Negative x Negative = Positive?

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"This is new, wala ka sa kitchen."

Naabutan ako ni Giselle sa spot ni Winter.

Usually, I stay sa office or sa kitchen whenever I'm here sa cafe. Lumalabas lang ako if they need a hand sa counter or if breaktime ng isa sa barista namin.

I was kicked out of the kitchen.

Ang pakla daw kasi ng mukha ko sabi ni Japeth, baka madamay yung niluluto niya. Can't do anything kasi nagkampihan yung tatlo.

I don't feel like staying sa office kaya dito na lang ako sa main area.

It's my turn to watch the cafe.

We decided I'll takeover once the new manager starts. Delayed na nga kasi nagkaproblema yung una namin napili.

I don't have to be here everyday. Charm was easy to train, gusto ko lang siya i-monitor pa for a couple of weeks. Work here can be overwhelming minsan and understaffed pa kami.

At para makaalis din ako sa unit.

Hindi ako umiiwas.

Naawa lang ako sa kanya.

I always hear her cooking breakfast then papasok na siya agad sa room niya. I think she's waiting for me makaalis bago lumabas ulit.

She needs sun, too.

Giselle pulled the chair in front of me.

"Pinaalis ako ni Japeth." Irita kong sagot ko sa kanya. "Bakit nandito ka?"

"Ay. Bawal na ba tumapak sa cafe ko?" Her eyebrow raised at ma-drama pang humawak sa dibdib. "Last time I checked, si Winter lang ang banned dito."

Let me clarify, muntik ma-ban.

 

 


-----

 

 


"Mumshkie!"

I saw Nico na nakasilip sa kitchen door.

"When po kaya mag-deliver ulit si Ma'am Ryujin ng cupcakes?"

Nagtaka ako. "Kaka-deliver lang kanina ha?"

Ryujin delivers fresh pastries from their shop every other day. It's really good kaya pinipilahan din ng mga tao. Marami kaming na-attract na bagong customers because of it.

But this is a new record.

Naubos na agad?

He gestured his hand para lumapit ako sa kanya. I thought may sasabihin siya pero pinasilip niya lang ako sa door. 

It was Chaeryeong.

Mabel was packing the chocolate cake and the cupcakes.. all of it. I knew something was up kaya nilapitan ko sila sa counter. 

"Hello..! Andito ka pala?" Gulat niyang bati when she saw me.

I smiled.

Tumingin ako sa binabalot ni Mabel.

"Sino may birthday sa inyo?" I looked at her again, pretending like I have no idea. "Ang daming cupcakes niyan, may cake pa. Sisimutin niyo ba tinda namin?"

"Ahh.. hehe.." she laughed nervously. "Wala naman.. Initially, I wanted 3 cupcakes lang.. pero naisip ko bilhan na rin sila Winter.."

Her eyes bulged when she mentioned her name. Para bang nadulas siya kahit wala naman talaga context.

Napailing ako.

What are you doing, Winter?

If this is her way of apologizing then it's not working.

"Anong ginagawa ng kaibigan mo, Chaeryeong?"

"Support friends daw eh.."

"Kapag inulit niya 'to, I'm banning her from my cafe."

I didn't mean to pero natakot ko ata si Chaeryeong. Bahagya siyang napaatras nang masungitan ko siya.

Her friends are excluded sa ban na yan siyempre, nadamay lang sila dito. But seriously, can't she talk to me?

"I'm sorry.." pumikit ako sandali to calm myself at huminga ng malalim. "Tell her hindi ako nadadaan sa ganito. Tao naman siya, diba?" Chaeryeong quickly nodded. "May bibig siya, diba?" She nodded again. "Marunong magsalita?" And again. "Yun naman pala eh."

"Okay.. copy that.." she looked conflicted. "..can I still get the cupcakes?"

Natawa ako.

"Gusto ko talaga eh. Sinabay ko lang yung kay Winter."

Ako na nagbalot ng cake nila.

Kumuha pa ko ng kandila sa office.

Yung pangpatay.

 

 

 

-----

 

 

 

"Di pa rin kayo nag-uusap?"

"Hindi naman ako kinakausap, Giselle."

I saw Winter. Twice.

The morning after I got back, I saw her sa kitchen cooking breakfast. Nung humarap siya sakin, halatang kakagising lang niya.

I was waiting for her to say anything pero wala, nganga. Kahit maaga pa pagbibigyan ko sana siya kausapin ako. Staying away for a night helped pero parang bumalik na ulit yung inis ko sa kanya nung hindi siya nagsalita.

I went back to my room after that.

Nung paalis na ako, nakita kong may iniwan siyang note sa dining.


Kunwari hindi sakin galing yung food. Kay Giselle or Ning or sa multo na lang. Basta kain ka, okay?

- Winter


That's when the notes started.

Parang ewan, diba?

Nakaharap na ako, hindi pa sinabi sakin.

Siyempre kinain ko yung niluto niya. Walang ginawa sakin yung tapa para hindi ko pansinin. Turo sakin ng magulang ko wag magsasayang ng pagkain.

Masunurin ako.

As soon as I left my room kanina, nakita ko na agad yung note sa table, may katabing sandwich.


What are you?!
An idiot sandwich!
I'm not the idiot one but I am a sandwich so.. eat me?

Joke lang. :(
Ps. I'm sorry, Karina.


Okay, that was funny.

Weird but funny.

But nope.

Ano bang tumatakbo sa isip niya minsan?

Kasi nung isang araw may boom bars pa siyang nalalaman. 'My name is Win but I keep on losing.. ako si Winter pero mas malamig ka pa sakin.. baka pwede mo na ako patawarin.' Hindi ko na alam anong iisipin sa kanya.

I hated the note she left yesterday.


If you want, I can leave..

 

I crumpled that one, diretso sa trash can.

Bars, Winter.

Mukha bang pinapalayas ko siya? Kasi kung oo, I should've done that unang araw pa lang.

Pati ibang tao nadamay na.

"Napanood mo na ba yung video?" Giselle asked.

"..what video..?"

 

 


----

 

 


Ano bang hinihithit ng magkakaibigan na 'to?

I had to man the counter kasi breaktime ni Mabel.

Lia's been in and out of the cafe for 10 minutes. Para siyang kinakabahan and she keeps on looking sa mga tao. Hindi ko pa siya maasikaso kasi dumagsa ang customers.

When Mabel got back, tinawag ko na agad si Lia na nakatayo na lang sa gilid ng pintuan.

Umupo kami sa spot ni Winter.

"Masisira yung pintuan ng cafe dahil sayo. What's up?" My brows raised.

"May itatanong lang ako.."

"Okay, go ahead."

"Hindi ko matanong si Yuna or si Giselle e."

Huh?

"Do you think.." she looked so nervous. "..Yeji will like musicals?"

Oh.

"Gusto ko sana siya yayain pero hindi ko alam kung gusto niya mga ganun eh."

Karina, not everything is about you!

Get a grip!

"Relax, just ask her." I smiled, she nodded. "Yun lang ba?"

I won't tell her everything about Yeji, of course. Kilalanin niya kaibigan ko pero kung mga ganitong bagay lang, why not? Harmless naman yung tanong niya.

Namutla na ulit si Lia. Kita ko yung butil ng pawis sa noo niya and sumisilip siya sa mga katabi namin.

"Bakit kasi 'to?!" She loudly whispered.. to herself?

"Okay?"

Huminga siya ng malalim at tumayo sa harap ko.

...

Lia..

"Soweoneul malhaebwa!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kahit kitchen boys namin sumilip na sa door. Sa kaba ni Lia, lumakas ang boses niya. 

"I'm genie for you, girl!"

Napayuko na lang ako sa hiya for her.

Wala naman makakaalam na I own this cafe, right? Wala naman yung usual customers namin dito. God, sana walang kumukuha ng video.

After her short song and dance number, may dinukot siya sa pocket niya at nilapag sa lamesa.

"This. Never. Happened."

Tumakbo na siya palabas ng cafe.

Napakurap na lang ako sa bilis ng pangyayari.

I checked ano iniwan niya.

Winter card.

Sino ba nagpapayo sa kanya?

 


-----

 


"Believe me, hindi ito ang payo namin sa kanya."

Sabi ni Ning during the elevator ride.

May bitbit siyang paso? And sako ba yun ng..

"Yup, lupa yan." Ning answered.

Napapikit ako, di ko alam kung sa sakit ng ulo ko o dahil sa kanya.

I decided to go home early after ng ginawa ni Lia kahapon, lay low.

Joke lang.

Bad case of headache since this morning kaya hindi ako nakatagal sa cafe although ang daming kailangan asikasuhin. Gusto ko sana tiisin kaso pumipintig na ugat ko sa sakit. Giselle gladly took over for the day.

Hindi umimik yung isa naming kasabay sa elevator.

"Do you need help?" I offered Ning, mukhang mabigat yung sako eh.

"Okay lang?"

I nodded.

"Ning.." bulong nung isa.

"Masakit na balakang ko, Minjeong. Six hands are better than four."

Nanahimik na siya ulit.

I can see her reflection from the elevator door. Hindi siya mapakali at panay ang tingin sa level indicator. Madaling madali lang siya makalabas?

Naabutan ko sila sa lobby kanina.

Nanlaki yung mata niya when she saw me walking towards them. Tumingin siya sa pinsan niya then yung dala nilang sako. I saw on her face she considered running. Alam ko naman hindi niya iiwan si Ning pero kung ginawa nga niya, mag-empake na siya.

I shifted my focus to something else -- sa screen na lang din. Masakit na ulo ko, pinapainit pa nitong kasabay namin.

Pagkasalansan namin ng pinamili nila sa balcony, dumiretso na yung magpinsan palabas ng unit.

"Winter."

They stopped on their track.

Pinauna na niya si Ning umalis.

"Just stop whatever you're trying to do."

I didn't wait for her. Naglakad na ako papasok ng kwarto ko.

When I went out of my room for dinner, may note lang ulit sa dining, katabi ng paracetamol.


May sakit ka ata.

- Winter


Wala na yung sakit.

Init ng ulo na lang.

 

 


-----

 

 

 

"Yung sako ng lupa!"

Giselle laughed so loud napatingin yung mga students sa kabilang table. "That was a good one!"

"Sumakit lalo ulo ko sa kanya, promise."

"Farm to table na ba kayo sa unit?" Asar pa niya. "Mahina manok ko, she should have utilized her gift. Isang kanta lang, pak!"

I still don't know para saan yung lupa. Nakatambak lang sa balkonahe namin hanggang ngayon. Hindi ko alam kung para sa akin ba yun o sa kanya.

"Akala ko nga papa-record siya ng video sa sister niya. Imagine Taeyeon saying," she straightened her back at kunwari may hawak siyang mic pack. "Hi Karina, this is Taeyeon. Patawarin mo na kapatid ko."

Tumawa na naman siya ng malakas.

To be honest, akala ko din gagawin niya yan. Nagawa nga niyang mahatak yung tatlo, kapatid pa kaya niya?

"So.." simula ni Gisel

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u