Pamana na namin sayo, anak.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Engk!

Engk!

Engk!

Bahagya kong inangat ang ulo.

".. h-uh?"

Engk!

Engk!

Binagsak ko ulit ang ulo sa unan at kinapa kung nasaan sa kama yung cellphone ko.

Engk!

Engk!

Pilit kong dinilat ang isa mata, 6:00am.

Engk!

Engk!

Snooze.

Maaga pa.

Sabado.

 

 

 

-----

 

 

 

Engk!

Engk!

Engk!

Engk!

Engk!

Di ko na kailangan kapain ang cellphone, hawak ko lang din nung bumalik ako sa tulog kanina.

Engk!

Engk!

Pagsilip ko, 6:15 am.

Engk!

Snooze.

Pwede pa matulog.

 

 

 

-----

 

 

 

"Ugghh.."

Naalimpungatan ako sa sikat ng mula sa bintana.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata, pinipikit ng madiin para magising at luminaw ang paningin.

Anong oras na?

Inangat ko ang cellphone --

Totoo ba 'to?

Maaga pa? 6 pa lang?

Pumikit ako ulit.

6 pa rin..

TEKA.

9 na!

Kasabay ng pagbagsak ng unan sa sahig at paglaylay ng kumot yung pagbalikwas ko sa kama.

SHET NAMAN TALAGA SELF!

Toka ako sa shop ngayon!

Dali-dali akong bumangon ng kama, disoriented sa biglang pagtayo, umakyat lahat ng dugo ko sa utak. Pinipitik ko ang mga daliri habang balisang iniisip ang unang gagawin at umiikot sa kwarto.

Maliligo!

Kinuha ko agad yung towel na nakasabit sa upuan ko.

Mamaya na ako maghahanap ng susuotin!

Paglabas ko ng kwarto tsaka ko lang naalala.. may ampon nga pala ako kagabi!

Pumasok ako sa kabilang kwarto.

Wala ng katok katok.

Bumungad sakin ang madilim na kwarto, hinawi pa talaga niya mabuti yung kurtina para walang sumilip na sikat ng araw. Yung overnight bag niya nasa paanan ng kama, nakabalandra yung mga damit. Sakop ng katawan niya ang spare bed ko at mahimbing ang tulog.

Tuloy laway pa si loka!

"Hoy, Heej!" Inalog ko yung balikat niya. "Gumising ka na, aalis na ako!"

"Uggh..? Gaa..ah..?" Wala sa sariling sagot niya sa akin.

Ano 'to.. baby?

Ba naman!

Wine lang ininom namin nila Winter kagabi, ganito na kahimbing matulog!

"Heej! Late na ko sa shop!"

"Ryu.." paos niyang tawag sakin pero nakapikit pa rin ang mata. ".. ang ingay mo.."

Hano baaaa!

Papagalitan ako ni mama!

Napakamot ako ng marahas sa buhok ko.

"Sabi mo kagabi gigisingin mo ko, anyare??"

Nagtaklob lang siya ng kumot.

Iniwan ko na, bahala siya diyan.

Pagkatapos ko maligo, 9:30am na.

Bahala na ma-late, late na din ako. Papasok na lang akong maganda at mabango.

Joke lang pu, ma.

Lalawakan ko na lang ngiti ko sa customers mamaya pambawi.

Pero patay talaga ako nito.

May family dinner pa naman kami mamaya.

Uunahan ni mama si father manermon.

Sabado, anticipated mass.

Homily featuring my loving mama and my quiet papa. Tapos makiki-amen yung magaling kong ate, syempre ako yung magsasabi ng peace be with you.

Sabihin ko kaya may lakad ako?

Lagi naman may something kela Winter kapag weekend. Eat and run lagi ginagawa ko sa amin kapag may family keme kasi FOMO. Dami pa naman nakakatangang moments ng mga yon.

Naawa na nga ako sa unit nila eh pero kasi ang sarap tumambay dun. Ewan ko bakit pero feel at home kaming lahat dun.

Nagsuot na lang ako plain black shirt at pinatungan ng green flannel na hinalungkat ko pa sa tambakan ko ng mga bagong labang damit.

Totoo nga ang sinasabi nila.

Lahat tayo magkakaroon ng -- The Chair.

Binagayan ko na lang ng denim jeans at magsusuot ng chucks kasi panigurado, mapapagod ako mamaya sa shop.

Ngayon pa naman pupunta sila Karina!

Di ko na-invite lahat last time kasi closed doors yung opening party. Nag-set na lang kami ng date kung kelan sila bibisita to show their support daw sa family namin.

Paka-sweet.

Tapos pinili nila yung araw na ako ang magbabantay.

Sarap nilang tirisin lahat!

Ako ba ang napili ng chaka chat roleta?

Nakaupo si Heejin sa high chair ng counter paglabas ko ng kwarto.

Medyo magulo pa ang buhok at halatang pinilit lang bumangon nung ginising ko siya.

Nakapangtulog na short at white shirt, suot ang mala-pog sa kapal na lens at bilog na frame niyang salamin habang nagche-check ng phone at humihigop ng kung ano sa tasa.

At home ka, teh?

Kape ba yan?

Sana ako rin tinimplahan niya.

Wait, wala na akong oras magkape!

"Magkape ka muna."

Tsaka niya tinuro yung isa pang mug na nasa harapan niya.

"Late na ko, Heej." Sagot ko nang tumungo na palabas ng unit.

Basa na yung top ko dahil sa droplets na nanggagaling sa buhok.

"Umalis ka ng bahay na gising ang sarili, mapano ka sa labas. Magkape ka muna." Pilit niya.

Okay, sige.

Tumapat ako sa kanya bago humigop ng kape.

Hohmygad.. kape.

"Bakit basa yung toothbrush ko?"

Awow.

Slowmo kong inangat ang ulo sa kanya dahil sa akusasyon sa akin. Kaya ba ko pinag-stay pa nito?

"Aba, malay." Sagot ko.

"Anong kulay ginamit mo?"

"Pink syempre."

Hinilamos niya pataas ang mga palad sa mukha kaya't umangat din ang salamin niya sa noo. "Ano ka ba! Red yung sayo!"

"H-ha?" Lito kong tanong.

"All this time, Ryujin??" Frustrated niyang tanong.

Pucha..

So..

Isang linggo ko na ginagamit toothbrush niya?

"Bakit naman kasi color white lang ang difference ng toothbrush natin??" Balik ko sa kanya.

"Sabi mo kaya kumuha lang ako sa cabinet ng spare, malay ko bang color blind ka!"

Nilapag niya ang hawak na mug.

May muta pa si gaga. Sasabihin ko ba?

Di na. Mas importante 'to, laway na 'to eh.

"Sure ka bang pink yung sayo?" Balik kong tanong.

Napaisip din siya.

Nagflinch siya nang pinalo ko yung counter at tinuro siya. "O diba! Di mo na rin alam!"

Humawak siya sa sentido niya at diin pinikit ang mga mata. "Punyeta, Ryujin. Kahit saang anggulo natin tignan, naghati tayo sa toothbrush!"

Oo nga naman..

Ayoko na lang isipin!

After malapnos ng dila ko dahil sa kape dumiretso ako ng bathroom para mag-mouthwash.. thrice. Enough na siguro 'to para di ko na maisip yung laway ni Heejin.

Nag-shawarma pa naman kami kagabi for dinner!

Share ko lang yung best shawarma na natikman ko dito sa pilipinas. Authentic ang lasa, katulad nung kinain namin nila mama nung minsan nag Dubai trip kami.

Si Heejin ang nag-suggest kagabi nung wala na kaming maisip kainin for dinner.

Yun nga lang, mag-aantay ka talaga for delivery nung pagkain. Kasi kahit nasa QC lang din yung store nila, ang dami nilang orders. Sabi ni Heejin every night daw talaga soldout sila, ganun daw kasarap!

Dubious pa kami nung una eh, masyado kasing overselling si Heejin. Gapang na rin kami sa gutom kagabi sa tagal. Si Winter nakabusangot na sa gutom. Pero tinapatan lang ni Karina ng biscuit ngumiti na. Di ko sure kung dahil sa biscuit o dahil sa nagbigay ng biscuit kaya siya ngumiti.

But yes, masarap.

Narinig ko yung ring ng cellphone ko sa kwarto.

Shete.

Ringtone ni mama!

Agad kong tinakbo mula sa bathroom para sagutin yung tawag.

 

MaShin - 3 missed calls

 

Bye, guys.

First and last pov ko na siguro 'to for this story.

Nasa counter pa rin si Heejin nung paalis na ako.

Mukhang magpapaiwan na lang ulit siya.

Kapag kasi dito siya nakikitulog tapos may lakad ako ng maaga para sa shop, iniiwan ko na lang siya. Wala naman nanakawin sakin yan kasi hindi siya ganung tao.

"Cellphone mo?" Tanong niya pagsarado ko ng pintuan.

"Holdup ba 'to?" Wala sa sarili kong tanong.

"Nadala mo ba kako cellphone mo?" Ulit niyang tanong nang mapansin ang pagkalito ko.

Ahh!

Kinapkap ko ang front pockets ng pantalon "Bulsa, nasa bulsa na."

"Wallet mo?"

Kinapkap ko naman ang back pockets. "Dito na rin."

"Susi mo?"

"Heej, daming tanong."

"Effective, diba?"

Pasimple kong kinapkap ang bulsa sa harap ng pantalon.

Wala nga..

Agad akong bumalik sa kwarto at halos baligtarin ko na ang buong silid para sa lang sa tatlong pirasong susi!

Isa sa unit, isa sa bahay, at isa sa shop!

Mawala na susi ng unit ko wag lang yung sa shop! Dagdag kasalanan, dagdag confession time sa nanay ko.

Nasaan na ba kasi??

Seryoso, naluluha na ako.

Wala sa lamesa, wala sa dressing table, wala sa sidetable, wala sa bag, wala sa ilalim ng kama. Ano baaaa.

"Ehem."

Napalingon ako sa pinto -- si Heejin.

Nakasandal ang katawan sa pintuan, nakacross ang arms, at enjoy na enjoy siya sa almost mental breakdown ko para lang sa susi!

Tinuro niya yung lamesa.

Yung mga susi ko.. nasa gitna pa ng lamesa.. paano ko di nakita?

"Tutukain ka na."

"Ikaw ka -"

Tinikom ko ang bibig.

Mali, Ryujin, mali.

Rinig ko pa rin ang bungisngis niya sa likuran ko.

Nakabuntot siya sakin nung palabas na ako ng unit. Hanggang sa sinalampak ko ang sarili sa sahig para magsuot ng sapatos, nasa likuran ko pa rin siya. Talo pa nanay ko kung makabantay eh!

"Nag-book ka na ba ng grab?"

Natigil ulit ako for the nth time this day at this hour at this minute at this second.

Punyeta.

"Paano ka nabubuhay mag-isa?" Asar pa niya sakin.

Di ko rin alam paano ko hinaharap ang solo life.

Sabi nila masaya raw!

Pero di ako nagsisisi!

Makukuha ko rin ang tamang timpla!

Siguro mga sampung breakdowns pa.

Dinedma ko na lang si Heej, kunware may na-book ako kahit wala pa talaga. Tambay na lang ako kay kuya or manong guard, kung sino man naka-duty ngayon. Panigurado mahihirapan ako mag-book ng ganitong oras. Ipapa sa Diyos ko na lang yung kaltas sakin.

Hinila niya yung pinto nung isasara ko na.

"Kinuhanan na kita." Malumanay ang boses niya. "Plate number AAA 1111 toyota innova maroon, 5 minutes away. Haru, humayo ka't magbenta ng tinapay!"

Blag!

Napakurap ako sa bilis ng pangyayari.

Binagsak niya lang naman ang pintuan sa aking beautiful face.

Pasalamat siya beautiful din face niya.

 

 

 

-----

 

 

 

Kriiing!

"Hi, welc - anak ng."

Hagikgikan silang lahat sa pagsimangot ko.

Nagsintas lang ako ng sapatos, pag-angat ko sila na bumungad sakin!

Complete attendance!

Winter.

Karina.

Heejin.

Yeji.

Lia.

Yuna.

Chaeryeong.

Giselle.

Ning.

From top to bottom, sinakop nila yung buong counter left to right. Yung mga maliliit nasa harapan, yung matatangkad nasa likuran.

Class picture po ba?

Feel na feel nila magkalat ng lagim ngayon kasi walang tao kapag hapon, dead hours ng shop kung tawagin namin.

"Magsi-ayos kayo ha." Banta ko.

Ngiting aso ang mga mokong.

"Mamili na kayo ng order niyo."

Tumango lang sila ulit.

Pinanood ko lang sila mag-discuss within the group kung anong mga oorderin nila.

Ang tagal pala namin mamili ng order.

Hindi ko siya napapansin kapag kumakain kami sa labas kasi nasa loob ako ng circle. Kasama rin nila akong nakikipagdiskusyon kung ano ang masarap kainin.

Plain rice or fried rice.

Baboy o baka.

Pitcher of coke or iced tea.

Dessert or nah.

Naawa tuloy ako sa mga waiter na natotoka sa lamesa namin. Yung nakailang balik na siya tapos di pa rin kami nakakapag-decide ng kakainin. Binabawi na lang din namin sa tip kasi sumakit ang ulo nun panigurado.

"Nakapili na ba kayo?"

Sabay-sabay din silang tumango habang nakatingin sa menu board sa likuran ko.

Huminga ako ng malalim. Nagstretch ng braso, pinatunog ang mga buto sa daliri. Pati leeg ko binatak ko na. Tinapat ko ang daliri sa digital led cash register.

Laban.

"Anong order niyo?"

"Icedlattetallchocolateeclair."

"Icedamericanoventionebagelwithcreamcheese."

"Mochafrappe40%sugartallonevanillacupcakewithsprinkles."

"Greenmatchalatteventipleasepakitamisanhaoneclubsandwich."

"Doubleshotespressopakilagyandalawangsachetngbrownsugar2slicesngchocolatecake."

"3goodmorningmuffinswhitesugarventimochalatteaywaitaysigeyunnalangmunaaddnangakomamaya."

"Englishteawithhoney2goodeveningcupcakeswaitmakeit3nalangpalakasibakamaymanghingisakinmamaya."

"Imgettingithinkimgonnatryyourthaimilkteaimissthailanddahilsapinanoodkongvlogkagabithenpaaddakonghmmteka.."

"Yungakinanogiantchocolatechipcookietaposayokonamagkapekasimagpapalpitatenakokakasinghotngkapesafortsoooooo ay, ako na lang nagsasalita."

Hatdog.

Tinitigan ko lang sila kasi wala akong naintindihan.

Okay lang kung nakapila silang lahat at isa-isa nilang sinabi pero nagdesisyon silang magchoir sa harap ko, nagblending pa nga ang mga boses. Mas nakakapagod silang harapin ngayon kesa harapin ang road ko to independence.

Pero anong magagawa ko? I'm in this for life.

Ako na mag-adjust.

Kumuha ako ng notebook at ballpen sa drawer.

Hinampas ko sa marbled counter.

"Umupo kayo dun -" tinuro ko yung lamesa sa gilid ng shop. "isulat niyo tapos ipa-deliver niyo sa isang tao."

Humagikgik lang sila ulit.

"By the way, mga pakshet kayong lahat."

Napuno ng tawanan nilang lahat ang buong shop.

May narinig pa akong nagside comment ng Asunta de Rojen.

Paano nakayanan ni Karina 'to nung minsan naming ginawa sa kanya?

"Ma'am Ryujin.."

Lumingon ako sa kaliwa, sa kitchen access.

Dinungaw ng isa sa tauhan namin yung mga kaibigan ko.

"Nag-away away po sila?" Tanong niya with a very chismosa tone.

"Ako ang aaway sa kanila." Nginitian ko lang siya. "Tapos na mag-break si Julius?"

Tumango siya sa akin. "Tawagin ko na po?"

"Paki naman po, ate. May mga customers eh."

Pumasok na siya.

Alam naman ng mga tauhan namin na dadating 'tong mga 'to. Nag-brief pa ako sa kanila nung hulas akong dumating kaninang umaga.

Wala na talagang pag-asa ang pilipinas sa traffic.

Nagpababa na nga lang ako kuya grab sa may bandang Fort Strip kasi gustong gusto ko na takbuhin para sa time in ko. Nakakainis kasi, yung malapit ka na tapos biglang maipit ka pa sa stoplight. Pano rin, nasa EDSA na kami pumasok pa si kuya sa guadalupe tapos tinahak namin yung makati.

Ayan, isang oras akong late.

More than pa kasi ako dapat ang magbubukas nitong shop eh. Ang laki na naman ng ikakaltas sakin ng nanay ko.

Mula nung tanungin ako ni mama kung gusto ko raw ba manahin yung family business, sinimulan na niya ako iikot sa iba't ibang branch namin. Para daw malaman ko paano patakbuhin yung business at makilala ko lahat ng tauhan namin, pakikisama kumbaga.

Literal, start from the bottom.

Alam niyo bang nag-pack na ako ng choco crinkles sa disposable container?

Naging dishwasher na rin ako, hindi ng shop, kundi yung mismong pinanggagalingan ng mga tinapay namin sa may Malanday.

Nagtali na rin ako ng cake box.

Nagdikit na rin ako ng sticker sa container.

I know, at this era of advanced technology, may sticker pa rin kami. Malaman-laman ko mula kay ate na manufacturer ng packaging yung gumagawa nun para samin tapos yung nanay ko pinagdikit ako ng ganun for a week!

First time ko mainis sa maiksing kuko!

Wala akong pangpilas!

Nag-bake na ba ako ni minsan nung nagsimula ako? Hindi pa. Gusto ko na gamitin yung inaral ko ng ilang taon pero yung nanay ko gusto muna ako maglako ng tinapay. Pero oks lang na sinasabak niya ako sa lahat. Nakikita ko lahat ng mga bagay na pwede pa ma-improve sa business namin.

"Grabe ka, eto mamanahin mo?"

Si Heejin.

Bitbit ang notebook at ballpen sa kamay habang pinagmamasdan ang buong shop.

At baket suot niya yung t-shirt ko aber? Favorite ko yan eh. Darth vader na ginawa kong muscle tee.

"Pwede ako mag-apply sayo?"

"Pinagsasabi mo, Heej?"

"Pwede ka bang sugar mommy? Para pwede na ako magresign."

"Ewan ko sayo."

Inabot ko yung notebook.

Baliw talaga 'to.

Malayo na rin narating ng family business namin.

Nag-start si Lola sa simpleng bakery lang sa may Malanday. Kwento ni mama, bago pa ipamana sa kanya yung panaderya, gusto raw niya talaga palaguin pa ito. Ayaw daw niya mag-settle sa kung ano lang meron. Kaya ayan, naging tinapay queen ang nanay ko.

Yung maliit na bakery lang dati nanganak ng lima pang branch. Pero para sakin, maliit na panaderya pa rin to sa tabi ng kalsada na daanan ng mga bus lalo na kapag sumasabay ako ng umagahan sa mga tauhan namin, kape at pandesal. Pakiramdam ko bata pa rin ako na nagmemeryenda sa bakery ni Lola.

Eto na yung pinakamalaking branch namin. Yu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
0 points #1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((