Kailangan ba may customer feedback?

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Napagdesisyunan ko na.

Sasabihin ko na kay Karina na may gusto ako sa kanya.

Joke lang.

Unang gabi pa lang sumagi na yan sa isip ko.

Di ko lang na-process ng mabuti kasi sunod sunod yung mga ganap. Saka ang hirap kaya humanap ng tamang timing na may lakas ng loob.

Naisip ko na pwede ko siyang kausapin bukas sa camping trip.

Sakto kasi I promised her last time na aabangan namin sunrise. 

Ayos sana.

Romantic kahit walang dumadaloy na romansa sa dugo ko. Kaya lang, nagflash sa utak ko yung mukha ng mga kasama namin so.. nope.

I'm sure di kami maiiwan na kaming dalawa lang so postpone ulit.

"Ateeeee!"

Ay, natutulog pa pala kapatid ko.

"Minj - aray!"

Oof!

That's gonna hurt.

"Ang saket!"

Nakita ko lang naman, camera pov, yung pagbagsak ng phone sa mukha ng kapatid ko. Worst feeling ever next to kapag tumama yung daliri ng paa mo sa kanto ng cabinet.

Hinihimas himas ng kapatid ko ang ilong niya pagtapat sa kanya nung camera.

"Good morniiing!" Masiglang bati ko.

"Good evening sayo."

Humikab siya pagkatagalid niya, napipikit ang mga mata dahil sa antok. Kinuha niya yung unan na nasa likod niya at nilagay sa unahan, saka niya sinandal yung phone dito ng nakatutok pa rin sa kanya. 

"Wake up! Late na."

"Anong late, 7 am pa lang dito, Minjeong."

"Exactly, 7 am is late."

Idinilat niya ang isang mata, salubong ang kilay.

"Who the hell are you? Nasan kapatid ko? Wala akong pangpiyansa."

"I'm a changed person, ate. Let me borrow my favorite line from the best spiderman of all time, punch me I bleed."

"My god, Tobey, kelan ka ba magswing swing ulit dito sa new york?" Pag-daydream ng kapatid ko bago pumikit ulit.

Natawa ako.

Naisipan ko lang tawagan kapatid ko habang inaantay yung iba for dinner. Lately kasi ang hectic ng sched ni ate dahil sa practices nila kaya di siya masyado nakakatawag. Eh sabi niya kahapon free daw siya today so ako na tumawag.

Jusko.

Kelan pa ko naging clingy kay ate?

"Bakit ka tumawag, Minjeong?" Inaantok niyang tanong.

"Wala lang."

"Bakit ang saya mo?"

I flashed my biggest smile sa kanya bago humiga. 

"Maganda gising ko eh." 

Bumangon din agad mula sa sofa nang maalala na inaatake ako ng migraine kapag direkta yung ilaw sa mga mata ko.

"Dahil sa tao, bagay, hayop, o pangyayari?" Tanong niya.

"All of the above. Ay wait, wala pa naman akong nae-encounter na hayop."

Except sa humoldap sakin, isip-isip ko.

"Kumusta ka diyan, ate?"

Binalot ni ate ang sarili hanggang leeg bago nagkwento ng mga ganap.

Paspasan na lahat ng preparation kasi isang buwan na lang bago magstart yung tour. Buti nga raw nakasingit siya ng pahinga today kaya plano lang niya itulog buong araw yung sakit ng katawan.

Binanggit niya yung isang sched for the tour.

Europe.

Sumasama kasi ako lagi before kapag nasasama yan sa tour niya. Minsan manonood, madalas mag-iikot lang habang bumibirit kapatid ko sa stage.

Ang sarap kasi maglakad lakad dun. Pakiramdam ko nasa movie ako na anytime may mami-meet na stranger tapos we'd hangout the whole night.

Never nga lang nangyari yun kasi ehem.. nandito pala sa pilipinas yung stranger na gusto ko makasama.

Hehe.

Nagulat si ate nung tinanggihan ko yung invitation niya. 

"Bakit di ka sasama?"

"Gusto ko lang sulitin stay ko dito."

"Gusto mo lang sulitin kasama si Karina kamo."

Hindi ako sumagot.

Partly true, mga 50%. The other half, everyone else.

Fear of missing out yata 'to.

And well, nage-enjoy ako kasama sila eh.

Hindi na nga ko sanay na onti kami sa hapag-kainan. Kapag kaming usual breakfast crew lang, naaalibadbaran ako sa dami space sa lamesa. Nasanay na akong may kakiskisan ng siko or nag-aasaran. Takang taka sakin si Ning one time bakit ako nakasiksik sa kanya habang nagpapalaman siya ng scrambled egg sa pandesal.

"Bukambibig mo si Karina ilang araw na tapos di na nawala sa inbox natin pangalan niya."

Napaisip ako.

Parang di naman?

Lahat kaya kinekwento ko sa kanya. Pati nga yung totoy na pumoporma kay Yuna kinwento ko na sa kapatid ko eh. Pero kung yun nga nangyayari, anong magagawa ko? Eh kasama ko sa buhay yung tao.

Charot!

Kasama ko sa bahay si Karina.

My god.

Yuna and her words, nakakahawa.

"Min, naka-video call tayo. Kanina ka pa nakangiti."

"Oo nga pala. Hehe."

"Kwento. Pipikit lang ako but I'm listening."

"Sabi mo bukambibig ko so updated ka na."

Napadilat ulit kapatid ko at tumitig lang sakin. Matagal hindi nagsalita.

"Yun na yon, Min?"

"Anong aksyon ba hanap mo?"

"I don't know, dating?"

Nung hindi ako sumagot, tinaasan niya ko ng kilay.

"Ganda ka ulit? Mahiya ka nga kay Karina, pakagandang bata."

Teka, teka.

As far as I remember, hindi alam ni ate ano itsura ni Karina kasi di ko pa pinapakita. Never din siya nahagip ng camera kapag magkavideo call kami ng kapatid ko.

"Pano mo -"

"Ig. We follow each other." Sagot niya.

"Hoy, ate! Bilang sa kamay fina-follow mo! Baka halughugin ng mga tao ig niya!"

"Anong magagawa natin? Eh magandang bata."

Alam ko namang maganda si Karina at pinagtitinginan siya lagi kapag nasa labas kami pero..

Pano kung pagpiyestahan siya?!

Punuin DMs niya?!

Padalhan siya ng kung ano ano?!

Pano kung sinu-sino na lang sumulpot sa Fort para lang masilayan yung gandang taglay niya?

"Takot ka?" Asar sakin ng kapatid ko.

"Unfollow, right now!"

"Private account gamit ko."

Inalala ko kung anong laman nung account na yun na ginagamit niyang pang-lurk sa ig.

I think safe naman. Onti lang tao dun, onti lang din posts -

"MUKHANG EWAN PICTURES KO DUN, ATE!"

Hindi ko talaga gets bakit tuwing birthday, ginagamit ng mga tao pangbirthday greeting yung mga pictures na ang pangit mo. Sweet sana yung caption kung di ka lang nakanganga or nakapikit. Worst, nakanganga AT nakapikit.

"Ni-like niya yung bunot picture mo nung bata ka."

"Here I am trying to impress her tapos ikaw?!" I huffed.

"May narating ba pagpapa-impress mo?"

Bumusangot lang ako sa kanya nang hindi makasagot.

Ang impatient!

Mas impatient pa kesa sakin na involved.

Gusto ko naman itawid na sa kabila eh.

Tuwing magkasama kasi kami tapos naisip ko nang kausapin siya, nauuna yung pawis sa buong katawan ko kesa sa gusto kong sabihin eh.

Hanggang pinakasulok ng daliri ko sa paa pinagpapawisan!

Akala niya ata madali.

"Nga pala," umirap ako. "baka wala akong signal bukas. Aak -"

"Aakyat ng bundok, overnight, kasama sila Karina. I know." Pagpatuloy ng kapatid ko.

Updated nga.

Kinwento ko pa rin saan kami pupunta this time. I sent her the travel blogs I read the other night. Sana naman daw padalhan ko siya ng pictures ngayon kasi gusto niya makita newfound talent ko. Nasa camera pa rin kasi lahat ng shots, di ko pa nalilipat kasi wala naman yung laptop ko.

Ngayong gising na gising na yung pagkatao ko, medyo nagsisisi na akong iniwan ko lahat ng gamit ko. Notebook lang dinala ko na kakabuklat lang ulit nung isang araw, inamag na sa drawer.

May nasulat naman ako, one line.

Talk about progress.

Pati utak ko inamag na rin pano magsulat ng kanta, more than 1 year din kasi akong nabakante. Wala pa kong gitara.

Speaking of, parang gusto ko mag-aral ng bagong instrument.

Nagulat kami ni ate sa lakas ng kulog sa labas.

"Tutuloy kayo kahit umuulan?" Concerned na tanong niya.

"Rain or shine daw." Nagkibit-balikat ako.

"Alam mo na bilin ko, Minjeong."

"Date Karina?" I grinned.

Nagbuntong hininga lang kapatid ko.

"Sige, isama mo sa listahan. Good luck, sana magustuhan ka rin."

"Manliligaw ako kung kinakailangan!"

Ang tapang ko.

Wala naman magawa.

"Wow, determinado. Ano na bang progress?" Tanong niya ulit.

Napaisip ako.

Wala pa naman? Di ko pa sinasabi eh.

"We hang out.. tapos.."

Natahimik ako nang maalala yung nangyari nung isang gabi. Yung paglakad niya palapit sakin, yung paghalik niya, yung paglapat ng malambot niyang mga labi sa pisngi ko..

"Minjeong, video call. Nababaliw ka na ba?"

"May naalala lang ako. Hehe."

"Here's my advice. Ask her out on a real date. Wag mo i-mask ng hangout. Jusmio, kapag naririnig ko yang hangout na yan si Lia naaalala ko."

Nadali na rin kasi si ate ng hangout ni Lia.

Busy ako nun kaya di ako sumama. Si ate Taeyeon na lang daw proxy ko so siya inaya nila Chaeryeong. Ayun, umuwi silang wasak sa bahay.

Hindi na sumama ever kapatid ko sa kanila.

"Minjeong."

Sumeryoso yung mukha ni ate bigla, parang alam ko na sasabihin niya kaya inunahan ko na siya.

"I really like her, ate."

Tumango lang siya at ngumiti ng tipid sa akin.

Nagpaalam na rin si ate nang dumating na sila Chaeryeong.

Parehas naman kami ng naisip, diba?

Kung gusto ko ba talaga si Karina?

 

 

 

-----

 

 

 

"Magkaalaman na nga tayo dito."

Nanlisik mga mata ni Yeji samin.

"Sino may balat sa pwet?" Tanong ni Giselle.

Nagtawanan na lang kami.

May bagyo palang pumasok kahapon kaya walang tigil yung ulan buong gabi.

Umaga pa lang nagtatanungan na sa gc kung tuloy ba yung lakad o hindi. Hindi rin masagot ni Yeji kasi inantay pa niya yung update from the camping site. Walang mapakali sa mga bahay-bahay nila kaya nagsipuntahan sila samin, bitbit yung mga gamit in case matuloy yung lakad.

At eto na nga, postponed to a later date or refund ng downpayment.

"We're sure na wala kaming balat nila Karina." Sagot ni Yuna sa tabi ni Karina.

Napakunot ako ng noo.

That's one piece of information I didn't need to know.

Wala ba kong makukuha na maganda-ganda? Yung info sana like ano hinahanap niya sa partner? Dapat ba --

Maganda?

Mabait?

Minjeong?

Mga ganun sana.

"Ano plano natin ngayon?" Tanong ng katabi kong si Heejin.

Nagkibit-balikat lang kami.

Eh hindi rin naman kami makakalabas kasi ang lakas ng ulan. Maghahanap na lang ng mapagkakaabalahan dito sa bahay.

Sinlip ko yung mga halaman sa balco

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u