Mars.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"Girls, this is your room."

Tumingala ako sa mga nakatatanda kong kasama bago dumungaw ulit sa munting kwarto. Pumasok rin sila kaagad para ilapag yung mga gamit namin habang ako ay naiwang nakatayo lang sa pintuan.

Isang kama.

Lamesa.

Cabinet.

"Sorry ang liit ng kwarto niyo." Nakapamewang si Ante Bo at para bang sinusukat ang bawat haligi ng kwarto kung tama na sa amin ito ni Ate. "Hindi pa ako nakakahanap ng bagong apartment."

Malaki nga siya para sa isa eh.

May pagkamadaldal din pala kapatid ni Daddy, parang siya lang.

Kailangan ng bwelo.

Magdadalawang taon na raw nakatira si Ante dito. Sa hirap daw maghanap ng matinong roommate, mas pinili na lang niyang mag-isa na lang bilang pihikan siya sa tao. Ang dami niyang sama ng loob sa mga nakasama dati.

Mayroon kinain yung baon niya.

Mayroon mahilig mangutang pero hindi nagbabayad.

At mayroon din mahilig mag-uwi ng kung sinu-sinong lalake sa flat nila.

Mabuti na lang daw mura yung upa niya ngayon kaya kinakaya niya na walang kahati sa renta.

Pero hindi daw maiwasan malungkot kapag uuwi siya sa tahimik na bahay o di kaya kapag mag-isa siyang kumakain sa hapag-kainan. Kaya madalas nakikipagkita na lang siya sa ibang mga kaibigan niya. Ngayon daw hindi na siya malulungkot kasi nandito na kami.

"Let's have dinner?" Masiglang aya pero bumagsak din ang mga ngiti nang usisain ang mga suot namin simula kahapon. "Hmm. Let's change first then we'll go out."

Pilit akong ngumiti sa kanya nang lumingon siya sa akin, mukhang excited siyang mamasyal kami.

Pumasok lang ako ng kwarto nang sumarado na ang pinto sa kabila.

"Minjeong, lika na. Eto suotin mo." Inabot ni Ate ang isang pulang t-shirt at jeans. "Mauna ka na magpalit sa cr."

"Dun sa labas?" Tanong ko.

"Sa kabilang bahay, go." Humagikgik siya pagsagot.

"Napaka-epal."

"Magpalit ka na." Sagot ni Ate habang naghahalungkat ng damit sa maleta.

Uhm..

Kinalabit ko siya sa balikat. "Ate."

"Oh?"

"Samahan mo ko."

Natigil siya at nagtatakang tumingin sa akin. "Natatakot ka? Walang multo dito."

Bumusangot ako. "Epal naman eeeh."

Hindi ako natatakot. Ano lang.. uhm.. nahihiya akong maglakad sa labas. Namamahay? Ewan ko. Para akong nanliliit pero hindi dahil sa malaki yung bahay, ramdam ko lang na hindi ako taga-dito.

Napailing siya pero tumayo na rin para samahan ako.

Humapyaw siya ng tingin sa may kama. "Tiis muna tayo sa isang kama ha?"

Napatingin rin ako sa kulay asul na kobre kama at dalawang unan.

Maliit yung kama pero parehas kaming maliit ng kapatid ko kaya imposibleng hindi kami magkasya. Sanay na akong sumisiksik siya sa akin kapag kinikilig siya kung kanino o kapag gusto niya lang akong asarin kaya okay lang na magkatabi kami.

"Kailangan pa rin natin magtipid eh." Sagot niya, malungkot ang tono ng boses. "Dibale, sa unang sweldo ko bibilhan kita ng sarili mo -- banig."

Nanlaki ang mga mata ko. "Baket ako yung sa banig??"

Dedma yung kapatid ko na tuwang tuwa sa pang-aasar.

"Diba kapag panganay dapat siya yung nagbibigay??"

Dedma pa rin siya.

Umakbay siya sa akin at hinatak na ako palabas ng kwarto.

"Unang araw pa lang natin dito, hindi na kita kilala, Ate!"

At umalingawngaw ang mangkukulam niyang tawa sa bahay.

Napaka-epal talaga!

 

 

 

-----

 

 

 

"Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."

Walang kaemo-emosyon kong tiningnan si Ning. "Ha ha, very funny."

Alam niyo yung feeling na wala pang nangyayare pero ang bigat-bigat na ng loob mo? Yung wala ka pa ngang ginagawang desisyon sa buhay pero dama mo na yung magiging epekto sa tao?

That's exactly how I feel.

Growing up . Adulting .

Sasabog na yung utak ko kakaisip.

Tatanggapin ko yung pagsakit ng kasu-kasuan ko o di kaya yung paglabo ng mata ko pero hindi yun ang pinili niya!

You know what growing up does?

It s up everything you learned when you were young.

Yung dating always respect your elders napapalitan ng respect begets respect. Help everyone in need? Check mo raw muna baka scammer. Nagiging gray area paano tumanaw ng utang na loob. Dapat ba raw mandatory na suklian o voluntary yun?

Mga ganung bagay ba.

Your principles change because of the people you met and the hardships thrown at you. It's hard not to when life is forcing you to change to survive emotionally and mentally. Para bang onti-onting nari-reveal ang tunay na kulay ng life sayo.

Share ko lang, hindi siya rainbow.

And right now, it's messing up with that one unspoken.. wait.

It's not a rule.

It's something the Kims uphold.

Parang sa Game of Thrones, yung words ng bawat family.

Simple lang naman yung sa amin.

Family comes first.

I admit, I had lapses in that category. And yes, it that Ning had to point out all those years when I was 'distant' sa kanila. I knew I was bad but I didn't know I was that bad na ang dami kong hindi alam. Hindi ko magawang magalit kasi I asked for it. I wanted answers at nakuha ko nga, sumobra pa.

My god.

Gusto kong bumalik sa panahon na simple lang ang lahat. Yung kapag tinanong ka ng oo o hindi, ang daling sagutin unlike ngayon na may kasunod yung sagot mo --

'Oo pero..'

'Hindi kaso..'

Ngayon kailangan ko isipin lahat ng maapektuhan sa desisyon ko. I can't be selfish and I don't want to be one kaya eto ako, undecided and confused.

Umurong ako pagtabi sakin ni Ning at sinandal na ulit ang ulo sa pader.

Nag-akto pa akong nasilaw sa suot niyang neon pink.

Breaktime daw niya.

Tatambay daw siya sana sa office kasi init na init siya kaso nakita niya magkausap si Karina at Charm. Nabanggit naman ng girlfriend ko na nandito ako sa may likuran kaya pinuntahan niya na lang ako.

Dumaan lang talaga kami kasi may kailangan ibilin si Karina bago kami pumunta ng Marikina.

May extra budget na kasi sila kaya pwede ng magpagawa nung coffee cart.

Aside kasi sa na-close nilang deal, may mga nagbo-book na rin na couples sa kanila for their wedding. Ang daming nag-inquire sa kanila nung nagrun sila ng facebook ad for three days pero mostly weddings for next year. May mga nag-book na, meron naman magde-desisyon pa.

Totoo nga ang chismis mula kay Ryujin.

Ang daming nagpapakasal.

Pupuntahan namin yung shop ng contractor nila before sa cafe. Nung nag-inquire kasi si Karina sa isang cart maker, namahalan siya although pasok naman sa budget na nilaan nila. It would be better daw kung mag-check pa sila ng ibang options. At dahil ako ay isang supportive girlfriend and unemployed, sasamahan ko siya. 

"Kamusta ka naman?"

"Parang ngayon lang tayo nagkita ha?" Sarcastic kong sagot.

"Kamustahin kita sa harap ni Karina?"

Napailing ako.

Nag-sorry sakin 'to nung isang araw eh. Yung reaction ko raw kasi when I confronted her parang may nabasag sa thoughts ko then poof, gising na ako sa realidad. I had to tell her repeatedly that she did nothing wrong so there's nothing to be sorry about. Although.. yeah.. nagising ako. Or naliwanagan?

Naging baliktad yung resulta.

Imbes na siya ang gigisingin ko, ako yung nagising.

Paulit-ulit na nga yung sinabi sakin ni Minju eh.

When you're happy, nawawalan ka ng pake sa mundo because you have your own little world with someone special. You become oblivious of your surroundings.

Yun ako. A week ago.

At ngayong basag na yung mundo na yun, that's all I think about. Para siyang smudge sa glasses mo that you can't ignore kasi it's just there, waiting for you to wipe it clean. 

"Seryoso ako, Dong. Kamusta ka?"

Humapyaw ako ng tingin sa kanya.

Seryoso nga siya pero bakas pa rin ang pag-aalala sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Okay lang."

"Tumingin ka na ba sa salamin? Tumanda ka ng 20 years sa lawlaw ng mukha mo kaya wag mo kong niloloko."

"Thanks ha?"

Valid yung 20 years.

Sa dami ng iniisip ko.. okay.. ang laki nito para matawag as smudge. Tingin ko mas bagay kung eye patch.

Eye patch ng pirata.

Ganung level.

I don't even know where to start. Every time I try, nahihilo lang ako kasi paikot-ikot lang eh, wala man lang loophole.

Si Ate.

Si Karina.

Buhay ni Ate nasa states.

Buhay ni Karina nandito.

Hindi ko na nga sinasama yung sarili ko sa problema kasi mas importante silang dalawa. I could care less kung saan ako as long as I'm with them and they're happy.

Pero saan nga ba ako?

Ano palang yan.. tip ng iceberg.

You know what shook me to my core?

Yes naman!

'Shook me to my core'

Shet.

But seriously..

Parte ba talaga 'to ng pagtanda? Yung may mga papakawalan kang tao? You know.. to grow.

Nakakairita.

Umuwi ako para hanapin ang sarili hindi para magbawas ng tao! This isn't what I signed up for!

I know, I know.

I'm old enough to know that people come and go, ilang tao na rin ang dumaan sa buhay ko. Kung ordinaryong tao lang 'to, hindi ako maaapektuhan ng sobra pero kasi.. hindi basta-bastang tao ang pinag-uusapan natin. We're talking about my sister here.

Oo.

Yung talakera kong kapatid.

That one person who has always been on my side ever since. That person I always run to kapag may problema ako. That person who always got my back. And I feel so bad every time maiisip ko --

'Kaya ko bang iwan kapatid ko?'

My heart breaks with the mere thought of me considering that option. Kaming dalawa na lang sa mundong 'to, lalayo pa ba kami sa isa't isa? Kaya ko ba talagang gawin yun sa kanya? Eto nga lang pag-uwi ko for a year umiyak na, what more kapag sinabi ko sa kanya --

'Teh, lam mo ba.. ayoko na diyan.'

It's not just about the distance or being physically there din eh.

But the whole thought of living a life without her, yung malaya na talaga ako -- full-on independent woman. Na-realize ko rin na what I'm doing right now isn't completely being independent, that this whole trip now looked like a short escape to my reality. Kasi at the back of my mind, alam kong babalik pa rin ako doon eh, na may sasalo pa rin sa akin.

At lalong hindi 'to pagtanaw ng utang na loob.

I love my sister. Dearly. Period.

So, it's not easy to just drop her and move here.

Pakiramdam ko we're on that stage where maghihiwalay kami ng landas, crossroads ba. Kaya na ba namin yun?

"Bakit ba kasi ayaw mong kausapin si Karina?"

"Ning, napag-usapan na natin 'to. There's a lot on her plate right now and this isn't the right time yet to talk about it. I will, okay?"

"Grabe ka kay Karina. I'm sure itatabi niya lahat for you."

I sighed loudly. "I don't want her to."

Okay..

Medyo tunog selfish yung pagiging selfless ko kasi I'm keeping her in the dark but I really want her to focus on herself and her career. Kahit ano naman mangyari, I'm still going back for school. Problema ko lang talaga yung after ng school then what? By that time ba may lakas na ako ng loob iwan --

Ang sama kong kapatid.

Kung bibisitahin ako ng magulang ko sa panaginip one of these days, di na ko magtataka baket. Kung napalagpas nila yung ibang katangahan ko, mukhang eto hindi.

Karina knows.

Sort of.

Hindi niya lang alam na nag-transition na to something else. 

Kung yung issue ko last week is yung mga nangyari sa nakaraan, ngayon ang problema ko yung kasalukuyan at hinaharap. But she did ask me kung okay lang ba ako after namin mag-usap ni Ning. I couldn't lie to her and I don't want her to worry so sinabi kong I'm okay pero kailangan ko i-process lahat and I'll tell her once I'm ready.

So, yeah..

She's giving me space.

She always does kapag pamilya ko ang usapan.

Hindi ko talaga naisip 'to kasi.. ang lala? Walang pacing and.. god.. this is too far in the future. Para niya akong sinundo dito sa present. 

'Masaya ka masyado. Halika, problemahin mo 'ko.'

Gusto ko siyang sipain pabalik.

May point naman si Karina why she wanted to hold the talk eh. Bago pa lang kami yun na agad yung pag-uusapan namin. Ang pangit, diba?

Can't we enjoy what we have muna?

Cloud nine tapos baba kami sa lupa agad-agad?

Excited lang mamroblema?

Let me clear about one thing, hindi ko siya sinisisi at walang may kasalanan nito. That's not how relationships work. You don't abandon a ship when it's sinking.

Wait, ang panget.

Walang lulubog!

What I mean is, ginusto ko rin naman yun. I wanted to enjoy every second with her. Honestly, when we had that 'talk' ang nasa utak ko lang is paano iwo-work out yung amin when I go back. Like, anong gagawin namin baka kasi may ma-suggest siya.

Tapos ang itatapon sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u