Patibong yan eh.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Group chat: Unit 1117
Winter: Question.
Winter: Maliit ba talaga ang mundo? Like literal na maliit.
Lia: Para sating maliliit, malaki.
Winter: Wag mo ko dinadamay sa height problem mo.
Yuna: anmeron?
Karina: We saw Minju.
 

 

And then there was silence.

"Wow, I was expecting violent reactions."

"Nasa work pa sila, babe."

"Oo nga pala," tumakas ako ng tingin kay Karina, hesitating if I should ask kung okay lang siya.

Ang bilis kasi ng transition!

We were there, you know, having a moment, next thing we know kaharap na namin si Minju.

Tama nga ang kapatid ko.

Ang mundo ay isang malaking Quaipo, maraming snatcher. Pero marami ka rin mababangga habang tinatahak mo ang masikip na daanan or ikaw naman ang mababangga kahit anong iwas mo sa kanila.

I know I said Karina should let that baggage go pero taympers muna. Minamadali nila bebe ko!

Hindi pwede next month?

Next year?

Better yet, kung kelan ready na siya mismo?

Universe, we've been good. What are you doing?

Hindi tuloy namin naikot yung HMR!

Nag-aya ako umuwi agad after our brief encounter with Minju.

Kahit gusto kong libangin si Karina to take her mind off things, minabuti na lang namin pumirme muna sa bahay. Baka kasi kung sino pa itapon sa daan namin. Baka si Somi or si Chaewon, ganun.

Wala lang, baka trip ng universe mag-season of exes sa buhay namin. Sorry, Somi..

"Of all places.." pabulong na sabi ni Karina.

Napatingin ako sa katabi kong nakahiga na at nakadantay ang legs sakin habang nasa sofa kami. Kagat ang labi at malalim ang iniisip.

"Uhm.. okay ka lang?"

"I'm okay." She answered with a tight-lipped smile.

"Akala ko magbubuhat ako ng lamesa pauwi.." Biro ko.

Ngumiti siya sa akin. "Actually. Bakit ka nga ba nag-aya na umuwi?"

"Babe, we'll never know kung sino pa pakalat-kalat sa QC."

At umalingawngaw ang malalim niyang tawa sa buong unit.

Makatawa 'to.

Akala mo hindi natameme when we saw her cousin! Legit, hindi niya ako binitawan at all tapos nakatitig lang siya kay Minju.

Hindi siya galit katulad nung party ni Tita Kat eh. Definitely hindi yun.

The Karina I know has smiling eyes and you just know she listens to you. Yung kahit ang ingay-ingay na ng paligid she doesn't care, she'll give you her attention.

Hindi rin siya indifferent katulad nung 2nd party ni Tita.

Side comment, ang daming parties.

Pero kaharap nga naman kasi yung pamilya from both sides ni Karina, kailangan niya magpaka-civil dun. Lalo na't walang alam yung parents niya. If I remember it correctly, nung time na yun ngumingiti pa si Karina but you know there's something going on to her mind. Baka may hawak siyang chaka doll sa utak niya, we'll never know.

Yung kanina.. ano lang.. my lady was too stunned to speak. Tatlo kaming gulat, makikisalingkitkit na ako.

"Kakausapin mo na siya?"

She sighed. "I've thought about it when we were in Baguio."

"And?"

"Ang weird lang na nakalasubong natin siya."

"Reminder daw sabi ni universe." Wala sa sarili kong sabi. "ARAY!"

Kinurot niya 'ko sa tagiliran!

"What's that for??" Salubong na ang kilay ko kakahimas sa injured area.

"Kakatawag mo sa universe, kung sinu-sino hinaharap satin!"

"Malay ko bang naririnig pala niya ko!" Yung fats ko, my god. Ang sakit niya talaga mangurot. "Teka nga, kelan ka pa naniwala sa universe shenanigans ko?"

"We just saw my cousin at HMR in broad daylight." Diretso niyang sagot. "Kung sa bar or restaurant, acceptable eh. Also, sa dami ng pinsan ko, siya talaga? And right where we live!"

"Okay, point."

Pinagkikita ba sila?

Nag-aya si Karina manood ng masterfchef after magpalit ng damit.

Nagluto ako popcorn at nagtimpla ng juice para complete setup ang pagiging couch potato namin. Maaga pa naman para magluto ng dinner.

Blag!

Blag!

Inangat ko ang tingin sa wall clock namin, just above the tv -- 4pm.

"May nagsabi ba na pupunta ng ganito kaaga?" Tanong ni Karina pagtayo ko para pagbuksan kung sino man nasa pinto namin na galit na galit.

"Wala."

Blag!

Blag!

Blag!

May doorbell kami eh.

"Sandali naman!" Sigaw ko.

Pagsilip ko sa peephole -- si Giselle, Lia, and Chaeryeong.

Muntikan pang sumampal sa mukha ko yung pintuan pagbukas ko nito. Ang lakas ng paghawi ni Giselle at yung dalawa naman ay nakabuntot lang sa kanya.

Hi.

Hello.

Welcome to our humble abode.

"You saw Minju??" Atribidang opening line ni Giselle sa kaibigan niya.

"Where?"

"When?"

"How?" Ako na nagdugtong sa chain of questions.

Nakatayo silang tatlo sa harap ni Karina na gulat sa itsura nilang tatlo.

Para kasi silang makikipag-away.

On cue naman na kumuha sila ng upuan mula sa dining pag-upo ko sa tabi ni Karina. Tinabi nila Lia yung center table before taking their seat.

Ano 'to, interrogation?

"Tell us what happened." Simula ni Giselle.

"Complete details."

"Start."

Parang mga ewan lang.

 

 

-----

 

 

"Minju."

Full 10 seconds yata yung titigan naming tatlo. Well, sila lang. Ako ay isang bystander lang dito.

Tinulungan ni ate guard si Minju sa mga pinamili niyang nalaglag.

Gusto ko lang share, nasa gitna kami ng daanan. Si Minju nasa exit habang kami naman ni Karina ay papasok na sana sa turnstile.

"Taga-QC ka rin pala?" Ako na ang bumasag ng katahimikan at nagtanong sa pinsan niya.

"I just moved here."

I see.

Anong weird 'to, universe?

NCR is composed of 16 cities at hindi ko na sila ime-mention pa dito. The point is.. out of 16 cities, natumpok pa ni Minju kung nasaan pinsan niya? Jackpot eh.

Saglit na na-distract si Minju nang may nag-excuse sa kanya para makadaan palabas ng HMR.

"Maybe we should move aside?" She suggested.

Sinilip ko yung girlfriend ko na kalmado lang pero di rin makapaniwala sa nangyayari.

Awkward silence ulit pagtabi namin sa mga pushcarts.

"I hope you consider meeting me, Rina. Kahit 1 hour lang." Ani ni Minju pero di nakatakas sa pandinig ko yung subtle pleading.

Humigpit ang paghawak ni Karina sa kamay ko. "I'm still thinking about it."

Minju just nodded.

"I'll leave my number." Then she offered her hand kay Karina but she didn't budge. Tiningnan lang niya at bumaling na ulit kay Minju.

Teka..

Ang awkward..

Dali dali kong dinukot ang phone sa shorts ko at nilagay sa palad ni Minju. "Dito na lang. Hehe."

 

-----

 

"Akin na yung number." Putol ni Chaeryeong sa pagkekwento ko.

"Bakit?" Sabay naming tanong ni Karina.

"Baka pag-awayan niyo pa yan."

"I'm not that petty." Depensa ni Karina.

"She's not that petty." Ulit ko.

"Gusto niyo bang paalala namin sa inyo yung away niyo last time?" Singit ni Giselle.

"Miscommunication yun, diba?" Sagot ulit ng bebe ko.

"And dapat inaway na niya ko kanina pa."

Karina agreed with me.

"Pano kung after 10 years mag-away kayo tapos maungkat yan, 'may number ka nga ni Minju eh.'" Rason naman ni Lia.

May ganon?

"She's not that petty." Depensa ko.

"I'm not -" Natahimik si Karina saglit bago nilapit ng bahagya ang sarili sakin. "Ilipat mo na lang sa contacts ko mamaya, just to be sure."

"Para mong sinabi na mag-uungkat ka nga?"

"We'll never know, babe."

"Fine." Bumaling ako sa tatlo. "Can I continue now?"

Tumango yung tatlo sakin.

 

-----

 

Ngumiti ng tipid sa akin si Minju pagbalik ng phone ko. "Thanks."

Tiningnan niya kami ni Karina.

"I guess.. see you around?"

Umalis na siya.

"Did that just really happened?" I asked to no one in particular, sarili ko na lang siguro.

Tahimik lang si Karina sa tabi ko at nakamasid sa paglakad ni Minju papunta sa direksyon ng condo.

Di naman siguro siya dun nakatira, diba?

"Uwi na tayo, babe?" Aya ko.

Tumango siya sakin.

Kailangan ko yata ng invisibility cloak habang naglalakad.

 

 

-----

 

 

"She's not following you, right?" Maarteng tanong ni Giselle, naka-lean forward ang katawan sa kitchen counter at pinapanood si Karina. May hawak itong sliced carrot na ninakaw niya sa chopping board ng jowa ko for my pork giniling.

Hihi.

Giniling.

Minjeong, focus.

"I doubt that she is. Minju won't do that." Karina replied.

Nakatayo lang kami nila Lia sa may island counter, Karina and Giselle's backs facing us at pinapanood lang silang magkaibigan.

"Totoo ba 'to? Pinagtatanggol mo?"

"I just know she won't." Simpleng sagot ni Karina kay Giselle tsaka inabot yung bowl ng uncooked pork giniling.

Well, true naman.

Minju really wants to talk, yes. But I doubt na lilipat siya ng QC para lang sundan yung pinsan niya. Walang gagawa nun, sa movies lang nangyayare yun.

"What are the chances na magkikita kayo outside family gatherings, diba?" Singit ni Chaeryeong.

"Baka pinagkikita kami? I don't know." She replied then shrugged.

Naniniwala na nga sa universe shenanigans ang jowa ko!

Next up, horoscopes.

Joke lang.

Mukha pa silang disappointed na walang sabunutan na nangyari after namin magkwento.

Parang mga ewan.

Mukha bang gagawin nila yun in public?

Siguro kung nasa loob sila ng kwarto na sila lang tapos ilalock sila dun for 24 hours, pwede.

De, joke lang.

Karina won't do that.

Nakinood na lang din sila sa amin ng masterchef kanina. Sila pa nga umubos ng popcorn namin eh.

Very deja vu yung nangyari.

Umayaw sila when we offered. Nung patapos na kami sa isang episode, sila na may hawak nung bowl. Nag-request pa nga na magluto pa ko.

Yung totoo? Di naman ako madamot eh!

"In relation sa nangyari.." pumwesto sa likuran namin ni Lia si Giselle tsaka umakbay. ".. kakausapin mo nga?"

Sabay-sabay kaming nag-antay ng sagot ni Karina.

Pinatong ni Karina yung sandok sa isang platito tsaka humarap sa amin.

Blag!

Blag!

Blag!

Alam naman nilang may doorbell kami eh.

"Ako na." Sabi ko kay Karina at bumalik na siya sa pagluluto.

Rinig ko yung exasperated na hinga nung tatlo nang magkacliffhanger dahil sa kumakatok.

Blag!

Blag!

Blag!

"Zombie apocalypse ba, makakatok!" Reklamo ko.

"Uy, Win. Wag ka magsabi ng ganyan, malay mo yun na nangyayari sa labas." Sabay tago sa likuran ni Chaeryeong.

"Bawasan mo na panonood mo."

Pagsilip ko sa peephole -- si Heejin, Yuna, at Yeji.

Hindi pa sila zombie I guess, walang dugo eh. Nakadikit yung mukha nilang tatlo sa newly installed peephole namin.

Muntikan na naman masoplak yung mukha ko.

This time si Yuna ang tumulak ng pintuan, nakasunod sa kanya yung dalawa. Para silang mag-aamok ng away sa kabilang kanto.

"You saw Minju??" Eksahaderang intro niya sa kalmadong naglalagay ng patatas at carrots na si Karina.

"Yuna, teka, may sasagutin siyang tanong eh." Sabi ni Giselle.

"Ay, de!"

"Pano naman kaming bagong dating?"

"True," pag-agree ni Heejin. "Chika niyo muna sa amin tsaka sagutin ni Karina yung tanong."

"Sige." Chaeryeong cut. "Kami na magkekwento, gist lang para mabilis."

So ngayon, nagkaroon ng barricade sa gilid ng kusina dahil kay Yuna, Yeji, at Heejin. Sumingit ako sa kanilang tatlo para matabihan ang girlfriend ko.

"Hayaan natin sila magkwento?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya tsaka sumandok ng giniling with patatas at onting sabaw. Hinipan niya ito at akmang susubuan ako.

"Tikman mo kung okay na for you."

Napakurap ako bago sinubo yung kutsarita.

"Masarap?" Nakaabang si Karina sa isasagot ko, lakas lang maka-taste tester.

Gusto ko maluha.

Ang ni-request ko kasi sa kanya karinderya luto ng pork giniling tapos kuhang kuha niya! Yung malabnaw yung sabaw na aakalain mo matabang pero hindi, sobrang malasa.

Dahil siguro sa betsin.

Pero walang betsin yung kay Karina, syempre.

Paborito namin ni daddy kumain sa mga karinderya dati kapag kaming dalawa lang magkasama. Secret lang daw namin yun sa nanay ko kasi papagalitan kami pero siya mismo magkekwento kay mommy.

Galing, diba?

Lam ko na talaga kanino ako nagmana eh.

Hindi na sana ako magre-request ng hard boiled egg kasi dagdag lutuin pa pero mapilit si Karina, kulang daw ang giniling kung walang itlog. Siguro kapag ilalagay na yung itlog sa ulam mamaya, magmumukha ng itlog na may onting giniling. Sampung itlog kasi niluto namin, ang dami namin eh.

"Babe?"

Hala, nagspace out pala ako.

Yung giniling kasi!

"Babe, alam mo yung sa Ratatouille? Nung pagtikim ni Anton Ego sa ratatouille nung daga, para siyang binalik sa childhood niya?"

Karina giggled. "Dahil sa giniling?"

"You don't understand, ang sarap okay?"

Her smile grew wider. "Palambutin ko lang yung patatas then we can eat."

Kami, mag-uungkatan ng past?

Malabong mangyari yan.

Pagkatapos namin ipaglaban together na giniling ang ulam for dinner? Ayaw kasi nila Lia, gusto daw nila ng adobo or afritada, basta manok.

"Tapos na kayo diyan?"

May audience pala kami.

"Tapos na mag-flashback?" Tanong ko.

"Di pa, inaantay namin kayo." Sagot ni Yeji.

 

 

-----

 

 

"You."

 

-----

 

"Babe, umpisa pa lang mali na. Hindi ba natin ico-correct?" Bulong ko kay Karina habang nakatingin dun sa tatlong g na g magkwento sa mga bagong dating.

"Wag na." Sagot niya habang nagbabalat ng itlog. "Di yan makikinig satin."

 

-----

 

So ganito ang pwesto namin sa HMR.

Nasa gitna kaming tatlo, may mga dumadaan na papasok at palabas na customers. In short, harang kami sa daan.

Limang minuto na yatang magkatitig lang si Karina at Minju. Ramdam ko ang pagiging outsider ngayon.

"Taga-QC ka pala?" Nakangiting tanong ko sa kanya, minulagatan ako ni Karina.

"Yeah.."

May nakabangga kay Minju kaya inaya niya kaming gumilid para makapag-usap.

Sinilip ko yung girlfriend ko na kalmado lang pero di rin makapaniwala sa nangyayari. 

"I hope you consider meeting me, Rina. Please, 1 hour lang." Minju said.

"I don't know."

Minju just nodded, tears almost falling.

 

-----

 

"Ano bang pinagsasabi niyong tatlo?" Pataray kong singit. "Walang umiyak."

"Kami nagkekwento, diba?"

 

-----

 

"I'll leave my number." Then she offered her hand kay Karina but Karina didn't budge. Tiningnan lang niya at bumaling na ulit kay Minju.

Hala, awkward hand.

Dali dali kong dinukot ang phone sa shorts ko at nilagay sa palad ni Minju. "Dito na lang. Hehe."

 

-----

 

"May number ka ni Minju?!" Bulyaw ni Yuna sakin.

"May tiwala kami sayo pero baka pag-awayan niyo yan!" Sabi ni Yeji.

"Kalma, nilipat na sa phone ni Karina." Sagot ni Giselle.

"Nangyayare talaga yun? Dahil sa number?"

Tumango sakin si Lia, Heejin, Yeji, Giselle, Yuna, and my girlfriend.

"Bakit nakikitango ka?" Tanong ko kay Lia tsaka bumaling kay Yeji. "Nag-away kayo?"

Tinaasan ni Yeji ng kilay ang kaibigan ko. "Sino umaway sayo? Sure akong di ako yun."

"Na-witness ko kasi sa nanay ko yung pag-uungkat!" Depensa niya.

"Ano na yung kwento?" Ungot ni Yuna.

 

-

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u