Mag-aasawa ka na?

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

I used to love this house.

Eto yung mga brownstone houses na napapanood sa series or family-genre movies, paboritong set ng mga directors kasi it gives off that harmonious family living feeling to the audience. And it's true. Mga kapitbahay namin puro pamilya or mga magsisimula pa lang magkapamilya. Sa tagal na namin ni Ate dito, mabibilang sa kamay yung mga na-meet namin na bachelor or bachelorrette na dito rin nakatira.

Ang lungkot nga naman kung iisipin.

Ang laki ng bahay mo pero mag-isa ka lang.

Between sa amin ni Ate, siya yung pinaka-excited when we moved here. Something about this house being her first real purchase as an adult and of course, something she bought para sa amin magkapatid. 

Ako?

I was excited because I finally get to have my room.

Nakakahiya magrequest kela Auntie noon sa dami ng expenses namin. They both work hard everyday the least I can do is tiisin yung sleeptalk ng kapatid ko. Kaya nang sabihin sa akin ni Ate na magkakaroon na ako ng sariling kwarto, I was over the moon.

Ang babaw ba?

Sorry, teen stuff.

Aside from our 3rd floor studio, safe haven ko rin etong kwarto ko.

Pero ngayon?

Namamahay yung katawan ko.

Kanina pa ako nakatitig sa kisame puno ng glow-in-the-dark stars. Nakakabingi rin yung katahimikan and it's not only because madaling araw na, the house feels empty.

I think my body is rejecting the house.

Yung lugar, in general.

It's not the same as when we first came here to the states.

Dati kasi, there's that feeling of being in an unfamiliar place and knowing you're not from here, bago nga naman kasi namin noon. Took me some time to adjust but eventually, I learned to like our new life. 

Kaya medyo naninibago na naman ako ngayon. Ang layo kasi sa naramdaman ko dati.

Yung ngayon, mabigat. Hollow-feeling bigat. 

Ang labo.

Emtpy and yet, mabigat.

Posible pala yun.

As soon as I admitted it to myself, I can't shake off the feeling.

Nung dinner, halos hindi ko nagalaw yung kinuha kong food; tatlong subo and I'm done. Parang nasusuka pa nga ako. Inisip ko na lang baka dahil sa pagod kaya wala akong gana.

Napapaligiran ako ng mga tao but I had to force myself to laugh along their jokes. Everyone was having a good time aside from me na nakikinig lang sa kanila.

There's a feeling of being alone? Well, not really alone, uhm.. like I don't belong, like I'm not supposed to be here.

At naiinis ako sa sarili ko kasi everyone welcomed me back. They were ecstatic to see me again after a long time.

Pagpasok ko ng bathroom para magshower, dun binuhos ng katawan ko lahat; umiyak ako. It's not my usual ugly cry na puro hikbi. Yung iyak na hinuhugot mo sa kailaliman dahil sa bigat ng nararamdaman mo.

Buti maaga nakatulog si Ate.

Magtatanong yun panigurado bakit mugto mata ko.

Siguro sa bilis ng mga nangyari, hindi pa lang nakahabol yung buong pagkatao ko. I mean, nung isang araw lang nasa ibang kwarto ako, practicing old piano pieces para hindi mapahiya sa bata. Ngayon, I'm back in my old room na supposedly next year ko pa tutulugan.

Life, huh?

You'll never know where it will bring you next.

Sa isang iglap, I am back.

I remember my professor once told us in our class - life's challenges can either make you or break you.

Quotable quotes na nabasa niya somewhere.

Ni hindi ko ma-count 'to as a challenge because it's just me going back home.

But honestly, right now?

It's breaking me.

I don't regret coming back.

Ang bigat lang talaga.

Pwede naman yun, diba?

Maybe I should give myself sometime to adjust, kakarating ko lang rin naman. Mawawala rin 'to in time if I go on. For now, I'll focus on taking care of Ate. Yun naman yung rason bakit ako bumalik in the first place.

Tama.

Focus on Ate.

it up, Minjeong.

 

 

 

-----

 

 

 

Sumilip ako sa kwarto ni Ate.

"Ate."

"Oh?"

Nakaawang ang bibig niya habang nagpipindot sa remote. Nakaupo siya sa kama, may stacked pillows sa likod, at nasa tabi yung bowl of popcorn na ni-request niya sa akin.

Katabi rin niya si Zero at kahit yung aso, nababagot na sa kanya.

Kanina pa siya naghahanap ng movie.

Open-door policy kami ngayon dahil sa injury niya kaya rinig ko lahat mula sa kwarto ko. Hindi ko na mabilang ilang trailers yung narinig ko habang kausap si Karina. May narinig akong romcom, thriller, at horror. Yung "pinapanood" niya ngayon animation naman.

"Gusto mo ng cold compress?"

"Para saan?"

"For your shoulder?" 

"Ay, oo nga." Tiningnan niya ako. "Cold ba yung sinabi? Hindi hot?"

"May sinabing hot?"

"Oo, may narinig akong hot eh."

Hala, nalito na rin ako.

"Teka, tanong ko si Karina."

 

 

 

-----

 

 

 

Sumilip ako sa kwarto ni Ate.

"Ate."

"Oh?"

Sa wakas, may napili na siyang panoorin.

After a day nga lang.

Naisip niyang magre-run na lang ng Grey's Anatomy.

Ganun pa rin ang setup.

Nakaupo siya sa kama, nakasandal ang likod sa headboard, at may popcorn. Sinamahan ko ng freshly squeezed juice per advise ni Karina.

Nakatabi ulit sa kanya si Zero.

"Masakit ba balikat mo?"

"Magkakasakit ako sa puso kakasilip mo." Walang kabuhay-buhay niya akong tiningnan. "Pwede wag lang ulo? Para kang kabute eh."

Kaya siguro ako tinatawag na kabute ni Karina.

"Seryoso na kasi." Pag-aatubili ko. "Masakit ba?"

"Bearable. Bakit?"

"Anong sabi ng doctor kanina?"

"Okay naman daw."

Nakakainis 'to.

Kay Ate Jae siya nagpasama for her check-up!

Pinaiwan niya ako para may bantay raw si Zero habang wala siya. Edi iniwan namin sila, naglakad kami nung aso sa labas. 

Nagalit pa nga!

Bakit daw hindi ko pinaalam si Zero!

Because Zero is mine as well?

Ilang araw pa lang ako dito puno na ng pictures nung aso yung gallery ko. Meron sideview, front view, back view (don't ask), at top view. Sploot position yung top. Kahit natutulog lang siya nanggigil ako! Kapag sine-send ko nga kay Karina, si Zero ang unang sinasabihan ng 'cute.' No objections here kasi cuteness overload talaga.

Kung nadala ko lang camera ko, baka puro siya lang din yung laman.

"Gusto ko lang din paalala na last week pa huling ligo mo."

"You don't have to remind me." Naiinis niyang sabi pero feeling ko naman hindi directly sa akin, sa sitwasyon niya ngayon. Napakamot siya sa anit niya.

"Hindi mo alam paano maliligo no?" Asar ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Don't worry, tinanong ko na si Karina." Proud kong sabi.

Napaupo siya ng diretso.

"She'll ask her instructor from dance class. Physiotherapist din daw yun. Aren't we the sweetest?"

Speechless siya.

Yes, that's right, Teteng.

Dong and Karing to the rescue.

"SINABI MO?!"

Luh.

Kami na nga concerned sa hygiene niya eh.

 

 

 

-----

 

 

 

Sumilip ako sa kwarto ni Ate.

"Ate.." Mahina kong tawag.

"Oh?"

"Gising ka pa?"

"Minjeong."

Nagpapatawa lang eh.

Nakapatay na lahat ng ilaw sa kwarto niya, yung ilaw sa labas ang tanging source of light ng kwarto namin parehas.

Alas-diyes na ng gabi.

Na-reboot daw katawan ng kapatid ko sabi niya.

Ang aga niya kasi natutulog ngayon. Mga ganitong oras tulog na siya habang ako naman ay kausap si Karina bago siya pumunta ng cafe.

Nakataklob siya ng kumot at si Zero nasa paanan niya, mahimbing nang natutulog. 

Lumapit ako sa tabi ng kama.

"Nakatiyaya ka ba?"

Bahagya siyang sumilip mula sa ilalim ng kumot, kalahati lang ng mukha ang nakikita.

"Good, nakatiyaya ka naman pala."

"Seryoso?"

"Maglagay ka raw ng unan underneath your arm."

She skeptically looked at me.

"Para komportable braso mo." Dagdag ko pa. Ayaw maniwala eh.

Inabot niya yung isang unan sa uluhan. Tinulungan ko siya . "Pasabi thank you kay Karina."

"That was from me."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Fine, makakarating."

Nagtaklob na siya ulit.

"Good night, Minjeong."

Pfft.

Ang hirap kayang tumayo!

 

 

 

-----

 

 

 

"Ate." Humikab ako.

I overslept.

Alas-nwebe na 'ko nagising.

More than 8 hours yung tulog ko pero mas pagod pa yung pakiramdam ko ngayon. Kasalanan talaga 'to ni Zero!

"Ate -" My eyes widened pagtapat sa pintuan niya.

Lord!

LoRd!!

LOOORD!!!

Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko.

Kung kelan ako hindi sumilip?!

May narinig akong mga yapak papalapit sa kwarto ko.

Nakita ba nila ako??

"Oh?" Painosenteng tanong ni Ate pagtapat sa pintuan.

Kumaway si Ate Tiff mula sa likod niya. "You're up early."

Ang awkward..

Hindi ko siya matignan ng diretso.

"Morning.." Pilit kong bati.

"Let's have breakfast?" Aya niya.

"S-sure.."

Bumaba na siya.

Sinigurado kong out of earshot ang bisita namin bago hinarap ang kapatid ko. Nakaabang siya sa sasabihin ko, katabi si Zero na nakatingin lang din sa akin.

"Para saan ang pinto?" Tanong ko agad.

Confused siyang tumingin sa akin.

"For privacy." Ako na ang sumagot ng tanong. "Please close the door next time."

"Did I miss something?" Nalilito niyang tanong. "What -"

"As much as I am happy Ate Tiff is back in your life.." Hinudyat ko pa ang isang kamay. "ayokong mapanood make-out session niyo. Let alone in the morning! Nag-toothbrush ka man lang ba?"

Tumawa siya ng malakas.

Blangko namin siya tiningnan ni Zero.

"Baliw kang bata ka." Nagpahid pa siya ng luha kakatawa niya. "We were just talking. Maybe you saw us from a weird angle."

"I know what I saw."

"I get it, okay. You miss Karina."

Anong connect?

In the end, napagkasunduan namin na magsasarado siya ng pinto tuwing nandito si Ate Tiff.

Joke lang.

Walang napagdesisyunan.

Wag raw akong malisyosa kasi magkaibigan lang talaga sila.

Ooookaay..

Yan rin sinabi ko noon eh.

Look where I am right now..

Namimiss na si Karina.

It feels like ages ago since I last saw her kahit last week lang talaga yun. Ito na yung pinakamatagal na magkahiwalay kami.

We try to video call and talk if time permits.

Ang hassle ng time difference namin, sa totoo lang.

Good morning niya sa akin, reply ko good night. Breakfast niya, dinner ko na. Yung oras na gising siya, ako naman yung tulog. Lahat ng ginagawa namin ngayon magkasalungat. Ang liit pa nung window of opportunity para makapag-usap kami.

We leave messages, of course.

Kaso kasi, expired na yung appropriate time para mag-react sa messages namin minsan. For example, hindi kami makapag-knock knock jokes sa isa't-isa kasi kami lang din maiinip kakaantay sa 'guess who?' reply.

But so far, kinakaya pa namin. We're both busy now and we understand, luluwag din ang mga schedule namin. Sabi nga niya, konting tiis lang.

Okay..

Magtiis.. kahit ang hirap.

Hindi ako sanay na di siya nakakausap anytime I want without worrying na baka magising ko siya if I call her. Naninibago ako na hindi ko siya nakikita sa loob ng bahay. Sa Manila, punta lang ako sala, makikita ko na siya eh.

Mahirap pala maging luxury ang oras. Hindi nabibili.

Naunang bumaba si Ate nang tawagin uli kami ni Ate Tiff for breakfast. Pababa na sana ako nang tumunog yung phone ko sa table.

Si Karina.

Hala! Kanina pa pala siya nagme-message sa akin!

 


Karina: Tulog ka pa?
Karina: You're up! Don't leave me on seen!
Winter: I overslept. -_-
Karina: Good mooooorning, sleepyhead!
Karina: Took this pic earlier. Reminded me of you. :D
Karina: (picture)

 

 

Press call.

"Good mor -"

"Karina, mukha ba akong kabayo?"

"Anong kabayo? T-Rex yun! Hindi mo ba nakita yung short arms?"

Wha - 

Nagsend siya ng picture ng ulap na hugis kabayo. Apparently, that was just me but it was clearly a half horse rearing. Paano naging T-Rex yon?

"Saan ban - wait." I paused when I realized what she meant. She was giggling. "So, mukha akong T-Rex?"

"They're cute so yes, naalala kita."

Sige, oo na lang.

Ang importante, naalala pa rin niya ako.. kahit maging crocodile pa siguro ako sa paningin niya tatanggapin ko.

Nasa kwarto siya at nakapantulog na.

"Sinong makikitulog diyan ngayon?" Tanong ko.

"Si Ning." Sagot niya. "Kakauwi lang niya galing cafe, she's taking a shower first."

"Anong excuse niya sayo?"

"Ayaw daw niya makita si Giselle.

I snorted. "Pasabi hi."

"Sama daw siya sa video call mamaya."

Hindi ko alam anong trip ng grupo namin ngayon.

Nung kumalma na lahat, nagsiuwian na rin sila sa kanya-kanya nilang mga bahay pero may isang makikitulog lagi sa unit para samahan si Karina. We didn't realize it at first kasi si Heejin yung nauna, akala namin ayaw lang bumyahe kasi malayo ang tinitirhan niya. Na-realize na lang namin that's what they're trying to do nung turn na ni Chaeryeong.

I have to say, nakaka-touch.

I was worried na malungkot si Karina mag-isa sa bahay.

At least may kasama siya. Not that she needs it sabi niya but she appreciates the thought.

"Anong oras pala kayo natapos ni Zero?"

Suminghal ako. "Oh my god, hindi ko maalala."

Kaya talaga ako napagod eh.

Zero woke me up in the middle of night para ilabas siya, call of nature. Alam niya sigurong kailangan magpahinga ng original amo niya kaya ako yung dinila-dilaan sa mukha para gisingin. May tiny breathy barks pa right in my face as a call for help.

Paano ko naman tutulugan lang yun, diba?

Sobrang cute.

Pero hanggang doon lang ang cuteness.

Ang tagal niya kasing nag-iiikot sa backyard para hanapin ang 'perfect spot.'

"Constipated pa ata yung aso." 

"Babe!" She laughed.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Yeah, I miss her.

Pasalamat na lang ako advanced na ang technology I still get to see her everyday kahit na ba iba pa rin kapag kaharap siya in person eh. It feels more real than what we have right now. Unlike yesterday na naging cast ang bebe ko ng Pixels movie. 

Half the time ng videocall namin pixelated siya!

144p!

Nakakairita!

Low quality video of a high quality woman pero wag naman kami pahirapan pa lalo ngayon. Pinapahirapan na nga kami ng oras at distansya, pati internet connection makiki-join pa?

A little help would be nice.

Kahit 240p man lang sana?

We ended the call nung malaman niya na hindi pa ako kumakain. Narinig niya kasi yung pagtawag sa akin nila Ate na bumaba na. Tumawag na lang daw ako once I'm done.

Sinalubong ako ni Zero pagbaba.

"Pasalamat ka cute ka."

He tilted his head and then laid back against the floor.

"Papa-bellyrub ka pa saken?"

He wagged his tail.

"Ayoko nga." But I sat on the floor at ginawa rin. "Pinuyat mo ko."

Bumangon siya nang marinig ang tawa ni Ate. Tumakbo siya papuntang kusina.

"At iniwan mo pa."

Sumunod na rin ako.

Nagkekwentuhan sila Ate by the center kitchen aisle.

Umupo ako sa tabi ni Ate, both of us facing the wall tiles ng kitchen. Nasa katabing side naman niya si Ate Tiff, her seat turned to us.

They waited for me kaya hindi pa sila kumakain.

Uy.

Croissants and coffee.

Yung amoy pa lang ng croissants, alam ko na saan binili eh.

"Is this from..?"

"Yup." Ngiting sagot ni Ate Tiff pushing a white paper bag to the middle. "Your go-to coffee shop."

Oh my god.

"How did you know?"

Tinuro niya si Ate gamit ang pirasong croissant. "She asked me to get it for you."

Medyo na-touch ako dun.

"Reward kahit ang kulit-kulit mo." Aburidong sabi ni Ate.

"Baliw ka." Sita ko sa kapatid. "Ang aga-aga pinapunta mo si Ate Tiff dito."

"It's fine." Ate Tiff waved her hand dismissively. "I couldn't drop by yesterday so I thought of coming here earlier today."

Gandang-ganda lang ang kapatid ko sa sarili.

Kahapon lang hindi nakabisita si Ate Tiff pero kung bumawi, may kasama ng breakfast sa itinerary. Tinawagan pa nga yan kagabi para lang kamustahin ang kapatid ko.

Paano ko nalaman?

Ang landi tumawa ni Ate. Umabot hanggang 3rd floor.

Hindi lang yun.

Sanay na talaga akong sweet sila sa isa't-isa pero may ihihigit pa pala yon!

'Taeng, does it hurt?'

'Taeng, are you hungry?'

'Taeng, do you need to pee?'

Kung anong assistance ang kailangan ng kapatid ko sa kubeta, ayoko na lang malaman.

"And you deserve it. Your sister's a pain in the ."

"I'm sorry.." Singit ni Ate sa conversation, may laman pa ang bibig. ".. pinahirapan ko ba kayo in any way?"

"Do you really want me to answer your question?" Hamon ni Ate Tiff sa kanya.

Dear Lord.

Is this tension or is this flirting?

I can't tell the difference.

Bukas-sara ang bibig ng kapatid ko, hindi alam ang isasagot.

"Taeng, ang hirap mong paliguan."

Nasamid ako.

"Sorry. Mainit yung kap - sumabit yung tinapay. Don't mind me." Garagal kong sabi. Inabutan lang ako ni Ate ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 0 points #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u