.. kroo.. kroo..

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Natulog ba talaga ako?

Pakiramdam ko pumikit lang ako ng limang minuto tapos pagdilat ko ng mga mata, anghel ang bumungad sa akin. Nabiyayaan ng halik sa balikat, noo, ilong, pisngi.. yun lang.

Mahiya naman ako kung pati labi, kakagising ko lang eh.

Pero yung lambingan namin ay hanggang kwarto lang kasi paglabas ko sa sala, the gremlins are back. 

Kanya-kanyang hanap sila ng pwedeng masandalan para makanakaw ng idlip. Yung iba nasa sofa, yung iba nakasalampak sa sahig, meron din tulala sa dining.

Kanina pa raw sila nandito sabi ni Giselle, nakapagmeryenda na rin habang nag-aantay. Ilang beses daw akong ginising ni Karina kaya lang wala akong imik so pinatulog pa niya ako ng kaunti.

"Nasa baba na raw si Kuya Mac."

"Sila Ate Taeng ba?"

Didilat ba 'ko?

Para sakin yung tanong ni Lia, diba?

Ang sarap ng higa ko dito sa sofa eh.

Sabi ni Karina while we're waiting, matulog muna ako. Babaunan na lang daw niya ako ng sandwich para may makain ako sa biyahe although plano ko lang talaga matulog. Kailangan ko mag-recharge dahil ayokong maulit yung kagabi.

Kabanas talaga. Gusto ko ng cuddle time eh!

Nahihirapan lang ako makuha yung tulog ngayon kasi naririnig ko bawat yapak nila. May bakal bang nakakabit sa talampakan ng mga 'to? Pakabigat ng mga paa eh.

"Ako na magcha-chat kay Teteng. Wag niyong gisingin yan."

Awwwwww.

Napaka-sweet ng pinsan ko. 

Okay, iidlip na muna ako ulit.

"Karina, alam mong may biyahe eh, kawawa tuloy. Look at her."

"Jet lag yan, Yej." Sagot ni Karina.

"Ah, jet lag ba?"

"So after mo kaming palayasin kagabi, natulog lang kayo?"

Nagtawanan sila ng mahina.

May iba ba kaming dapat gawin, Ryujin?

"We left willingly coz ayaw kong bangungutin sa maririnig ko."

I - 

Wala, di ko kayang ituloy 'tong commentary segment. Suko ako kapag si Yuna na ang nagsalita.

"Pinatulog ko lang siya." Karina answered, unbothered sa kung anong pinag-iiisip ng mga kaibigan namin. "Halatang wala pang tulog eh."

"Parang nangayayat din si Winter."

"Patpat na siya to begin with."

Maka-patpat 'tong si Heejin! May muscles ako!

But anyway..

Ganito pala talaga dito no? Walang pinipiling oras o lugar, kahit 'natutulog' ka lang, pag-uusapan ka nila.

"Hindi niyo talaga alam na pauwi siya?"

"Promise, not even a word." Sagot ni Chaer kay Giselle.

"Tsaka ganyan yan, mahilig manorpresa."

"That's true. One time nasa Chicago on my birthday for a work trip, pinuntahan niya ako. With cake and balloons, may tiara pa."

"Chat ko nga lang yan na naho-homesick ako, susulpot na yan sa bahay ko eh."

"Sweet naman pala."

"She is."

Ano 'to?

Feelings hour ba ngayon?

"Nao-overpower lang minsan ng pagiging weird niya."

"Idadaan niya sa humor minsan kasi awkward talaga siya as a person."

Aaaaaaaand we're back.

"Pero, guys, grabe. Ang ganda talaga ni Ate Taeyeon. Like.. I was enchanted."

"Yuna, we get it. You love her."

"Hindi lang yun eh. Mas maganda siya in person."

"You've seen Winter up close."

Tama yan, babe. Ibalandra ang ganda ko.

"Medyo magkahawig nga sila no?"

"Lalo na nung nagtabi, baks. Muntik na 'kong ma-confuse."

"I would like to remind you na girlfriend ko si Winter ha?"

Buti na lang nakatalikod ako sa kanila, magiging giveaway pa yung pag-init ng mga pisngi ko.

Paka-chill girlfriend ni Karina pero aktibo naman pala kapag bakuran no? Gamit na gamit yung height.

Sayo lang ako, babe!

"Maka-ano 'to!" May nag-shush kay Yuna nang mapalakas ang boses niya. "Don't worry, teh. Di ko type yung hanggang kili-kili ko lang."

That's a lie!

Lagpas kaya!

"Pero mas maliit si Ate Taeng?"

"Girl, yung voice niya hindi small."

Actually.

"Yung buhok kasi, almost same cut pa."

"Ginawa ba sa inyo ng mga magulang niyo yung terno kayo ng kapatid mo ng damit at buhok?"

"Heej, lalake si Leng."

"Same. Well, ngayon same na kami ni Kuya. Pero siyempre hindi pa alam ng magulang ko yun dati."

"Only child here."

"Ginawa samin yun nila Mama."

"Actually, kami rin. May baby pictures kami ni Ate na terno mga suot namin. Kung hindi side ponytail, same ng clip."

Kami rin may ganung phase ni Ate.

Frustration yata ng magulang ko magkaroon ng kambal eh. Pwede din dahil cute talaga kami ni Ate kapag terno ang outfit from head to toe. Syempre dun kami sa latter.

"Chaeryeong, papasa kayong twins ng Ate mo."

"Legit, super magkamukha?" Tanong ni Ryujin.

"Minsan nalilito kami ni Win."

Totoo yang claim ni Lia.

Akala ko namaligno ako nung first time kong na-meet yung magkapatid.

Tatay lang nila nakakausap ko before sa ARC tuwing sasama ako kay Ate. Although name-mention na silang magkapatid sa akin. Then nung party, while I was waiting for my drink by the bar, nilapitan ako nila Chaeryeong para magpakilala.

Small talk here, small talk there.

When I excused myself para mag-restroom, nakasalubong ko Ate niya. Imagine how confused I was.

"Papakilala ko kayo sa December."

"Ay, weh?"

"Pupunta siya?"

"As a matter of fact, my whole family will." Sagot ni Chaer kay Ryujin.

Ay, oo nga pala!

Naikwento lang ni Ate sa akin yun nung nag-aantay kami sa airport.

Maliban daw sa mga work-related pabilin ni Ate Chae, napag-usapan din yung plano nilang bisitahin si Chaeryeong this Christmas. Surprise daw dapat pero pinaabisuhan ng nakatatandang kapatid at baka raw parents nila ang masorpresa pagdating.

"Teka, magbabaon ako."

"Ako rin."

At parang may kumaliskis na plastic sa background. Nasundan ito ng pagsayad ng ibang upuan sa sahig at mas lumakas pa yung ingay nung plastic.

"Ano palang pasalubong sayo, Karina?"

"Siya."

"Meron yan panigurado."

"Knowing Winter, nakatago lang yan."

My friends know me well!

Siyempre may pasalubong ako para sa kanya no.

"Pa-tweetums lang pala 'tong dalawa before. Kulang na lang idikit ni Karina yung sarili kay Winter kagabi."

Agree ako kay Lia dito.

Not complaining though, just noticed. At katulad ng sinabi ko kagabi, I like it. 

"Nakakatawa si Teteng, sinusundan kayo nang tingin."

Sabi na talaga inoobserbahan kami ni Ate eh!

"Ang harot niyo sa kusina ha."

"Patago na nga yung ginawa ko eh.." Nahihiyang pagrason ni Karina.

"Teh, anong patago dun?"

"Brave yang girlie natin eh. Walang kinakatakutan."

"Karina, I'm your friend until the end of time pero kapag sinabi ni Ate Taeyeon paghiwalayin ko kayo.. it'll be difficult but.. I'll do it."

"I love it when you're honest." Karina sarcastically remarked.

"Kinausap ka na ba ng Ate niya?" Tanong ni Heejin.

"Nag-usap kami kagabi ah?"

"No, we meant, about kay Winter." Pag-klaro ni Ryujin.

Tumahimik ang kwarto.

Anong nangyari?

Nakatulog ba 'ko?

"No.. hindi niya ako kinausap."

"Mukhang gusto ka naman ni Teteng. Tsaka, never yun nangealam sa lablyp ng pinsan ko kaya pwede, wag niyong takutin yan."

Go get 'em, Ning!!

"Kinabahan ka kahapon?"

Imbes na si Karina ang sumagot, bumangka yung tatlong kapampangan. Alam na raw nila yung sagot eh.

Oo daw. Final answer.

Hindi nakaimik si Karina.

According to them, kapag kinakabahan daw si Karina, either she freaks out like tulala lang sa tabi at para bang nag-shutdown yung buong processing system niya. Or she engages herself in any physical activity to release that tension from her body.
 
"Anong ginawa mo this time?"

Karina sighed loudly. "General cleaning."

Pinagtawanan siya nung tatlo niyang kaibigan.

"At least productive, diba?" Pagpunto ni Yeji.

"Anong ginawa ni Winter?"

"Tinulungan ako maglinis."

At lalo pang natawa yung tatlo.

"Through thick and thin nga naman kasi."

"Yep, kita ko na, magtatagal nga kayo."

"That's the plan."

"We were right. Winter's perfect for you."

"No, she's just perfect.. And I got lucky."

"Karina, we get it. You love her."

Silence.

Dead air.

".. kroo.. kroo.."

Nagtawanan sila ulit sa paander ng pinsan ko, Karina shushed all of them.

Yung pangbabackstab nila was put to an end when Ning told everyone na nasa baba na sila Ate. Pinauna sila ni Karina para ma-load sa sasakyan yung mga pinamili nila kahapon at baka matagalan pa raw siya sa paggising sa akin. 

Kung alam lang niya.

When the door closed, I heard Karina's footsteps walking towards the 'sleeping' me and stopped right in front.

"Pwede ka nang bumangon diyan."

Natatakot na 'ko kay Karina ha. May indicator ba sa uluhan ko kung gising nga 'ko o hindi??

"Alam kong gising ka, Winter."

Play dead! Play dead!

"I'm waiting."

Dahan dahan kong pinihit ang ulo bago tumingala sa kanya, squinting my eyes. Nakatungo siya, eyebrows up in a hindi-mo-ko-maloloko way.

"I did my best though." 

"A for effort." She smiled amusingly. "Nakatulog ka ba?"

"Gustong makichismis ng antok ko. Invested siya." She laughed. "Alam nilang gising ako?"

"I don't think so, ang bait nila sayo eh."

Sabagay..

"And yes, that is the plan," I emphasized, referring to their conversation earlier.

She smiled tenderly. "Lika na, malayo pa biyahe natin."

She helped me sit up bago mag-check ng mga outlets sa living room.

"Una ka na pala, babe." Sabi ko habang nagsisintas ng low cut chucks. "Toothbrush pa 'ko."

"I'll wait for you."

Harujusko.

"Baba ka na, please?" Pa-cute kong pagmamakaawa.

She showed me a knowing smile. "Anong gagawin mo ha?"

"Sige na, please. Malalaman mo rin mamaya."

Magsisipilyo talaga muna ako before proceeding to my main agenda bakit ko magpapaiwan.

Paglabas niya, tumakbo ako agad sa kwarto ko para hanapin yung pasalubong. Eto yung hindi ko nasama sa pag-eempake kahapon kasi pinanood niya ko mag-ayos ng gamit.

Sa totoo lang, kay Karina ako pinakanahirapan mag-isip ng pwedeng ipasalubong. Mas nadalian pa nga ako mamili for different occassions eh!

Yes, may nabili ako for Christmas and for her birthday, na 6 months away pa by the way!

I know she'd tell me na hindi importante yung pasalubong sa kanya or she'd say okay lang kahit ano but still, girlfriend ko yun eh! I wanted to give her something that sets her apart from the chocolates, chips, and baseball cap.

Bumaba rin ako kaagad after finding the item but not without making sure na walang nakasaksak sa lahat ng outlet and all the lights are out.

Madilim pa sa labas when I reached the lobby. 

Binati ko si kuya guard when he saw me, I greeted him back.

May mangilan-ngilang mga taong naglalakad papunta sa kung saan, mukhang papasok ng mga trabaho, yung iba parang pauwi pa lang galing sa gimik nila. Walang jeep pero may mga taxi at iilang pribadong sasakyan.

Tahimik. Payapa.

At medyo malamig.

Iba rin ang charm ng maynila kapag madaling araw no?

Ang tanging tunog lang ay yung makina ng mga sasakyan na naka-park sa harap ng cafe, waiting for me.

Dumungaw si Ning sa bintana ng white van pagtawid ko. "Dito tayo!"

Huh?

Di ko ba sasamahan si Ate? Yung black starex yung ni-rent nila eh.

Pag-open ko nung van, si Lia at Chaeryeong lang ang pasahero sa loob, Ning was seated sa passenger seat. Yung mga bags, cooler, at iba pang gamit ng mga kaibigan namin ang nakatambak dito.

Nasan si Karina?

"Wag ka na mag-attempt."

"Kicked yan dun." Natatawang pag-explain ni Lia sa sitwasyon ni Ning. "Pati kami, actually."

Pero gusto kong katabi si Karina..

"Ano pa bang gusto nila malaman satin??" Pasaring ni Chaeryeong.

Lumingon si Ning sa akin na para bang magsusumbong. "Pinalayas ako, insan! Para daw walang kumontra sa pagkekwento ni Teteng ng childhood naten!"

Oh, no..

Si Karina!

Pinatong ko yung duffle bag ko sa 2nd row ng seat, just behind Lia and Chaeryeong's before marching my way to the other vehicle.

"Huy, lika na!" Sinundan ako nang tingin nung tatlong van passengers. 

Saglit lang.

Kinatok ko yung window ng passenger seat ng starex, the person behind rolled it down.

"Bakit - what the f -"

Pinasok ko kaagad yung kamay ko para kapain yung lock ng pinto! Dadaanin ko sa dahas!

"HOY - HOY - HOY - TEKA LANG!!" Panic kong sigaw nung umangat yung bintana!

But I am speed. Naunlock ko na bago pa ma-stuck yung kamay ko. But yes, naipit nga ako.

Binuksan ko agad yung pinto, my other arm still pinned by the window.

Nagtawanan yung mga nasa likuran.

"Seryoso?" Walang kaemo-emosyon kong tinuro yung kamay kong naka-hang. 

"You started it." Reply back ng magaling kong kapatid ko. "Hindi naman yan masaket."

I glared at her. Then proceeded to roll down the window to free my arm.

When I reached for the lock ng backseat, hands tried to pry mine away from it.

"Seryoso?" Tanong ko na ngayon sa lahat ng starex passengers. Pati yung driver nila nakikitawa na rin.

"Dito daw siya eh." Asar ni Ate.

Gigil mga 'to.

That's it.

"Huy, Minjeong! Ano ba!"

"Winter!" Napaurong si Ate Jae sa gulat.

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEB??"

Nagtawanan sila Heejin nang sumulpot ako sa harap nilang lahat.

Ayaw nila ako pagbuksan? Oh edi ako na nag-adjust, sumakay ako sa passenger seat. One hand on the handle while the other sa backrest ng driver seat to support my bent down body. Liit ng leg room bilang nakaupo nga yung kapatid ko dito.

"Umayos ka nga, Minjeong!"

"Baliw ka!"

"BEEEEB?"

Teka, ang dilim.

Binuksan ko yung ilaw.

Okay, mukha akong tour guide sa bus, lahat nakatingala sa akin.

"Yung pilay ng Ate mo!"

"Pinaupo namin diyan para di namin masagi tapos ikaw??"

"BEEEEEEB?"

"Lia, pababain mo nga yun!!"

"Para kang shunga, Dong!"

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEB??" Dinedma ko si Heejin, Yuna, and Ryujin. Pati na rin sila Chaeryeong mula sa kabilang van, mukhang nakiusyoso na.

"We're leaving!"

Dinedma ko si Ate.

AHA!

May dumungaw na kapre sa pinakalikuran ng sasakyan.

"My dearest, c'mon. You're riding with us." Tawag ko kay Karina, reaching out my hand to her.

"After mo kong palayasin kanina?"

Collective oohs.

"Lika na, please?" Nagpaawa ako sa kanya. "Gusto kita katabi."

"Who are you?" Ate then looked over my friends, who, just like her, nawei-weirduhan din sakin. "Does she act like this around you guys?"

"Actually, hindi po.."

"Hindi po namin siya kilala."

I glared at Heejin.

"Beeeeb." Paawa ko ulit sa girlfriend kong nag-eenjoy asarin ako. "Lika na. Mahirap mag-damage control ng image kapag wala ako."

She laughed.

Well, lahat sila.

"Ayan, yan po yung kilala namin."

Yun naman daw talaga ang purpose sabi ni Yeji.

"Chat ka na lang namin for updates." Tinapik ni Yuna ang pwetan ng jowa ko nang sa wakas ay bumaba na siya ng sasakyan.

Okay lang i-chat, at least masasagot ko agad ang mga paratang sakin.

Pinalo ako ni Ate sa balakang nung pababa na ako. May sinabi din siya na medyo di maganda in ilocano. Redacted na lang.

Bago kami sumakay sa van, I told Ate Jae na kung inaantok siya, pwede niya akong ka-relyebo sa pagmamaneho. Technically speaking, na-reset yung allowable 90 days ko to use my driver's license. Na agad tinutulan ni Karina kasi parehas lang daw kaming jet lagged.

Nag-offer na pala silang dalawa ni Heejin to take over driving the starex kung gusto ni Ate Jae. Kahit si Ryujin pwede din daw magmaneho kung sakali. Sabihan lang sila para makapag-stopover somewhere.

"Winter, pakatok nung window ni Kuya Mac." Suyo ni Giselle, seated just beside the door.

So, I did.

"Kuya, convoy na lang po." She said.

"Sige po."

Nagbilin pa siya na yung unang mcdo na madadaan namin, hihinto kami dun para bumili ng kape para sa mga nagmamaneho.

"Text na lang kung may need mag-CR ha?" Habilin ni Karina.

"For the love of god, pwede bang magkasundo mga pantog natin? One stopover lang!"

Natawa kaming lahat sa reklamo ni Chaeryeong.

Yung last nga pala, halos lahat ng stopover on the way to Pampanga hinintuan nila.

Sumakay na kami ni Karina sa van right after. We sat behind Lia and Chaeryeong.

When Karina faced her back to me, I took that opportunity para kunin yung pasalubong from my bag and hid it beside me. I eyed the baseball cap she was wearing pag-ayos niya ng upo, the one I got for all of us.

"Yes?" She asked.

"Okay, I'll be honest.. I really don't know what to get for you."

"Huh?"

I stole a glance sa mga kasama namin.

Dapat ata ginawa ko 'to kanina or gawin ko na lang later?

"Winter."

"Sabi ko nga nasimulan ko na.." Napahawak ako sa batok. "I kinda settled with a theme na lang for your pasalubong so.. something that reminded me of you while I was away.."

Inangat ko yung nakatago sa tabi para ipakita sa kanya. "Ikaw agad naalala ko nung nakita ko 'to.."

Bucket hat.

Headwear oo pero iba pa rin okay!

"Dahil dinosaur yung nakaburda?" She queried, a bit amused.

Kumurap ako. ".. yeah.. tsaka.. ang haba kaya ng leeg mo.."

"Paka-weird talaga." Parinig nung isa sa harap ko.

"Cute kaya!" I whined.

Kasi cute naman talaga! Kahit sabi ni Ate parang pinsan nung lacoste logo yung dinosaur sa hat.

Without hesitation, Karina took her cap off at sinuot niya agad yung bucket hat, smiling widely at me. "I like it. It's very me."

I sighed in relief.

She placed a light kiss on my cheek. "Thank you. You didn't have to."

"I knew you'd say that.."

"You're here, Winter. That's more than enough."

Pumihit ng napakabagal yung tatlo sa harap namin.

"What?" Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan silang tatlo at sabay umiling sa amin.

When we finally settled in our seats, nilabas ko from my bag yung binaon kong neck pillow at blanket.

"You can now finally sleep." Karina winked.

Sa wakas!

 

 

 

-----

 

 

 

In fairness ha, unang stopover pa lang namin 'to.

Or baka di ko lang napansin kasi sabi ni Karina, ang sarap daw ng tulog ko. Nasa may Kamuning pa lang kami, tulog na raw ako kaagad.

Nasa may bandang Pampanga na kami ngayon.

Nagsibabaan lahat nang makahanap na rin kami sa wakas ng parking, ang daming tao eh. Nag-abang talaga kami ng open slot kasi gusto sana mag-unat ng mga kasama ko at saka, si Ate Jae and Kuya Mac na yung need gumamit ng restroom so kailangan talaga iparada yung mga sasakyan.

"Si Ate?" Tanong ko kay Ate Jae nang mapansin na wala yung alaga niya.

"Nagpaiwan sa sasakyan. Maraming tao eh."

Sembreak daw ng mga bagets kaya maraming paluwas para magbakasyon. At dahil maraming food choices sa stopover na 'to, mukhang dito magsisikain ng breakfast yung iba.

"Karina."

"Hmm?"

"Samahan ko si Ate sa starex."

"Okay. May gusto ka bang pabili?"

U

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u