Winter, pinag-usapan na natin 'to.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Think I see the world, yeah for what it is

Terrified to swing, never wanna miss

Girl, you know if I could get on that plane today

I would empty out all my accounts to see your face

 

 

Fifty-two.

Ganyan karami yung stars sa kisame ko.

Minsan 51, minsan 53.

Depende kung tumitirik na ang mata ko sa antok kakabilang. Plano ko na ngang bumili pa ng tatlong piraso, nakaka-OC pala kasi kapag hindi nag-end by 5s yung count. Parang sa volume lang ng tv kapag hininaan or nilakasan mo.

Naging ritual ko na sila everyday.

Binibilang ko sa gabi, pinagmamasdan ko sa umaga.

Eto yung alone time ko to let my mind wander bago sumabak sa panibagong araw. Minsan about Karina, my future, my career, or life in general.

Katulad ngayon..

 

 

Praying that the shine won't disappear

Wishing I could dance with you on the pier

Yeah, there's energy, life in your city

And the lights in L.A. sure are pretty

And I wonder if you're with me

Say you're with me

 

 

Kung gusto ko maging okay, maybe I should start by being honest with myself.

I'm not sad.. I don't think I am.

I'm.. unhappy? Pwede naman yun, diba?

Or maybe somewhere between okay and not.

Parang nagpapaagos na lang ako sa oras.

Baka ito talaga meaning ng go with the flow. Kahit mauntog-untog ako sa mga bato habang nagpapaagos, okay lang. Wala naman akong choice eh, mabato ang buhay.

 


How many times can I hit the floor

'Till I give in, don't get up no more?

How many times will I say I'm fine

'Till one day I'm not

And I'm scared that I'll cross the line

 


Totoo pala ang homesick no?

Hindi naman ako naging ganito when I left for Manila. I mean, I did miss my sister but the rest, parang dinaanan ko lang sila, like it didn't matter.

I miss Karina.

I miss everyone.

I miss everything.

Everyone has their definition of home.

Para kasi sakin, home is waking up the following day, and even though isang tumbling na lang routine na siya, you still love every minute of the day and you wouldn't trade it for anything in this world. It's being in a crowded room echoing voices in different keys na kahit ang titinis, you oddly find it soothing.

But in general.. 

I think home is a feeling of completeness.

We can possess the most extravagant things, have a successful career, or be surrounded by people you bare a thing or two about yourself and yet, still feel that absence.

For some people, hindi nila ma-pinpoint kung ano yung nawawala.

Lucky and unlucky for me, I'm not like some people because I had it, I've lived it. I had that completeness and I didn't realize it until I left. 

The irony of my life.

I had to come home to find home.

My home.

Maybe Ate was right after all.

We have certain stops in our lives to redirect us where we should be, to bring us where we belong.

Pero di pa pwede ngayon.

Hay.

I miss home.

I sat up on my bed.

Today will be different, today will be better.

That's the spirit, Minjeong. Tama na ang pagiging sad girl.

I closed spotify. No more sad songs.

Unat here, unat there.

I got up from my bed and went straight to the bathroom.

"Today will be different," I whispered to myself in the mirror. "Today.. will be better."

Yas.

Bumalik ako ng kwarto para kumuha ng hoodie. Sinuot ko over my pjs yung nakakalat sa upuan ko.

I messaged Karina telling her na gising na ako at maghahanda ako ng breakfast namin ni Ate. Nag-antay ako ng ilang minuto baka sakali mag-reply siya kaagad.

No reply.

Baka nasa cafe pa.

Dumaan ako sa kwarto ni Ate to check kung gising na siya. Pinakinggan ko mula sa pintuan baka dumating na si Ate Tiff.

Tahimik.

Sumilip ako.

Tulog pa.. yung tao.

Naging meerkat si Zero when he looked back at me. Nag-nest na naman 'to sa kumot ng kapatid ko.

Lumapit siya agad sa akin pagkaway ko.

Nilapat ko ang daliri sa gitna ng mga labi ko, baka biglang kumahol. As if naman maintindihan ng aso yung ginawa ko.

He tapped my right leg. Twice. With his paw.

Seryoso?

Nakipagtitigan lang siya sa akin na para bang inaantay na sumunod ako sa gusto niya.

Fine.

I carried him. Like a baby. Napaka-cute.

Sinarado ko ng bahagya ang pinto ni Ate.

As soon as makababa na kami ng stairs, nagpababa na rin siya.

Lumuhod ako sa harap niya.

"Ginagawa mo kong elevator. Marunong ka naman bumaba ng hagdan?" Mahina kong tanong habang hinahaplos ang likod niya. "Samahan mo ko magprepare ng breakfast?"

Blank doggo stare.

"Sabi ko nga gutom ka na."

He wagged his tail.

I got up to feed him first. Kinuha ko yung food bowl niya at dumiretso sa kusina kung saan nakatago yung dog food.

Nakatabi siya sa akin, watching me fill it with kibble.

"Cute ng pagkain mo, parang cereals." I glanced at him. Heart eyes sa hawak kong cup, para bang nagre-request ng isa pang cup. "Bawal ka raw i-overfeed eh."

He tilted his head.

"Plus half cup lang. Wag mo kong isumbong ha."

Natawa ako sa sarili. 

Baka nga magsumbong.

Nasermunan ako ng kapatid ko nang mahuli niya ako nung dinagdagan ko ng isang cup yung intended number of cups per meal ni Zero. Kesyo masama daw yun at baka magsuka yung aso sa kabusugan.

Jusko.

Pati sa aso hindi ako marunong tumanggi.

Ano na.

Pag-change ko ng water ni Zero, bumalik ako ng kusina para asikasuhin naman ang pagkain for hoomans.

Parang gusto ko ng matamis.

I checked the overhead cupboard kung may pancake mix kami.

Wala.

Nilingon ko yung aisle.

May loaf bread.

May eggs and milk kami.

Nagbuntong-hininga ako.

Fine.

French toast.

Mabilisan akong umakyat para kunin ang phone. Baka lang nagreply na si Karina.

Oops, meron na nga.

 

 

Karina: Morning, baby!
Karina: Nandito na sila Daddy.
Karina: Call you when I get home. Oki?
Karina: ❤❤❤
Winter: Ukipo. Ingat kayo! :)

 

 

Wedding anniversary nga pala ng parents niya!

Lumuwas sila Tito para mag-celebrate kasama ang mga anak. Hindi kasi makakaluwas ang magkapatid at parehas silang may mga lakad sa weekend kaya yung magulang na ang nag-adjust.

I should buy them a gift.

Ano kayang pwede?

Ibibigay ko pag-uwi ko.

I smiled to myself. Pag-uwi.

Sinimulan ko na i-prepare yung french toast.

Nakatitig lang ako sa niluluto kong tinapay. Pagbaling ko kay Zero, pinapanood niya ako from his donut bed across the kitchen.

Ang tahimik.

Times like this, inaatake ako ng pagka-homesick, tuwing mag-isa ako at madalas sa umaga. Nami-miss ko ingay ni Giselle at Ning sa umaga.

I shake off the feeling.

"Today will be different." Bulong ko sa sarili paglipat ko ng tinapay sa serving plate, trying to sound more believable. "Today will be better."

Birthday ni Ning kahapon.

Nung isang araw, birthday ni Heejin.

Tinawagan ko sila para batiin, pinadalhan ko rin sila ng cake galing kela Ryujin. Parehas din silang may ichichika sana pero hindi natuloy. Hindi nakapagkwento si Heej kasi tinawag siya ng mama niya, si Ning naman tinawag ni 'baby girl.'

Kung sino si baby girl, I have no idea.

Hindi siya nahagip sa camera nung kausap ko si Ning.

Ang nabanggit lang sa akin ng pinsan ko, bagong part time daw nila yun sa cafe. Naging palayaw niya ang baby girl kasi bata pa and according to Giselle, mukhang baby girl daw talaga kaya yun na rin ang tawag sa kanya ng iba.

Sa weekend na yung trip nila to Pangasinan.

Kami ni Ate?

Second trip namin to her PT.

Akala ko may aksyon na agad sa unang punta namin last weekend, di pa pala. Assessment pa lang nung pilay ni Ate. Sinabihan siyang pwede nang hindi suotin yung sling pero di pa rin kampante si Ate kaya ginagamit pa rin niya palagi. Tatanggalin niya for an hour tapos di siya gagalaw.

Galing diba?

Kaka-stress mag-alaga ng matigas ang ulo.

Anything other than our usual walks and movie marathons dito sa bahay?

Wala na, nothing exciting.

I really don't mind kasi wala rin ako sa mood to go out at all. Except the other day nung kinulit ako ni Ate Tiff na sumama sa kanila. 

Where exactly?

The mall.

Shopping.

.. woohoo..

But today will be different, today will be better ulit ko sa isip.

Pag-off ko ng stove, naghain ako ng dalawang plates, nag-prep ng juice, at umakyat para gisingin si Ate. Nakabuntot sa akin si Zero.

".. Ate.." Mahina kong tawag.

Nakatayo ako sa tabi ng kama, si Zero ang nasa kabilang side naman ng kapatid ko.

Tinusok ko yung pisngi niya. "Ate.."

Kung malalagyan ko ng linya ang pagtingin sakin ni Zero ngayon, it would be --

'Kahulan ko na?'

Joke lang.

Ako na.

"Ate, gising." Max volume.

"Hmm.." She rubbed her eyes before taking a second look at me. "Minjeong?"

"Breakfast tayo." I pouted like a kid asking for her company.

She glanced at her clock on top of the table -- 6:30 am.

"Ang aga pa?"

"Kaya nga breakfast eh."

Natawa siya sa sarili. "Okay, okay."

Nauna akong bumaba kasi nilalambing pa ni Zero ang amo niya. Sana ako rin nilambing niya kanina pero hindi, escalator lang ang tingin sakin nung aso.

Inantay ko sila makababa bago kumain.

Nagkwento si Ate about the tour.

Kahit hindi sabihin ng kapatid ko, alam ko malungkot siya kasi cancelled na talaga lahat eh. Initially postponed pero priority na ng label yung recovery ni Ate. Dapat naman talaga pero yung kapatid ko parang gusto sumabak ulit kahit may sling pa siya. Pwede naman daw niyang hawakan yung mic gamit ang left hand.

That's not the point?

Pero naiintindihan ko naman kung bakit.

All their preparations and hard work went down the drain because of a drunk .

Yup, nahuli na.

Lasing pala si gago.

Ano bang mahirap sa don't drink and drive? Kung may pangbayad ka ng gas I'm sure may pangbayad ka ng taxi. Ang daming naapektuhan dahil sa pagiging tanga niya. Hindi niya kina-cool yun.

Umiinit na naman ulo ko.

Anyway.

Kaya di pa ako pwedeng umuwi.

Nag-aalala pa rin ako sa kanya at gusto ko siyang samahan hanggang maging okay siya; physically, mentally, emotionally. Hindi ko kayang iwan kapatid ko ng basta-basta.

Pinapanood ko si Zero laruin yung chew toy nang magtanong si Ate.

"How are you and Karina?"

Medyo duda ako.

It's not the first time she asked pero bakit iba yung weight ngayon? Or baka ako lang?

"We're okay."

"Bibisita ba siya?"

Yan ang first time niyang tanungin.

Aside sa mga kwento ko na nasas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u