Calm down, don't panic.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Ganun pala yon kapag nakapikit lang no?

Mas pagod ang katawan, isip, at ang pagkatao mo.

You feel restless.

I'm talking about trying to sleep here ha?

Ilang araw na kasi ako nahihirapan makatulog eh. Hindi lang yun, ang babaw pati ng tulog ko. Tipong titiyaya lang ang katabi ko, nagigising na ako. Yung kaluskos na nagmumula sa bed sheet or comforter namin, mapuputol na yung tulog ko.

Dalawang cup na nga lang ako ng kape everyday!

'Nagbawas ka pa, planggana naman yung mug mo.'

Yan ang paboritong linya sakin ng pinsan ko ngayon.

OA lang yun.

Planggana? Psh. Though papasa ngang bowl yun. Pwedeng gamitin for soup.

Minsan nagpapanggap na lang din akong tulog, baka sakali makuha ko ulit yung nawalang antok. Kaya lang, yung pagpapanggap ko naman inaabot ng ilang oras. Ang sakit na niya sa ulo at sa eyelids kaya ang ginagawa ko, I'd turn to the other side (na minsan mahihirapan pa ako kasi small spoon problems) at tititigan lang matulog si Karina.

Katulad ngayon.

Ang creepy ko ba?

Hindi naman, diba?

Wala naman akong ginagawang masama, wala rin akong masamang iniisip. I just lay here and watch her sleep.

Princess Aurora could never compete against her.

Kahit nga si Snorlax, di siya kakayanin eh.

Epitome of cuteness na yun ha!

Naging habit ko nang panoorin siya lately. I'd find myself smiling when she'd whimper softly in between the serenity, when the deep lines become visible during the stillness, and most of the time, like 70% of the time, when she'd --

"Ahmbajaksn.." Mahangin niyang bulong. Sana para sa akin at hindi para sa kung anong masamang elemento na nakapaligid sa amin ngayon.

"Hmm?" Nilapit ko ng bahagya ang ulo para ma-decode ang secret message.

"..ilambsh.."

Tumawa ako ng mahina.

Nagdasal na naman in Latin ang girlfriend ko.

Si Maleficient pala ang katapat niya.

Yup, newest discovery ko 'to about Karina.

She sleeptalks when she's.. I guess when she's dead tired? 

Good God.

Pinagdadasal ko talagang sana nangyayari lang 'to when she's tired and not when.. you know.. nagtatawag siya ng kakampi.

Nung una nakakatawa eh, nakakagigil ang cuteness. Pero nung mga sumunod na araw, natakot na 'ko. It's not cute or funny kapag ginawa niya directly to my ear. Tumataas balahibo ko and it's not in a pleasing, pleasurable, way. Tapos makikita kong 3am pa lang?

Kaya ko pa naman.

Ibang usapan na siguro kapag nag-sleepwalk na rin siya.

Dapat ba ginigising kapag ganito? Matagal ko nang tanong yan kasi si Ate nagsasalita din kapag tulog eh. What are the odds na mapapaligiran ako ng mga babaeng nagca-cast ng spell?

But all jokes aside..

I like watching Karina sleep because I feel.. at peace? I feel grounded.

Literal na grounded.

I watched somewhere that our minds like to time travel.

Literally.

Reminiscing old memories is a perfect example of traveling to the past. Creating scenarios that you hope to happen equates to traveling to the future. It's a brain activity that we unconsciously do and find oddly satisfying, lalo na kapag scenarios?

Wooh!

God knows ilang beses akong nag-isip ng scenario na gumanti ako. Mapa-physical ganti or verbal, Inner Winter has done it.

Anyway..

As satisfying as it can be, this whole time travel affects our well-being in general, it affects our mood. That's how powerful our minds are. At sabi nga nila, too much of anything can kill you kasi eventually you neglect the other thing that matters -- the present.

Dapat yun ang main mind point natin, not the past nor the future. Kasi once you lose yourself to either of those, you lose grasp in your reality eh. You forget what's in front of you. Yung --

Problema.

Char.

Yung present.

But I think it's sort of an escape na rin to our problems in the present.

Tao lang tayo na may kahinaan at hindi talaga natin mapipigilan ang sarili. Siguro do it in a healthy manner na lang and make sure, may emphasis dito --

Mababalik mo ang sarili sa present.

Sabi nga nung napanood ko --

'If your mind goes out a million times, be mindful and kind enough to bring it back to the present moment a million times.'

It's harder than it sounds because initially, we have no control over our 'monkey minds,' that's what experts call it. Kaya may binigay silang perfect practice to learn how to control it and to bring your mind back to the present. That is --

Meditation.

Akala ko nung una complicated yung mga exercises but it's actually not, sobrang simple niya. Part of the exercise is observing your breath, yung pag-inhale and pag-exhale mo. Medyo frustrating siya sa umpisa I guess dahil sa 'malikot' ang utak ko.

The first time I tried it, it was just for 5 minutes pero ang sarap sa pakiramdam. My mind felt relaxed afterwards, parang nag-reset button siya. Nabigyan ng much-deserved clarity ang utak ko.

And that's how I feel whenever tititigan ko si Karina.

Ang creepy ko nga yata talaga.

I don't look at her and think na nagme-meditate ako.

Hindi ganun.

What I mean is that she brings me back to the present. It feels like coming home after a long day. 

Sadly enough, siya rin rason bakit naglalakbay yung utak ko to the future. And she's half the reason why I feel drained. I mean, yung sa amin and that and yung kapatid ko.

Para na akong sirang plaka paikot-ikot no?

Minsan tinatanong ko na sarili ko kung ano nga ba ang kinakatakot ko? Karina never fails to assure me that we'll make it work. Sabi pa niya, wag ko muna isipin yung amin. Sort out things with myself and everything else will follow.

Paanong hindi ko iisipin yung amin?

Ang unfair nito eh.

It's unfair to make her wait for me. Actually, yung buong sitwasyon ko ngayon, lahat yun hindi pabor sa kanya. I don't want to be selfish and I don't want to be unfair. She doesn't deserve any of those two.

Pero ready na ba talaga ako to embark on a new journey of my life? It's exciting when I think of it with Karina but without Ate? Dun ako palaging natitisod.

"Winter..?"

Oops.. gising na talaga siya.

"Babe, why are you up early?" Tanong niya. She sleepily reached for her phone na nasa nightstand. "2 pa lang."

"I can't sleep."

Kumalampag ang paglapag niya ng phone sa lamesa. Tanging ilaw lang ng silid yung moon lamp na binili ko from Shopee.

Na-scam ako, by the way.

Hindi siya moon sa laki.

Isa siyang star sa liit.

Karina yawned bago ako kinulob muli sa yakap niya. Magaan ang paghaplos niya sa likod ko na may pagtapik from time to time at humingig.

Ilang minuto din ang lumipas bago ako binisita ng antok.

"This feels.." humikab ako. ".. nice."

"Wake me up next time if you can't sleep, okay?"

Wala na akong lakas para sumagot kaya tumango na lang ako against her neck..

Papunta na sa kawalan ang isip..

"Good night, babe." Naramdaman ko ang paglapat ng halik sa.. tuktok.. ng ulo ko..

"Gud.. --"

Isang daliri na lang ang.. nakakapit.. then..

.. Off to dream..

".. nawife.."

"Did you.. c.. me.. ife?"

Anong..

Knife..

 

 

 

-----

 

 

 

"You look like , Winter."

"Good morning din sayo, Giselle."

Nakahalumbaba ako pag-upo sa hapag-kainan.

Bright and early ang jowa kong parang hindi napuyat sa pagpapatulog sa akin. Kailangan lang palang kantahan ako para makatulog ng mahimbing.

"Akala ko wala kang pasok?" Tanong ko sa bagong miyembro ng breakfast crew na si Ryujin.

Parang ewan 'to.

Nahihiya pa siya sumabay sa amin nung mga nakaraang araw.

Sanay naman daw siya na kape lang ang laman ng tiyan.

Parang ako lang dati.

I guess walang nakakatanggi sa convincing powers ng jowa ko dahil nilatag niya ang health benefits ng breakfast sa kaibigan namin. Nagkaroon pa ako ng short flashback kung paano niya ako pinagsabihan din dati.

"Body clock." Aburido niyang sagot. "That or nadala na yung katawan ko sa panggigising nitong dalawa."

Kinindatan ako ni Karina paglapit niya sa lamesa, bitbit ang plato ng --

Tomato omelette.

Yaas!

Special request ko sa kanya 'to nung isang araw eh.

Kung anu-ano na ang nagiging cravings ko kakapanood ng cooking clips sa social media. Nakita ko nga yata 'to sa Tasty by Buzzfeed.

Paglapag ng plato ay bumaling siya kay Ryujin. "Paano ka ba nila gisingin?"

"Niyayakap namin siya." Natatawang sagot ni Ning sa tabi ko, gumusot ang buong mukha ni Ryujin sa narinig.

"Apparently, allergic sa yakap ang kaibigan natin." Pakikay na sabi naman ni Giselle. Nakaupo siya sa tapat ni Ning.

"Hindi gumagana yung paghila ko ng kumot sa kanya."

"Kiniliti ko, wa epek."

"Paano kapag mahilig sa hug yung nagugustuhan mo?" Tanong ko kay Ryujin.

Nakatitig lang ako sa umagahan namin. 

Parang may kulang..

"Asa." Ryujin scoffed. "Tinatalakan lang ako nun almost every -"

Umangat ang tingin ko sa kanya.

Gulat siyang nakipagtitigan lang sa aming tatlo.

"Day." Pagpatuloy ko at napailing.

Wrong answer, friend.

Pinatong ni Giselle ang siko sa lamesa bago humarap kay Ryujin.

Here.. we.. go..

"Dalawa lang 'to, either kasama mo sa trabaho or.." sabi ni Giselle sa kaibigan namin na iwas ang tingin.

"Nasa circle natin." Pagdugtong ng pinsan ko.

Taas-baba ang kilay ni Giselle kay Ryujin.

Nag-around the world ang mata niya sa pag-irap. "Ewan ko sa inyong dalawa. Marami akong kaibigan, hindi lang kayo."

Lumapat ang kamay ni Karina sa balikat ko kaya't napatingala ako sa kanya.

Yown!

Yung kape!

Inabot niya ang giant gray ceramic mug sa akin na may kape at yumuko para humalik sa noo ko. 

"As far as I know, ikaw rin nagsabi nito dati, kami lang ang nakakasama mo lately."

"Alam mo, Karina.." May pagtitimpi sa boses ni Ryujin. "Kumain na lang tayo, please."

Tinawanan lamang namin siya.

Nag-leave daw si Ryujin today kasi masakit pa rin ang katawan niya from our camping trip.

Mag-iisang linggo na kaya ang lumipas! Masakit pa rin? Ganun katagal ang recovery time?

Napunta naman ang usapan namin sa birthday celebrants sa grupo namin.

Dami nila eh.

Si Heejin, Ning, at Giselle.

Muntik pa ngang makalusot si Heej!

Kung hindi pa siya nilaglag ni Ryujin, hindi namin malalaman.

At dahil doon, nanghingi si Yej ng pictures ng ID namin na may birth dates. Gumawa siya ng list at pinaskil sa ref namin. Para daw walang makatakas. Obvious na ayaw magsitanda kaya tinatago eh.

Bilang halos magkasunod na ang birthdays ni Ning at Heejin, joint celebration na lang daw sa Pangasinan. 

Sana tamang bahay na mapuntahan ko this time.

Joke lang.

Doon na namin naisipan i-celebrate kasi uuwi si Ning sa kanila. Nami-miss na raw niya sila Kuya Leng and gusto niya silang makasama sa kanyang kaarawan. 

Simple lang ang plano.

Lunch kela Ning then ililipat yung celebration sa rerentahan naming bahay. Kailangan namin maghanap ng matutulugan kasi hindi raw magkakasya ang sampung katao sa kanila, nahihiya rin siyang patulugin kami sa sahig.

Hindi naman kami pihikan sa tutulugan eh!

Kapag inuumaga nga kami dito sa unit at tinatamad na magsilakad pauwi, kung saan saan lang din sila natutulog.

Si Giselle naman..

Jusko po.

Stress.

Sabi namin sa Pangasinan na lang din siya magcelebrate, aba ayaw! May plano na raw siya at kailangan naka-costume kaming lahat. Halloween nga naman kasi. Nakakakaba though nung sinabi niya na may call time.

Pero bakit umaga?

"Okay lang mag-stay pa dito?" Tanong ni Ryujin habang naghuhugas kami ng pinggan.

Ako ang nagsasabon, siya ang nagbabanlaw.

Nakaalis na sila Ning para magprepare for work. Si Karina naman ay naliligo sa kasalukuyan. Cafe duty siya for this month.

"Oo naman pero hindi kita ma-entertain, may gagawin ako eh."

"Manonood lang ako. At kelan pa tayo nag-demand na mag-entertain?" Nilagay ni Ryujin yung kakabanlaw lang na plato sa drying rack. "Tatapusin ko yung season 2 ng Money Heist."

"O..M..G.. Ang ganda!!"

Winisikan niya ako ng tubig. "Wag kang spoiler!"

Tama nga si Heejin, maganda!

Kinabaliwan namin ni Karina yun.

Wala pang isang linggo, natapos na namin yung dalawang season. I am hardcore crushing over Tokyo pero 'tong jowa ko, bakit naman daw sa cause of conflict pa 'ko nagka-crush.

Na-offend ako. Slight.

Tikom lang kaya bibig ko nung sinabi niya na ang hot ni Professor!

I'll give it to him, he's smart pero --

SAAN BANDA YUNG HOT, KARINA?

Jusko, hindi ko na maintindihan ang taste ng jowa ko.

Pero pinakamahal namin si Denver. Ang soft niya sa tatay niya pati na rin kay Monica Gaztambide. Season 1 pa lang makikita mo nang front lang yung pagiging borderline maniac niya eh, softie talaga siya on the inside.

"Ano palang gagawin mo?" Curious na tanong ni Ryujin habang nagpupunas ng kamay.

"Magtitingin ng pwedeng practice pieces ni Uju." Excited kong sagot.

Bukas na yung first piano lesson ko with the kid!

Sa kalagitnaan ng bagyo sa aking isipan, pinangako ko sa sarili na hindi madadamay ang oras namin ni Uju dahil dito. Kaya sabi ko talaga sa sarili ko.. I will channel my inner Josephine.

Joke lang, mother.

I will not half- the lessons!

Gumawa pa ako ng lesson plan nung isang araw!

Oha! Oha!

Nag-grocery rin ako nung isang araw for our snacks!

Syempre kailangan hindi kami magutom nung bata.

Ang healthy nga lang nung snack. Hindi ako makapuslit ng kahit isang chocolate kasi sinamahan ako ni Karina mag-grocery. Gagawan niya raw kami ng sandwich at fresh juice.

Nakinood ako with Ryujin sa sala while waiting for Karina. 

"Babe?"

Sabay kaming tumingala ni Ryujin sa girlfriend ko na nakatayo sa may bukana ng hallway.

"Babe ka rin?" Pagsita ko sa kaibigan pagtayo para lapitan si Karina.

"Bakit nga ba ako lumingon?" Humarap na ulit si Ryujin sa TV.

Hinapyawan ko ng tingin ang suo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u