3 words and it's yours!

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Ahh.

That alarm..

Ang gandang simula ng araw.

Knowing na makikita ko na ulit yung may-ari ng phone na yun pagbangon ko, nangingiti na ako just thinking about it.

What a time to be alive.

Kahit lakasan mo pa, Karina.

"You feel giddy hearing this alarm?"

Ang aga aga may mapanghusga.

Iminulat ko ang isang mata.

Nakaupo sa gilid ng kama ko si Karina, hawak ang maingay na phone sa isang kamay.

"Music to my ears.." my voice croaked.

Pumikit na ko ulit.

Si Karina lang pa -

"What the?!"

Napaurong ako sa may dingding dahil sa gulat, hinila ko na rin yung kumot. Pinunasan ko ang pisngi just in case may tumulong laway. Lumingon lingon ako sa kwarto.

Kwarto ko naman 'to?!

She turned off the alarm, giggling.

"Bakit ka nandito??" Rattled kong tanong, inangat ko ang kumot para ipangtakip sa mukha.

Teka lang kasi!

Oo, wala akong pake dati kapag nakikita ako ni Karina na may bakas ng laway sa pisngi ko pero ibang usapan na ngayon. Ang panget ko pa!

"Kanina pa nandito sila Lia, Winter."

Dali dali kong binaba ang kumot. "Oh crap!"

I tried to reach for my phone na nakapatong sa bedside table. Bago ko pa maabot, si Karina na ang kumuha at binigay sakin. Ginusot ko muna ang mga mata bago i-check ang oras -- 10 na?!

"." Bulong ko. "I overslept."

"Ayaw mo raw bumangon kanina nung ginigising ka ni Ning."

We were supposed to start ng 10.

Onti lang naman lulutuin namin: shrimp pasta, mashed potatoes, and steak. We wanted to get everything done early para marami pa kaming time to prepare for the dinner party.

Magba-bake pa kami.

Nilapag ko na ulit yung phone sa kama. I laid on my back with my head just beside her, pinilit ko pagkasyahin ang sarili horizontally sa kama. I closed my eyes again.

"Napuyat ata kita kagabi." May pag-aalala sa boses niya.

"Karina."

"Hm?"

Nangiti na ako. "That sounded so wrong."

Nothing happened.

Nagtagal pa kasi kami sa cafe after dinner.

Pinapauna na niya ako pero hindi ko siya maiwan mag-isa at oo na, gusto ko pa siyang kasama. Mga 1am na rin kami nakauwi.

"Ilang round gusto mo ngayon?"

Napadilat ako when she asked, may nakakalokong ngiti sa labi.

Naging uod ako na kinukuryente sa bawat pagkiliti niya sa tagiliran ko.

"Joke lang kasi!" Naiiyak ko nang sabi.

She stopped nang para na akong hihikain.

Pakiramdam ko nag360 degrees ako sa kama dahil halos matanggal na yung bed sheet cover. My body ended being close to hers, just behind her back.

Nagulat ako when Karina fixed my hair and gave me a warm smile. "Bangon na."

At kahit hingal na hingal ako sa ginawa niya, I stared right back at her and made sure I won't miss anything this time. Was I too preoccupied with everything I missed the beauty in front of me?

Her eyes.

Her pointed nose.

Her pink lips.

That mole.

My god.

She's so beautiful even in the morning, always has been.

She bit her lower lip.

Huy, teka.

Foul yan..

"Hindi na foul yung kiliti?"

Huh?

Did I -

"You just said it out loud." Her voice was low. "Foul yan."

I am yet again lost under her gaze.

The difference this time is I let her take me completely. No more head shaking or taking my eyes off her just to avoid what I'm feeling. No more holding back.

Biglang bumukas yung pintuan.

Tumayo agad si Karina, nagkunwaring palabas na ng kwarto.

"Sa wakas, gising na!" Dumiretso si Ning sa kama ko, pinagpag pa ang unan ko bago humiga. "Akala ko nagpapatayan na kayo dito."

"Did we interrupt something?" Dumiretso si Giselle sa upuan.

Ano nangyayari?

Bakit nandito lahat?

Agad kong hinila ulit yung kumot. "Bakit may meeting sa kwarto ko?"

"Wala pa sila Yej eh." Sagot ni Lia pag-upo sa kama.

"Uhh.." napatingin ako kay Chaeryeong na humiga sa gitna namin ni Ning. "pwede labas muna kayo? Mag-aayos lang ako."

"Si Karina hindi mo pinaalis." Sagot ni Chaeryeong pagkaayos ng higa, hinila pa ang blanket ko para kumutan ang sarili.

"Siya may-ari ng bahay." I pulled back at sinandal ang ulo sa headboard. "It's called privilege." Bumaling ako kay Karina. "Di ka pupunta ng cafe today?"

Nakasandal ang kanyang braso sa pintuan at pinapanood lang kami. She smiled as she shakes her head slowly.

"Pumasok si Charm so she's ours the whole day." Singit ni Giselle at tumayo para humiga na din. "Scoot over, Winter."

"Maliit yung kama ko!"

Naubos na yung lakas ko kanina para labanan yung pagtulak sakin ni Giselle.

"Oh, maliit daw!" Sagot ni Ning. "Tagilid ka, Ryeong, tapos urong ka sakin. Umurong ka na rin, Minjeong, para makalarga na."

"Makikihiga kayong lahat? Pwede mag-ayos muna ako??"

Tumatawa lang si Karina na pinapanood ang pangungulit nung apat sakin.

"Saan ako hihiga?" Tanong ni Lia, tinitignan kung may space pa for her.

WALA NA.

Pinilit niya humiga sa gitna namin ni Chaeryeong pero ang totoo, nakapatong na lang ang katawan niya sa amin.

"Winter, mahuhulog ako!" Sigaw ni Giselle sa tenga ko.

"Babangon na ko magsialis lang kayo!"

"Lia! Ang tulis ng buto mo!" Reklamo ni Chaeryeong.

"Napipit na ko dito sa dingding!"

Lumapit si Karina sa kama.

"Wag kang papatong samin!" Banta ko sa kanya, ipit ang paghinga dahil kay Lia. "Yung siko mo naman!" Kinurot ko si Lia si tagiliran.

"Aray, Win!"

"Ouch! Lia!"

"Walang sikuhan ng s, Chaeryeong!"

Blagag!

Tinutok ni Karina ang phone samin. "Happy birthday, Lia!"

Gusto ko lang maging maganda sa paningin ni Karina.

Nakanganga ako sa picture.

 

 

 

-----

 

 

 

"A baking challenge?"

I asked again just to make sure.

Nasa group chat pa rin ako sa pagkakaalam ko?

Kelan 'to napag-usapan?

"Yup!" Excited na sagot sakin ni Yuna.

Bumangon lang kaming apat nung dumating na sila Yeji and Yuna.

Ang tagal namin magkakasama sa kwarto pero ni isa tungkol rito sa baking challenge wala silang binanggit. Gulong gulo tuloy ako nung makita si Yeji at Yuna na maraming bitbit pagdating.

Akala ko birthday gift ni Yeji kay Lia yung mini oven na buhat nila, sa kanya pala yun. Maliban sa additional ingredients and tools, dala na rin nila ang pampalit mamayang gabi.

"Winter," tumingin ako kay Karina in response. "coffee?"

Actually, nagugutom na rin ako. Pinaligo muna kasi nila ako nung nag-aayos sila ng mga gamit. Naabutan kong nakaayos na lahat ng gagamitin for the so called challenge.

Two stations.

Isa sa kitchen, isa sa dining. 

Inurong pa nila ng kaunti palayo sa counter yung lamesa for more space. Yung ibang upuan nilagay na muna nila sa living room na nakatabi na rin ang ibang gamit.

"Yes, please." Tumungo na ako sa kusina.

Kumuha lang ako ng freshly brewed coffee at tinapay bago pumunta sa dining. Tumabi ako kay Ning na isa isang tinitingnan ang mga ingredients sa harapan namin.

"Who's idea was this again?" Tanong ni Giselle, nilingon ang ang mga taong nasa counter: si Lia, Chaeryeong, at Yuna.

Tinaas ni Yuna ang kamay. "It was just a joke pero pinatulan ni Yej."

"Si Jigsaw ka ba?" Asar ko kay Yuna at sinubukan i-impersonate yung creepy puppet sa The Saw. "Let's play a game."

"G na, Win!" Pilit ni Yeji sakin na nasa kusina. "Ayaw mo bang i-redeem ang sarili mo?"

This sounds fun sa totoo lang.

Makakaganti na rin ako dun sa dalawa.

Imposible naman na maging kakampi nila ulit si Karina diba?

Best part sa challenge na 'to, walang punishment this time. Bragging rights at pride lang ang nakataya.

"Game." Sagot ko pag-abot sakin ni Karina nung kape, tumingala ako sa kanya. "Kampi tayo?"

Ngumiti siya ng pagkatamis tamis sakin. "Nope."

Aray.

Humagikgik yung mga kaibigan namin.

Masakit pala ma-reject!

Tumabi si Karina kay Chaeryeong.

"Talo na agad kapag si Karina ang kalaban." Kumuha ako ng isang pirasong tinapay at sinawsaw sa kape. Ngumiwi si Giselle nang makita ang ginawa ko.

"You think too highly of me, Winter."

"Wag kang humble, we're talking about you here."

Hindi yan pambobola.

Nakwento niya kasi sakin na nung bata pa siya, tinutulungan niya si tita Kat magbake. Tuwing christmas party sa school, mabenta ang cupcakes nilang magnanay.

"Anong ginagawa mo, Winter?" Mapanghusgang tanong ni Giselle.

"Kumakain?"

"Nilalagyan nga rin niya ng kanin yung kape minsan eh." Singit ni Lia.

"Huy!" Napatingin ako kay Ning sa tinis ng boses niya. "Ay sorry. Masarap kaya yon!"

Nag-apir kami ni Ning.

Odd pero masarap!

Diring diri rin ako kay mommy dati pero nung pina-try sakin ni ate Taeyeon, nagbago ang pananaw ko sa combination na yun.

"Ground rules tayo." Singit ni Yuna para maibalik sa main point ng conversation.

Vanilla and chocolate cake ang gagawin.

Team who wins sa bato bato piks ang mamimili kung anong cake ang iba-bake ng opposing team. Kung anong ingredients ang nasa station, yun lang ang gagamitin.

We have 3 hours 'to bake the perfect cake,' Yuna's words. Ginaya pa niya yung way ng delivery ni Christina Tosi. 2 hours nga lang dapat pero marami kaming nagreklamo. Pano kung masunog yung unang gawa, diba?

"Game na! Anong oras na tayo matatapos nito eh." Sabi ni Yeji.

"Maiba kulay na lang. Kayo ni Karina mag-partner." Tumayo na si Ning at tumabi kay Giselle.

"Come, come, Winter." Pagtawag sakin ni Karina.

Inubos ko muna ang kape at pinagpag ang mga kamay. Tumatawa lang siya nang lumapit ako sa kanyang nakasimangot.

I placed my hand on top of Karina's hand.

"Why'd you agree to this?"

"What? This baking challenge sounds fun."

"Not that, ayaw mo ba kong kakampi?"

"Magkasama na tayo sa bahay, maghiwalay naman tayo."

Nagpuppy face ako. "Sawa ka na ba sakin?"

Tinulak niya yung mukha ko. "Yes."

Hoy, Karina.

Di na ko natutuwa ha.

Pangalawang beses na 'to!

"Win, kakatanong mo mas masasaktan ka lang." Nakakunot ang noo ko nang tumingin kay Lia. "Kayo na lang inaantay."

Kami na nga lang.

Fine.

 

White team - Karina, Chaeryeong, Yeji, Giselle

Black team - Winter, Ning, Yuna, Lia

 

"I'll go easy on you, don't worry." Asar ni Karina sakin.

Okay, that's it.

No more Mr. Nice Guy.

Alam ko na ang kahihinatnan ng challenge na 'to pero lalaban ako. Yung pride ko masyadong nasasaktan. Isasantabi ko muna ang nararamdaman para dito sa isa.

"It is so on, Karina!" Hinila ko na ang mga kakampi ko papuntang living room. "Tara, huddle."

Nagpuntahan na rin ang mga kakampi ni Karina sa kusina. Tuwang tuwa pa si Chaeryeong kasi napunta siya kay Karina.

"So," panimula ko. "sino dito marunong magbake?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
0 points #1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((