Masks on.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"WINTER!!"

Napapitlag ako sa kama nang marinig si Karina at agad tumakbo sa banyo to heed her call.

"Babe??"Sunod-sunod akong kumatok sa pintuan. "Okay ka lang??"

"Babe, yung pinto!! Kanina pa may kumaka -!"

Tok!

Tok!

Tok!

Oo nga pala!

Agad akong pumunta ng salas para pagbuksan ang bagong resident ng bahay. Well, temporarily.

"Finally!"

Umirap ako, shaking my head.

"Nakatulog ka ba?" Bati sakin ni Ate. Nakatayo sa likuran niya si Ate Jae, malawak ang ngiti.

"May doorbell kami." Tinuro ko yung said doorbell sa tabi ng door frame. "Abot mo yan eh."

Dinedma niya 'ko at nirolyo ang maleta papasok ng unit, kasabay nito ang litanya na kanina pa raw siya nagtext na papunta na sila. Nabasa ko naman yung message niya pero lumipad sa isipan ko dahil ka-chat ko sila Ning para bukas.

"Aray!"

Napayuko ako sakit nang magulungan ang paa nung isa sa maleta ni Ate. Agad naman nag-sorry si Ate Jae sa akin, namali daw ng tantsa.

Ayos din 'tong kapatid ko.

Dalawang maleta ang baon.

Napag-usapan kasi namin ibigay ang much deserved bakasyon ni Ate Jae kaya she'll be staying with us for the meantime. Iiwan niya ang manager sa hotel to have the suite all to herself and spend sometime with her family na taga-probinsya pa.

Pero kailangan dalawa talaga ang maleta?

Luckily, okay lang kay Karina na sa amin muna mag-stay si Ate.

"If anything, and I mean anything, comes up, call me." Bilin ni Ate Jae sa kapatid ko. "Plezz lang."

"I'll be fine."

"Nagmamakaawa ako, Taeng. Papatayin ako nila Boss Lee kapag may nangyari sayo."

"Relax."

Hindi makampante si Ate Jae kaya bumaling siya sa akin. "Win, ha?"

"Tatlo ang Boss Lee, kanino ka pinakatakot?" Asar ko sa kanya.

"Sa bunso." Seryoso niyang sagot.

Natawa ako coz same. "Relax. Have fun with your family."

"Magkapatid nga kayo. Anywayz." She kept glancing back and forth sa amin ni Ate, nodding once in the end.

Uhh.. 

"Ayun naman pala eh!" Bulyaw ng kapatid ko at hinila na ang manager niya palabas ng unit. 

Na-gets niya yun?

Sumilip pa ng huling beses si Ate Jae sa akin bago siya pagsarhan ng pinto.

"Anong meron?" Tanong ko agad kay Ate.

"Hind ko rin alam."

"Seryoso ba." I deadpanned. 

"Hi!"

Napalingon kaming dalawa kay Karina, head tilted to the side with her wet hair in front. "Kumain ka na po?"

"Kumain kami ni Jae sa hotel." Nakangiting sagot niya sa girlfriend ko.

Di naman awkward pero nagtitigan lang kaming tatlo sa gitna ng sala for a few seconds, with Karina drying up her hair with a towel. Para kaming nagpapakiramdam kung ano ang next na gagawin.

"I'll show you your room?" Pagbasag ni Karina sa katahimikan.

Karina led the way habang ako, itinabi sa gilid ng silid yung mga maleta ni Ate.

"Here."

Bahagyang sinilip ng kapatid ko ang kwarto. "Room ni Minjeong 'to?"

"Room ko." Magaang sagot ni Karina.

"Figured."

"What does that mean?" Pagpalag ko sa pinaparating niya.

Nagkibit balikat si Ate. "Ang linis eh."

Aalma sana ako nang magsalita siya ulit. "Why am I staying here?"

"Kasi makalat pa room ni Winter."

Lumingon si Ate sakin, looking smug and vindicated with her earlier statement.

"Ngayon lang. Di pa ako nakakapag-ayos ng kwarto." Rebutt ko.

"I can stay in her room, that's fine."

"Pero bisita ka eh." Pagtanggi ni Karina kay Ate.

"I appreciate the thought but seriously, I can sleep in her-" Ate then walked to the other side and opened the door. "- room."

Yep.

Makalat pa kasi talaga.

Kakauwi lang namin kagabi from La Union.

Kahit naisin kong sulitin ang La Union with my friends, nag-crash yung remaining energy ko sa last day namin. Nakakahiya nga eh, si Karina ang nag-impake ng mga gamit ko since tulog ako buong hapon. Patabaing baboy ang ganap pagkatapos namin mananghalian. Nahanginan lang, tulog na.

Buong araw din ako borlogs kanina. Ginising lang ako ni Karina para kumain ng lunch at bumalik pa 'ko ulit sa kama.

Bagsak talaga katawan ko sa pagod eh. Aakalain mong isang buwan akong hindi natulog.

"My god, Minjeong."

"Ngayon nga lang! Malinis ako sa room ko! Tell her, babe!" I nudged my one and only witness.

"Maayos po siyang kasama sa bahay."

I frowned. "Babe, ang layo ng sagot mo."

"Parehas lang yun. In general pa nga eh." She retorted.

Kinindatan lang niya ako nang nagmake face ako sa kanya. Si Ate naman tumuloy sa kwarto ko at umupo sa kama. Well, yung area na walang nakakalat na mga damit.

"Dito na lang ako."

"Sure ka?" Tanong ko kay Ate.

She nodded.

"Labas ko na lang yung mga gamit muna sa sala."

"Much better." Tumango-tango ang kapatid ko sa mga gamit. "Para hindi tayo mukhang siksikan dito."

"I'm sorry, tayo?"

At tumawa nang malakas si Karina.

Ate shrugged. "Try lang maging conservative sister." 

"Hindi bagay."

"Actually." Pag-agree ng kapatid ko.

"Kung may kailangan kayo, just let us know, Ate." 

"Thank you, Karina."

Magsisimula na 'kong maglabas ng gamit nang magsalita ulit ang girlfriend ko.

"Sorry, may need lang akong tapusing work." Paalam niya sa aming magkapatid. "Ako na magpapalit ng kobre kama tsaka magwawalis. Mabilis lang 'to."

"It's okay, go. Ako na bahala kay Ate." I told her.

"Sorry talaga." She winced as she checked her phone. "I'll be back."

Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, nilapit niya ang sarili sa akin para bumulong. "Wag ka magmuryot ha, inaasar ka lang ng Ate mo."

"I'll try." At nakuha na naman po ako sa isang tingin lang. "Fine."

Pagsarado nang pinto sa kabila, tsaka lang nagsalita ulit ang kapatid ko. "She works at this hour?"

"End of the month eh." Sagot ko.

"Talk about hustle." She commented.

"Parehas lang kayo."

Inuna kong ilabas yung mga maleta ko. Sinabay ko na rin mga maleta ni Ate pagbalik para makapagpalit na siya ng pantulog.

"Kamusta pala si Ate Tiff?" Tanong ko habang isa-isang pinakita kay Ate yung gusto niyang pamalit.

"Ano yan, pasko?" Comment niya sa pinakita kong green bottoms and red top. I rolled my eyes. Paka-arte. "She's okay. She plans to audition for a new role."

"Ay weh? What role?" Inangat ko yung gray pjs niya. "Eto, para kakulay mo si Zero. Miss mo na eh."

"Sinabi mo pa. Tatawagan ko siya mamaya." Hinablot niya ang damit sa kamay ko. "Ayaw niya sabihin sakin eh."

"Nakakahiya naman sa may-ari ng cellphone."

"Joke lang yun."

"Sumbong kita eh."

"Sumbungera." Tumayo na siya para magpalit sa banyo pero tumigil din sa may pintuan. "Ano palang gagawin niyo bukas?"

 

 

 

-----

 

 

 

Hindi ko mawari anong trip ni Giselle sa buhay.

Kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng BGC High Street.

With our costumes on.

Hatdog diba?

Understood, Halloween nga naman so - trick or treat.

Pero puro bata ang participants!

Well, for kids naman talaga ang trick or treat. Naka-dressup lang din ang guardians and parents para, you know, makisali and damayan ang mga mahiyaing anak.

Take for example yung magnanay kanina.

Nahihiya pala si little girl kaya nag-costume din si mother niya for her. Maleficient and Sleeping Beauty duo sila.

O diba, ang chismosa namin.

Ang cute kasi nung mga bata! As in! Para akong aatakihin ng baby fever!

May Mario.

May giraffe.

May minion.

Princes and princesses.

At ang personal favorite ni Karina, yung crocodile onesie.

Papa-picture nga siya dapat eh. Kaya lang, papalapit pa lang siya umiyak na yung bata. Natakot sa costume namin.

"Pinagtitinginan tayo!"

"Nakailang store na, ngayon ka lang nahiya?"

Kung magbulungan 'tong si Chaeryeong at Ryujin, rinig naman namin ni Karina. But true, pagbaba pa lang namin ng grab, pinagtinginan na kaming lahat. Kalahati sa amin nagsitaguan sa likod ng kung sino man ang mahatak nila, me included.

The other half?

They stood loud and proud, my girlfriend being one of them.

Pero eto ha, napansin ko lang.

Kapag grupo namin ang eentrada sa boutiques, parang kinakabahan o natatakot yung mga sales clerks once they see us. It could be because of two reasons:

One, ang dami namin.

Ang lala ng guardian-to-kid ratio!

In average, 2:1.

Pero kami? Isang batalyon. With 1 kid.

Isang hukbo ba naman of adults ang pumasok sa shop mo, wearing the same costume, matatakot din ako eh.

Which brings us to reason number two:

The costume. Full gear eh.

Red jumpsuit.

Dalì masks.

Black gloves.

Siguro kung papasok kami ng bangko, magtatawag ng pulis yung manager. Ganap na ganap namin ang pagiging robbers.

Pero sa takot naming baka may dumampot nga samin, we all agreed not to wear the masks, ang init din eh. Akala namin the bright colored water guns would soften up our look pero di pala. Nakipag-agawan pa ako sa alien neon green water gun.

To be honest, hindi na kailangan ng kahit anong props.

Makita lang nila yung VIP namin, hindi na nila kami pinapansin. Pumuputok kami sa pagkapula pero nawawala din kaagad sa radar kapag binati na sila ng aming adorable, fluffy cheeks, walking saging.

"Takab.."

Speaking of the banana.

He lightly pulled the sleeve of my suit.

I leaned down to level with him. "Po?"

"Tubig po.." Sagot niya nang nakatingin sa mga batang kasabay namin nag-iikot sa high street.

"Nasa backpack yung tubig niya, babe." Turo ni Karina sa Ninja Turtles backpack ni Uju.

Sa pagkakaalala ko, si Giselle yung nanghiram ng bata. Siyempre kung sino ang nanghiram, siya dapat ang babysitter, diba?

WROOOOONG.

Dahil ayaw humiwalay sa amin ni Uju, kami ang naging official babysitters niya for the day.

At dahil teamwork makes the dream work ang motto namin ni Karina, naghati kami sa tasks. Ako yung naatasan mag-

-bitbit ng bag.

-tapon ng wrappers of chocolates/candies

-abot ng bimpo, tubig, at kung ano pang kailangan ng natatanging bata sa grupo namin today.

Si Karina? Siya ang may hawak kay Uju.

No complaints sa division of tasks. Lugi pa nga si Karina kasi kung saan-saan siya hinihila nung bata.

At okay lang maging yaya ni Uju. 

Overloaded siya with cuteness today dahil sa banana costume courtesy of Giselle. Lalong naemphasize yung cheeks niya kasi naipit at siyempre di mawawala yung mala Vector of Despicable Me bangs. Trademark niya yan!

Feeling ko isang turo lang niya sa laruan, ibibigay ko agad. 

Pag-abot ko ng tumbler kay Karina, kinalabit naman ako ng katabi ko sa kaliwa. "May tubig kayo?"

Oo nga pala..

"Meron tayo, babe." Sagot ni Karina habang inaalalayan si Uju uminom. "Sa bag natin."

Dalawa ang alaga namin ngayong araw.

Si Ate. 

Naisipan namin isama siya kasi kawawa naman, mag-isa lang siya kung sakali sa bahay. Mababagot siya dun. At saka, para makapasyal naman! Nagkulong lang siya sa hotel mula nung makauwi kami eh. Nung La Union trip, ni-hindi din lumabas ng villa.

Pero dahil last minute ang pagsama niya sa amin, PA siya for today. 

Joke lang.

Salingkitkit lang. Naligaw na bata. 

Wala na kaming makuhanan ng costume eh. Kaya nagcap at facemask na lang siya.

Kidnapper look naman.

Charet.

Kinabahan nga kami nung una kasi ang daming tao!

Holiday at idagdag pa na naging family day dahil sa trick or treat event ng High Street. Nung tumagal, na-realize namin dedma ang mga tao sa kanya kasi nasa amin lahat ng atensyon. Though may napansin si Lia na napa-second look sa kapatid ko nang uminom ito nung tubig.

Pero for sure, wala yan. Mas bet ng crowd ang mga bata today. They're like.. Taeyeon who?

"Pwede po magpa-picture?"

Napatingin kaming lahat sa isang ateng tumabi sa kapatid ko.

"Ahh.." Napakamot sa batok si Ate. ".. su -"

"Ay di po kayo." Magalang na sagot ni ateng napadaan lang at bumaling sa amin. "Sa inyo po sana. Ang cute kasi ng costume idea niyo."

Told ya, Taeyeon who?

"Game!" Pagpayag ng mga kasama namin.

O diba? 

Kanina nahihiya pa mga yan, ngayon ang kakapal ng mukha. Nag-unahan pa sa harap, akala mo naman makikilala sila. Eh ang request ni ate suotin namin ang mga maskara. Akala ko haharangan pa si Uju! Mabuti na lang at tinawag siya ni Giselle para tumayo sa unahan.

"Uhh.." Nag-aalinlangan lumingon si ate sa kapatid ko. "Makikisuyo po sana.."

Teka, gusto kong matawa.

Taeyeon who talaga.

"Oo naman!" At g na g inabot ni Ate ang cellphone.

Nang matapos quick fanmeet namin with a bypasser, nagpatuloy na kami sa trick or treat.

Nakakatuwa, actually.

Pinaghandaan eh!

Yung mga boutiques naglaan ng oras to decorate their shops with cobwebs, broomsticks, etc. May isang boutique na sinuotan pa ng kapa yung mannequin! May trail pa ng faux blood from the nonexistent mouth. 

And the amount of assorted treats!

They give out yung mga mamahaling brand pa!

May kinder bueno nga akong na-sight. Dukutin ko sana sa pumpkin ni Uju kaya lang sinita ako ni Karina. But I think nakonsensya siya kaya ayun, inabutan niya ako ng chocnut. From our bag. Baon ko yun, actually.

"Winter."

Napatingin ako sa tumabi.

It was Lia, joining me as I browsed the shop's Lego collections. She sounded serious. "Act natural."

Okay?

"What's up?" I replied.

She grabbed the Darth Vader Helmet Lego collection and faced me, head leaned down to the box. "Kanina pa may sumusunod sa atin. Lalake."

My first instinct was to discreetly locate everyone inside the toy shop.

Ate, Karina, and Uju in my left.

Ning, Giselle, and Yuna in my right.

Ryujin and Heejin by the counter.

Wait, kulang ng dalawa.

"Nasaan si Chaer and Yej?"

"CR." Sagot nito at binalik yung box sa shelf. "May kasama ba kayong security ni Ate?"

"Kaming tatlo lang ang umuwi. I think." Nagtama ang mga mata namin ni Karina and she smiled softly, I returned the gesture. "Di nila sinasabi sakin yun eh. Hindi ba si Jake? Siya laging naka-assign kapag out of the country."

"Nakainuman ko na yun, I know him."

"Baka fan?"

"He doesn't look like a harmless fan."

"So, harmful siya?" Di ko napigilan ibiro pabalik. With dead eyes, she stared back. "Fine. Nasaan?"

"Outside. White shirt. With coffee."

"Wala bang mas distinct diyan?"

"You'll know." She said with emphasis.

Not that I'm taking this lightly, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili magbiro in serious situations. Lalo na kapag deep down, kinakabahan ako.

Katulad nito.

So while I brace myself looking out for the 'guy' in the crowd, napadasal ako -

Sana si Jakeyboy.

Sana si Jakeyboy.

Lord, sana si -

White guy.

Stubble beard.

White shirt.

Yankees cap.

Coffee.

And nope, not Jakeboy. Yung scary on the outside pero softie cutie baby boy inside ni Ate. Ito kasi scary lang eh!

Tuluyan nang nangibabaw ang kaba sa akin.

"." I whispered.

"Kilala mo?"

"Nope." Sagot ko, pulling out the box of LOTR Lego set. "Mukhang harmful nga."

"Winter."

"Sorry."

Legit, pinagpapawisan kamay ko. I mean, yeah, naka-gloves ako at napakainit ng suot namin pero pinagpapawisan ako hindi dahil sa init kundi dahil sa takot.

"Baka kilala nila Karina?" Kuro-kuro niya.

"Maybe. But we're sure Chaer and Yej are out."

Kasi kung kilala nga nila at sila ang hinahanap nito, sa kanila bumuntot yung lalake. Kung saan mang CR sila pumunta.

"Should we ask Karina?" She asked.

"We have to be careful. Ang gaslaw pa naman magsikilos ng mga yan."

"Actually. Di uso discreet satin eh." She clicked her tongue. "So we have to confirm with 7 people. Without getting caught."

I nodded. "And let's not provoke the guy. Baka kay Ate pala yan."

Kung kay Ate nga, dalawa lang 'to eh.

Bagong bodyguard o crazy stalker fan.

Di included ang media dahil according to Chaeyeon, they made sure we're media-free for the whole duration ng stay ni Ate.

Baka nga assuming ako sa crazy stalker fan pero kung normal fan siya, kanina pa nagpa-picture yan. At walang normal fan na bubuntot sa idolo niya to the point na matatakot ang mga kasama nito!

Also, masama ang kutob ko dun sa lalake eh.

"Baka kilala ni Ate Taeng? Turo kaya natin?"

"Paano kung hindi?" I countered habang pinapanood sila Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u