supermegapopstar

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

It is so good to be back!

Even better, it is so good to be alive!!

May baseball bat pala kami no?

Memoryado ko bawat sulok ng unit, never kong naaninag yun kahit minsan. Siguro kung pinili kong mag-stay sa kwarto, nasa end credits na tayo. Literal na die in the arms of the woman I love.

Joke lang. 

Most likely bukol lang talaga. With concussion.

But we're all good.

Ang importante is - I am back!

Winter is back, baby!

Kahit gumuhit yung polusyon sa lalamunan paglanghap ko nito sa labas ng airport, okay lang. Kahit nakatanggap ako ng mapanghusgang 'what the hell are you doing' nung napapikit nang marinig ang pagharurot ng mga jeep, ayos lang. At kahit init na init ako sa suot ko, tiis ganda lang.

Sweater pa more!

But yeah, we truly find home in the most unexpected places no?

Although, I kind of expected a different homecoming. In my mind, I pictured a very happy, almost in tears, not leaving my side, Karina.

But no.

Hindi sa nagtatampo ako ha, tingin ko masaya naman si Karina. Actually, she looked a bit relieved to finally see me. Nag-alala ata talaga nung dalawang araw (daw) akong nawala.

Gusto ko talaga siyang i-surprise eh.

Kinontsaba ko si Ate pati na rin ang kapatid ni Chaeryeong na wag i-spill kela Lia na pauwi kami. Silang tatlo lang nila Ning ang mapagtatanungan kung sakaling hanapin ako ni Karina eh.

Pero ako pala yung masu-surprise. And I am partly to blame bakit mas inintindi ni Karina ang maglinis ng unit.

Yes, naglinis siya. Nag-mop pa yan.

Ang cute.

Tutulong sana ako para mapabilis kasi gusto ko ng lambing time pero pagod daw ako sa biyahe kaya pinaupo niya lang ako sa tabi. Siya na raw gagawa ng lahat.

Edi sige.

Nung nagwalis siya, nakakatuwa pa eh.

Nung nagpunas siya ng kahit anong flat surface na madaanan niya, medyo nag-worry na ako. Twice niyang pinunasan yung dining table pero sige, baka nga may dumi pa.

Pero nung nilinis na pati kwarto niya, I knew I had to intervene.

Anong gagawin ni Ate sa kwarto niya, diba?

And by intervene I mean, pinaarawan ko sa balcony lahat ng throw pillow, nagtapon ng basura sa baba, at nagpalit na rin ako ng beddings and pillow covers.

Mukhang importante for her na maging extra presentable ang unit eh.

Actually, maganda naman yung intention ni Ate kung bakit niya naisipan mag-dinner dito.

Alam kong wala silang gagawin ni Ate Jae sa hotel kaya inaya ko silang sumama sa birthday celebration nila Ning bukas. Na-mention din kasi ng kapatid ko na gusto niyang umuwi para bisitahin sila Auntie. So, dahil kasama sila, she wanted to lessen the awkwardness ngayon pa lang para ma-enjoy namin yung buong trip.

Sabi ko nga hindi yun kailangan dahil imbued na sa dugo ng mga kaibigan ko ang maging.. confident.

Sugar-coated.

Si Karina naman daw ang tinutukoy niya which is sweet if you ask me. Kaya pumayag ako BUT only if Karina's okay with it.

I do think she is, kinakabahan lang.

I did ask her though if she wants to cancel. I'm certain Ate would understand pero okay lang daw talaga.

Ang sama ko bang girlfriend kung aaminin kong kinikilig ako?

Kasi naman!

Akala mo magpapaalam na aakyat ng ligaw sakin kung kabahan. Eh kami na kaya! Magkasama pa nga kami sa bahay! Tabi pa kami matulog!

Speaking of tulog, unti-unti ko nang nararamdaman yung pagod.

Nung sinabi ng kapatid ko na 'we leave early tomorrow', she meant 1am early. Nakailang movies na 'ko pero hindi ako dinapuan ng antok sa eroplano, given I was dead beat sa dami ng pinuntahan namin para mamili. Para kaming nasa game show kahapon sa pagmamadali!

Paniguradong mabilis akong makakatulog mamaya.

"Winter?" 

Naputol ang pagmuni-muni ko sa sala nang marinig ko ang pagtawag ni Karina mula sa kwarto. Nagkakabit siya ng kwintas pagtayo niya sa gilid ng sofa.

"Papunta na ba s -"

Nag-short circuit ako.

Napukaw ng navy blue summer dress with floral print yung atensyon ko, like wow. First time ko rin siyang makita na naka-half ponytail, like.. wow. Parang diwata lang.

I meant, ang ganda niya.

"Winter."

Napakurap ako nang tawagin niya ulit. "Y-yeah?"

"Papunta na ba kako sila Ate mo?"

I cleared my throat and nodded. "Nag-message siya sa akin 10 minutes ago."

Sa Novotel nagcheck-in yung dalawa, walking distance from here sa condo. Kahit malapit lang, binilin ko kay Ate Jae na gamitin yung ni-rent nilang car just to be sure na walang makakakita sa kapatid ko.

No one knows she's here and we intend to keep it that way for as long as we can.

In terms of security, I think prepared naman silang dalawa. They don't disclose this information to me and sabi ni Ate, better to keep it that way daw.

"Sure ka bang sila yung bibili ng andoks?"

I stood up and helped with the lock of her necklace. "Yes."

Paborito ng kapatid ko yang andoks, gusto niya yun ang first dinner niya pag-uwi. Nasa airport pa lang kami tinatakam na niya ang sarili, pati tuloy kami ni Ate Jae naglaway kaka-visualize niya nung manok.

Pagkaayos ko nung pendant, pinagmasdan ko muli yung buong outfit ni Karina.

"You look really pretty." Pag-compliment ko sa kanya before holding her.. hands.

Ang lamig ng kamay niya.

She must have noticed my slight surprise, she grinned shyly. ".. kinakabahan talaga ako."

"I can see that." Ngumisi ako.

Nakatanggap ako ng mahinang hampas sa balikat.

Ang ganda niyang kabahan ha.

"Relax." I squeezed her hand para pakalmahin siya. "Kapatid ko lang yun."

She bit her lip, looking more and more nervous by the second. "Exactly, kapatid mo yun."

"Nagkausap na kayo dati, bakit ka pa kinakabahan?"

Sa pagkakaalala ko, madali silang nag-click nun.

"Babe.." Mahina niyang pagtawag. "Iba yun eh, hindi kami magkaharap nun.. mamaya Ate Taeyeon the singer na siya."

"What?" Natatawa kong tanong.

She groaned. "Wag mo kong tawanan, si Giselle kaseee. Please don't misunderstand, kinakabahan ako kasi kapatid mo yun kaya lang.."

"Kaya lang?"

Bahagya siyang yumuko. ".. kaya lang nadagdagan ng isa pang layer ng kaba dahil sa.. you know.. status niya."

Ahh.

"I totally get it," I told her.

"You do?"

"Yup. Minsan nagtataka pa rin ako anong ginagawa ni Ate Yoona sa bahay namin eh."

"Yoona.. as in.." She backed up a little. "The movie actress?"

"Yeah, kaibigan siya ni Ate. Di ko ba nasabi sayo?"

"No.."

So I told her the day I met my greatest celebrity crush.

I think I was in high school back then. Or maybe college? Blurry yung memory ko because I made it so - nakakahiya eh.

Alam kong friends na sila ng kapatid ko nun and whenever Ate would tell me na bibisita siya sa bahay, I would always make an excuse na may lakad ako. Halos mahimatay ako kapag pinapanood movies niya, paano na lang kapag nakaharap ko na diba?

Until I couldn't escape my fate anymore.

"So.. yun," I said, ending the story casually.

"You.. barfed and ran?" She gave me her very best non-judgy look but her tone was filled with it.

"She was my crush, okay." Pagdepensa ko sa sarili. "And I was young."

"I feel a lot better. Thank you."

"Glad I could help." Mapait kong sabi. "I'm telling you, kung paano mo nakausap si Ate before, that's how she is in person." 

She nodded, a still bit unconvinced.

"Yes, supermegapopstar siya -"

"Winter naman eh." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"- pero hindi siya bumibirit in between conversations. That would be so weird." Asar ko pa sa kanya. "Fan ka nga pala. Akala ko ba fan kita?"

"Winter, isa!"

My god, she's so adorable.. ang sarap inisin lalo. Minsan ko lang siya makitang ganito, yung composed demeanor niya nonexistent dahil sa tao. Eh people person kaya 'to! Sue me for milking this moment.

But honestly speaking, di naman issue sakin 'to. I never doubted her sincerity towards me kung yun ang worry niya.

Ano naman kung ma-starstruck siya sa kapatid ko, diba? Mas gusto ko nga 'to eh, yung honest siya.

"Trust me, after tonight, Ate Taeyeon na lang yan. Mas kengkoy yun kesa sakin."

Nagkunot ang noo niya. "Kailangan mo na talagang i-update - babe, who says 'kengkoy' in this day and age?"

"Excuse me, updated ako sa mga 'in' na terms ngayon." Pagyabang ko.

"Babe, sa 'in' pa lang, out ka na."

Awow. The attack.

Di ko pinansin yung sinabi niya. "Alam ko yung AFK, BRB, TC.. C.. I..C." Maingat kong pag-spell habang iniisip yung acronym for Take Care Coz I Care coz ang daming letter C.

"Generation natin yan eh."

"Yung 'stir' alam ko rin."

"Paborito yan ni Yuna before." Pagbanggit niya. 

"Meron pa 'kong alam!" Pagbida ko sa aking pool of knowledge. "JAPAN, MANILA.. BALIWAG!"

Teka, grade school jokes ata 'to.

"Alam ko yung dalawa, ano yung BALIWAG?"

"Beauty And Love I Will Always Give."

In my mind, she laughs.

She didn't.

Ikakasa ko pa naman sana yung IMUS. Sige, next time na lang.

"Hindi na ba 'ko funny for you?" Ma-drama kong pagsaad. "Ilang linggo lang ako nawala, nawala na rin yung magic ko?"

"Ang dami na kayang bago ngayon: IKR, DW, ICB." Pagdedma niya sa pagda-drama ko.

"Isa lang alam ko - I.. C.. U." Nag-wink ako, yung exaggerated para ma-gets niya na I meant I See You. Nag-finger heart na rin to attain maximum cuteness.

Pero tinulak niya lang yung mukha ko!

My finger heart is broken!

"I'm sorry." She suddenly said, shoulders deflating. "I just.. I really want her to like me."

Parang natunaw yung totoong puso ko on how much she wanted this.

"She will," I said earnestly.

She shyly hid her blushing face by hugging me.

"Nothing to be nervous of, it's just dinner."

She pulled herself away from me and finally smiled. "Okay.."

Di naman tututol yung kapatid ko. Well, she can try pero no promises na hindi kami mag-aaway.

Walang pwedeng tumutol!

Joke lang.

Sweet nga ni Ate eh, binilhan niya ng pasalubong si Karina kahit first time pa lang nila magmi-meet ngayon. Nung sinabi kong mahilig siya sa lipstick, nagpatulong siya kay Ate Tiff pumili kasi wala akong maco-contribute in that cosmetic department.

Lip balm lang lagi kong ginagamit, vaseline pa.

Basic kung basic!

Ang sama ko nga ata talagang girlfriend.

Pwede kong sabihin sa kanya na she doesn't need to win my sister's approval kasi hindi siya ganun. Yes, siya ang tumayong magulang ko pero never nangealam si Ate when it comes to my relationship, with friends or with people I date. I do know she worries about me but even so, she never said anything.

Pwede ko ring sabihin na hindi naman exclusively kaming apat lang ngayong gabi but I chose to withhold that information from her.

Hehe.

Ang cute cute niya kasi!

Pero mukhang okay naman na s - nope, she's not.

Kasi dahan-dahang umangat yung tingin niya sa kisame namin, akala ko any second now sasapian siya! Not to mention when her eyes panned very slowly from left to right!

"What are you doing?" Medyo nawi-weirduhan at natatakot na 'ko eh.

"Agiw check."

And I'm the weird one in this relationship?

"Mukha bang maghahanap ng cobweb yung kapatid ko?"

"Kapag bagong bisita ka sa bahay, tumitingin ka sa kisame diba?" Sagot niya nang nakatingala.

Aba, malay.

"Ang alam ko lang kapag may balikbayan kang jowa, may kiss eh." Pakunwari akong sumimangot nang tignan niya. "Nasaan na kiss ko?"

"Hindi pa ba kita nahahalikan?"

"Maghahanap ba 'ko kung oo?"

Nagkibit-balikat siya. "Malay, abusado ka eh."

Real na real na yung simangot ko sa kanya. "Nasan na yung kiss koooooo?"

Her lips then slowly curved into a smile as her eyes traveled down to mine, taking her sweet time na baka ikamatay ko. 

Gusto ko nang magreklamo sa tagal.

Pero imposibleng gawin ko yan when I am at her mercy with the way she reels me in with her gaze.

She cupped my cheek, gently it as she leans forward. 

And when our lips finally met, I just know..

There's no place like home.

I didn't open my eyes yet when she pulled away, baka lang may second round pa. But I was wrong because then I heard her soft chuckles.

"Okay, sold." That was the first thing I said when I saw her delighted. "Walisin na natin yung agiw."

"We're agiw clear." She placed both of her on my shoulders, her soft smile not leaving her lips. "Welcome back, babe."

"It's good to be back," I replied.

"Wala pang isang buwan, bumalik ka na. Pano na lang kapag bumalik ka sa school?"

I just shrugged.

Tsaka na namin pag-uusapan 'to.

She kissed me again on my cheek before heading towards the kitchen, maglalabas na raw siya ng plato para i-set namin sa lamesa. I helped by getting the placemats from the drawer.

"So sinong mga kakontsaba mo?"

"No one knows I'm here." 

She immediately looked my way. "Alam mong Friday today, diba? Dito matutulog yung iba kasi may lakad tayo bukas which means.." Her eyes widened hoping I'd get what she was trying to say.

"Yes, I know." 

She pressed her lips together, nodding her head slowly. "So.. inaasahan mong dadating sila tonight."

"I wanted to surprise them, too!" Nakangiti kong sagot.

Excited na nga kong i-capture mentally yung mga reactions nila.

"Hmm, hmm.." She kept nodding her head. "The way you said it earlier, akala ko tayong apat lang, which I've said okay lang talaga pero para akong uminom ng limang tasa ng kape sa niyerbyos, Winter. And you didn't bother telling me na marami pala tayo mamaya?"

Oh, here we go.

Paano nga ulit kami napunta dito?

"In my defense.." Simula ko. "We'd still clean the house and.. I knew you wouldn't listen..?"

And she looked really cute.

Siyempre di ko sinabi yan. Let's not poke the dragon any further ano.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Mamaya pa dadating yung mga yun, wala pa kayang 6. Technically speaking, tayong apat lang nila Ate for the first 2 hours."

"Earl -"

She was interrupted when the doorbell rang, sabay kaming lumingon sa pintuan.

"Sila Ate na yan." Pag-anunsyo ko.

Paglingon ko kay Karina, wala na siyang kulay.

Anong nangyari?

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Babe, relax. Just like we practiced."

Bakas ang pagkalito niya sa sinabi ko. "May prinaktis tayo?"

"Yung kiss kanina."

She stared blankly at me.

"Siguro nawawalan ka ng humor kapag kinakabahan no?" I mused. "Usually natatawa ka sakin eh -"

"Winter. Yung Ate mo."

"Oh, right."

Binatawan ko kaagad ang hawak na spoons at nag-ayos ng sarili habang naglalakad papunta sa pintuan. Si Karina naman ay di mawari ang paghagod sa buhok at pumwesto siya sa may tabi ng island counter. I gave her an encouraging smile and a wink, pampalakas ng loob, that I think flew right over her head.

The doorbell rang again.

Here it goes.

"Wel -"

Ba namang itsura 'to.

"- come. Bakit ka nakasimangot?" Bati ko sa kapatid kong hindi maipinta ang itsura, nakababa ang mask at suot yung regalo ko sa kanyang grey nike baseball cap nung pasko last year.

"Mainit yung face mask."

Napansin ko namang nawawala yung kasama niya kaya sinipat ko yung kahabaan ng hallway. "Nasan si Ate Jae?"

"Coffee. Inaantok kami parehas eh."

"Same - wait, mag-isa kang umakyat?"

She nodded. "Naglakad lang kami."

"Buti walang nakakilala sayo?" Concerned kong tanong.

Pakatigas talaga ng ulo nito eh.

"Kay manong guard ko lang pinakita mukha ko, hindi pa ako kilala." Sagot niya. "Also, I don't have a choice. He won't let me in without showing my whole face."

She moved her head to the side. "Nasan si Karina?"

Agad kong nilingon ang girlfriend kong mas mabilis pa sa alas kwatrong nawala sa kinatatayuan earlier.

Luh.

"Bathroom." Pag-cover ko sa girlfriend ko before stepping to the side to let my sister in. "Come in."

Paglagpas niya sa entryway, tumango-tango siya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit. Maya't maya ay tumingala siya sa kisame.

Huh. Totoo nga.

Iniwan ko muna sa kitchen yung isang plastic ng andoks. Introductions first.

Nasaan si Karina?

"Kela Karina kayo bumili ng kape?"

"Siyempre. Support local."

I beamed with so much pride nung tinuro ko yung Fort paghatid nila sakin.

Sasamahan daw sana ni Ate ang manager para i-surprise si Ning pero maraming tao, she didn't want to risk it.

At kung anu-ano pang small talk ang ginawa ko to cover for my girlfriend. Katulad ng: kamusta suite nila, nag-empake na ba siya for tomorrow, malambot ba yung kama, etc.

Pupuntahan ko na sana si Karina sa kung nasaan man siya when she finally went out of her room. "Sorry, had to take the call."

Woooshooo.

A split-second dagger look was thrown my way with a silent yet deafening 'subukan mo.'

I kept my mouth shut. Joke lang eh!

Tumikhim ako at tinabihan si Karina. Tsaka ko lang napansin na nakatingala yung kapatid ko sa kanya.

Wait, how does this go again?

Bahala na.

"Ate.. this is Karina, my girlfriend." Proud kong pag-introduce sa nakabihag ng puso ng nag-iisa niyang kapatid.

Karina reached out her hand para makipag-kamay. "I'm so glad to finally meet you.. like in person, not through.. Winter's phone or her laptop -" Marahan kong inilapat ang kamay sa may bandang bewang niya, signaling to take a breath and to stop her from rambling. "Sorry."

Ate just stared at her.

Gumuho na siguro yung kakaunting confidence na naipon ni Karina earlier. Parang ewan kasi 'tong si Ate, hindi man lang saluhin yung kamay!

Kitang kita ko yung paglagok ni Karina bago pasimpleng tumingin sakin.

"Ate," I called her out. "This is not the time to joke around."

Lagi niyang ginagawa 'to tuwing may ipapakilala ako!

Mula high school hanggang college!

Of course hinayaan ko siya noon, friends yun eh. Nothing funnier than seeing your friends about to wet their pants. Pero iba 'to!

"Ate." 

Mga ilang segundo ang lumipas nang ngumisi na rin ang kapatid ko.

"Just kidding - wow! Ang lamig ng kamay mo!" Yung tough sister act ng kapatid ko napalitan kaagad ng pag-aalala. "Are you nervous?"

Nahihiyang tumango si Karina.

"Why?" Lumingon sakin si Ate, may pang-aakusa sa mga mata. "Anong sinabi mo?"

Awowza.

"Ikaw 'tong nanakot eh." Turo ko sa kanya.

She dismissed me by waving her hand as she smiled softly at my girlfriend. "Hey, relax. Kung ano man sinabi ng kapatid ko tungkol sakin, hindi yun totoo."

Pinigilan ko matawa nang maalala kung ano yung sinabi ko about her.

So..

Bumibirit nga siya in between conversations?

Sample nga -

"Minjeong."

Tikom ang bibig ko paglingon kay Ate. "Hmm?"

"Dadating ba si Ning?" Tanong niya sa akin. "Sana sinabihan mo na yung pinsan mo."

"Di pwede, surprise nga. Pero mamaya pang 7 or 8 yun."

"Sorry po.." Pagpaalam ni Karina sa kapatid ko bago bumaling sa akin. "Early out si Ning today."

Huh.

"Well, I guess papunta na yun dito any minute now." Sabi ko.

Pinaupo muna namin si Ate sa sala habang inaantay dumating si Ate Jae at si Ning. Naiwan namang nakatayo lang si Karina sa tabi ko.

"Gusto niyo po ng juice?" Pag-alok ni Karina kay Ate.

Tumingala ang kapatid ko sa kanya. "Water na lang muna, thank you."

"Ako na kukuha." Pagpresinta ko. 

Siya na ang naglinis kanina, it is now my turn! 

Unlike me, my sister knows when she needs to be more engaging sa mga tao, small part ng trabaho niya yan eh. But in a normal party scene where guest lang siya, sabi niya we're kinda alike, we're the quiet ones daw.

But not tonight.

With her knowing how important this is for me and seeing how nervous Karina is, I can see her effort to make my girlfriend comfortable around her.

Topic nila ngayon yung unit.

And I think it's working. Karina looks more relaxed compared to earlier. Kung hindi ko na-witness yung cleaning madness niya kanina, I'd think she's handling this pretty well.

"Here." Inabot ko yung baso ng tubig kay Ate at tumingin kay Karina. "Gusto mo ng juice?"

"No, thank you." Tipid niyang sagot at tinapik niya yung seat sa tabi niya.

Paupo na ako when the doorbell rang again.

"Baka si Jae na yan, Min."

Sana si Ning, sa isip-isip ko. Hehe.

Pagsilip ko sa peephole, si Ning nga!

"NIIIIIING!"

I opened my arms so wide to welcome her hug.

"TETENG!!"

Hinawi niya ako para tumakbo sa kapatid ko.

Aray?

I meant, aray, masakit yung pagkakahawi sakin.

Ayaw niya ng hug, edi wag.

Maingat na sinalubong ni Ate ang yakap sa kanya ng pinsan namin, inaalala pa rin yung balikat niya.

"Bakit ang haba ng nguso mo?" Tanong ni Karina pagtabi ko sa kanya.

"Wala."

Naglaho rin kaagad yung mild tampo ko kay Ning habang pinapanood sila ni Ate. Ilang minuto ang lumipas na puro 'oh my god, nandito ka' lang ang nasabi niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u