Magbabagsakan dito in five, four, three, two —

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

F I N A L L Y.

La Union.

Inabot kami ng lunch time sa daan kaya si Auntie, gusto sanang mag-stopover muna para kumain.

You know.. mothers.

Pero dahil wala pa namang nagugutom, mas maigi kung dito na kumain para hindi magtagal sa biyahe. Nag-take out na lang rin kami ng jolibee nung may nadaanan para hindi na magluto ang tita ko kasi for sure, paglulutuan kami niyan.

Again.. mothers.

Ayaw nilang nagugutom ang mga tao sa paligid nila.

Maaliwalas ang panahon pagdating namin sa San Juan.

Ang presko ng hangin and ahh.. na-miss ko ang amoy ng dagat.

Marami-rami ring bakasyunista nung madaanan namin yung kahabaan ng MacArthur.

Ang dami na palang bagong resort at kainan dito!

Puntahan naman talaga siya dati pa pero nakakapanibago lang.

Akala ko malayo pa kami until Kuya Mac made a turn in a small street and kept on driving hanggang marating yung dulo. As in dagat na ulit yung nakita namin kind of dead end.

When my sister said na rest house, I think she meant hacienda.

Pwede na kabayo dito eh!

Joke lang. Namangha lang.

Sinalubong kami ng caretaker pagdating and toured us around.

Ang laki ng bahay ha.

Wide receiving area facing the beach, and a porch right outside of it. The pool area is located beside the house, may karaoke and billiards table for entertainment. Limang kwarto lang yung pinakita samin pero pwedeng times two dahil sa laki per room.

Lahat nga kami tumingin kay Ate eh, silently asking kung sino may-ari nito kasi ang expensive nung bahay? Tipong pwede i-feature sa architecture magazines.

Acquaintance raw.

Without a doubt, a rich one.

Banggit nung caretaker, pinaparentahan naman daw talaga yung property kapag wala yung may-ari for families or private gatherings, mostly intimate weddings.

Gusto ko rin ng ganitong bahay pero gusto ko sana yung magkikita pa kami ni Karina? Kung kaming dalawa lang, pwedeng magtagu-taguan eh.

Wala lang.

Nakwento kasi ni Ate na gusto ni 'acquaintance' dito mag-settle once mag-retire na.

Ako kaya, saan?

Parang gusto ko sa probinsya for peace kahit feeling ko after a week ubos na yung pwede kong gawin. Baka nga after a month balik trabaho na 'ko ulit to past the time.

Okay na muna sa ganito, bakasyon kapag free.

At mas lalong okay kasi ang cozy ng pwesto namin ni Karina dito sa labas.

May porch swing kasi!

Nung nakita namin ni Karina 'to, nagkatitigan lang nagkaroon na ng silent agreement kung ano ang unang gagawin. Pumanig kami kaagad sa 2nd floor, hinagis yung mga bag sa kung saang room, nagpalit ng damit, at dumiretso na dito.

Keber sa aircon at malambot na kama.

Gusto lang namin ma-solo ang isa't isa bago ma-realize nung iba na oras na para maglakad-lakad sa labas. Huling kita ko sa room nila Chaeryeong, nakahilata sila sa kama at mukhang iidlip ata muna. Kahit ako medyo bugbog na din ang katawan sa biyahe. Pakiramdam ko isang linggo na 'kong nasa daan lang.

Pero sana wag muna sila bumaba kasi nagre-recharge pa ako sa yakap ni Karina.

Speaking of my girlfriend..

May something..

Between us two, siya yung mas malambing. Established na yun eh. What really surprises me though since I got back is extra affectionate siya through her actions.

Hindi ako nagrereklamo. Bakit ako magrereklamo?

Ano lang..

May namatay na kaya dahil sa kilig?

Feeling ko ako yung kauna-unahan kung sakali.

Sitting sideways, pinaupo niya ko in between her legs, one leg up while the other was planted on the floor, a stack of pillows behind her. Yumakap siya agad pagsandal ko sa kanya, her chin resting on my shoulders. She was holding me tight yet gently at the same time. Parang akala niya may aagaw sakin, ganon.

I'm not going anywhere, ma'am.

Pero syempre di pa niya alam yun.

Matulog lang daw ako kung gusto ko.

Nope.

Una sa lahat, ilang gabi ko din 'tong hinanap-hanap. At pangalawa, pano naman ako makakatulog kung panay ang pag-amoy niya sa leeg ko. Nakaka-conscious kaya!

Pero nakakaantok rin talaga dahil siesta time.

Ahh, na-miss ko ang La Union.

Mga ganitong scenery yung nakaka-boost ng creative ideas.

Tingin lang ako sa kanan, dagat na agad ang makikita ko. Pumikit lang ako, maririnig ko ang bawat hampas ng alon. Add up the salty smell of the sea mixing with Karina's sweet fragrance.

Kung nasa kondisyon lang ako magsulat ng kanta, baka may nasulat na 'ko.

"What are you thinking?"

I looked at Karina and promised myself - malagpasan ko lang 'tong creative block phase ko, I will write a song about her. One that's worth a hundred songs.

"Gusto ko ng swing sa condo." I answered instead.

I felt her lips curl into a smile against my shoulder. "Kung pwede lang. Mahigpit yung admin if it involves yung structure ng condo."

"Pft."

"Bawal din pets - babe!" Napakapit siya sa chain ng swing when it swayed unsteadily due to my sudden outburst. I sat up straight, body turned to her. "Mahuhulog tayo sa ginagawa mo eh."

"Totoo nga, bawal??"

She nodded, pouting.

"Ano ba yan!" Reklamo ko at bumalik sa dating posisyon namin. "Yeah, because they can break the walls with their tiny feet." I said mockingly.

Marami nga raw naiinis dahil dito.

Ever since lumipat siya sa condo, other residents have been trying to get the admin's approval on every meeting but fail in each one. Some even offered to pay a registration fee pero hindi pa rin pinayagan.

"We'll get one once they allow it. I promise." She planted a kiss on my shoulder.

Okay!

Madali akong kausap!

"Gusto ko ng aso." Palambing kong sabi.

Napatingin ako sa kanya when she leaned back, eyes blinking. "Gusto ko ng pusa."

Huh.

"Okay, we'll get two." She proposed.

"Yan gusto ko sayo eh, mabilis kausap!" We both laughed lightly. "Gawin natin silang mag-bff?"

"Yan gusto ko sayo eh, pati aso at pusa di nakaligtas." Siniko ko siya ng mahina sa tiyan earning a soft laugh from her. "Pero sige."

Yan lang ang solusyon sa pamamahay namin.

Sorry, future pets. Sana mahalin niyo ang isa't-isa.

"Anong ipapangalan mo sa future pet cat mo?" Tanong ko.

"Herb."

"Herb, the vegetarian cat?" Biro ko, binawian niya ako ng malamyang hampas sa tiyan. "Pero cute, I'll give you that. Ask mine."

She didn't ask.

When I turned my head to see why she was unresponsive, her eyebrows were knitted. "Natatakot ako para sa aso mo.."

"Excuse me? You're naming yours 'herb'."

"Sabi mo cute."

"What makes you think mine isn't?"

"Bless thy dog's poor soul."

"Bilis naaaaa." Pagmaktol ko.

"Okay.." She chuckled. "Anong ipapangalan mo?"

"Potato." I grinned.

"We're about to be the worst fur parents, babe."

"Mamahalin naman eh. Give na nila yung name satin."

"That's true. Gusto ko may -"

At kung anu-anong pagpamper sa future cat ang sinabi ni Karina.

Gusto niya raw may sariling corner sa condo yung pet niya, with tower and everything.

Siyempre hindi magpapatalo yung akin no!

Kung hindi niya kayang akyatin ang tower, bibilhan ko siya ng dog house. Pati stairs na rin kasi medyo mataas yung kama ni Karina.

Kawawa yung magiging aso ko, laging maiiwan sa sahig. Kawawa rin ako kung sakali, lagi ko siyang pupulutin.

Small dog lang talaga gusto ko ever since, no specific breed. Nabago lang when I met Zero bilang malambing pala mga katulad niya. Pero gusto ko color brown para -

Hash brown sa umaga, french fries sa tanghali, poutine sa gabi.

Daming choices kapag good doggo.

Kapag super kulit naman, plain 'patatas'.

Ang saya pala magplano ng ganito??

"Kamusta pala sila Ate Irene?" I asked after namin pag-usapan yung mga laruan na bibilhin namin para sa mga alaga. Wala na rin kasi akong narinig na follow-up kwento from her eh.

Her lively smile was replaced with a sad one as she looked down. "Still not okay.."

"That bad?"

"I hope not.." She answered though even though she was not convinced.

Dapat daw may lakad si Ate Irene with her friends but instead, umuwi siya sa Pampanga. When she texted Ate Teds naman, hindi raw kailangan mag-worry nila Karina dahil aayusin niya kung ano man yung pinag-awayan nila, she's just giving Ate Irene some space for now.

Pati ako affected.

Aakyat pa naman sana ako sa kanila next week para mangamusta at i-abot yung pasalubong ko for them. Para na rin magbayad sana ng renta for this month. I guess kay Karina ko muna i-aabot.

"Hey." Karina nudged my arm. "We're here to have fun, diba?"

"Yeah.." I smiled timidly, still worried for the two. "Sorry."

"I trust Ate Seul. If she says she'll fix it, she will." She said with certainty.

Okay..

"How's fort, by the way?"

The cheerful smile returned and I couldn't help but be mesmerized all over again.

Araw-araw kaming magkausap nung nasa US ako but seeing her be so alive this close over something she loves, makes me happy. Because I know she is.

Kahit na ba yung isang kwento niya ay may nabutas daw na sako ng coffee beans the other week.

Nakakahawa yung energy niya, sa totoo lang.

Minsan nakakainggit. In a good way.

Like you know she's doing it for herself and it makes you want to be where she is. Because then you'd finally understand where all this excitement comes from. And you'd hope you radiate the same energy to the people who surround you like how she does, effortlessly.

There's a sense of fulfillment whenever she talks about the cafe. At para bang sasabog siya if she keeps everything to herself and the only solution in her mind is to share some of it with me.

It's overwhelming sometimes.

But not in a way it discourages you or makes you wish you could be like her. Rather, it makes you hope that, someday, you could do the same with her.

What astounds me is how much I simply wanna do it.

I guess, she really does bring out the best in people.

"You okay?"

Akala niya ata natulala ako sa kanya.

Di kaya.

Narinig ko ngang dadating na yung coffee cart nila next week eh.

I felt being drawn to her, or maybe that's just me wanting to feel her closer kahit na ba non-existing na talaga yung space sa amin ngayon.

She was surprised when I burrowed into her neck, closing my eyes as I take everything in.

"I missed you," I whispered.

"I missed you too." She kissed the top of my head, holding me tighter. "Na-miss mong pag-usapan yung cafe?" She teased. "We always talk about it."

"Honestly? I could listen to you all day."

Wait..

Parang may kumabog na dibdib.

Akin ba yun?

Hers??

Both???

Ano 'to????

Hala, both!

I shut my eyes tighter trying to calm my racing heart.

Saan nanggaling 'to? Bakit ako kinabahan bigla?

"Winter?"

".. yeah?"

"Minjeong."

Ay bakit naging boses ni Ate?

When I looked up, it was indeed my sister.

Kalabog pala ng paa.

She was standing in front of us with a small teasing smile that she quickly hid, replacing with indifference to whatever was going on seconds ago.

Yup, kita na mukha niya. Finally.

Cap off, no face mask.

A pair of short denim shorts and a black Kiss oversized shirt.

"Kung lalabas kayo, bring the key." Bilin niya. "I left it on the coffee table. Matutulog kami nila Nang, baka walang magbukas ng gate sa inyo."

"Ate, para saan ang cellphone?"

She didn't bother answering my question as she turns her attention to Karina. "Can you remind her? She tends to be forgetful sometimes."

"Ang epal forever!" Ungot ko.

Karina chuckled lightly. "Sure."

"Thank you." Then she walked away.

"Mamaya pa kami lalabas!" Pahabol kong sigaw.

"Nagbibihis na sila sa taas!" Sagot nito pagpasok sa loob.

Pwede namang i-message na lang? Tsaka, sabi nga ni Kuya Harry, doorbell lang daw kami eh! Hindi naman kasi siya umalis ng property after niya kami i-tour, nasa kabilang bahay lang.

Jirits.

"Sorry.." I turned my attention back to Karina. "You were saying?"

Oh eh nasaan na yung racing heart ko kanina??

Come baaaack.

"So, how do I look?"

Napapikit na lang ako.

Yeah, I'm not going anywhere but our friends aren't either.

We both looked at Yuna who left us speechless.

Alam kong nasa beach kami ngayon kaya understandable yung one piece yellow swimsuit na pinatungan niya ng sarong wrap around her waist. The choice of headwear though..

"Pringles."

"Mukhang mabigat."

"Pwedeng pita bread."

"Good for 2 pax yan no?"

"Yan na yung best niyo?" She said with a straight face, humagikgik kami.

Matino pa yung contribution ni Karina, yung akin puro pagkain ang pumasok sa isip ko. Yung sun hat naman kasi!

Nagtaas ako ng kamay.

"Ano 'to, recitation? Oh baket, Ms. Kim?" Pasungit niyang tanong.

"Bakit ganyan kalaki?"

"Para ma-sight ako sa malayo, duh!"

"Sabi ko nga.."

"Just.. be careful, Yuna," Karina said in all seriousness and concern.

"Saan?"

"Baka mapagkamalan kang balsa with that on."

I threw my head back laughing.

Sira-ulo talaga!

"You can't hurt me." And with that, she flipped her hair at us sabay inirapan bago pumasok ulit sa loob.

"Babe, you're so mean. Balsa talaga?"

"Ikaw nga puro pagkain. Nagugutom ka ba?"

Right on cue, kumalam yung tiyan ko.

"Baunin mo na lang yung calasiao mo."

"Ubos na.."

"Yung sandwich mo na lang kanina." She tapped my side twice para paurungin. "Lika na, tinitignan na tayo nila Chaeryeong."

She stood up.

"Pft."

Bitin!

Karina bent down to my level and pinched my nose lightly. "Later. Promise."

Okay!

Masunurin tayo!

"Don't forget the keys ha."

Bukas na ba kasi sila gigising??

 

 

 

-----

 

 

 

"Oh ngayon makikisilong ka saken?"

What's that?

Wala akong narinig.

Bakit naman kasi paglabas na paglabas namin ng gate, tumirik yung araw?

Lakas ng tama, biglang bumalik. Uwian na niya dapat eh.

Natagalan pa kami ng lagay na yan kasi ang dami pang seremonyas ng mga kaibigan namin, yung iba nagsibalikan pa sa taas kasi may nakalimutan daw. Inuna kasi nilang magbaon ng alak at pagkain.

Pre-game daw.

Kaya eto, binabaybay namin ang tabing-dagat para sa 'perfect chill spot' ni Do - este, Yuna.

"Karina, darling, collect your girlfriend." Doña Yuna said.

"Paabot si Winter, guys."

"Nooooooooooo." Ma-drama kong saad habang pinagpapasa-pasahan ako pabalik sa dulo.

Nakanguso ako pagtabi kay Karina at nagreklamo na mainit.

Ang sakit kaya sa balat!

Pinaalala niya sakin yung mga panlalait namin sa sumbrero ni Yuna kaya dapat panindigan ko lahat yun. Kung alam ko lang edi sana pinuri ko yung swimsuit niya!

Karina then took off her bucket hat and aviator shades, handing them to me so I could - ay, wait.

"What are you doing??" Panic kong tanong.

Pinangtaklob niya sa ulo ko yung hinubad niyang muscle tee. Yung cover niya for her swimsuit.

Akala ko - akala.. ko -

Nanuyot ang lalamunan ko habang pinapanood siyang ayusin ang bagsak ng buhok sa kanyang harapan. Sinuot niya muna uli yung bucket hat at aviator shades bago humarap sa akin.

"You said it's hot?"

Sabi ko nung araw.. bakit siya nakisali..

Prayers up for my soul, body, and mind.

Lumingon sakin si Chaeryeong sa unahan. "Liliyab ka na ba? Pulang pula ka."

Nagsunuran naman yung iba at lumingon din sa girlfriend kong keber lang sa epekto niya sa akin. Umakbay pa nga!

"Mainit." Sagot ko. Pilit ko.

"Cute niyo." Comment ni Yeji.

"Beach babe and that fragile-looking-isang-ihip-lang-matatangay-ng-hangin-girl."

Humampas ako ng tingin kay Karina nung tumawa siya.

"Funny yon? Saya ka?" Umirap ako.

"Aren't you?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa mukha ko, her hot breath hitting my ear. "This beach babe is yours."

?!?!!!!???!??!?!?!?!?!

Natulak ko siya. Reflex.

"I am NOT -" I emphasized with much conviction, veins popping in my neck. "- a fragile-looking -"

Swooooooosh.

Natangay ako ng slight nung hangin na lalong ikinatawa ni Karina.

I huffed. "- girl."

Magaan ako oo pero kailangan patunayan yun during my declaration?

Nakakainis!

"Ewan ko sayo!" Naglakad ako ng mabilis para tumabi kay Ning na nakasunod kay Yuna.

Bahala siya dun.

Medyo nag-panic lang talaga ako nung bumulong siya. Basta yon. I need a breather bago ako atakihin sa puso. Hindi ko kinakaya yung visual ng jowa ko with black string swimsuit and short denim short. Very beach babe look!

"Paabot ulit si Winter, guys."

"Bye, dong." Ning sing-song.

Fun.

Kumurap lang ako, naipasa na ako pabalik kay Karina.

"Hi." Bati niya ulit sakin.

"Heh!"

"Sure na? I'm giving you a chance pa naman to redeem yourself."

Ha?

"Redeem myself?" Lito kong tanong.

She smiled so bright nalusaw ako. "Carry me."

I blinked. "Do what now?"

As if she didn't hear my protest, tumayo siya sa likuran ko, readying herself for a piggyback ride courtesy of me. She placed her hands on my shoulder, bebwelo na para - teka.

"Wag kang tatalon! Masusubsob tayo!" Banta ko.

"Eh kung ibaba mo kaya sarili mo, diba?"

Ay, ewan!

Uto-uto nga siguro ako.

I heard her soft giggles when I lowered myself.

"1.. 2.."

Naubo ako pagbuhat sa kanya, my knees buckling for its dear life. Paulit-ulit ko siyang tinapik sa binti para masabing -

".. beb.. nasasa - nasasakal ako.."

", sorry!" She chuckled.

I exhaled audibly.

Kung makakapit naman 'to! Akala mo napakataas ng babagsakan niya, eh hamak na mas matangkad siya sakin!

"Let's goooo!"

Kahit nanginginig ang kalamnan, kaya ko 'to! Para sa aking kumpiyansang nilipad!

Left!

Right!

Aray sa left!

May nag-crack sa right!

Iilang hakbang pa lang pero hihikain ata ako. To think na wala akong hika in the first place!

"Ang layo na nila!"

I looked up and yes, naiwanan na kami. ".. palit tayo.. wooh..! Para makahabol.."

"Biliiiiiis." Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

"Teka, nag-lock ata tuhod ko."

Puputok na rin ata ugat ko sa leeg.

"Wala yan!" Nagtatatalon siya sa likuran ko.

Jusko po, yung spinal chord ko! Arko na!

"Wag..!"

One step.

"Kang..!"

And another.

"Malikot..!"

I can't anymore.

Karina wiggled herself out of my hold, patting my back as I catch my breath.

Seryoso.

Nakaka-encourage sana ituloy ang laban para sa aking redemption arc nung pinunasan niya pawis ko.. when she cheered for me.. nung may paghalik sa leeg.. pero tao lang ako.

Isang taong patpat na may onting muscles sa katawan.

Wala talagang magandang nadudulot kapag pride ang pinarial.

I shot a glance at her. Parang nag-enjoy pa siya sa pagdudusa ko. "Sayang saya ka lang?"

"Ang layo ng narating natin eh." Sinundan ko nang tingin yung tinuro niya sa likuran namin. "See?"

Nang-aasar ba siya?

Eh hindi naman yun yung starting line namin! Tinandaan ko bago siya tumalon, when I explicitly told her not to. Dun sa puno na may nakataling lubid kami nagsimula.

"Babe, before nun, ano ka ba." Pilit niya. "Tignan mo yung katabi niyang puno, may lubid din o?"

Wow, ang layo.

"Hindi natin 'to uulitin for the next 3 months ha." I groaned. "I'm so out of shape."

Sana nung bata-bata ako may nag-payo sakin na mag-exercise man lang.

"Okay, come on." Pumwesto siya sa harapan ko, tapping her shoulder in the process. "Lika na, nagse-setup na sila dun oh."

Walang patumpik-tumpik, dumiretso ako kay Karina at sumakay sa likod niya.

Hanep.

Ginawa niya 'kong parang backpack lang. Specifically, yung backpack for porma only purpose kasi walang laman.

Pero grabe..

Naarawan ba talaga siya? Ang bango pa rin eh.

"I guess, mabango pa rin ako?"

"Di ka sure. Malay mo type ko yung mga mangasim-ngasim."

"Maasim pala ha." Humigpit ang pagkakawak niya sa binti ko at lumiko papuntang - nanlake yung mata ko!

"UY, JOKE LANG!"

Shet, teka!

Dadalhin niya kami sa dagat!

"Need ko lumublob, babe. Maasim na 'ko."

"YUNG PHONE KO NASA BULSA KO LANG!" Panic kong sigaw, isang braso na lang ang nakapaikot sa leeg niya, yung isa naka-support sa back pocket at baka madulas yung phone! "KAKABILI KO LANG NITO!"

She stopped nung knee-deep na yung tubig.

"Ha?" She swiveled to the right. "Wala akong marinig." Then to the left. "May sinasabi ka ba?" And repeated it over and over.

Ano na naman bang sumanib sa kanya!!

"Karina!"

She turned when Chaeryeong called her from the shore, yung mas malakas this time kaya napapikit at napakapit pa 'ko ng mas mahigpit sa kanya.

"Isang squat nga diyan!"

"HOY, CHAERYEONG!" Karina craned her neck away from me. "KAPAG AKO NILUBOG NITO, IKAW UNA KONG YAYAKAPIN PAG-AHON NAMIN!!"

"Lika na nga. Masakit na sa tenga." She started walking back.

Hindi na ako umimik. Mamaya kung ano na naman sumanib sa kanya eh.

"Gusto mo maglakad from here?"

Ankle deep na lang yung lalim ng tubig.

"I'm good." Sagot ko agad.

I'm a fast learner.

The moment she puts me down, I just know.. babasain niya ako.

"Ang aga ng holy week ni Winter ah?" Asar ni Ryujin sa amin paglapit sa pwesto nila. Humilata ako diretso sa tabi niya. "Hirap na hirap lang magbuhat?"

"Wala nga akong excercise!" Rason ko.

"Gusto mo agahan ko rin yung sayo?" Hamon back ni Karina, smirking the hell out god only knows kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. "Just say the word."

"Ang hirap mong i-joke, alam mo yun?"

Atras siya iih.

Karina then glanced to the left side where Lia and Heejin were.

HUH.

I think alam na ni Karina yung secret crush ni Ryujin!

Ma-chika nga mamaya jowa ko.

"Natatakot ka diyan?" Tanong ni Yej na nasa kabilang side ko. "Marami siyang alam samin, never kami nilaglag niyan."

"That's true." Pag-backup ni Giselle kay Yej, she was taking a photo of the sea. "Either she keeps our secrets well or ulyanin lang siya."

"50/50." Karina answered. Inabutan niya ako ng baon naming tubig.

Siyempre may other paraphernalia kami for the pre-game.

Bluetooth speaker, check.

Ay, yun lang pala.

Gusto lang nila magpakasasa sa alak at mag-picture.

Nasa area kami nung mga nadaanang resorts earlier, not that far from the beach house.

May mga nakatambay na rin ibang grupo, may chill lang habang pinapanood yung mga surfers, may nagkekwentuhan habang umiinom. May mga bata din na nagtatampisaw with their parents watching closely.

"Saan kayo galing?" Tanong ko kay Lia at Heejin pagbalik nila.

"Nagtanong magkano surf lessons." Sagot ni Lia.

Napunta ang usapan namin sa itinerary for tomorrow.

Gusto daw talaga nila puntahan yung Tangadan Falls kaya after namin mag-breakfast bukas, yun ang unang gagawin. Right after, babalik kami dito para sa mga gusto mag-surf, namely: Lia, Heejin, Yuna, Karina, and Yeji.

"Ayaw mo i-try?" Tanong ni Karina sa akin, we scooted a bit to give space sa mga kakabalik lang. "It's fun."

"Na-try mo na before?" Tanong ko pabalik.

"Twice."

"Picturan na lang kita."

Natawa siya ng slight. "Sige. Bakit di mo dinala camera mo?"

"Gusto ko lang mag-relax eh."

At sana mahanginan din.

Nasa gitna kami ng circle kaya hindi kami natatamaan. Nasan na yung sumampal sakin na hangin kanina?

When Heejin stood up to take pictures, Yuna grabbed the available space and sat down.

"Putek na sumbrero yan!"

"3 pax seat occupancy!" Reklamo ko.

"Yuna, wag kang malikot! Nasampal ako!"

"I say well-deserved." Dedma lang talaga siya sa mga reklamo namin.

Bakit kasi di namin naisipan magdala ng isa pang blanket? Siksikan tuloy ngayon.

Nang matapos ang short commotion dahil kay Yuna, we all fell into a comfortable silence while we cool down. Sinandal ko ang ulo sa balikat ni Karina habang pinapanood ang paghampas ng alon.

"Guys, sunod daw si Kuya. Okay lang?" Tanong ni Ning out of nowhere sa lahat.

"Oo naman!"

Nilabas ni Giselle yung isang bote ng alak mula sa mini cooler. "Pre-game na?"

"G!"

 

 

 

-----

 

 

 

"Ay, Winter, gusto mo 'to."

Ukulele intro pa lang, yes na nga agad.
 

 

Ultimately I don't understand a thing

I try to do the best I can

I know you try to do the same

We're just so bound to make mistakes
 

 

Hiniga ko ang ulo sa lap ni Karina and looked up at her, holding her gaze while I absentmindedly sing along with the song. "But I'm still growing up.. Into the one you can call your love"

Her eyes crinkled into a smile as she my cheek.

"Babe."

I raised my eyebrows lazily in response.

"Umupo ka. Mahihilo ka niyan eh." She helped me sit back again and laid my head onto her shoulder instead, closing my eyes kasi nakakahilo nga yung ginawa ko.

"Mamaya na siya ha." I heard her say. Baka she meant sa ikot ng shot.

Paubos na rin yung isang litro ng alfonso na binaon namin.

Nagpadala sila ng isa pang bote kay Kuya Leng just in case may gusto pang uminom after maubos 'tong una. Nagpadala na rin sila ng extra coke, blanket, and towels. Gusto nila bigla lumangoy eh.

Ang lungkot daw sa bahay kaya sumunod si Kuya. Yung mga kasama niya, tulog pa rin daw hanggang ngayon kaya naisipan na lang niyang puntahan kami. Tulog rin siya kanina kaya hindi namin naaya sumama.

Nakakailang ikot pa lang kami nung dumating siya at dahil bagong dating, pinahabol siya nila Ryujin sa ikot - three straight shots.

Sure ba silang alam nila kung ano ang pre-game?

Ang bilis pa ng ikot! Hayok na hayok lang.

Hindi pa naman ako lasing.

Kung lasing ako, hindi ako ganito katino mag-isip ngayon. Most likely patches lang.

Siguro ano, malapit na 'kong tamaan.
 

 

"Ultimately

It's a beautiful thing

Like flowers blooming in a lonely field

The petals drift through crossing winds

That they find their way to river streams

That scent the water beautifully

It takes me back to you

It takes me back to you"
 

 

Karina laid her head on mine and wrapped her arm around my waist, brushing her thumb against the thin cloth.

"Parang hindi naman ganyan yung pagka-describe mo nung nalasing si Winter last time." Yeji said.

"Hindi nga ganito." Karina replied.

"What she said." I chimed in with eyes still closed

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u