Abusado ka.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Another day, another nada.

Ugh.

Ang sakit pa rin ng legs ko.

Is this what I get for turning down the universe's help?

Some sort of punishment?

A lesson?

'Kung ayaw mo, edi wag.'

If the universe considers electrical blackout as a form of help or push or nagpapaka-wingman siya sakin, pwes hanap siya ng ibang paraan!

Ano yan, more alone time namin sa hirap at ginhawa?

I tried, okay?

Pagdating namin sa 4th floor, hindi na ko makabuo ng coherent sentences.

'Karina, I.. I think I'm gonna.. legs.'

Akala tuloy ni Karina chine-checkout ko yung legs niya kasi nakashorts siya that night. Gusto ko lang naman sabihin na I hate leg day.

Pagdating namin ng 5th sinuko ko na kasi wala nang lumalabas na salita sa bibig ko.

Ano yung punishment sa pagtanggi ko sa so-called tulong?

Pagtungtong namin sa 11th, bumalik yung kuryente.

I don't know if I should cry or what.

Di nagtatapos diyan!

The next day pumunta sila Karina sa pampanga.

Umuwi sila ni ate Irene kasi dumating yung kapatid at kumpadre ng daddy niya for vacation, gusto raw sila makita. Akala ko uwian lang din.

Newsflash -- wala pa sila hanggang ngayon.

Nakakagigil.

Sa gigil ko sa nangyayari, nasundot ko yung gums ko gamit toothbrush.

"Bring it on, universe." Pabulong kong hamon pagkamumog.

Kumulog.

Shet?

Tumingala ako sa ceiling ng bathroom namin. "Joke lang, uy."

Naghahain na si Ning ng umagahan namin kasama si Giselle paglabas ko ng bathroom.

Sinilip ko yung labas, maaraw naman.

"Morning, insan!"

Tumango lang ako at umupo na rin.

"Bad morning?" Tanong ni Giselle pagkaabot ng bandehada ng kanin, all smiles sakin kahit nakasimangot ako.

"Antok pa." Tipid kong sagot pagkahikab.

Ginusot ko ang mata at nakipagtitigan sa tapa na kalalagay lang ni Ning sa plato ko.

Gets ba nito nararamdaman ko? Kasi pati siya malungkot eh.

Hay.

Kape.

Kailangan ko ng kape.

"Coffee?"

Mabilis kong inangat ang ulo kung saan nanggaling yung boses -- sa kusina.

That's her voice.

She's home?

Tiningnan ko yung dalawa kong kasama.

Naglalagay si Ning ng suka sa saucer at si Giselle naman ay may binabasa sa phone niya habang hinihipan ang kape.

Sus.

Mga nagkukunwaring walang narinig.

Hinampas ko si Ning at ngumiti. They looked at me weirdly nang pumalakpak ako.

"Anong.. problema.. mo.. dong?"

Galing.

Pang-FAMAS!

Bumaling ulit ako sa kusina at kinumpas pa ang kamay.

"Karina, lumabas ka na diyan." Tawag ko.

Nagtinginan yung dalawa.

See?

"Kung magtatago ka," pagpatuloy ko. "galing-galingan mo naman."

Inabangan ko lang ang pagsulpot ng ulo ni Karina mula sa counter.

3..

2..

1..

Nag-echo sa buong unit yung tawa nung dalawa.

"Buang." Umiling iling lang pinsan ko at bumalik na rin sa pagkain.

Hinakawan naman ni Giselle ang kamay kong nakapatong sa lamesa, tinapik-tapik. "Winter, she's still in Pampanga. Bukas pa balik, diba?"

"Wag niyo nga kong niloloko." Masungit kong sabi.

May pa-surprise surprise pang nalalaman si Karina, sa pampanga lang naman siya galing. Sasalubungin ko naman siya with open arms eh.

"Ano tingin niyo sakin, bata? Mauuto?" Tinuro ko ang tenga. "I heard Karina, okay?"

Nakakunot lang ang noo nung dalawa sakin, si Giselle napanganga na lang din.

I'm sure of what I heard and sure rin ako na kasabwat silang dalawa pero bakit parang wala talaga silang narinig?

Tumayo na ko ng tuluyan para i-check yung kusina.

"Karina, lumaba -"

Huh.

.. wala ngang tao..

Kumuha muna ako ng kape bago bumalik sa upuan, sinilip ko na rin yung ilalim ng lamesa.

"Malala ka na, insan."

"Magkakasya ba diyan kaibigan ko?"

Nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi ni Giselle.

Ganyan kaya hirit ng may tinatago!

Alam ko na yan.

Nagmabilisan akong inspection ng unit.

I checked yung sala, gilid ng sofa, yung hallway palabas ng unit, yung balcony. Tinignan ko rin yung bathroom; yung likod ng pintuan pati sa shower. Kahit sa kwarto ko, yung ilalim ng kama at cabinet.

Wala nga..

I brought my phone pagbalik sa dining.

"Oh e baket kwarto ni Karina di mo pa pinasok?" Sarcastic na tanong ni Ning. "Akala yata nagbibiro kami."

"Kwarto niya yun, privacy." Inirapan ko siya. "Narinig ko nga kasi siya kaya ilabas niyo na!"

A message notif from Karina yung una kong nakita sa phone.

Naggood morning lang naman siya.

See?

Gising na.

Eh ilang araw na yan tanghali nagigising.

"So," Giselle cleared to get my attention, she pursed her lips para pigilan ang pagtawa. "what did inner Karina say?"

"Ha, ha." Pagmock ko sa kanya, "What she always asks me in the morning."

"And ano yung lagi niyang tinatanong?"

"Coffee?"

She smiled and nodded lang sa sagot ko. Bumalik na sa pagkain.

"Tatlong araw pa lang naririnig mo na si Karina sa utak mo." Comment ni Ning, natatawa habang humihigop ng kape niya. "Di ba kayo nag-uusap?"

"Nag-uusap."

Siyempre di naman palagi.

Kinakamusta ko lang siya or minsan u-update ko siyang buhay pa ko. Baka lang interesado siyang malaman yung info na yun. Sasagutin lang niya ko ng --

'Good to know.'

Or kung sineswerte ako.

'Good, wait for me.'

Good lord.

Promise, pag-uwi niya talaga!

I dialed her number and put it on loudspeaker, nilapag ko yung phone sa gitna namin. Sinenyasan ko yung dalawa na wag magsasalita pero tinawanan lang nila ako.

Sinagot ni Karina yung tawag.

"Morning, Win -"

"Saan ka?" Agad kong tanong.

"Nasa bahay?"

Bungisngis yung dalawang kasama ko sa lamesa nang tumakbo ako bitbit yung phone papuntang kwarto ni Karina. Tinapat ang tenga sa pinto to check kung may maririnig ako mula sa loob.

"Dalawa bahay mo, saang bahay?"

"Pampanga?" Unsure niyang sagot kung seseryosohin ba ako.

Huh.

Walang ingay mula sa loob.

Bumalik ako sa tabi ni Ning at nilapag ulit yung phone.

"Winter?" Karina called.

"Hmm.."

"Nababaliw ka na ba?" Bulong sakin ni Ning.

Nababaliw na nga yata ako.

Ano ba kasi yung narinig ko?

Pero wait, isa pa.

Last check bago ako maniwalang hindi nila ako pinagtitripan.

Nanlaki yung mga mata ng kasama ko sa gulat, hinampas ako ni Ning sa braso.

"Huy, insan!"

"Binabaan mo talaga si Karina?"

"Saglit lang kasi."

I called her again but this time video call na.

Tignan natin kung sasagot.

"Pagkatapos mo kong babaan, gusto mo pa ng upgrade to video call?"

Shet.

"Hi, Winter!"

Nasa likod ni Karina si tito Ice.

Uhm.

"See you soon, Winter!"

Kumaway ako kay tito nang may tumawag na sa kanya, si tita yata yun.

Ano bang nangyayari?!

Sumingit si Ning sa video. "Karina, premium gayuma mo? Penge ako recipe."

"Huh?" 

Natawa siya sa tanong ng pinsan ko.

Nakakunot ang noo kong tumingin kay Karina.

"Karina." bothered kong tawag sa kanya. 

Shet talaga.

Naglevel-up na!

"I think I pissed off the universe again."

 

 

 

-----

 

 

 

Siguro naman by this time tapos na pahirap sakin, diba?

Sana enough na yung buong gabi akong pinagtawanan ng mga kaibigan ko. Pumunta pa sila Yuna at Yeji para gumatong lang sa pangangantyaw sakin.

Si inner Karina kasi!

One word lang, naalog na utak ko.

Ang aga raw para ma-acquire yung new talent ko, pangjowa raw kasi yun.

Sabi naman ni Lia, baka raw konsensya ko talaga yung nagsasalita. Tapos bumulong siya sakin na sabihin ko na raw kasi.

Pano ko nga sasabihin kung wala siya diba?

Di pa nakikisama yung universe sakin.

Bandang 10 am na nakauwi si Karina kanina.

Hi, hello, later lang kami kasi kinailangan na siya sa cafe kaya umalis rin siya agad. And.. meron ba kasing nagco-confess sa umaga??

Wala, diba??

Pang-gabi yun eh.

Kaya eto ako ngayon, inaantay masilayan siya ulit pero di pa siya lumalabas simula nang dumating kami. Inaya ko na rin si Ning na maglunch dito sa cafe, sumama na rin sila Lia at Chaeryeong.

Promise mamaya, pag-uwi namin kakausapin ko na talaga siya.

Baka kung ano pa ibato sa daan ko eh.

"Anong oras ulit yung show?" Tanong ni Chaeryeong.

"8 pm pa." Sagot sa kanya ni Ning na nasa tabi ko, nilayo ang siko nang may uupong bagong customer sa katabing lamesa namin.

"Oks." Sabi lang ni Lia.

Today kasi yung binili kong tickets for the musical.

Wicked.

Birthday gift ko for Lia.

Ito yung nahuli kong tinitingnan niya last time. Di ko alam bakit niya gusto panoorin dito sa manila, eh ilang beses na namin pinanood 'to sa broadway. Pero okay lang, para mapanood ko na rin kay Ning.

Ako yung nae-excite for her, paborito namin 'tong tatlo eh!

Story, production, music.

Goddamn.

Triple kill.

Yun na lang.

Pero first time ko manonood ng ibang cast, australian production kasi yung pumunta eh. Although sabi naman sa reviews magaling din daw si Jemma Rix as Elphaba. Not that I mind kung sino magpo-portray ng roles. Sino ba naman ako, diba? As if naman kaya ko bumirit habang nakasabit sa harness during defying gravity.

"Si Ryujin oh?" Turo ni Ning saka kinawayan ang kaibigan namin.

"Oy!" Bati niya samin paglapit sa table.

Tumayo na ko para kunin yung order namin.

"Wala pang sumisigaw, Win."

"Did inner Karina talk to you again?"

"Inner Karina?" Litong tanong ni Ryujin.

Hindi siya nakapunta kagabi kasi may kailangan daw siyang asikasuhin sa shop nila.

Siya, si Karina, at Heejin lang wala.

Nagmakaawa ako dun sa anim na wag na wag nila mababanggit yung inner Karina shenanigan sa gc. Kailangan ko pang suhulan ng winter card para lang pumayag.

Jusko.

Mga oportunista!

"Ha, ha. Kinawayan na ko ni Mabel, ayun oh." Tinuro ko si Mabel na kalalapag lang na tray sa claim area.

"Ginagawa mo dito? Kaka-deliver mo lang kahapon ah?" Tanong ni Lia kay Ryujin.

"May ibibigay lang kay Karina." Inangat niya yung paperbag na hawak. "Galing kay mama."

Pinigilan ko ma-excite kasi..

Yas!

Bagong product ulit!

Lagi kasing pinapadalhan sila Karina kapag may bagong pastry silang ilalabas. To offer lang kung gusto nila umorder for the cafe.

Ang sarap nung eclair na pinadala nila last time! At dahil sa positive review ko, kumuha na rin sila Karina nun.

May golden touch ata ako kasi bagong pinipilahan yun sa cafe nila.

Pinasuyo ni Ryujin kay Nico na tawagin si Karina pagpunta namin sa counter, ako naman ay dumiretso sa claim area. Binagalan ko ang kilos para maantay ang pag-emerge ni Karina from the kitchen.

Ibigay mo na sakin 'to, universe.

Na-miss ko yung tao eh.

Bumukas na yung pintuan and there she is, wearing a plain white shirt and jeans. Alam na alam talaga ni Karina how to make an entrance kasi paglabas niya, bumagsak ang buhok niya sa balikat pagktanggal ng ponytail. Inayos ng kaunti at ngumiti sakin nang makita ako.

Keep it cool, Minjeong.

I smiled back.

Mamaya pag-uwi, promise.

Tumapat siya kay Ryujin para kausapin.

Nagpanggap akong chine-check kung kumpleto ba yung order namin para maki-chismis sa usapan nila. Inabot ni Ryujin yung paperbag kay Karina.

"Pasabi thank you." I saw her smile pagsilip niya sa paperbag. "So, later?"

Later?

Hindi ko na narinig yung iba pa nilang usapan kasi muntik ko nang mabangga yung isang lalakeng palabas ng cafe nung pabalik ako sa lamesa namin.

Pasimple kong tinignan yung dalawang nagtatawanan pa sa counter.

"Ano na naman narinig mo, dong?" Tanong ni Ning habang inaabot kela Chaeryeong yung pagkain.

"Mukha kang rattled, Winter." Comment ni Chaeryeong.

Yeah, sagot ko sa isip ko.

Aalis ba si Karina?

I brushed off the thought kasi pag-uwi ko pa naman siya kakausapin.

It can wait.

"Inner Karina, Win?"

Sana nga siya na lang narinig ko.

 

 

 

-----

 

 

 

8pm pa yung show pero 3pm pa lang umalis na kami ng bahay.

Iwas rush hour.

Ang layo din ng QC sa MOA ha.

Dahil first musical ni Ning, pinaghandaan ko lahat para sa kanya. Di ko na nga inisip na para kay Lia 'to eh. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili. Kung kaya na niya akong banggain, makakaya na rin niya ang buhay.

Joke lang.

I bought Ning a dress and new shoes.

Hindi naman daw kailangan, bakit pa kami namili.

Eh, syempre!

Kailangan maging memorable para sa pinsan ko 'to. Eto yung mga lakad kasama siya na di ko alam kelan mauulit. So hangga't kaya, gusto ko rin sulitin time ko with her.

Is this guilt for all the years na kinaligtaan ko siya?

Maybe, maybe not.

But I'm sure na I'm doing all of these for her kasi gusto ko.

You know, the thing about guilt is, nabahiran na ng masamang implications ng mga tao eh. Tingin kasi ng iba hindi na genuine actions mo kapag bumawi ka.

Sino may kasalanan? Edi yung mga abusado.

Thanks, guys.

Nadadamay kaming mga gusto talaga bumawi.

But I think we should still give people a chance to make up for what they've done without thinking na 'uulit lang din yan' or 'di naman totoo yan,' right? I mean, it's bad enough na nilalamon na sila ng guilt nila, a little support won't hurt.

I know, easier said than done and not everyone asking for a second chance deserves it. But how will people change if we keep doubting them?

Wala lang, just a though

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u