Tumpak.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"Josepin!!"

Naku po.

May dragon sa gate.

Tumakbo kami ni Minjeong sa bintana ng kwarto.

"Josepin, yung anak mo pinaiyak ang prinsesa ko!"

Masesermunan na naman ako ng nanay ko nito mamaya.

Lumabas si Ante ng bahay at bahagyang tumingala sa amin bago niya sinalubong ang apoy ni mother dragon. Siniko ko ang katabi na nagkukunwaring kalmadong nanonood. Panigurado nagpapanggap lang 'to, panay ang paglunok eh.

"Dong, bakit mo kasi pinaiyak?"

"Malay ko bang iiyak!"

"Bakit mo kasi tinawag na panget?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi ba?"

Hindi ito ang tamang oras para tumawa pero.. hindi sinungaling ang pinsan ko. Mas pipiliin niyang manahimik kaysa magsinungaling. Kapag sinabi niyang amoy imburnal ang hininga ko, ibig-sabihin nun mabaho talaga kaya kailangan ko na magsipilyo.

At hindi niya tinawag na panget.

Panget ang boses, yun kasi yun!

Yung panget kasi bida-bida na mas maganda at mas mataas raw boses niya kesa sa akin. Mali na nga na sinabi niya yun sa harap ni Minjeong, mali pa sa song choice.

Wala Na Bang Pag-ibig ni Jaya.

Wala na siyang pag-asa.

Umisa pa siya nang tawanan ng malakas nitong pinsan ko. Rason ni panget, napaos daw siya kakatili kanina kaya hindi niya maabot yung nota. Parang engot lang, nag-ehem pa bago nagsimula.

Pinili lang naman niya yung On The Wings Of Love ni Regine.

Oh edi sumalangit nawa yung kanta.

Lalo pa siyang inasar ni Dong, mas mataas pa raw yung talon niya sa chinese garter kaysa sa high note nung bida-bida. Partida raw na hanggang bewang lang ang kayang talunin nito.

Napakayabang kasi!

Oo, inggit kami ni Dong sa playstation at dance dance revolution dance pad ni baby dragon pero kailangan ba talagang ipangalandakan yun sa buong barangay namin? Kailangan ba talaga iparinig sa buong Pangasinan yung bububububububoom boom na nanggagaling sa garahe nila?

Pumunta lang ng Saudi yung tatay, yumabang na.

Akala mo siya yung pumunta ng ibang bansa eh!

Dito kasi sa amin, kapag nakapag-ibang bansa tingin ng mga tao asensado na sa buhay. Kaya yung asawa at mga anak, ang tataas na rin ng tingin sa sarili. Nangibang bansa rin naman tatay ko kaya nga nakapag-pundar sila ng bahay at lupa, nagkaroon rin kami ng sariling business pero hindi namin niyabang. Sabi nga ni Papa mas gusto niya na masaya kaming lahat at magkakasama kaysa mayaman nga pero ang panget naman ng ugali. 

Ganun ba talaga kapag nagkapera na?

Nagbabago ang ugali?

Di lang yun, yung iba nagkakalimutan pa na magkakadugo sila.

Ganun kasi telenovela dito sa barangay namin.

Aabot na lang sa amin ang mga nagbabagang chismis na kapag namatay si ano, pag-aagawan na yung lupa ng mga kamag-anak. Kahit nga mga pinsang malayo na hindi naman umaapak dito sa amin makiki-agaw eh. Paramihan ng mabuting nagawa para sa yumao katulad ng siya raw sumagot ng pang-hospital o di kaya siya ang umakay nang hindi ito makalakad. Hanggang sa singkong duling magbibilangan yang mga yan.

Bakit ba hayok ang mga tao sa pera?

Di kasi kami lumaki ni Dong sa ganun eh.

Oo, tinuruan kami ng mga magulang namin sa importansya ng pera pero mas importante pa rin ang pamilya. Kaya promise talaga namin ni Dong sa isa't-isa na hinding-hindi kami magbabago ng dahil lang sa pera. Sabi ko pa, hindi niya kailangan agawin yung lupa namin kasi hindi ko naman ipagdadamot sa kanya, pwede siyang makitira ng isang araw tapos mumultuhin ko siya.

"Hoy, kayong dalawa."

Si Teteng..

Nasa may pintuan siya, nakapamewang at nakataas ang kilay ang sa aming magpinsan.

"Lagot na naman kayo."

"Ang yabang kasi, Ate!" Pagrason ni Dong sa kapatid niya. "Kinaladkad na baboy naman yung boses."

"Mas maganda pa boses ng tumitilaok na manok, Teteng!"

Yumuko bigla si Teteng at humawak sa sentido niya. Di ko alam kung gusto niya kaming pagalitan o pinipigilan ang sarili matawa. Nahuli ko yung maliit niyang ngiti na agad din niyang binura sa mukha bago tumingin sa amin ng seryoso.

"Tinawag mo siyang panget, Winter."

"Panget ang boses!"

"Totoo, Teteng! Yun talaga, nandun ako!"

"Kasalanan ko bang panget din ang --" siniko ko ang katabi. Hindi makakatulong sa sitwasyon namin ang pagiging prangka niya ngayon.

"Jusmio, nagkampihan na naman kayo."

Siyempre magkakampihan kami kahit anong mangyari!

Kapag rin naman may nagsabi sa harapan ko na mas maganda siya kesa kay Minjeong kahit mukha siyang paa, aasarin ko rin eh. Subukan niya muna tapatan yung kili-kili ng pinsan ko bago siya umakyat sa mukha.

Kinwento namin kay Teteng yung buong nangyare.

Ayaw pa nga maniwala!

Kasalanan ba naming pikon siya?

Naglalambing si Minjeong sa kapatid na ipagtanggol siya sa magulang nang sumulpot ang ulo ni Kuya Leng sa may gilid ng pintuan. 

"Neng, tawag ka ni mama."

"MINJEONG WINTER KIM!"

"Oh nasaan na tapang niyong dalawa?"

 

 

 

-----

 

 

 

"Dong?"

Naabutan ko siyang nakahiga lang sa kama niya. Nilingon lang niya ako saglit at tumalikod na ulit.

Nagkulong na naman siya sa kwarto.

Ganito 'to kapag nasa trabaho ang kapatid niya tuwing sabado. Namamasukan na kasi si Teteng sa isang restaurant sa may bayan malapit sa amin at tuwing miyerkules lang siya walang pasok.

Isang buwan na ang lumipas mula nang mawala sila Ante.

Isang buwan na rin nakatigil ang mundo ng pinsan ko.

Kung anong ikinasigla ng bahay nila dati, yun din ang kinalungkot nito ngayon. Kung anong nararamdaman nilang magkapatid, yun din ang aura ng bahay.

Paano ba kausapin ang taong nawalan ng mahal sa buhay?

Anong pwedeng sabihin para maging okay siya?

Pakiramdam ko kasi wala akong natutulong eh. Tuwing aayain ko siya maglaro, gusto lang daw niya matulog. Kapag aayain ko lumabas, wala daw siyang gana.

Buti pa si Mama.

Kahit nahihiya si Teteng sa amin, panay pa rin ang pag-asikaso ni Mama sa magkapatid. Siya na ang tumayong nanay, lalo na kay Minjeong. Wala naman bago sa trato niya kasi parang anak na rin talaga ang turing niya sa kanila. Maliban sa pagkupkop namin kay Minjeong kapag wala ang ate niya, nilulutuan rin ni Mama ang magkapatid kasi wala raw oras si Teteng dahil na rin sa pagod.

Mga maliliit na bagay pero malaki ang pasasalamat ni Teteng.

Nag-sorry nga siya nung isang araw kay Mama eh. Dagdag alagain daw silang magkapatid pero wala siyang magawa, wala siyang malapitan na mapagkakatiwalaan sa kapatid niya. Okay lang naman talaga kela Mama yun. Sabi nga niya, lahat kami nawalan kaya dapat lang magtulungan.

Pero paano ba tutulungan pinsan ko?

Sa aming lahat kasi siya ang pinaka-apektado.

May araw na okay siya, yung okay na tahimik lang.

Meron din naman na gusto niya mapag-isa lang, katulad ngayon.

Pero di ko kayang iwan si Minjeong.

Kaya katulad nung mga lumipas na araw, tahimik akong tumabi sa kanya sa kama. Sabi rin ni Mama samahan ko lang hanggang makauwi si Teteng. At kahit mabigat sa loob ko maging palamuti lang, mag-aantay lang ako.

Buksan ko kaya yung bintana?

Ang dilim eh.

 

 

 

-----

 

 

 

"Dong, pasalubong ha!"

Pilit siyang tumango sa akin.

Nakaupo kami sa may bakuran namin habang pinapanood si Teteng at Kuya Leng isakay yung mga gamit nila sa sasakyan. Kausap naman ni Mama at Papa si Ante.. Bo? Boa? Basta yung kapatid ni Uncle na taga-ibang bansa.

Isang beses ko pa lang nakita yun.

Nung umuwi siya para sa lamay ng kapatid niya.

Akala namin bibisita lang siya sa mga pamangkin at puntod ng kapatid niya pero iba pala ang rason kaya siya umuwi. Isasama pala niya ang magkapatid pabalik sa US.

Kay Minjeong ko nga lang nalaman yun eh.

Nakita ko kasi siyang nag-eempake nung isang beses, akala ko aalis kami. Tatakbo na sana ako pauwi para magbaon din ng damit nang pigilan niya ako, sila lang daw ang aalis. Tinanong ko siya kung kelan sila babalik, sandali lang daw sila doon. Tinanong ko naman si Mama bakit sila lang ang aalis, ngumiti lang siya ng tipid at nag-sorry.

Gusto kong magalit sa kanila.

Hindi ako engot.

Para kayang inempake nila Dong yung buong buhay nila sa dami ng bagahe, parang wala ng plano bumalik. Kung babalik man, siguro kapag matanda na kaming mga bata.

Ang biglaan din nitong pag-alis nila.

Okay na kaming lahat eh, balik normal.

Oo, may sakit si Papa pero lahat ginagawa niya para magpagaling. Aakalain mo pa ngang wala siyang sakit kasi masigla pa rin naman, mahilig pa rin siya sa corny jokes na nababasa niya sa diyaryo.

Kaya hindi ko maintindihan bakit kailangan pa nila umalis.

Pero kahit masama ang loob ko, pinili kong manahimik, pinili kong tanggapin na lang yung mga sagot nila. Kasi kahit sabihin ko na dapat magkakasama kaming lahat, hindi naman makikinig ang mga nakatatanda. Mukhang desidido na rin ang magkapatid magsimula ulit ng malayo sa amin.

Malungkot ang mukha ni Mama at Papa paglabas nila ng bahay. May pagsabi ng 'pasensya na' at 'salamat' sa gitna ng pamamaalam nila kay Ante Bo.

Mahigpit na yumakap si Teteng sa amin.

Matalim naman ang titig ni Minjeong sa magulang ko pero naglaho rin yun nung yumakap siya sa amin ni Kuya. Narinig ko ang paghikbi niya sa balikat ko.

Di ako pwede umiyak.

Kapag umiyak ako, ngangawa 'tong isa.

Kaya kahit ang bigat sa pakiramdam ng pamamaalam nila, pinilit kong ngumiti sa pinsan ko at sinabing, "Dong, pringles ha?"

Gumana naman yata, kasi tumawa rin ang pinsan ko.

Humabol pa ako palabas ng gate nang umalis na ang sasakyan, nakasunod si Mama sa akin.

1..

2..

3..

4..

5..

Nung lumiko na yung sasakyan, tumingala ako sa nanay ko na naluluha ang mga mata.

"Ma, babalik naman sila, diba?"

At katulad ng mga una niyang sagot sa mga tanong ko, ngumiti lang siya ng tipid at pumasok na sa loob.

De, babalik yan.

 

 

 

-----

 

 

 

"Teka, eto na si Minjeong. Min! Kausap ko sila Ning!"

Tinutok ni Teteng yung camera sa pinsan ko na kakauwi lang. Nakasukbit ang bag sa balikat at mukhang pagod galing sa kung saan.

"Ate naman!" Tinakpan niya agad ang mukha gamit ang mga kamay. "I look like !"

Tinawanan lang siya ni Teteng.

Kumaway siya sa amin at pumanig na sa hagdan.

"Bumalik ka dito!" Sigaw ni Teteng sa kapatid.

"Taeng, hayaan mo na ang kapatid mo. Mukhang pagod rin." Sabi na lang ni Mama, may bahid ng pag-intindi sa inakto ni Dong.

Napailing na lang ang nakatatanda kong pinsan sa kapatid.

Ganyan naman eksena nilang magkapatid palagi kaya sanay na kami.

"Nang, okay na talaga kayo sa water station lang?"

"Oo, 'nak." Sagot ni Mama. "Sobra pa nga yun."

"Papadala ako pang-grocery niyo."

"Taeng, wag na. Okay na kami dito."

Di na naka-imik pinsan ko.

Nasa comp shop kami sa may bayan.

Tuwing libre si Teteng magcha-chat yan sa akin na video call kami. Isasarado namin panandalian yung shop para makausap silang magkapatid.

Actually, si Teteng lang pala.

Ang dami nang nagbago kay Minjeong eh.

Yung itsura, yung pananalita, pati na rin ang pakikitungo niya sa amin nagbago. Ganun nga siguro kapag pumunta ka ng ibang bansa, yung mga iniwan mo sa pinas makakaligtaan mo rin. Dati nagtatampo pa ako sa kanya pero pointless na lang din yun eh. Alam ko naman kasing magbabago ka talaga at one point in your life. Nakakalungkot isipin pero ganun talaga ang buhay.

Ako rin naman nagbago eh.

Nagbago yung pananaw sa buhay in general.

Kaya tanggap ko paano siya ngayon.

Sanay na rin ako sa pagsilip lang sa camera tuwing kausap namin ang kapatid niya, yung saglit niyang pangangamusta na labas sa ilong, yung awkward niyang pagkaway sa amin.

Pero hindi ko pa rin kayang iwan pinsan ko.

Iwanan ko siya ng message sa chat.

Pustahan, after 3 months yun magre-reply sa akin.

 

 

 

-----

 

 

 

Malaya ka na

Malaya

 

 

Bumira na naman ang sangkabaklaan ng fort.

Sugatan yata yung isa.
 

 

Susuko na ang sandata

Aatras na sa laban

Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita

Mahirap nang labanan

Mga espada ng orasan

Kung pipilitin pa lalo lang masasaktan

 

 

Maganda naman talaga yung kanta.

Pero grabe na kasi.

Isang linggo na ya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
0 points #1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((