point of the story??

The point was akala ko nasa Mang Inasal ako sa pa-unli rice ni Nay Mel???

Juskolord.

Naalala ko na naman yung gulat ni Nay Mel kagabi.

Wala po kaming ginawang masama sa pool! Malinis pa rin po ang tubig nun!

Sa gulat niya samin ni Karina sumigaw siya ng --

'Ay, bold!'

Kahit na ba may suot kami at nasa pool talaga? Okay, sige. Kami na lang kasi gising nun and yun lang yung time na na-solo namin ang isa't isa so you know..

Can they blame us?!

Joke lang.

"Mamaya na kayo magharutan diyan, ano ba kasi talagang nangyari kagabi? Dinaya niyo yata kami sa inuman eh." Reklamo ng pinsan ko, sumang-ayon silang lahat pero nag-atrasan din kasi bawal ang sudden movement.

Karina and I showed the same expression, suminghap na para bang offended matched with hawak sa dibdib at nganga para g na g.

"Excuse me?"

"Kami na nagmagandang loob alagaan kayo?"

"The audacity?" Sabay naming sabi.

Straight face lang silang walo sa amin na ikinatawa namin ni Karina.

"Well, for starters.." Karina took a seat sa tabi ni Giselle, I stood close beside her na lang.

"Mga traydor kayo." I deadpanned. "Di ba uso loyalty sa inyo?"

 

 

-----

 

 

"Hic!"

Muntik na masubsob si Heejin sa lakas ng hampas ni Ryujin sa likod niya.

"Hindi ako nabilaukan, shunga!"

Nag-peace sign lang ang katabi niya.

Nagkaroon kami ng telepathic agreement ni Karina na wag masyadong mag-inom tonight. Gauging how everyone was taking their shots and chugging their beers, alam na namin ending nito. So, kami na lang ang tanggero para madaya namin ang ikot.

Di naman nila napansin, okay lang yan.

Para sa kanila din 'to!

"Wala ba kayong kwentoh ditoh sa bahay ni Karina?" Tanong ng pinsan kong nakaupo sa kanan ko.

Makabuga ng hininga, jusko naman.

Cover your mouth!

Kaming dalawa ni Karina ang umupo sa magkabilang kabisera dito.

"Kita niyo yang garage?" Tinuro ni Yeji ang tinutukoy at lahat naman kami ay tumingin. "Oo, yan. Tapos lakad pa ng onti palabas."

Natawa kami ni Karina sa instructions habang ang iba ay nagtanguan lang sa bangkero.

"May nangharana diyan kay Karina dati."

Ay, wow.

Napatingin ako sa girlfriend ko na napayuko na lang sa information na binagsak ng kaibigan niya.

"Yej," kinalabit niya ang katabi. "sana yung birthday suit themed pool party nating apat na lang kinwento mo."

Hinampas hampas naman ni Yuna si Yeji, excitement in her voice. "Ahh! Ahh! Yung masugid niyang manliligaw!"

Collective oohs.

Now, this is interesting.

"Masugid na manliligaw?" Curious kong tanong sa kanila.

"Winter?" Singit ni Karina.

"Wala ng filter mga kaibigan mo, minsan lang 'to." I winked at her.

Never pa kasi namin napag-usapan yan ni Karina eh. Mga ex umaligid or past relationships kasi busy kami sa honeymoon phase. I mean, it's the least of our concerns right now dahil wala naman nanggugulo. Also, I'd like to think we're mature enough para di na pagselosan mga ganung bagay.

Pero dahil na-bringup na, alamin ko na rin, diba?

Tinapat naman bigla ni Giselle ang dalawang palad niya sa mukha ko. Nagulat pa ko kala ko ipo-pompyang niya ko sa lapit, siya kasi ang nakaupo sa left side ko.

"Manliligaw for 10 years."

"10 years?!" Sigaw naming anim sa gulat at sabay sabay napatingin kay Karina.

"Seryoso?" Tanong ni Lia.

"Grabe ka, Karina." Comment ni Chaeryeong.

"Seryoso, babe?"

Kwento niya, kababata niya yung guy. Anak ng bestfriend ni Tito Ice. Ilang beses niyang nireject before pero ayaw sumuko until mag-migrate na sa Canada. They remained good friends.

"Threatened ka?" Asar sakin ni Ryujin.

"Why would I?" Lahat sila nag 'wow konpidens', nakataas pa ang mga kilay sakin. "No. I mean, that was a long time ago, right?" Tanong ko kay Karina, she nodded. "And hindi mo sinagot. So.. I don't see the point why I should feel threatened?"

"Utot mo fenk, Win!" Lia exclaimed. "Alam niyo ba yung story before na may nag-aya ng dinner kay Somi thru a billboard?"

"Ooooh. Interesting."

"Karina?"

"Sshh. Wala ng filter mga kaibigan mo, minsan lang 'to." She winked at me.

Bakit ako nasama dito?

"Ay, shet! Naalala ko 'to!" Singit ni Chaeryeong sakin, naglikot na rin ang pinsan ko sa tabi niya kasi mukhang alam niya 'to at galing na naman sa kapatid ko ang storya. "Yung kinabukasan wala na yung billboard!"

"Siya!"

Okay lang talaga ituro ako ni Ning pero kailangan magland sa mukha ko yung daliri? Dumiretso pa sa ilong ko.

"Siya may kagagawan nun!"

"Ikaw nagkalas ng billboard?"

"Alam mo, Heej. Ngayon pa lang lumayo ka na kay Ryujin." Sagot ni Yeji sa kanya.

"Di kayo ma-joke! Pero sure ako cinonsider ni Winter gawin yun tapos tinawag niya yung dalawa. Am I right or am I right?"

I scoffed. "Again, why would I?"

"You're right!" Nagfinger gun pa yung dalawa kong kaibigan para i-confirm.

Mga bwiset!

Nasan ba loyalty ng mga 'to?

"Winter," tawag sakin ni Karina. "ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, you'll see him at the party. And there's nothing to worry about, okay?"

Wow.

Wow talaga.

She's enjoying this huh.

"I was young back then, mapusok ang damdamin, walang control sa emotions. I'm good." I cooly said.

"I'm just saying." She shrugged. "Ikaw lang, okay?"

 

 

-----

 

 

"Nananahimik kami ni Karina kami pinuntirya niyo."

"Base sa kwento mo, parang ikaw lang talaga." Pagpuna ng magaling kong kaibigan na si Lia.

Okay, true.

Kasi di dun natapos ang Somi history. Pati paano nanligaw, paano ako with Somi, and kung umiyak ba ako nung breakup napag-usapan. Yung totoo, nasaan ba yung preno ng mga tao kapag nakainom?

"Pero totoo? 10 years?" Pagconfirm ni Heejin.

Tumango lang si Karina.

"Grabe the dedication." Comment ni Chaeryeong.

"Salute!" Nag-salute talaga si Ning.

"Tapos nakalimutan ni Win yung bulaklak dati."

"Bakit ako na naman?" Pataray kong tanong.

"I don't mind." Tumingala si Karina sakin. "I love the plants you bought me."

Ha!

In your face, 10 years!

Pero kidding aside, di ko man nagawa yung pre-ligaw, okay lang. I plan to court Karina everyday hanggang magsawa na siya sa akin.

Karina had to leave us sa table kasi may mga dumating ng guests, sakto naman na dumating na rin sila Ate Irene para tulungan ang kapatid. Kinawayan lang kami ng magjowa at inasikaso na rin ang mga bisita.

Tumabi na lang muna ako kay Yuna.

May nagserve ng kape sa table namin, pinasuyo ni Karina para sa mga may hungover sa amin. Paka-thoughtful talaga ng girlfriend ko!

"Winter." Pabulong na tawag sakin ni Yuna, I turned my head in response. "Did I do something unusual last night?"

"Well.. umiyak ka." Agad kong sagot.

"That's normal. Anything else?"

"Uhm.."

Sasabihin ko ba?

 

 

-----

 

 

"Winter!"

"Yuna?"

She grabbed my shoulders.

"Winter!!"

"Yuna?"

Inalog niya ko.

"Winter!!!"

"Yuna?"

"I gotta pee."

Hinagis niya ko sa pool.

 

 

-----

 


"Nothing unusual. You were very you last night."

She sighed in relief. "Alright. Thanks."

Tsaka ko na siya sisingilin ng free massage sa spa kasi ang sakit ng katawan ko.

Nakinig lang ako sa usapan ng mga kasama ko while they were trying to patch up memories they remember from last night. Internal laughing lang ako kasi ni-isa walang tumama. Well, meron pala isa.

Sumayaw daw sila. True naman yan. Pero synchronized swimming.

Dancers?

Ang kakapal ng mukha.

Si Ning, si Ryujin, at si Yuna. 

Kay Yuna lang bumagay eh. Yung dalawa kasi nung nakalubog ang upper body, talampakan na lang kita namin. Sa malalim na part sila ng pool nagsasayaw with classical music as dance piece daw nila. While si Yuna kita pa ang paa hanggang shin.

"You know I'm here, right? You can ask me."

"Winter, hindi sa wala kaming tiwala sayo pero parang ganun na nga."

"Nakakasakit ka, Heejin. Mukha ba kong manloloko?"

"Yung mga tahimik madalas nasa loob ang kulo."

"Grabe ka sakin, Giselle. Para mong sinabi na manloloko nga ko."

She just shrugged.

Grabe 'tong mga 'to sakin!

Nasaan na ba taga-pagtanggol ko?

Ay, busy pa makipagbesuhan.

Bakit parang high society ng Pampanga mga bisita?

Dahil nag-invite si Tito ng mga kumpadre at colleagues from work, nag-invite na rin daw si Tita. Di nga raw nila napansin na ang dami na palang pupunta. Yung supposedly intimate celebration naging full-blown party na.

Gumawa na raw din ng very short program para di naman mukhang eat and run lang ang mangyayari. Kumuha na rin si Tita ng full band for entertainment na currently ay kumakanta ng jazz version ng Love on Top.

Ate, kayanin mo yan!

Yung pinsan ko parang gusto agawin yung mic.

Pinagmasdan ko lang si Karina, rinig ang tanungan nila Yuna kung dadating ba si.. di ko na narinig. Maliban sa bumirit na si ate singer, nagtama rin mga mata namin ni Karina tapos kinawayan niya ako, her eyes turned to crescents.

Hay, this girl.

Minsan naiisip ko kung ang bilis ba masyado ng nangyayari sa amin?

Okay, look. I'm 101% sure that my feelings for Karina are real. I'm just having these thoughts kung minamadali ko ba yung flow ng relationship namin ngayon? Like, gradual ba yung progress namin or fast-paced? I think isa 'to sa rason kaya ayoko pa i-take to the next level yung relationship, specifically yung sa intimate part.

You know what I mean.

I don't know.

Natatakot siguro ako na sa bilis ng mga nangyayari between us hindi maka-catch up yung mga sarili namin.

At the same time, whenever I'm with her, I get this overflowing happiness at para akong sasabog sa sobrang tuwa.

Normal pa ba 'to?

"Ate Jennie!"

Napalingon kami sa mga bagong dating.

"Grabe, girls! It's been years since I last saw you!"

Isa-isa niyang inakap sila Giselle, tumayo kaming anim to greet the two -- Ate Jennie and Ate Joy. On the way pa lang daw si Ate Yeri kasama ang parents niya.

Naramdaman ko ang pagkapit sakin ni Lia habang nagcacatchup yung tatlo sa mga bagong dating.

"Grabe, yan yung mga pinsan ni Karina?" Bulong niya.

"Yung Joy." Sagot ko.

"Anong meron sa angkan nila? Ang gaganda?"

"Premium access sa dugo ni Lord."

Siniko niya ako at natawa ng mahina.

"Kami ba pinagchichismisan niyo?"

Dumiretso kami agad ng tayo ni Lia.

"D-di po." Sagot niya.

"M-maganda raw po kayo." Sagot ko.

Siniko niya ko ulit at parang dinasalan na rin base sa galaw ng labi. Ang bilis eh, di ko nabasa. Latin yata yung prayer.

"Are you guys scaring my girlfriend again?"

May humagod na kamay sa likuran ko na bumaba din eventually sa aking bewang --si Karina.

Pinakalma ko ang sariling kiligin na naman sa 'my girlfriend.'

"Are you done?" Tanong ko nang mapansin na may nagdadatingan pa rin na mga bisita when I looked over our shoulders.

"Ate said they can handle it. She'll call me if she needs help with other things."

"Okay.."

"Wow, Karina. Look at you." Sabay tinignan ni Ate Jennie at Ate Joy ang girlfriend ko from head to toe.

I know.

Ang ganda niya, diba?

Maganda silang lahat, okay?

It's just that.. in my eyes Karina stands out from the rest, inside and out. Hinatak ko ata swerte ng buong tao sa mundong 'to, pati na rin sa multiverse, just to meet her.

"Ikaw dapat binabakuran pero ikaw ang nangbabakod sa pagkapit mo kay Winter. I am one proud mama." Pumalakpak pa si Ate Joy.

"At least havey niya maging bakod," agad na entrada ni Ate Yeri na kakadating lang. "imagine yung tawa ko nung si Ate Irene bumakod kay Ate Seul before. White picket fence amp."

Natawa kaming lahat sa visual reference.

"Anong white picket fence?"

Napatalon ako sa biglang sumulpot sa likuran -- si Ate Irene..

"Teh, yun daw height mo kapag nambabakod ka. Si Karina intramuros." Sumbong ni Ate Joy sa nakatatanda.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ate Irene.

"Ay, oo nga!" Pagsang-ayon ni Ate Teds, nakipag-apir kay Ate Yeri. "Nice one, Yerms!"

Ayan, kinurot tinuloy siya sa tagiliran.

Pinakilala nila Giselle sila Lia sa tres marias habang ang magkapatid naman ay umalis na ulit para mag-asikaso ng bisita. Magsisimula na rin daw kasi yung program.

Yung table namin ang pinakamalapit sa entrance ng resto. Free seating naman talaga pero hinayaan na namin ang ibang bisita nila Tito umupo sa bandang gitna or malapit kela Tita. Okay din to kasi malapit kami sa buffet table.

Naghiyawan lahat ng tao nang pumanig sa mini stage ang magkapatid. May bitbit na tag-isang mikropono at mukhang sila pa pala ang emcee tonight. 

Habang nagpapakilala sila sa mga bisita as masters of the ceremony, isang matipunong lalake ang lumapit sa table namin na ikinagulat ng magkakaibigan.

"Jaehyun, oh my god!" Giselle was surprised to see the guy that took a seat beside her bago ito nakipag-beso.

Nasa harap ko lang sila and I'm trying my best na magfocus lang sa girlfriend ko. Afterall, she deserves all my attention.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong ni Yeji sa lalake.

"Arrived this morning, nauna lang sila daddy. Last month pa sila dito, I had to stay back because of work." Pag-explain niya.

Tinawag naman ni Yuna ang atensyon ng lahat. "Guys, this is Jaehyun, Karina's childhood buddy."

Uhh.

Siya si.. 10 years?

Gusto kong -

"Win, ang pogi niya."

Bakit may nangdedemonyo?

 

 

 

-----

 

 


Kala ko buong gabi ko tititigan si Jaehyun.

How good looking he is, how perfect his chiselled jaw is,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u