Tayo lang?

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Di ko alam anong sumapi sakin pero ang productive ko today.

Nagsimula kaninang umaga.

Today yung meeting nila Karina kaya sabi ko kay Ning, kami maghanda ng umagahan. At dahil big day para sa kanila 'to, nag-effort kami ng pinsan ko.

Breakfast of champions — hotsilog.

Lumabas pa kami para maghanap ng panaderya. 

Trip lang namin mangamoy freshly baked pandesal yung unit. Plus the smell of brewed coffee? Perfect.

Alam kasi namin kabado yung dalawa. Well, si Karina lang talaga. Either magaling magtago si Giselle or chill lang talaga siyang tao.

Pag-uwi ng mga kaibigan namin kagabi, pumwesto si Karina sa sala with her laptop. Eh hindi pa ako inaantok kaya sinamahan ko siya. 

Kailangan daw niya kasi i-double check lahat pero parang di lang yun yung nangyari, new presentation pa ata ginawa niya. Nakailang episodes kasi ako ng masterchef e.

Or baka dahil sakin bakit siya tumagal.

Hindi ko naman siya ginulo pero ilang beses ko siyang nahuli nakikinood sakin. Naisip ko na hindi siya pwede magpuyat kaya ang ginawa ko, pinatay ko yung TV at lumipat sa phone ko.

Wrong move.

Bigla ba naman sumimangot sakin! 

Pampagising daw niya yung TV.

Hala sige! 

Mapuyat na kami parehas, wag lang siya mag-pout.

We even cheered them bago sila umalis kanina.

Masaya kami ni Ning para sa kanila eh.

First year pa lang, magbranch out na yung cafe? Okay, I don't know much about business pero the fact na may interested mag-invest sa cafe means it's doing great, diba?

After breakfast, nilayasan ako ni Ning nung sinabi ko na maglilinis lang ako today, pagod daw siya.

Paano siya napagod? Eh nagpatong lang siya ng isang speaker kahapon.

Nagpatulong kasi sila Lia magsetup nung temporary studio nila sa unit. Kakaunti lang naman ginawa namin, nagkabit nga lang ako ng cables eh. Kaya naman nila yun ni Chaeryeong, clingy lang sila sakin lately.

Mula nung lumipat na sila sa baba, ganyan na sila sakin.

Hindi naman ako aalis?

Nakatulong na walang nangulit sakin habang naglilinis kasi before lunch time natapos na ako sa house chores.

Naglinis ako sa sala.

Naglinis ng kwarto ko.

Nagtupi ng sampay.

Pati CR nilinis ko kahit hindi ako naka-schedule.

Tatlo lang ang established house rules namin ni Karina:
1. Magpaalam kung may bisita.
2. Salitan kami sa paglilinis ng bathroom.
3. Scheduled laundry

#1 
Di naman kailangan magpaalam, ipaalam lang.

Hindi naman problema yung pagpunta ng mga tao dito, para lang daw aware ang isa't isa. Baka daw kasi bigla niya maisipan maglakad ng naka- at bra lang sa living room tapos andito pala si Chaeryeong.

Nabilaukan ako nung sinabi niya yan.

Jusko naman.

Yung bata namin wala pang muwang sa mundo!

Okay lang naman talaga. I mean, bahay naman niya 'to at kung ano gusto niyang suotin, go. Pero sana abisuhan niya ako para prepared ako. Yung kapag sinabi niya 'Winter, mainit,' gets ko na agad at magkukulong na ako sa kwarto.

Biro lang naman daw yun pero dahil may approval ko, baka ma-consider niya tapos ngumiti siya ng pagkalawak lawak sakin.

Ewan ko sayo, Karina!

#2 
Para daw fair sa aming dalawa, parehas kami maglilinis ng CR.

Okay lang naman sa akin 'to, hindi naman ako maarte. Actually, tuwing gagamit ako, I make sure na malinis kong iiwanan. Mahiya naman ako kung mag-iwan ako ng bakas, diba?

Wala kaming problema sa living room kasi kahit anong gulo nung mga bisita namin, ang ayos pa rin talaga ng sala. Akala mo hindi dinaanan ng anim na bagyo.

#3
Gets ko naman bakit kailangan naka-schedule 'to.

Ang hindi ko gets, bakit excited si Karina para sa araw na 'to.

Minsan makikita ko siya bitbit yung mga bagong labada niya para magsampay pero ang laki laki ng ngiti niya. Tinanong ko siya dati bakit sobrang saya niya, akala ko naman kung ano. Mabango lang pala kasi yung labada niya.

Nahiya naman yung pagtapon ko lang ng mga damit ko sa washing machine. Nahaluan pa nga ng ibang kulay yung white shirts ko.

Lesson learned.

Yung expenses naman, hati na rin kami sa grocery.

Speaking of grocery, sabi nung dalawa makikihati din daw sila. Para pa silang napilitan nung sinita ko sila nung isang araw. Nakakahiya kaya sa kasama ko!

Okay lang si Ning, kargo ko talaga siya eh. Pero yung dalawa, jusko ang titigas!

Mahal ko naman daw sila.

Mahal din ang itlog, guys!

Siguro tatanggapin ko kung minsan lang sila pumunta sa unit namin pero parang wala silang kusina sa unit nila.

Katulad ngayon, almost lunch time na. Ibig sabihin makakatanggap na ko ng message galing dun sa dalawa.

Pagbalik ko sa kwarto, may message nga ako galing kay Lia.

 

Maflia: Win ano lunch diyan?
Me: Wala pa. Ikaw magluto.
Maflia: G
Me: Okay. Tawagin ko si Ning.

 

Nagsend na muna ako ng message kay Karina bago tawagin pinsan ko.

Simula nung lumipat sila dito, sila na pinag-iisip namin kung ano kakainin kapag kami kami lang. Nakakapagod pala kasi mag-isip ng kakainin? Feeling namin ni Ning paulit ulit lang yung ulam kapag kami ang nagluluto. Ganito din kaya nafi-feel ni Karina?

Sabay din dumating yung tatlo.

Wala ng hi hello or hiyaan, nagtanguan lang kaming apat tapos dumiretso na sa kusina.

Napakita na nila Chaeryeong worst form nila kay Ning, mahihiya pa ba sila? Siyempre hindi na.

Nagtulungan na kaming tatlo para mabilis matapos.

Si Chaeryeong ang maghuhugas.

Buti na lang talaga natuto na si Lia magluto. Dati kasi lahat dinadaan niya sa microwave. Itlog, noodles, kahit spam hindi nakaligtas sa cooking technique niya.

Trip daw niya mag-pasta today kaya sige — spaghetti pomodoro.

"Kelan mo papakilala si Heejin samin, Win?" 

Nabilaukan si Ning pagka-slurp niya ng pasta.

Inabutan ko siya agad ng tubig.

"Ano na naman iniisip niyo?" Irita kong tanong.

Lia shrugged. "Curious lang naman kami."

"And you drunk called her." Dagdag ni Chaeryeong.

Mabilis akong nilingon ng pinsan ko.

Jusko po.

Nakalimutan ko kausapin si ate Taeyeon about this.

Akala ko naman kasi hindi na nila maaalala eh.

Kokontsabahin ko siya sana para may panglusot ako kela Lia. At least isang tao lang makakaalam nung totoong nangyari and kontrolado ko din if ever.

"Tinawagan mo siya?" Tanong ni Ning.

"Si ate yung tinawagan ko, hindi siya."

"Hindi mo nga tinatawagan kapatid mo." Pilit ni Chaeryeong.

"Tanong niyo pa, go." Hamon ko sa kanilang tatlo.

Sana tulog na kapatid ko para maunahan ko sila.

Hindi ko nga alam pinagsasabi ko kay Karina eh!

Ilang araw ko na siyang kinukulit about it pero laging sagot niya wag ako magworry kasi walang magbabago. Ano yun, diba? Na-stress lang ako lalo.

"Anong oras kayo magluluto bukas?" Tanong ko para ma-drop yung topic.

Bukas na yung game night slash housewarming nung dalawa.

May something talaga dito kay Lia. Parang gusto magpa-impress eh.

Tinadtad niya ako ng pictures ng mga gusto niyang lutuin nung isang araw. Eh nung housewarming niya dati, ako pa nagdala ng ibang pagkain!

"Baka after lunch na. Maggrocery pa kami ni Chaeryeong eh. Sama kayo?"

"Pa-experience naman maging house guest lang." Simangot kong sagot sa kanya.

Nagsi-uwian na din muna sila Ning after namin kumain.

May gagawin pa raw sila.

Ako pa niloko nila, eh kitang kita sa mata nila yung antok. Ang pupungay na eh.

Minessage ko na agad kapatid ko.

 

Me: Ate, kunwari ikaw na-drunk call ko nung isang gabi ha?

 

Palabas na ako ng kwarto para maligo nang tumunog yung phone ko.

 

Sis: I'll agree if you answer my question.
Me: Bakit gising ka pa?
Sis: Ako yung magtatanong, Minjeong.
Me: Hehe. Concerned lang.
Sis: Si Karina tinawagan mo?
Me: ...

 

Wow, instant phone call. Wala pa nga akong sagot eh.

"Anong pinagsasabi mo sa kasama mo?" Bungad sakin ng kapatid ko.

"Hello din sayo at bakit yung tono mo parang si Karina pa ang kapatid mo?"

"I'm just protecting her from your drunk ."

"Ang sakit ha."

"I've seen you get drunk once and it's not a good sight. It was fun for me but not for others."

First album celebration ni ate Taeyeon nun.

Dun ko din unang nakilala si Lia at Chaeryeong. 

Kapag naalala ko mga ginawa namin, napapapikit na lang ako sa hiya. Hindi talaga maganda combination naming tatlo umpisa pa lang.

Sana sinermunan na lang ako ng kapatid ko after ng gabing yun. Nandun yung president ng label tapos kapatid pa niya yung umeksena, hindi ba siya nahiya? Diba kapag magulo kapatid mo dapat pinapagalitan mo hindi kinukuhanan ng video?

Natuwa daw kasi siya kaya may documentation.

"Aside from the drunk call, ano pang ginawa mo?" She asked.

"Uhh.. di naman malala.."

"Like?"

"Nagpasundo kami..?"

"Ano pa?"

"Dun ako sa room niya natulog..?"

"You guys did it?!" Bulyaw ng kapatid ko sa kabilang linya.

Nilayo ko agad yung phone sa tenga ko kasi ang dami pa niyang pinagsasabi.

Kapag natulog sa kwarto yun agad?

"No, ano ba. Hindi nga kami nagtabi eh." Irita kong sabi sa kanya. "Pinalayas ko daw siya sa kwarto niya tapos ako yung natulog don."

"Daw?"

"Yun yung kwento niya, wala kasi ako maalala."

Bigla siyang natahimik sa kabilang linya.

Hindi magandang senyales 'to.

"You do realize na baka may hindi siya sinasabi sayo, diba? Like, baka hinalikan mo siya.."

Ako naman natahimik ngayon.

Ngayon ko lang naisip yan. 

Yung naisip ko kasi nung isang araw baka bigla akong sumayaw ganon or kung ano man na nagmukha akong ewan.

Walang ganyan!

Okay, sabi ni Karina walang ibang nangyari and I trust her.

"Kung ginawa ko yan edi sana pinalayas na niya 'ko."

Narinig kong tumatawa na yung kapatid ko sa kabilang linya. I swear, hindi siya nakakatulong.

"I'm just saying!"

"Ayaw na kitang kausap." Binaba ko na yung call.

Itatapon ko na sana sa kama yung phone nang humabol pa siya ng message.

 

Sis: Joke lang kasi!
Me: Hindi funny.
Sis: Okay, okay. Minjeo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u