12 hours

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

There was no way I could stay still and just wait.

I couldn't breathe inside my room.

I couldn't think when everyone's eyes were on me. 

I couldn't stay.

All I felt was the immense need to leave.

So.. I did.

"Winter!"

I hid behind the guy walking ahead of me.

Ate Jae naman..

In bold letters, font size 50, font color black, font style -- yung font na ginamit sa movie na The Saw.

 

WINTER KIM

 

Handwritten at ilang ang pinatong para maging bold.

Bakit may signage pa?

Kahit hindi na nga niya ako tawagin eh. Palabas pa lang ako nakita ko na siya. Mangibabaw ba naman sa sea of black suits ang fiery red hair niya.

Shet.

Lumiko yung pinagtataguan kong lalake.

"Winter!!"

Kailangan bang magtatatalon sa tuwa?

Bahagya akong kumaway.

Everyone looked at us with judging eyes nang makalapit ako sa kanya. Parang wala lang kay Ate Jae yung titig ng mga tao.

I'm not saying na walang hiya si Ate Jae but.. yeah. Ganun na nga.

I meant, wala siyang hiya. Not.. nevermind.

She doesn't give a damn kahit hinuhusgahan na siya ng mga tao. Maybe because of her job kaya wala ng epekto sa kanya? I don't know. But it's one of the things I like about her. Sabi nga niya, motto rin niya 'to in life by the way --

'O ngayon?'

Very philosophical.

Tiningnan niya ang bitbit kong duffel bag bago dumungaw sa likuran ko. Nagtatakang tumingin siya sa akin.

"Ikaw lang talaga?"

Umiwas ako ng tingin.

Lucky for me, nag-land yung mata ko sa family of four na dinudungaw sa crowd ang sundo nila. Sila yung kasabay ko sa flight at sila rin yung may mga anak na hindi nagpatulog ng pasahero.

"Yeah.." I cleared my throat. "Just me."

 

 

-----

 

 

"Huwag po tayo humarang sa daanan."

Napatingin kami ni Karina sa entrance ng airport.

May isang buong pamilya na nagpapaalam sa tatay nila. May kalayuan sila from where we stood pero narinig namin ang mga bilin ng tatay sa dalawang anak na babae.

'Mag-aral ng mabuti.'

'Laging sumunod sa Mama niyo.'

'Wala munang boypren.'

Ngayon lang siguro siya mahihiwalay sa pamilya niya.

Nakatalikod ang mga bata sa amin but the way their shoulders jerk up repeatedly, it was obvious that they were crying. 

The dad hugged the kids na kinalakas nang pag-iyak ng magkapatid. The mom joined in the hug soon after, umiiyak na rin pala siya.

All these crying but the dad didn't shed a tear.

I guess he wanted to be strong for his' girls.

Laging may ganun sa pamilya no?

In difficult times, there's that one person who will be the source of strength for everyone. Sila yung kahit napanghihinaan ng loob o nalulungkot, chooses to be the opposite of it. Not because wala silang choice, it's just who they are.

The dad willingly took the job but it doesn't mean he's not hurting. As soon as he hugged his family, it was evident that he was on the brink of crying, too.

Naiiyak ako dahil sa kanila.

But I had to hold it in.

Wag ngayon, Minjeong.

Yung kapatid mo.

Pumasok na rin si tatay.

The mom then pulled her daughters to the side. May pag-bribe pa ng mcdo or Jollibee to comfort the girls. Tumahan rin sila but I looked away as soon as the oldest asked her mom --

'Kelan babalik si Papa?'

Bumaling ako kay Karina. Kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

She held my free hand. "Winter.."

"Yup?" Maang-maangan kong sagot, kunwari walang bumabagabag sa akin.

"Mag-aral ng mabuti. Laging sumunod sa Ate mo. Bawal maghanap ng iba -"

I smiled, shaking my head. "Please stop."

Nakakainis talaga 'to.

I have no idea how she got through my almost panic attack earlier but I'm thankful that she did.

Nag-uusap pa kami ni Ate Jae kanina but I went straight to my room to look for my passport and pack my things. At that moment, nothing else mattered. I wanted to leave. That if I stay still, I was going to combust dahil sa halu-halo kong naramdaman -- takot at pag-aalala. May halong lungkot pero pilit kong binaon.

Yung kapatid ko muna.

I have to make sure she's okay.

If it weren't for Karina, baka sumugod ako dito sa airport na wallet, phone, at passport lang ang bitbit ko. Baka nga wala pa akong passport tapos magpupumilit ako sa guard --

'Paalisin niyo ko!'

Badtrip lang.

Nahirapan kasi akong hanapin kanina yung passport ko. Only to find out na pinatago ko pala sa kanya.

Karina was the only sane person between us four earlier. Natulala na lang yung mga kaibigan ko on how frantic I was pacing around the room.

"Take care of yourself, okay?" 

May naramdaman akong kirot sa dibdib.

Nagkunwari akong na-distract sa mga ibang tao para makaiwas ng tingin sa kanya.

I had to brush it off.

Si Ate muna.

I nodded.

"I'll try to process to visit as soon as possible."

"It's okay, babe. You have new hires coming in next week, right?" She reluctantly nodded. Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. "Cafe duty ka this month and you have events lined up. I'll be fine, okay?"

"I'm sorry.."

"It's okay," I assured her. "Visit when your schedule is not too hectic."

She lowered her gaze to the ground, pursing her lips in the process.

I don't want her world to stop just because of me. I was bound to return anyway. Napaaga lang.

"Grabe yung pila!"

Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses -- si Lia na nagpapagpag ng basang kamay.

Hindi pwede mag-tissue?

Sumama yung dalawa kong kaibigan sa paghatid sa akin.

Ayoko na sana magpahatid pero tatlo silang ayaw magpatalo sa akin. The two tagged along para daw may kasama si Karina pauwi. Rarason pa eh alam ko naman nag-aalala sila sa akin. Kung gising na nga si Ning bago kami umalis, baka sumama na rin siya sa paghatid.

"Mag-CR lang ako." Paalam ni Karina.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makababa na sa hagdan patungong washroom.

I sighed.

Hindi man niya sabihin pero alam kong nalulungkot siya. Parehas lang kami ng nararamdaman at parehas lang namin binabaon yun. Everything was so sudden but I have to go.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na may kinukutingting sa phone nila.

"Ako na sumagot sa gc." Lia pocketed her phone. "Kaka-release lang pala ng statement sa press."

Kaya ako tinawagan nila Ate Jae.

They couldn't release one without informing me first.

Bilin pa yun ni Ate sa kanila after signing with them. She didn't have to sabi ng label kasi protocol na nila yun. Family first before everyone else if.. an unfortunate event occurs.

"I'm checking the available flights.." Sambit ni Chaeryeong habang nakatingin sa phone. "Bakit kasi hindi mo pa kami sinabay sa book -"

"No." Malumanay kong pagputol sa sinasabi niya while watching another family say their goodbyes to their loved one. "You should stay."

"Win.."

Humapyaw ako ng tingin kay Lia bago bumaling ulit sa entrance ng airport. "Sa ating tatlo, ako ang madaling makakabalik dito anytime I want. Sulitin niyo na."

"Winter.." 

"I'll be fine." I gave Chaeryeong a reassuring smile. "We'll keep in touch, alright?"

"Babalik ka ba agad?"

Hindi ako nakasagot.

I don't know.

Of course, the answer was up to me. After all, I have a year off from everything. But there's no room for anything other than my sister right now. Kailangan niya ako.

"Hey.."

Si Karina.

I quickly held her hand pagtabi niya sa akin. Looking for comfort at siguro pampalakas na rin ng loob.

"Papasok ka na?" Tanong niya sa akin.

Alam kong babalik ako eventually.

When will that be?

I have no idea.

 

 

-----

 

 

"Wait lang!"

Agad akong bumaba ng sasakyan pagka-park

"Maghulos-dili ka, sis. Okay lang ate mo."

I know.

Everyone said the same thing I've lost count of how many times I've heard it. I had to see for myself that she is indeed okay. Aksidente pa rin yun.

It was a minor car accident on their way to the stadium for a quick rehearsal. They were an hour early ahead of their schedule when a car cut into their lane. When the driver steered the car para maiwasan ito, hindi niya nakita na may paparating na isang pang sasakyan sa kaliwa nila.

Ate always sits on the left side of the car.

Mahal pa rin yata kami ng universe because today was an exemption.

She sat on the opposite side.

Thankfully no one was badly injured. Minor scratches ang natamo ng lahat pero si Ate -

"Shoulder injury but the good news is non-surgical sabi ng doctor."

"We're in a hospital." Ang shaky na ng boses ko at this point. Hindi naman kasi ito yung inasahan na maaabutan ko pagbalik. "And I haven't talked to her since the accident. "

"Actually.." 

I raised my arm in front of her to halt her steps. "Sabihin mo na bago pa tayo makarating sa kwarto."

.

I came off too strong. Natakot ko yata si Ate Jae.

Hindi ko ma-control sarili ko.

I know pagrarason yan and it doesn't permit me to be rude to anyone pero wala pa akong tulog. My mind's all over the place. And the second I heard 'car accident,' I just lost it.

"I'm sorry.." I muttered. "You were saying?"

"Nung tumawag ako sayo kanina.." Napahawak siya sa batok. Nervous laughters in between. "Inabot ko sa kanya yung cellphone kaya lang.. hehe.. binaba mo na pala.."

Napaawang ang bibig ko sa kinwento niya.

Pilit siyang ngumiti hoping I'll feel better sa kwento niya.

"Tapos ang dami ng ginawang tests sa kanya.. kaya yun.. when she tried calling you, hindi ka na matawagan. Sabi ni Miss Chaeryeong, naka-alis ka na raw. Napagalitan pa nga ako ng Ate mo. Dapat daw nagpabili ako ng Andoks."

Nase-stress ako sa kanilang dalawa, Lord!

I groaned. Nag-slight echo pa sa basement parking.

Naglakad na kami uli papasok ng hospital.

We went straight to the basement para maiwasan yung ibang reporters. There were some camping outside the premises, itching to scoop some update tungkol sa kapatid ko or catch a glimpse kung sino ang mga bibisita sa kanya.

Can they leave us alone kahit ngayon lang? God.

"Minjeong!"

Napalingon ako sa waiting area na nadaanan namin.

Si Aunt Bo.

Niyakap niya ako paglapit.

Bahagyang kumaway lang ang kapatid ni Chaeryeong sa akin, si Chaeyeon, nang tinanguan ko siya. Kita sa mukha ang pagkapikon sa kausap at halata sa lalim ng mata na wala rin siyang tulog. Nabanggit sa akin ni Chaeryeong na lumipad din agad ang Ate niya papunta dito to check in on Ate.

"I knew you'd come home."

'Come home.'

Minjeong, mamaya na.

"Natulog ka ba sa flight?" I shyly shake my head. Auntie looked at me with concern. "Kanina ka pa inaantay ng Ate mo."

"Is she sleeping?"

"No. May bisita kaya I excused myself."

I turned to Ate Jae with a questioning look. Nakaupo siya sa tabi ni Chaeyeon hawak-hawak ang phone.

Akala ko ba hindi sila magpapapasok ng bisita?

Anyare sa tight security?

She just shrugged.

Bumalik ang atensyon ko kay Auntie when she held me by my arms, glances up and down my whole worn-out state.

"Kumain ka na ba? We have food inside but I can go down to the cafeteria if you want something else."

"Mamaya na lang po." Nahihiya kong sagot.

Lumambot ang tingin niya sakin tsaka ako niyakap ulit.

It was more motherly, more comforting this time. I found myself returning her hug with equal comfort. It's what we both need right now.

"You must have been so frightened, anak."

Tears clouded my eyes.

I was. I still am.

Hinawakan ako ni Auntie sa magkabilang-balikat and gave me a comforting smile. "Your sister's okay. Right, Jae?"

"Tita, walang bearing kapag galing sakin."

Auntie threw her daggered looks. "Siyempre mag-aalala si Minjeong. Wala siya dito eh."

Ang emotional ko lang ngayon.

Suddenly, I remembered the times na kasama namin ni Ate si Auntie.

Hindi niya kami tunay na mga anak and we never had the chance to meet her prior my parents' accident but she took us in. And the fact that she flew right away when she heard the news? Hindi na niya kami responsibilidad yet she's still here. I may have never told her this but.. I appreciate everything she did and still doing for us.

Kahit si Ate Jae.

Kaya na-guilty ako sa pag-snap ko sa kanya kanina.

She never left my sister.

Maybe she didn't because it's her job but when we were on our way here, it didn't feel like it. Na dahil responsibilidad niya si Ate kailangan niyang asikasuhin ang kapatid ko.

No.

Hindi ganun.

Pwede na nga niyang iwan si Ate pagkatawag sa akin eh. Babalikan na lang to check in on her but she didn't. She stayed because she truly cares for my sister despite being one of the passengers kanina.

Nawala ang pag-aalala ko na baka dumating akong mag-isa si Ate dahil sa kanila.

"It's good to see you again, Minjeong."

I pushed myself to return Auntie's smile at me. Naluluha rin siya kagaya ko.

"Same."

I heard Ate Jae and Chaeyeon snorted.

Shet.

Napataas ang kilay ni Auntie in surprise sa sagot ko. "Same?"

Same?!

Ano yan? Tropa ko?!

"I mean, it's good to see you too." Agad kong bawi.

"Kahit si Chaeryeong ganyan na makipag-usap sa akin." Banggit ng nakatatandang kapatid ng kaibigan ko. Lumapit siya sa akin para makipag-kamay. "Welcome back, Win."

'Welcome back.'

I blinked a few times, giving myself a second to completely forget it.

"So.. who's the visitor?" I asked para mailayo ang sarili from that feeling.

"No clue." Umiling siya. "Si Ma'am Boa lang nandito when she got here."

She?

"Close friend daw siya ng Ate mo." Sagot ni Auntie.

"Ate Yuri?" Hula ko.

Madaling mahulaan sino ang nandyan kasi bilang sa dalawang kamay ang kaibigan ng kapatid ko.

Wait, isang kamay lang pala.

Bakit ko ba sinama sa bilang mga ex ng kapatid ko?

"Hindi ko natanong eh. I was mesmerized when she smiled.." At parang na-magnet si Auntie ng kawalan. Malayo na ang tingin na para bang inaalala ang short encounter niya sa bisita ng kapatid ko. "That eyesmile.."

Uhm..

Nagkatinginan pa kami saglit ni Chaeyeon.

"Si Tita talaga.." Lumapit sa amin si Ate Jae at pabirong kinurot-kurot ang tagiliran ng tiyahin ko. "Bakla."

Nanlaki ang mata namin ni Chaeyeon sa narinig. Pati yung nurse na dumaan sa gilid namin ay natigil sa paglalakad.

"Jae, gawin kong white yang buhok mo?"

"Hehe. Joke lang po, Tita."

I gotta say, na-miss ko din sagutan nilang dalawa.

It's the usual playful banter lang talaga.

Nakakatuwa silang panoorin tuwing bibisita sa amin si Auntie. 

Gusto kong malaman saan humuhugot ng tapang si Ate Jae para asarin ang tita ko. Not that nakakatakot si Auntie pero siyempre.. mas matanda pa rin sa amin yan.

"Sige na, pumasok ka na dun." Marahan akong tinulak ni Auntie papunta sa kwarto ni Ate. "Baka magtatagal pa yung bisita."

"Okay lang kaya?" Tanong ko para makasigurado. May bisita pa rin eh.

Nagthumbs up lang silang tatlo sa akin.

Okay..

Sabi nila, okay lang si Ate.

Wala naman siguro silang tinatago sa akin? They wouldn't do that to me, right? Wala na kasi silang ibang sinabi kundi okay lang si Ate wala na lang yung mga salita para sa akin.

Maingat kong pinihit yung door knob para hindi sila maistorbo sa loob.

Sumalubong sa akin ang malawak na receiving area ng VIP room.

May full sofa set with two armchairs a round center table and on both ends of the sofa were side tables; all filled with get-well-soon flowers and cake boxes. Ang dami ngang pagkain. May tray pa yata ng california maki.

Across the room were glass panels with curtains pushed to side para maarawan naman ang pasyente -- yung kapatid ko.

May divider din sa gitna ng room para mabigyan ng sariling space ang pasyente. Sa tapat nito ay may TV na naka-install sa wall.

Bakit ang tahimik?

Akala ko may bisita?

Pero may bag sa couch? Prada pa yata 'to.

"Who's there?"

Gusto kong maiyak nang marinig ang boses ni Ate.

Yung pagkabog sa dibdib ko nag-intensify to level 10. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. After ilang buwan, ngayon ko lang siya ulit makikita at --

Nakakapagsalita pa yung kapatid ko.

Okay nga talaga siya.

Ganoon pa rin yung timbre, awa ng Diyos.

"Auntie? Jae?"

Tinawid ko yung divider sa gitna ng room.

"Oh?" Tinuro niya sa akin ang hawak na kutsarita. "Kanina ka pa?"

Hindi ako makapagsalita.

She was sitting up, her back against the elevated side ng bed. Nakatingin lang ako sa suot niyang arm sling supporter. 

"Bakit ang pangit mo?"

Umurong yung namumuo kong luha.

Kung hindi lang injured 'to, dinaganan ko na eh.

"What a warm welcome to someone who flew thousands of miles."

"You didn't have to. As you can see," Pilit niyang inangat ang hawak na yoghurt sa injured arm para ipakita sa akin. "I'm very much okay."

"May arm sling ka." Turo ko, "Anong okay diyan?"

"My bones are still intact. Relax."

I looked at her incredulously. "Bakit wala lang sayo?"

"Because I'm still here."

Hindi na ako sumagot.

Ate smiled and opened her other non-injured arm wanting what I hope not, a hug. "Lika nga. Na-miss ko suplada kong kapatid."

"We're not huggers."

"There's always a first time for everything."

Napailing na lang ako pero lumapit din sa kanya.

Bahagya kong binaba ang sarili para mayakap siya gamit ang isang kamay lang. May takot na baka masaktan kung ididikit ko lalo ang sarili.

"I missed you, Min."

Nangiti ako. "Ulck -"

Pak!

"Aray!" I winced sa lakas ng hampas niya sa likod ko. "Masakit!"

"Ang tagal mo kayang nawala!"

Jusko naman talaga yung boses.

"Please don't shout."

Sinubukan ko kumawala sa yakap niya pero grabe, kelan pa siya naging ganito kalakas?

Wala na kong nakagawa, I let myself sunk to my sister's embrace. Ano pa bang magagawa ko?

"Yeah.. I missed you, too."

This is weird for us but after what happened, okay lang na maging whiny at demanding kapatid ko sakin. Kahit gano karaming hug pa ang gusto niya, okay lang.

"Oh hi, Winter!"

"Ate, Ate, Ate, Ate, Ate.." Impit kong tawag at agad tinapik ang brasong nakapaikot sa batok ko.

Hindi ako makahinga!!

Naipit yung lalamunan ko sa balikat niya!

Lumuwang ang pagkakapulupot ng braso niya. Lumayo ako agad sa kanya at akmang aambahan.

Masakit, okay.

Parehas lang kami mabuto eh!

Sinamaan ko siya ng tingin bago humarap sa bisita --

I was greeted by the famous eyesmile na kinababaliwan ng kapatid ko.

Well..

Well..

Well..

Maleficient delivery yan.

HA!

Ang gandang welcome crew naman nito. Kaya naman pala sinakal ako.

"Care to explain, Taetae?" Impromptu impersonation pa yan para kuhang kuha. Nilagyan ko pa ng emphasis yung term of endearment sa kanya ng bisita.

Actually, marami silang tawagan nung bisita pero mas fitting 'to today kasi hindi ko naman alam kung anong score sa dalawang 'to.

Minsan 'love' or 'hun.' Yes, hun like sa Mulan. Let's get down to business, ganun.

Ang pinaka, pinaka.. hindi ko kinakaya -- Buhbuh.

Pero sige, kanya-kanyang trip yan.

Kabadong tumawa ang kapatid ko habang nakatingin sa bisita niya na naka-yellow sundress topped with black leather jacket.

"Min, remember Tiffany?"

How could I forget?

 

 

 

-----

 

 

 

Tahimik lang akong nakabantay sa tabi ni Ate.

Kabadtrip nga 'tong kapatid ko.

Mag-CR naman daw ako kahit ilang minuto lang.

Nakakainis lang.

Ako na nga yung concerned eh!

Pinagpahinga ko si Ate Jae at mukhang mahihimatay na siya sa pagod. Ayaw pa niya nung una eh, kesyo kaya pa raw naman niya at sanay daw siya sa puyatan. Paghiga sa couch, borlogs siya agad.

Humilik pa nga!

Pinatulog ko na rin muna si Auntie sa isa pang couch.

She wanted me to rest dahil galing ako sa biyahe pero hindi ako pumayag. It's the least I can do for them and for my sister dahil ngayon lang ako dumating.

Natutulog naman si Ate Tiff sa kabilang side ni Ate.

Alas-onse na ng gabi.

Bukas na rin ang discharge ng kapatid ko and we'll be flying to New York straight away. Pwede na sana siyang ma-discharge today kasi need lang talaga siya i-monitor for 24 hours pero dahil ayaw ko magpapigil when Ate Jae called, inantay na nila ako.

Sorry naman.

Paano naman ako kakalma kung sasabihan ako ng 'calm down, don't panic' diba? Kabaligtaran kaya ang nangyari!

Pero kahit kalmado ako nun, pipiliin ko pa rin umalis eh.

At sana sa hotel nila ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u