The feeling is mutual.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Alam niyo yung feeling na hindi mo na alam pipiliin?

Or hindi alam gagawin?

Kasi na-explore mo na lahat ng possibilities?

Applicable pala talaga yun sa pagluluto.

WALA NA KASI AKONG MAISIP LUTUIN.

Ilang araw na akong nakatoka sa breakfast naming apat.

Actually, I took responsibility of it kasi lahat sila nagta-trabaho. 

Mahiya naman sana yung bum self ko sa daily work hustles nung tatlo, diba? Kahit sila Lia busy nung mga nakaraang araw. So ako lang talaga ang libre sa aming lahat.

Minsan nae-extend hanggang dinner pagiging cook ko, madalas nakikipag-agawan si Karina sa pagluluto na ang ending ay siya na ang gagawa kasi midway ng paghanda namin ng ingredients, iibahin niya yung putahe.

Yung diced patatas na hinanda ko tuloy for pork giniling naging patatas for nilagang baboy.

May natira naman na isang buong patatas, thank goodness.

Pero imagine yung 4 big slices swimming sa sabaw with very tiny potatoes.

Parang nanganak tuloy si mama patatas.

Nakakaloka.

'Cravings' daw kaya iniiba ni Karina yung ulam.

Atsetse 'tong bebe ko!

Palusot pa eh!

Busy kasi siya lately so yung pagluluto na lang daw ang way niya para makabawi sa akin kahit papaano.

Sure, I love Karina's cooking but I don't mind doing it for her lalo na't alam kong pagod siya at stressed.

Pano ba naman, last minute nagkaproblema sila sa supplier nila ng coffee beans. Gusto magtaas ng presyo kung kelan lock and loaded na yung proposal nila. Nawindang tuloy yung magkaibigan. Muntikan pa kami dumayo ng Benguet para lang kausapin niya in person, mas okay daw kasi kapag ganun.

Pero okay na, naresolba naman.

Kagabi nag-sorry si Karina kasi di kami makalabas. Nag-promise pa na babawi siya kapag lumuwag na schedule niya.

She doesn't need to apologize because I understand. Ganyan din ako nung nagtatrabaho pa ko eh.

My job indirectly requires me to isolate myself for a long period of time. Maybe it's just me pero di gumagana sakin yung timeoff sa work kasi nasisira yung creative flow.

I tried once when ate Taeyeon suggested it para daw di ako ma-burnout.

Ang panget nung nagawa ko!

Maybe I was too harsh to myself pero di talaga eh. I'm not a perfectionist, I just know hindi yun yung best output na kaya kong ibigay.

You have those moments eh.

Yung alam mong pilit yung ginawa mo? Yung on the verge ka na to call it a day and say to yourself na pwede na yan pero di mo magawa kasi alam mong may ibubuga ka pa? But at the same time, gusto mo nang matapos kasi nauumay ka na kaya sinubukan mong iparinig pa rin sa kapatid mo.

And true enough, may ibubuga ka pa kasi ni-reject niya.

So, balik ulit sa isolation from the outside world.

Kapag pumasa na sa kapatid ko, isolation ulit kasi magpapasama sakin si Lia while she works on the song.

Sinubukan kasi namin dati yung iniwan ko lang sa kanya tapos naglamyerda na ako.

It didn't work at all.

Muntik pa kami mag-away coz it's very hard to deliver tones sa chat. Akala niya nice pa ako but in truth, napipikon na ako sa mala-kalderong nalaglag sa sahig na nilagay niya sa track.

Lia is good with what she does pero tao lang ang kaibigan ko. Prone pa rin siya madala sa trabaho niya. Yun lang talaga purpose ko when she's working on Ate's song. Taga 'ano yan?', 'bakit ganyan?', 'ganda ng hook.'

So yes, naiintindihan ko si Karina.

Di ko lang sure yung sa pinsan ko.

First week niya pero lagi siyang fresh umuuwi samin. I mean, parang di pagod? Parang hindi dumaan sa digmaan ng cafe compared sa nakatoka sa kanyang si Giselle, malayo ang difference.

Parang siya 'tong hotdog na niluluto ko, just chilling sa mantika while I flip them to perfection. Inaantay nila ang final judgment na manggagaling sa jowa kong mahimbing pa ang tulog sa kwarto.

"Kamusta ka diyan, hotdog specialist?"

Sinimangutan ko si Giselle at Ning na bungisngis lang sa lamesa.

Paka-ungrateful for my service!

Pero nahihiya na rin talaga ako sa kanila. Kailangan ko i-level up ang breakfast menu namin. But for now, magtiis kaming apat sa cooking skills ko. Prito all the way!

"Good morning!"

Niluwa ng hallway ang very fresh and ever beautiful kong jowa.

"Maganda gising natin ah?" Bati ni Ning kay Karina.

"Of course!" Masiglang sagot niya.

Dumiretso siya sa tabi ko para silipin ang niluluto kong umagahan bago ako hinalikan sa pisngi. May pagpisil pa sa balikat ko nang abutin niya ang coffee jar sa cupboard para patabihin ako saglit.

"Galing ni Winter kagabi eh."

Plok!

Tumalsik yung mantika sa mukha ko.

Masaket.

Jusko naman talaga 'tong si Karina.

Wala man lang heads-up! Napaka-casual sa mga ganitong bagay.

"Oras na siguro para maghanap ng bagong breakfast place, Giselle."

"We went here for breakfast, midnight snack pala ang handa, Ning."

Kinindatan ako ni Karina pagbaling ko sa kanya.

Ang aga-aga.. pero sige.

Game.

"Magaling talaga ako kagabi?" Tanong ko habang sinusundan ang paglakad niya papuntang living room.

Ning scoffed in her seat.

"Kailangan may validation?" Sarkastikong comment niya.

"I think you'll know if you did well." Ambag naman ni Giselle.

Hindi na ulit sumagot si Karina sa amin at nagpatuloy lang sa balcony para silipin ang mga halaman.

"Nadiligan mo na yung mga halaman?" Tanong niya sa akin.

"Not yet. Gagawin ko sana after ko magluto."

"Ako na."

"My gad. Pati halaman dinadamay sa kababuyan." Side comment ni Ning.

Tinanguan ko lang si Karina at bumalik na sa niluluto kong mukhang sunog na yung isang side.

Yup, sunog na nga.

Isa-isa kong nilipat sa serving plate ang mga hotdog, may naka-antabay na paper towel to remove the extra oil para kahit papaano ay healthy pa rin ang pagkain namin. Babalik sana ako sa kitchen para sumandok ng kanin but Karina beat me to it, pinaupo na niya ako sa hapag-kainan.

"We're happy you're finally together but please, keep your life to yourselves, hmm?" Paki-usap ni Giselle sa akin.

Bakit ako?

Kaibigan niya kaya may pakana!

Di ko rin alam anong pumasok sa isip ni Karina para pagtripan yung dalawa.

Nothing happened.

Nag-aya siya mag-girl bonding kami kagabi so I thought of the best thing.

Manicure.

Ganap na ganap ko ang pagiging manicurista habang hinihipan yung kuko niya pagka-apply ko ng nail polish. Nakasuot pa nga yung brush sa mga daliri ko para after ko kayudin yung kuko, walis agad.

Tingin ko numipis yung kuko ni Karina kasi nag-enjoy akong gamitin yung cuticle remover.

Apply, kayod, brush, apply, kayod, brush.

Repeat until sitahin ka ni Karina na maawa sa kuko niya.

But yeah, we had fun. Or baka ako lang talaga.

"How's your first week, Ning?"

Bigla namang naging mataray ang mukha ng pinsan ko sa tanong. Direkta sa taong kaharap niya -- si Giselle.

"Di ko sure. Ikaw ba, Giselle, kamusta first week mo?" Sarcastic ang tono ng pinsan ko, with emphasis sa mo.

Nagkatinginan kami ni Karina, parehas na nagtataka kung may nangyari ba sa kanilang dalawa.

I shrugged.

Paki-usap kasi sakin ni Ning na during her first week, wag muna ako magpakita doon. Nahihiya raw siya pero hindi sa akin, kundi sa mga kasama niya. Kaya wala akong idea kung anong meron.

Okay naman sila kanina?

May away bang naganap?

Ano 'to, kinamusta lang na-trigger na?

Inantay namin sumagot si Giselle na busy maglagay ng kanin sa plato niya. Pero wala, wala kaming nahita ni Karina kasi tikom lang ang bibig niya.

"Yung kaibigan mo hindi ako pinapakilos sa cafe!" Reklamo ni Ning.

"Ha?"

Naunahan ko pa yung jowa kong boss niya magtanong. Panong hindi pinapakilos, palamuti siya ganun?

"What do you mean?" Karina looked briefly kay Giselle, hoping to get a reaction from her pero matibay ang pagiging silent ng kaibigan niya.

"Teh, buong linggo puro 'ako na' na narinig ko sa kanya." Pagpatuloy ng pinsan ko, tinitingnan ng masama ang katapat sa lamesa. "Magpa-punch sa cash register, siya na. Magtitimpla, siya na. Kahit magsulat ng pangalan sa cup, siya na!"

Tuluyan nang natawa si Giselle sa ratrat ng pinsan ko. "I didn't mean to!"

Hindi siya pinansin ni Ning, nagpatuloy lang sa pagrereklamo kay Karina.

"Akala ko nung una gusto lang niya pakita pa sakin para pakita ganun. Pero teh, hindi nangyari!" Nawala na yung table etiquette ng pinsan ko, nagrereklamo siya sa gitna ng pagnguya niya. "Akala ko sa first day lang siya ganun pero naging first week na!"

Sinenyasan ako ni Karina na mauna nang kumain while she attends sa issue nung dalawa. 

Tumaas ang kilay ni Karina sa kaibigan.

"I'm so sorry," sabi ni akusado pero nakangiti, "I didn't realize na inabot na pala ng isang linggo na ganun."

"That's not the point, Giselle."

Brr.

Malamig ang tono ni Karina pero tumatawa pa rin si Giselle.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Malungkot na tanong ng pinsan ko na ikinagulat ni Giselle. "Tingin mo di ko kayang gawin yung trabaho ko?"

"Huh? N-no.. it's not that." Utal-utal na sagot niya.

Natahimik silang tatlo, umibabaw tuloy yung tunog ng pagnguya ko. Kahit binagalan ko ang pag-nguya para di masyadong agaw atensyon, rinig pa rin.

Lord, anong tension 'to?

Kasi ang aga-aga po para dito.

First time ko lang din makitang ganito si Giselle. Parehas sila ni Karina eh, throw anything at them, kayang kaya nila sagutin with finesse. And right now, finesse nowhere to be found kasi wala ng masagot si Giselle sa dalawa.

Pwede bang..

Gusto kong humigop ng kape.

Bakit ako laging napapaggitnaan sa ganito?

"Pwede hayaan mo kong gawin trabaho ko?"

Sitahin ko sana si Ning kasi boss pa rin niya si Giselle but yeah, may point naman siya.

Kaya naman pala parang tumambay lang siya sa cafe, may sumasalo pala kasi ng trabaho niya.

"Let's talk about this more later." Sabi ni Karina. "Kumain na muna tayo."

Oh, right.

Today rin yung meeting nila!

Unlike the usual mornings naming apat na nagke-kwentuhan about anything under the sun, tahimik lang kaming kumain. Tunog mula sa nagkikiskisan na kutsara't tinidor at paghigop ng kape lang ang narinig.

Minsan mahuhuli kong tumitingin si Giselle sa pinsan ko. Yung pinsan ko? Keber. Badtrip yata talaga.

"Sorry na, Ning." Pagbasag ni Giselle sa slight katahimikan. "Di na ako mangengealam, promise."

"Teh.." naputol yung sasabihin ni Ning, bahagyang yumuko at pahapyaw lang na tumingin kay Giselle. "Ewan ko sayo."

Natawa na ako na ikinatulis ng tingin sakin ni Karina.

Am I not allowed to laugh?

Ang funny kaya!

Ako na nagprisinta na magligpit ng mga pinagkainan para makapag-prepare na silang tatlo for work.

Yung dalawa for the meeting, si Ning sa cafe.

Mamaya pa dapat shift ni Ning pero gusto raw niya pumasok para bumawi sa mga kasama. Yun daw talaga worry niya kaya siya nag-snap kay Giselle. Ayaw niyang isipin ng mga ka-trabaho na may special treatment na nangyayari dahil lang magkaibigan sila.

May point naman.

Pinapasweldo silang lahat tapos siya walang ginawa.

Pinaulanan ko ng goodluck kisses (yes, with s) si Karina nang magpaalam na siyang aalis na sila.

After lunch pa yung meeting nila pero aagahan nila ang pagpunta para iwas traffic, weekday pa naman. Mas mabuti na rin daw maaga sila kesa ma-late.

Tama naman yun.

May tinuro si mommy about punctuality pero mas gusto ko yung version ni ate Taeyeon niyan.

Respeto sa oras ng ibang tao.

Kinuha ko muna yung bluetooth speaker ni Karina sa kwarto.

The vlutut iz new kenekted.

Let's get to work.

 

 

I woke up in the future yesterday

I wondered how the time had slipped away

Thinking back to things when we were young

Wishing we were back where we begun

 

 

First up, walis.

Ganap na ganap ko ang pagiging housewife habang sinusuyod lahat ng alikabok (kahit wala naman talaga) sa buong unit. 

Tinawanan pa ako ni Karina nung nagpaalam ako kung pwede ba ako pumasok sa kwarto niya kapag wala siya. Gusto ko kasing linisin rin.

Kahit ang purpose ko raw ay amuyin yung natitirang scent niya sa kama, okay lang pumasok ako anytime.

Parang ewan talaga.

 

 

Let's run away to distant shores

And chase the light we once ignored

It feels the end can't chase your world

That feeling when we're both alone

 

 

Next up, mop.

Sa lahat ng chores, dito talaga ako bored na bored. Kahit na ba may magic rotating bucket mop si Karina, di ko mapigilan ang paghikab ko sa bawat piga.

 

 

And tell me through it all that we'll stay friends

I'm trading parts to tame some oxygen

Joins from the places we have lived

Wishing that there was something more to give

 

 

Last, magtupi ng mga nilabhan.

Umakyat ako sa rooftop ng condo para kunin yung mga sinampay ni Karina nung weekend.

Hahayaan daw ako ni Karina sa lahat ng gusto kong gawin sa unit, kahit sa chores or bumili ng kung anu-ano. Except for one thing, wag na wag kong gagalawin mga labahin namin.

Yes, namin.

Pati mga damit ko siya na ang naglalaba.

Naawa na yata siya sa constant struggles ko with my laundry. Pabor sakin kasi nag-aamoy Karina ako, ang bango kasi ng mga labahin niya.

Stress outlet daw niya ang paglalaba kaya sige, di na ako pumalag kahit gusto ko talagang gawin for her.

I stayed sa sala para magpahinga muna bago magluto ng kakainin for lunch. Tamang channel surf kasi walang magandang palabas.

Oy, School of Rock!

Ay, patapos na.

Bwiset.

I checked my phone baka may message galing kay Karina.

Okay, wala.

Nakarating na kaya sila?

I think tulog pa yung mga taga-baba.

Huh.

 


Group chat: Unit 1117
Winter: Gawa niyo?

 


Walang nag-reply.

Now, what?

Sinilip ko yung mga halaman sa balcony.

Minjeong, wag mo silang pagdiskitahan.

Wag mo silang diligan ulit.

Wag mo silang patayin.

Sa mga ganitong pagkakataon, nami-miss ko game console ko sa bahay. Sinadya kong iwan kasi alam kong magkukulong lang ako sa bahay at hindi yun ang purpose ng pag-uwi ko rito.

Nag-browse na lang ako sa net ng classes.

Painting.

Uy, pwede.

Ayain ko sila.

Kakatayin kaya ako ni Karina kapag inaya ko siya mag-sky diving lessons? I think yes so I will not ask..?

Magtitingin na lang ulit ako ng pwedeng iregalo kay Tita Kat for her birthday sa weekend.

Wala pa rin akong gift.

Pinairal ko pride ko eh. Gusto ko ako yung mamimili kaya di ko tinanong si Karina. Pero kailangan ko na yatang humingi ng tulong kasi ilang araw na lang, wala pa rin akong maisip.

Pumunta ako sa isang shopping site.

Uyyyy.

Deserve ko ba 'tong cute night lamp with stars?

Cute din 'tong moon lamp.

Uy, pati yung bed sheet na moon and stars!

Alright, add to cart!

In a span of 10 minutes, tatlong gamit na nakapila sa cart ko. Nabudol ako nung recommended items. Ang cute kasi talaga!

Parang gusto ko rin magdikit nung glow-in-the-dark sa kisame. Kuha kaya ako nung dinosaurs and stars? Wait, may comet na kasama sa set nung stars.

Storytelling pala pano naging extinct yung dinosaurs.

Baka di ako papatulugin ni Karina sa tabi niya ng one week kapag tinuloy ko 'to so nevermind.

Check-out ko na lang mamaya kasi baka may gusto rin bilhin si Karina.

Nilayo ko na yung phone, baka kung ano pa mabili ko.

Nakaka-tempt bumili ng Totoro phone case kahit di naman ako naglalagay ng case.

Wala pang dalawang oras naubos na yung pwede kong gawin. Mali ako ng time distribution, dapat inonti-onti ko. Ano ng gagawin ko ngayon?

Bakit nga ba ako ulit nandito sa maynila? Ahh, to explore.

Okay, sige.

Tingin ko dahil talaga sa School of Rock 'to eh kaya I dialled my sister's number.

My dear mother, guide me.

"Uy, Winter!"

"Ate.. Jae?"

"Oh my goooood!"

Nilayo ko ang phone sa tenga nang tumili ang kausap ko sa kabilang linya.

"Long time no talk! Kamusta ka diyan? Zzzzzana all pwedz magbakasyon ng isang taon! Grabe, miss na kita! Miss ka na rin ng kapatid mo kaya siguro nag-adopt siya ng aso. Ay, di ko sinasabi na mukha kang aso ha? Pero sabi niya Zero kinda reminds her of you --"

"Teka, teka." Pigil ko sa kanya bago pa abutin ng sampung minuto ang recap niya tungkol kay ate, squeling in between sentences, na hindi ko alam. "May aso na si ate? Kelan pa??"

Ang tagal ko nang sinabi sa kanya na mag-adopt kami, lagi niya akong hinihindian kasi di ko naman daw maaalagaan. Tapos ngayon.. ang daya!

"Matagal na!"

"Simula nung umalis ako?"

"Last week."

Natawa ako.

Si Ate Jaejae yung manager ni Ate Taeyeon ever since nagsimula siya sa career niya. Never siyang nagpalit kahit ilang beses siyang inalukan ng bago. Tingin kasi ng label nauubos yung energy ni Ate Taeyeon kay Ate Jae.

Ang totoo.. oo nauubos pero tuwang tuwa kapatid ko sa kanya. Kahit garagal na ang boses at pinagpapawisan na red hair niya, high-energy pa rin 'tong kausap ko. Baterya yata ng 16-wheeler truck yung karga kahit puyat.

"Si ate pala?"

"Kakatulog lang. Paalis na nga ako nung napatawag ka."

"Bakit ang aga?"

"May shoot siya bukas."

"For the tour?"

"De, magazine."

Pinigilan ko siya nung gigisingin niya si ate. Ipapasuyo ko sana yung mga gamit ko bago magkick-off yung tour kaya ako tumawag.

"Pasabi na lang kay ate, pa-air cargo ng laptop, gitara, and keyboard ko."

"Yun lang? Ako na gagawa."

"Huh? Di na, si Ate na!"

"Okay lang! Di ka na others sakin no!" High-pitched pa rin siya, ang dami niya talagang energy. "Wala rin oras kapatid mo."

Ayaw ko sanang siya ang magligpit ng mga gamit pero makulit 'to eh and may point siya, walang oras kapatid ko.

Bakit ko ba kasi iniwan yung mga gamit?

Ang hassle tuloy!

Ayaw kasi ni Ate na gumagawa si Ate Jae ng favors from me. Hindi naman kasi ako yung inaalagaan niya at lalong hindi ako covered ng trabaho niya.

"Patanong na din kay ate kung nasaan yung lumang keyboard ko. Pasabay na rin nun."

"Okay, got it."

"Thanks, ate Jae! Dalhan kita ng pasalubong pagbalik ko."

"Sama mo na rin girlfriend mo para makilala ko!"

Kachismisan rin 'to ng kapatid ko eh.

Updated kami sa latest chika ni Ate because of her. Alam ko nang may bago siyang chika kapag yung way ng pagkalabit niya sa balikat ko ay pangchismosang kabitbahay matched with 'ay, alam mo ba' at stomp ng paa.

Mukhang ako napagtripan nila this time.

"Ang bilis talaga ng balita sa inyo!"

"Kami pa? Pero yung sayo hindi niya sinabi." Sagot niya. "Nahuli ko lang yung kapatid mo na inii-stalk niya. Kala ko nga yun yung bago niya eh. May hawig kasi dun sa last."

Grabe ka na talaga, ate Taeyeon.

Pagpahingahin naman niya sana profile feed ni Karina. Baka isa pa siya mga comment ng comment dun, baka na-like na rin niya lahat ng pictures. Dapat yata di ko sina - TEKA.

"Ate's seeing someone??"

Blag!

Dug!

Crash!

Katahimikan.

"Uy, Winter." Pabulong niyang sabi. "Ba-bye na. Baka magising ate mo.

"Ate Jae!"

"Kailangan niya ng beauty rezt, lam mo na. Sz

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
#1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((