Cupid!

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Na-meet ko na alter ego ni Karina.

Si mumshKie.

Capital talaga yung K, that was her instruction.

Yan daw tawag sa kanya ng mga 'junakis' niyang si Japeth at Nico.

Yes, ka-member ko sila..

Ang saya!

Nag-iba si Nico nung si Karina at Japeth na lang kasama niya. Hinahanap ko kasi yung aisle ng chips kanina tapos naligaw ako sa kung nasaan sila kaya ko nakita.

Hindi naman niya talaga tinatago, baka lang daw kasi mabigla kami. Mga te, mas malambot pa siya kay Japeth!

But my god.

Nakakatawang marinig mag-chos si Karina.

Nag-iibang anyo din siguro siya kapag sila sila na lang sa cafe. Yung prim and proper Karina yung umuuwi sakin.

'Chos!

Kapag umuuwi sa condo.

Walang meaning yan. Gusto ko lang ma-try yang chos na yan. Wag echosera.

Pagdating namin sa vacation house, sila Giselle na nagbuhat ng mga pinamili namin.

Wala kaming binaon na kahit anong food. Baka kasi masira sa van kapag naiwan, nagtagal pa naman kami sa resort kanina.

Kumuha din sila Yuna at Chaeryeong ng drinks.

Maraming, maraming drinks.

Ipagdadasal ko na lang ang mga kaluluwa nila mamaya.

Iinom naman ako pero chill inom lang. Sinusumpa ko pa rin ang alak sa ginawa niya sakin. Nagulo tuloy payapa naming buhay.

Naglalakad na kami papasok ng bahay nang tabihan ako ni Karina.

"Take pictures habang nag-aantay kayo for dinner." She said pagkaayos isabit yung black ecobag sa balikat niya. "Maganda yung place."

"Eh ikaw?"

"Magluluto kami ni ate."

"Tulong kami."

"Sige pero kuhanan mo muna sunset, okay?"

I smiled and nodded.

Pakiramdam ko nasa tuktok kami ng bundok kasi puro paakyat yung daanan kanina. Located 'tong bahay sa isang private village.

Sumalubong sakin ang malaking glass wall pagpasok pa lang namin. The modern interior design of the house was beautiful but the view was amazing.

Slow motion pa 'kong naglakad papalapit sa glass wall to take a closer look sa backyard.

Patio with long wooden table and nakasetup na..

Karaoke.

Gamit na gamit yan sa pinsan ko mamaya.

Katabi lang ng patio yung pool and beyond that yung nakapukaw sa atensyon ko.

A deck, overlooking the whole metro.

And the sunset.

Karina was right.

Ang ganda.

Kinakawayan na pala ako Ning na nasa pool na. Kasama niya si Yeji and ate Teds habang si Lia nakababad lang ang paa sa gilid.

Nilapitan ko sila.

"Ning, yung mga bags?" I asked.

After kasi sa resort kanina, hinatid muna namin sila katulad ng napagkasunduan. Hindi na kami pumasok dito at sinuyo na lang sa kanila yung mga overnight bags namin.

"Nilagay namin lahat sa isang room mga gamit niyo." Sagot ni ate Teds. "First door on your right pag-akyat."

I nodded.

"Naligo man lang ba muna kayo?" Sarcastic kong tanong after ma-realize kung saan kami nanggaling at kung ano pinaggagawa namin kanina.

"Okay na yan para kunware dagat sa alat." Sagot ni Ning.

"Dugyot ka."

Winisikan niya ako ng tubig na mabilis kong naiwasan.

Nagmadali na akong pumasok para kunin camera ko.

May kanya kanyang buhay yung mga tao ngayon.

Si Chaeryeong nakahiga lang sa lap ni Yuna sa couch, tulala sa kisame. Inaya ko si Heejin pero magpapahinga daw muna siya. Umupo siya sa paanan ni Chaeryeong.

Umakyat na 'ko sa kwarto.

First door, right.

Okay!

Open sesa-

"Shet!"

"!"

Mabilis akong tumalikod at pumikit nang makita 'kong nagsusuot si Karina ng t-shirt. Mabilis siyang tumalikod din and nakasuot na sa leeg yung damit pero..

Katawan niya kasi bumungad sakin!

Erase, erase!

"I'm sorry! I should've knocked!" Taranta kong sabi.

"Winter?"

"I'm so sorry! Wala akong nakita! I mean, meron! Pero promise kinalimutan ko na! Nakatalikod na ako!" 

Nakatakip pa nga dalawang kamay ko sa mata eh!

"Pwede pasarado nung door?"

"Oh my god! I'm sorry!"

Dali dali kong kinapa nasaan yung pintuan habang naglalakad patalikod para masarado.

"Dito ka lang talaga sa loob?"

"Ay shet!"

Tumawa siya ng malakas nang taranta kong kinapa yung door knob pero sa halip na buksan, na-lock ko!

"I'm joking!" I heard her chuckling. "Tapos na 'ko magbihis."

Narinig ko na yung footsteps niya papunta ng kama pero dahan dahan pa din ako nag-turn ng katawan. Checking if nakabihis na talaga siya.

Tapos na nga siya.

She's wearing an oversized white shirt, the front hem tucked in sa denim shorts niya.

"Sorry talaga. Hindi ko alam na may tao."

"Kasalanan ko. Akala ko na-lock ko eh."

"Kahit na."

Nahihiyang naglakad na ako papunta sa bag kong nakapatong sa kabilang kama.

Hindi ko siya matitigan sa mukha pero ramdam ko yung titig niya sakin.

Maghukay ka lang, Minjeong.

"Nakuhanan mo na yung sunset?"

Umiling ako ng mabilis.

"Tara."

Napatingin ako sa kanya nang tumayo na siya.

"Akala ko may gagawin ka?"

"Di pa naman ako tinatawag ni ate."

Hinawi niya yung curtains ng room.

Balcony.

Okay, this is better.

Naglakad siya papunta sa railings at pinatong lang ang kamay to admire the view. Mabilis kong inayos yung settings ng camera.

I stood near the door, just right behind her.

I pointed my camera.

"Dapat sunset kuhanan mo hindi ako."

Ay, rinig nga pala yung click.

"Feeling ka konti." Pag-deny ko, not putting down the camera and kinukuhanan pa rin siya.

"Yeah, right." She turned her head to the side and everything just.. slowed down.

I slowly lifted my stare from the camera and let my heart takeover my whole being. Basking in the beauty standing in front of me, even just for a moment.

The pink orange hues battling the night for a place in the sky. The breathtaking view depicting the complexity of life.

Majestic and melancholic.

And then there's her.

Leading me to this exact moment. 

"Focus sa sunset, Winter."

"I will."

I whispered.

 


-----

 

 

Boodle fight.

Inihaw na liempo, inihaw na isda, adobo, itlog na maalat, kamatis.

Panalo!

Umakyat na muna sila Nico after kumain, inantok daw sila sa sobrang busog.

Hindi namin sila pinakilos nung nagprepare ng food. Deserve nila magpahinga lang today. Pero ang kukulit pala ng kitchen boys nila Karina, nakipag-agawan samin ni Lia sa grill.

Tumigil lang sila nung dumating pinsan ko. Hindi sila makapalag eh!

Nagsalang si Yuna ng christmas songs sa karaoke kasi wala daw siya maisip patugtugin. 

Classic siyempre - Jose Marie Chan.

Kahit wala pang ber months.

"Iinom na ba tayo?" Tanong ni Lia, nakatulala sa nakalatag sa gitna ng lamesa.

"Nilatag lang sa harap natin, g na agad?" Sagot ng katabi niyang si Yeji, nakatingin lang sa mga bote.

"Nakakalula pala kinuha natin, Ryeong." Sabi ng nasa kaliwa niyang si Yuna, nakapatong ang siko sa lamesa at nakatulala din.

Ryeong?

"Mukhang konti kanina eh." Sagot ni Chaeryeong na katabi lang din si Yuna, kumukurap kurap sa mga bote.

Binilang ng katabi ni Chaeryeong yung mga bote. "Enough yan sa lahat."

"Karina, hindi yan enough, sobra yan." Sagot ng katabi kong si Giselle.

"May case pa nga sa kusina." Sabi ni Ning sa tabi Giselle, overwhelmed din.

Click!

Lumingon kaming lahat kay Heejin na nasa kabisera, sa kaliwa ko.

"Cute niyo eh. Nakanganga kayo sa mga bote."

Yan na naman siya!

Kinuhanan niya akong natutulog sa byahe kanina –nakanganga. Pagkita ko sa picture ang dami mga gamit na nakapatong sakin – may towel, may shirt, may nakapatong pa na cap sakin. Napagdiskitahan na naman ako.

"Game na, guys?" Bungad ni ate Teds, nakasunod sa kanya si ate Irene.

"Karina, nasaan na bisita mo?" Tanong ni ate pagtabi sakin. "Hindi na siya umabot ng dinner."

Bisita?

"May iba pang-invited?" Yeji turned to Karina.

Nag-ring yung phone ni Karina.

"I think she's here." She stood up. "Wait."

Mabilis siya tumungo papasok ng bahay. Sumunod din si Giselle para salubungin yung bisita. Nag-bilin siya na maghain ng shot glass at mga baso para makapagsimula na.

Bakit biglang lumamig?

Tumayo na si Chaeryeong at Yuna para kumuha ng mga baso.

Nagpu-punch in ng kanta si Ning sa karaoke, malakas ang boses ni ate robot na clear ang accent.

9! 8! 7! 

Tak! 

Tak! 

Tak!

"Ay, ayaw kumagat." Dinidiin na niya ang pagpindot.

3! 2! 1!

Dumagundong yung malakas na intro ng kanta.

Bago ko pa makita yung title, nasagi ako ni ate Irene.

"Sorry, Winter!" Mabilis niyang sabi. "Yung katabi ko kasi!"

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Nagkukulitan kasi yung magjowa sa tabi ko.

Napapailing na lang ako sa ginagawa nila. Pakiramdam ko naglalambingan mga magulang ko.

"Seul, wag ka makulit. Wag dito!"

Nag-effort pa si ate sa pagbulong, rinig na rinig ko naman siya. Pati kilig niya naririnig ko.

Nagkikilitian sila.

"Oh, who's that?" Yeji asked, nakadungaw.

Lumingon kaming lahat.

Natatakpan ni Karina yung bisita.

"She's cute ha?"

"Ay, oo nga."

Mabilis kong nilingon si Yeji at Heejin, nakakunot ang noo sa kanila. Nakita ko pa in action pano nagulat si Lia sa sinabi ni Yeji.

Humawak si Giselle sa balikat ko para maasistahan ang sarili sa pag-upo.

She mouthed something to me pagtingin ko sa kanya. Fren what?

"Hello!" Mabilis na bati ni Ning at bumalik na din sa pagkanta niya, papasok na kasi ng chorus. Kanta ata ng Jeremiah 'to.

A girl stood beside Karina.

Teka!

I remember her!

"Guys! This is Ryujin." Pakilala ni Karina sa kanya, Ryujin waived cooly sa lahat. Tumingin sakin si Karina. "Next door neighbor natin Winter."

Yeah, that was her!

Biglang sumingit yung ulo ni Giselle sa view ko.

Napakunot ang noo ko sa kanya.

She mouthed something again.

"French. Toast."

Huh?

Wait.

FRENCH TOAST?

"Kunin mo na ang lahat sa akin..
OOOOooohhh..
Wag laaaaang.. ang aking mahal."

 

-----

 


"Pano ulit yung game?"

Invested lahat ng tao sa pakulo ni Yuna na card game.

Ako invested sa ibang bagay.

Kanina pa nagtatawanan si Karina at Ryujin. Pati si Chaeryeong at Ning nakikitawa sa kanila!

Ano bang meron?

Wag niyo sarilihin yan.

Hindi nakakatulong yung karaoke na nasa likod ko. Wala akong masyadong marinig!

Napunta ako sa kabisera.

Tumayo lang ako saglit kanina para kunin yung pinasuyong mic ni Ning, kakanta pa raw kasi siya. Pagturn ko, umurong na si ate Irene sa tabi ni Giselle kaya nag-urungan din yung dalawang katabi niya.

Akala ko naman kung ano, yun pala kasi may kinekwento si Ryujin.

Please pass the tea.

Nakita ko si Lia nakatingin na lang sa hawak hawak niyang beer. Siya lang na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u