Kapampangan tour, here we go!

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ako palatawa.

Hindi ako palangiting tao.

Nag-iiwan kasi ng laugh lines yun.

Pero kahit ganun, lalawlaw pa rin ang balat ko pagtanda dahil sa pagbusangot naman.

May nagdesisyon mag-full recap ng mga nangyari kahapon during breakfast.

Ang bangkero?

Si Ate Irene.

Yung girlfriend ko?

Ha!

She chose violence today.

Gatongera siya.

Kinwento lang naman nila yung bigla bigla kong pagputla, yung pagbilog ng mga mata, yung pagbagsak ng bunganga ko sa gulat. Kahit paglagok ko ng laway na halatang halata daw nung tinawag kami ni Tita kagabi para kumain na.

Full disclosure, complete details, kung nakita nila na may patay akong buhok baka pati yun kinwento na nila sa lahat.

Ang saya-saya.

Insert sarcasm.

Excited pa ako gumising kanina eh.

Syempre unang makikita ko sa umaga si Karina, sinong hindi mae-excite gumising, diba? Mapapa-thank you Lord ka na lang eh.

Yung pagdilat mo may pagtama ng sunlight sa mala-pugo niyang ulo. With cute tiny baby sounds habang nag-uunat siya. At dahil minsan mapanakit ang jowa ko, itutulak niya ako hanggang mahulog ako sa kama. But I do not go down without a fight kaya hihilain ko siya para parehas kaming mahulog.

Hay.

The romcom effect. Ang saya. Ganyan kasi kami sa unit.

But I was wrong, wala nga naman kasi kami sa Manila.

Amoy itlog na hininga lang naman ang gumising sakin.

Pagdilat ko hindi pugo ang bumungad kundi bugok na itlog.

Si Ryujin.

5 am pa lang daw bumyahe na sila kasi everyone was excited for the long weekend and para iwas traffic. Kaso pala-desisyon yung mga pantog nila, trip daw yata daanan lahat ng stopover kaya natagalan pa rin sila sa byahe. Pagdating daw nila nakaalis na rin sila Tito Ice.

Fast forward to right now, natigil na rin ang flashback friday ng magkapatid. Nagpababa muna kami ng kinain dito sa patio nila Karina.

Lahat kami mapupungay ang mata sa antok dahil sa kabusugan. Ang presko din kasi ng hangin, hindi malagkit sa balat at amoy probinsya. Level up din yung breakfast place sa ganda ng view. Mt. Arayat lang naman, no biggie.

Si Karina nagluto ng breakfast.

Hmph.

Iniwan ako sa kama!

Siya una kong hinanap pagbaba kanina! Pasimple lang syempre para di ako magmukhang clingy, baka ayaw pala niya ng ganun. Pero nung nakita ko siyang nagluluto sa dirty kitchen, di ko napigilan ang sarili.

Di ko sinasabing nagpaka-baby ako pero parang ganun na nga ang nangyari.

'Di mo ko ginising.'

'I couldn't, ang sarap ng tulog mo eh.'

'Heh. Iniwan mo kong nangungulila, nilalamig, nag-iisa.'

'Nilamig ka pa? Inagaw mo kaya yung kumot kagabi.'

Basag trip talaga kahit kelan sa pagda-drama ko!

Ganyan yan!

Kapag nanghihingi ako ng lambing, hindi niya binibigay. Trip niyang lambingin ako at the most unexpected place and time. Sakin walang problema kasi I can take whatever she throws my way.

Yaz!

Pero kapag ginawa ko sa kanya yan nananakit siya! Ilang beses na eh, kapag caught off guard siya lilipad yung kamay niya. Unintentional naman yun syempre pero naisip ko lang na baka ganun talaga kapag black belter sa taekwondo, always ready.

"Paano itinerary natin today?" Tanong ni Heejin sa amin.

May mga nakasandal ang ulo sa rattan chair at nakatingin sa kawalan, tamad na tamad ang postura sa kabusugan. Meron naman samin nakapatong ang ulo sa lamesa, sumisimple na yata ng idlip.

"May lakad kayo?" Curious na tanong ni Ate Irene na nakaupo sa kabisera.

"Kapampangan tour daw." Nakangiting sagot ng kapatid niya sa tabi ko, napailing na lang sa naisipan ng mga kaibigan.

Kung ang mga turista trip puntahan ang mga tour sites like museum, best restaurants, or whatever the province offers, not us. We are not your ordinary turistas.

Nung una against ako sa idea pero nang ilatag na sa akin yung rason bakit, nacurious na rin ako.

Ang exciting nga malaman ang deep rooted history nung apat. Kapampangan instead of Pampanga kasi bahay ng mga taga-Pampanga ang pupuntahan namin.

"Sino pinakamalapit sa inyo dito?" Tanong ni Lia.

"Me." Inaantok na sagot ni Giselle.

"Okay, so," Humikab muna si Chaeryong. "Giselle first. Tapos?" 

"Pwede ako next." Muffled na sagot ni Yeji dahil nakayuko sa lamesa.

"Tapos Yuna? Last na natin 'tong kela Karina?" Pag-confirm ni Heejin.

"Kailangan niyo pa ng tour dito?" Sarkastiko kong komento. "Parang naikot niyo na lahat eh."

Pagbaba ko kasi kanina para silang gremlins. Ang dami, ang gagaslaw, pakalat-kalat. Actually, pwede rin minions or trolls. but I'll stick with gremlins kasi it's more appropriate.

May tao sa sala.

Sa kubo.

Sa tabi ng pool.

Sa main dining area.

Parang gusto iwanan ng marka yung bawat kanto ng bahay nila Tito! Ang dami nilang energy compared sakin na bagong gising lang.

"Kailangan maglabas ng baby pictures ha?" Nakangising sabi ni Ning.

At nagkakomosyon dahil dun.

Mabuti na lang hiwa-hiwalay bahay dito, may kalayaan silang magsisisigaw ngayon. Walang kakatok sa pintuan at magsasabing magpatulog naman ng kapitbahay.

Now that I think about it, ang weird. Given the fact na kung anu-ano na pinaggagawa namin sa unit at halos gabi-gabi sila nasa amin. Wala pa kaming natatanggap na penalty dahil sa ingay. Kay Yuna pa lang at Ning, baka yumaman na yung admin ng condo.

Speaking of Yuna, medyo tahimik siya. Very not Yuna.

"Kelan napag-usapan yung baby pictures??" Reklamo ni Giselle.

"Ang panget ng trip niyo!" Sigaw naman ni Yej.

"Okay lang yan." Tinapik tapik ni Ryujin ang balikat ng katabi na si Yeji. "Maganda na kayo ngayon, yun ang importante."

Point.

Sila Lia ang nagpresinta maghugas ng mga pinagkainan habang kami naman ni Karina ay umakyat para mag-ayos. Pumanig din sila ate Irene sa kwarto niya kasi gusto matulog ni Ate Teds, napagod daw siya sa kakulitan ng mga kasabay.

"Ready to go?" Bungad ni Karina pagbukas ng pintuan.

Di ako nag-effort sa suot ko ngayon. White i heart ny shirt, shorts. Babagayan ko na lang ng white snickers. Pinusod ko na lang din ang buhok. Ganun din si Karina eh. Muscle tee, shorts, at mag-sanuk na lang daw siya.

Pasunod na ako kay Karina nang magring yung phone ko -- si Ate.

"Sunod ako, kausapin ko lang si Ate."

She smiled and nodded, closed the door to give me room while I talk to my sister na finally, after 4 days, nagparamdam na rin. Halatang iwas na iwas sakin!

"Good to know naaaala mo pa ako, Ate."

She scoffed. "Baka ikaw pa makalimot."

"Ikaw kaya 'tong di nagparamdam."

"Jaejae packed your things."

Tumigil ako sa pag-ayos ng damit ko sa salamin at umupo sa paanan ng kama.

"Yeah, may tuturuan ako magpiano dito na bata. Didn't I tell you?"

Ang alam ko sinabihan ko siya eh. Ayoko rin umuwi yung kapatid ko na wala na yung ibang gamit ko sa bahay. Baka magpanic, isipin pa niyang ninakawan kami.

May katagalan din siyang natahimik sa kabilang linya.

"Ate? Still there?"

"Just like mom?"

"Walang wala ako sa kalingkingan ni mama." I said. Hinding hindi ko mapapantayan pagiging guro ng nanay ko. "But yeah. That's why I'm here right? To explore and try out new things."

"Anong nagtulak sayo?"

"Sino." Pag-correct ko.

"Karina?"

"Yeah.."

Di ko alam anong hunch nakuha ng girlfriend ko para ipa-try sakin magturo but I trust her intuition. Sure, may pag-aalinlangan nung una pero ngayon nae-excite na rin ako eh. Ang dami ko nang naisip na pakulo nung pumayag na si Charm!

I will be Uju's not-so-typical music teacher, mala-Mr. Miyagi ang dating pero fun. Minus the cleaning syempre. Hindi ko paglilinisin si Uju ng unit!

"I'm sorry I couldn't find the time to virtually meet Karina before the tour kicks off."

"It's fine, you can meet her na lang pag-uwi mo dito."

Am I disappointed she hasn't formally met Karina as my girlfriend?

Of course, tao lang ako eh.

But I am not disappointed with my sister, never yan mangyayari. More on sa situation lang namin. I mean, pinakilala na ako ni Karina sa buong pamilya niya eh, baka bukas buong angkan na rin niya. Tapos ako? Hay.

But it's okay, I understand.

Ginusto naming tatlo 'to.

Ayoko kasi nung madalian na limang minuto lang na pakilala. Ayaw rin naman ng kapatid ko ng ganun. Ayaw din ni Karina kasi kailangan niya raw more time para magpasikat sa kapatid ko para pasadong pasado at wala na kong kawala.

Gusto pa yatang sumayaw at kumanta.

Babe, di yun audition ano ba!

"Parang nameet mo na rin naman, hinanap mo pa talaga sa IG." Biro ko to lighten up the gloomy mood.

Bumulwak ang mala-mangkukulam na tawa ng kapatid ko. "Iba pa rin kapag nakausap ko na, Min."

At least hindi siya nag.. I believe the term is slide into her DMs.

"Babawi ako, okay?" She promised.

"I know you will."

"Okay so.." nagpakawala ng malalim na paghinga ang kapatid ko bago ituloy ang sasabihin. "Jae shipped out your things this morning. Expect it in a week or two."

"Thank you." Natahimik ako saglit nang may maalala. "Speaking of Ate Jaejae, may nabanggit siya about you dating -"

"Naku, Minjeong. Chubby ka na, di kita maintindihan. Hello? Hello?"

Napailing na lang ako. "Para kang ewan, ate."

"Mahina yata signal ko."

"Messenger voice call 'to." Pagpunto ko.

"Yung wifi. Ingat ka diyan ha? Love you!"

She dropped the call.

Iiwas na lang sa topic, palpak pa.

Hinayaan ko na lang at bumaba na rin. I know she'll tell me when she's ready.

Si Karina na lang ang naiwan sa bahay pagbaba ko. Sumakay na pala sa van yung iba pero inantay niya pa rin ako.

Napatagal pala usap namin ni Ate.

Instant ang pagngiti ko when she looked up at me. Gandang ganda lang ako sa sarili ko kasi this time, may handrails at stairs na talaga akong props.

"How's your sister?" She asked, smiling.

"Baliw pa rin."

She bopped her palm against my forehead. "Baliw ka rin eh."

Lumingon kami sa pintuan ng sumulpot ang ulo ni Giselle dito. "Karina, check your phone. Also, alis na tayo."

Tumango lamang sa kanya Karina at humarap na ulit sa akin. "Let's go?"

"Kapampangan tour, here we go!"

Ay shet, napalakas boses ko.

 

 

 

-----

 

 

 

Giselle's Crib


"Ang corny naman ng tawag sa bahay ko, so early 2000s."

Wow, nanlait pa.

"Go, take your best shot." Hamon ko.

 

 

 

-----

 

 


pAERIiso


"Nakakairita, best na yun?"

Iniripan niya lang ako.

Ang saya talaga manirahan sa probinsya. Walang maitim na usok, walang traffic, walang ingay ng busina. In short, payapa.

Except sa loob ng van namin.

Kanya kanyang reklamo ang mga tao kesyo di sila natatamaan ng aircon, nagpapaabot nung chichirya na binaon, or nagtatanong bakit ang daming house rules ni Giselle. Well, dalawa lang naman kaso mahihirapan kami.

Bawal magaslaw.

Bawal hawakan mga gamit.

Yung tatlo naman niyang mga kabayan ay sinabihan lang din kami na sumunod na lang kung ayaw namin maiyak. Curious tuloy kami anong meron. Lalo na nung nakapasok na kami sa bahay niya.

May pagka-modern japanese home ang bahay nila Giselle, Japanese nga naman kasi yung tatay niya. Clean and minimalist.

"Saan parents mo?" Tanong ni Heejin.

"I think nasa Japan sila ngayon ng tatay ko." Simpleng sagot niya.

Nasa garden part na kami ng house tour niya and lahat kaming bagong salta gusto na tumira dito. Ang calm and peaceful ng garden nila. Sa shoji screen inspired na pinto pa lang going here, ang kalmado na eh.

Housekeeper and driver lang nakatira dito, mag-asawa. May pumupuntang hardinero every week para i-maintain yung art daw ng tatay niya. Landscape architect pala kasi.

"Baket bawal magaslaw?" Takang tanong ni Lia.

Tumingin kaming anim sa resident ng bahay.

Kasi wala naman babasagin na display. Actually, wala kaming matatabig kasi ang pinakadisplay na nakita namin isang vase sa center table ng living room at sa dining table.

"Akyat tayo."

She led us sa second floor ng bahay kung nasaan rin room niya.

Okay, gets.

Gets na gets.

Plipino nanay niya at sa second floor ang space ni Tita to unleash her.. inner Filipino mom interior designing skill.

Ang daming display.

Na babasagin.

Okay lang kung puro angels or ordinaryong figurines na pinapamigay kapag binyag, kaso puro antique vases! May vintage items din! Yung manlulumo ka kasi ang mahal pala. Malayong malayo sa simpleng design sa baba yung pagiging loud ng second floor.

"Please be careful." Bilin ni Giselle nang maglakad na siya papunta sa hallway. "Baka magaya kayo kay Karina."

"What did you do?" Tinanong ko ang katabi.

"Giselle, patawarin mo na ko, please." Natatawang panagawan ni Karina.

"Girl? I was grounded for a month because of you."

"Nakabasag kasi 'tong si Karina." Kwento ni Yuna.

"Pinakamahal pang vase ni Tita ang natabig." Pagtuloy naman ni Yej.

"In my defense, madulas ang floor that day. Bagong bunot sabi ni Giselle."

Hindi malayong makabasag nga kami ng vase dito. Para kasing wala nang mapaglagyan si Tita ng vases kaya dinisplay na rin niya sa hallway. Ito raw yung mga binili ng mommy niya from her trips abroad.

Giselle stopped in front of a door with a signage 'privacy please', "This is my room." Simula niya.

Obvious naman.

May sticker kasi ng bungo sa pinto. I doubt na sa tatay niya 'to.

Parang tatlong bahay pinuntahan namin dahil iba't ibang personality ang nakita namin dito.

Tatay niya calm.

Nanay niya loud.

And siya, rebel.

Winner.

Puno ng posters ng artists yung isang side ng walls. Alam ko na agad dinaanang phase ni Giselle base dito eh. May punk, emo, at rnb. Cute din color combination ng kwarto niya. Nanay niya raw namili ng kulay ng walls, siya namili ng gamit.

Blackpink in her area.

"Anong inumin naman ang io-offer satin dito?" Biro ni Ryujin.

Sa baba inofferan kami ng tea, sa place ni Tita orange juice. Ano 'to, binabagayan ng inumin kung nasaan ang mga bisita?

"Nasaan baby pictures mo??"

'To namang pinsan ko.

Ninamnam pa namin contrast ng spaces ni Giselle at magulang niya gusto main part na agad ng tour!

Pero oo nga, nasaan yung baby pictures? Family portrait lang nilang tatlo sa sacred space ni Tita yung nakita ko, recent pa nga yata yun.

Lumabas si Giselle para kunin yung album sa gamit ng nanay niya. We decided to stay na lang sa room sa takot na baka makabasag din.

Napansin ko yung group picture nilang apat sa lamesa ni Giselle.

Ang unfair talaga ng mundo.

"That was during.. I think we were in 3rd-year high school?"

Tumingin ako sa bagong dating kong katabi, si Karina. "Dumaan ka ba sa panget phase??"

She chuckled at my question.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u