That's my element.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

".. bakit nakasalawal lang ako?"

That must have done the trick in waking her up kasi nabilaukan siya.

She lay flat on her back, chuckling breathlessly as an arm went up to cover her eyes.

"Good morning din sayo no?"

"Babe, I-I'm serious." Sumandal ako sa headboard at pasimpleng hinila ang kumot to cover myself more. 

"Kasi sabi mo mainit." Inaantok niyang sagot.

Okay..

Yes, puro kami babae and kung anong meron ako, meron din sila pero mahiya naman sana ako. And I did it when I was out? Gawin niyo na 'kong patatas.

But fine, with underwear so maybe I can live with that.

".. pano ako nakarating dito?"

"Binuhat namin kayo."

Kami?

"Pati si Ning?"

"Yes."

"Huh."

Lasing din pala siya?

Ang naaalala ko.. normal naman pag-uusap namin kagabi. Or yun na ba yung usapang lasing kaya nagkaintindihan kami?

Lahat daw tinamaan pero pinawis nila yun nung pinagtulungan kaming buhatin papasok ng bahay. Muntikan na nila ipatawag si Kuya Mac para humingi ng tulong since gusto nilang makapagpahinga na rin. And believe it or not, everyone was careful daw not to make any sound when they carried us back to the house. Nahiya silang magising sila Ate.

Napangiwi ako nang kumirot uli ang ulo.

Bwiset.

"Masakit ba ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Karina when she placed a hand on my lap.

"Medyo."

"Tulog ka pa kaya?"

Umiling ako. "Nahihilo ako kapag nakahiga eh."

"Gusto mo isuka?"

"Uhm.." Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. "Pilitin kong isuka..?"

"Yes." Sagot niya na parang wala lang. "Or dukutin ko, gusto mo?"

Ang lambing ng delivery niya pero di ko mapigilan yung horror sa mukha ko. "No, thank you?"

"Mababawasan yan kapag nilabas mo." 

Now I'm bothered.

May follow-up question sana ako pero feeling ko masusuka na talaga ako kung itutuloy pa so instead, "I'm good."

Balik kami sa important matter on hand.

I looked at Karina hesitantly who still has a worried look on her face. ".. sinong nagbihis sakin..?"

Amoy bagong ligo din ako, actually.

Okay, let's not go there yet, self.

"Ano gusto mong marinig, yung totoo o yung makakatulog ka sa gabi?" 

Oh god..

Hindi na talaga ako iinom, promise!

Pwede ding drunk shopper na lang! Yung feeling rich version of me is way better than whoever that was!

Dahan-dahan siyang ngumiti. "Just kidding, babe. Ikaw nagbihis sa sarili mo."

Kung may lakas lang ako ngayon, hinampas ko na siya ng unan pero wala talaga eh. For now, my death glares will do.

"What?" Pagmaang-maangan niya.

"Not. Funny."

"Medyo funny."

She gestured.. all of me. "Di ko naiintindihan bakit ka natatakot sakin. I'm not that kind of person."

"Hindi yun." I said dismissively.

Ni hindi nga yun iniisip ko eh! Kung anu man yun.

"Please tell me ako ang nagpaligo sa sarili ko."

Natawa siya ng mahina. "Yes."

I was hoping na ako nga pero nakaka-impress ha. Alam ko pa rin pano maligo kahit naka-autopilot na lang. Nakaka-amaze. 

"Papaliguan ka namin sana kasi puro ka buhangin pero nagising ka pagpasok ng shower so.. pinalabas mo kami." She continued, filling me in with what really happened last night. "Ang hilig mo magpalayas no?"

"Thank god, yes." I let out a breath.

She grabbed the extra pillow and lay sideways, tapping lightly it to get the right fluffiness. "Bakit ka nahihiya sakin? I'm your girlfriend."

"Wag naman sana yung you'll see my glory for the very first time when I'm passed out." I reasoned. "Not cool. I'm better than that."

"Okay.." She nodded her head slowly in understanding. "Tapos lumabas ka ng bottom.. less."

"Or not."

We both laughed.

Jusko pati pagtawa masakit sa ulo.

"The lengths I went through just to cover you up. Did you know na bumaba ka pa para uminom ng tubig?"

"Oh god." Hinilamos ko ang mga palad sa hiya. "Wala akong maalala."

"Tapos gusto mo ulit lumabas ng bahay. Seriously, babe, pano kayo umiinom nila Lia dati? Hindi ka mapirme sa iisang pwesto eh."

"Lucky for us three, we always have that one person na nasa tamang.. you know.. mental condition para uminom." Nagbuntong hininga ako, leaning my head against the headboard. "I'm so sorry for being a handful."

She shrugged. "Nothing I couldn't handle."

Tatanggalin ko na talaga ang alak sa aking life!

Pero last na talaga. Willing naman siya to answer all my questions..

".. may iba pa ba akong ginawa prior.. or, you know.. nung humiga na.. tayo..-" Hindi ko matapos sentence ko.

Please lang, sana wala na.

"Wala na."

I looked around the room. "Bakit pala wala sila Ning dito?"

"Sabi ni Kuya Leng dun na lang daw siya sa room nila Tita."

"Pati si Giselle?"

"Nasa room nila Chaeryeong si Gi."

Si Yeji daw dapat ang kasama namin dito sa room pero dahil rumampa ako sa buong kwarto in my undies, kusa siyang lumipat sa ibang kwarto. Siya na raw ang nahiya for me.

Pero time out.

Kahapon ko pa 'to napapansin.

Pati sila, 'Kuya Leng' na ang tawag sa pinsan kong lalake, eh magkasing-tanda lang kami nun! Kaya ko lang siya tinatawag na kuya kasi nahawa ako kay Ning. Nahawa na rin sila.

Wala lang, nakakatuwa lang.

"Can we go back to sleep?" Karina yawned while checking her phone then placed it back on top of the table. "6:30 pa lang."

She grabbed my waist to pull me down but I didn't move an inch.

"Nahihilo talaga ako eh." Pagtanggi ko. "Inom lang ako ng kape."

She pouted.

"Balik ako, promise."

"Okay.." She pulled the sheets up to her chin.

I will never drink again.

Yan ang chant ng aking brain nung papalabas ako ng kwarto.

"Winter," Karina called making me stop turning the knob open and face her. Her eyes trailed down to my -

Hindi. Na. Talaga.

Nakiusap akong mag-cover siya ng mata para makapagbihis. I heard faint chuckles coming from underneath the sheets.

"Presko ba?"

"Shut it."

Tuluyan na siyang tumawa ng malakas.

Jusko buti mahaba-haba 'tong top ng pjs ko.

"Aww, don't be shy." She cooed. "Maganda legs mo, babe. You should flaunt them more often around the condo."

"Lagi akong naka-shorts. What are you even saying?"

She pulled the sheets down abruptly, revealing a smirking Karina. "Hindi ko sinabing with shorts."

With one last ayos ng pang-taas, blangko akong tumingin sa kanya. "Good bye."

"Noooooooooo -"

Sinaraduhan ko siya ng pinto but even though I did, I can still hear her laughing her off.

Ines.

Pero bakit medyo nakaramdam ako ng - nope. Too early for this. Si Karina kasi!

Anyway.

Never. Ever. Again.

Yan ang chant ng aking brain while walking down the stairs. I squinted when the rays of the sun hit my eyes.

Bakit ang taas agad ng araw?

May sarili na rin bang sun ang La Union?

I heard noises coming from the kitchen, seems like hindi lang ako ang maagang nagising. Walking lightly on my feet, sinilip ko sino ang tao sa kusina to be up this early.

Of course.

Si Auntie.

She looked up and was surprised to see me. Tumingin siya sa wall clock then back to me. "Bakit gising ka na?"

"Masakit po ulo. Magkakape sana." Nahihiyang sagot ko.

She invited me to join her in the kitchen, leaving the unfinished task she was doing beforehand. Dali-dali siyang naghugas ng kamay at pinaupo ako sa counter in front of her.

Ako sana ang magtitimpla ng kape but as an awkward person, ang hirap tumanggi kapag naunahan ka sa baso. Ipagtitimpla niya daw ako.

"Lasing na lasing si Neng kagabi." Napangiwi ako nang mabanggit ang anak.

"Sorry po. Di namin natantsa na nakarami na."

"Malalaki na kayo. Kampante din ako dahil mukhang hindi kayo papabayaan ng mga kaibigan niyo."

That's true.

Sabi nga ni Yeji - pumunta ng sober, uuwi ng lasing together.

Inuman code daw nilang apat yan dati pa. They make sure everyone's home safe and sound after a night of drinking.

Kaya malalakas ang loob uminom ng mga tao eh, maipagkakatiwala namin ang mga buhay sa isa't-isa. Literally. Nakakahiya pa rin siyempre but thankful mostly dahil napunta kami sa mga taong hindi kami iiwan.

Auntie smiled softly at me pag-abot ng coffee, nilapit din niya sa akin yung tinapay.

"Kumain ka ng kaunti bago uminom ng paracetamol. Nasaan na ba yung -"

"Nasa drawer po." Tinuro ko yung drawer sa likuran ni Auntie.

Medicine box ni Giselle. May first aid kit din from Yeji.

Inanunsyo nila yan sa buong bahay nung itinabi nila. Para alam daw ng lahat kung saan tatakbo if, god forbid, an accident occurs.

Auntie resumed chopping habang tahimik akong humihigop ng kape.

Tak!

Tak!

Tak!

Uhm..

Ang.. awkward. Pano ba 'to?

Nanghingi ako ng opportunity para makapag-sorry pero kailangan yung may hangover ako?

Do I do it now?

May chance ba later?

Teka, pano ko muna sisimulan?

"Kamusta ka na, Minjeong?"

Inangat ko ang ulo and was graced with a small smile, mukhang kinakamusta lang talaga ako. I cleared my throat. "Okay naman po."

"Mabuti at hindi ka nanibago nung unang uwi mo."

"Kasama ko po si Ning kaya hindi rin ako nahirapan."

"Buti nga raw kasama mo siya. Baka raw kinain ka na ng Maynila."

"Totoo po yun."

Maiksing tawanan aaaaaand.. awkward na ulit.

Nagsimula na rin kasi siyang mag-gisa ng sibuyas at bawang, na-divert yung atensyon sa ihahandang agahan. Tsaka, tumalikod siya nung kakamustahin ko eh.

Oo, alam kong nagrarason ako partly.

Napapitlag ako sa gulat nang humarap si Auntie bigla sa akin back to the worktop, bitbit yung kaldero ng kanin para ihanda bago isangag. Nginitian niya ako when she caught me watching her.

"Kayo po, kamusta?" I managed to ask after a while.

"Eto, awa ng Diyos, buto-buto lang ang sumasakit paminsan-minsan. Wala sa puso."

"Hindi naman po halata na may edad na kayo."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag mo akong binobola, Dong."

"Totoo po! Parang hindi pa senior." Pagpatuloy ko.

Natigil siya sa ginagawa at inangat ang tingin sakin, with a very offended look. "Hindi pa talaga ako senior, Minjeong."

"Oh.." .

Oo nga pala..

Umilag ako nung akmang papaluin ako ni Auntie. Pero pointless din kasi hindi naman niya ako abot. Hehe.

"Sorry na!" Lumayo ako sa counter.

"Uki -"

I-censor natin ang litanya ng tita ko. Mahaba-haba eh.

Bungisngis akong bumalik sa upuan.

"Batang-bata pa pala eh." Lambing ko.

"Tigilan mo ko ha."

Ngumisi ako. "Ilang taon po ulit agwat niyo ni Mommy?"

"Apat." She answered. "Malayo pa kami ni manang sa senior years kung nandito pa siya." 

Tumango lamang ako.

'Manang'. Tagal kong di narinig yun ah.

Just to be clear, di ako nalungkot. Tumalikod kasi ulit si Auntie kaya pinili kong manahimik.

"At kung nandito pa sila," Pagpatuloy niya habang binubudburan ng asin ang niluluto. ".. ipinagmalaki na kayo ng mga magulang niyo sa lahat."

I looked down at my coffee. "Sana po.."

Pagkatapos magsangag, bumalik ulit si Auntie to my front, and with a very proud look she said, "Kahit sinong magulang magagalak sa layo ng narating niyong magkapatid."

"Kahit po kayo?"

Alam niyo..

Kapal din ng pagmumukha ko minsan eh. Inaway ko na nga, hiningian ko pa ng validation.

Ewan ko ba.

May binudbod sigurong motherly love si Auntie sa kape ko kaya pakiramdam ko para akong batang ibinida yung artwork pagkauwi galing school.

"Oo naman." Magaan niyang sagot. "Pero mas masaya akong umuwi ka."

I know she wasn't lying.

Simula nung magkita kami kahapon and up until now, that's what I felt. Just.. overjoyed. And I felt.. embraced? Like how a mother would embrace her child?

Hindi ako nagrebelde pero.. prodigal daughter lang?

All joke's aside, it's probably why I feel like a kid again, because of her.

Tumayo nga naman siyang nanay namin and even if it was for a short time, she gave her best. Ako lang yung ungrateful child to pin all the blame on her, as if kasalanan pang inuna niya ang kinabukasan namin. 

If it weren't for her, Ate and I wouldn't be living a comfortable life. No wonder bakit ganun ang pasasalamat ng kapatid ko sa kanya.

And ako?

The only thing I should do now is to apologize and try to fix our relationship na honestly? Fix myself talaga yan kasi ako lang naman may problema noon, I chose to stay away.

I was such an .

But that changes today. Starting with this -

"Auntie?" Mahina kong tawag.

Tinigil niya ang paghuhugas bago humarap sa akin.

"Thank you."

Her eyebrows knitted in confusion. "Saan?"

"Kasi hindi niyo kami pinabayaan noon."

I can tell she was surprised to hear it.

I figured if she should hear anything from me, maliban sa long overdue apology ko, it should be gratitude.

Yung apology? I will do it next time, that's for the both of us eh. This one right here should be just about her, no one else.

"Parang kailan lang lagi kayong nakasalawal lang ni Neng.."

Uhh..

Bakit nag-flash sa utak ko yung scene minutes ago with Karina?

I ducked my head a bit lower. "Alam ko namang pinipigilan niyo po maluha pero bakit sa dinami-dami ng pwedeng maalala, yan pa?"

"Ang cute cute niyo kasi noon." Nakangiti niyang rason. "Tapos ang laki-laki niyo na ngayon."

Napaisip ako. "Noon lang? So di na kami cute ngayon?"

Naantala ang pag-uusap namin nang marinig ang yapak mula sa hagdan. Napalingon kami rito at inabangan kung sino ang bagong gising.

Si Ning.

Kalahating tulog pa nung dumiretso palabas ng bahay, gulo-gulo ang pagkatali ng buhok at nakapikit ang isang mata.

"Gising na rin pala ang ading mo." Bumalik si Auntie sa paghihiwa ng bawang. "Pakisilip at baka madulas yun sa pool."

"Sige po."

May hinahanap yung pinsan ko sa lamesa pagsilip ko mula sa pintuan. Naiwan ba niya phone niya?

"Minjeong."

"Po?"

Paglingon ko, nakayuko si Auntie sa ref at may hinahanap.

"Isama mo si Karina tuwing bibisita ka sa Pangasinan."

Ay, anong meron? Because it sounded more like a request than utos. So.. what's up?

Unless..

"Itatakwil niyo na po ba favorite pamangkin niyo?" Pagda-drama ko. "Siya na ba ang favorite niyo?"

"Oo, kaya isama mo siya palagi."

That made me smile.

If they like Karina more than me, then that means I found one that's worth keeping. Sakin wala silang choice kundi kupkupin, kadugo nila ako eh.

Pero ma-drama akong tao so - "Aray -"

Dumagundong yung karaoke. 

 

"Like a small boat

On the ocean

Sending big waves

Into motion

Like how a single word

Can make a heart open"

 


Kaya lang mas ma-drama ang pinsan ko.

"Hay, ubing." Napabuntong hininga na lang ang nanay niya habang binabalatan ang hotdog. "Oo di na kayo cute nung lumaki. Masakit kayo sa ulo."

"Mabait kaya kami!"

 


"THIS IS MY FIGHT SONG!!"

 


"Ano ulit yung sinabi mo, Minjeong?"

Ang hirap talaga manalo sa mga nanay.

 

 

 

-----

 

 

 

"Minjeong, your agent called."

Napatingin ako kay Ate who was sitting on a stool beside the pool table.

Now why would my agent call her?

"Magbawas ka raw ng bola, ang dami pa eh."

That made Karina lose her focus, she laughed as she stood up straight from her shooting stance. Tuwang tuwa siya sa kapatid ko nakipag-apir pa.

Magkakampi yan?

After namin mag-breakfast, nagpakiramdaman kaming magkakaibigan kung tutuloy ba sa Tangadan. Halos lahat may hangover kaya nagkatamaran at pinili na lang namin magpahinga muna. After lunch na lang daw kami umalis.

Dahil mga nakatunganga lang kami sa kawalan, naisip ni Karina ituloy na yung pool match namin.

Nag-level up yung dare, by the way.

Cliff jump.

With clothes thank goodness. Pero yun nga. Cliff.. jump.

Mas pabor sana yan kung wala akong hangover. Eh ang kaso, hindi ko na maintindihan kung saan ko iaanggulo ang ulo para less hilo tapos papatalunin ako sa tubig?

Pero umoo ako sa cliff dive. Kung pano ako napa-oo ni Karina, ayoko na lang maalala.

"Win, si Karina pa talaga hinamon mo sa bilyar?"

That didn't scare me.

"Turf niya kaya ang Navarra."

Well, I don't know where the hell Navarra is so it didn't affect me one bit. No, sir.

"Huy, weh??" Pagsingit ni Ning, Giselle nodded. "Lagi kaya a -"

"Neng, mag-ingat ka sa sasabihin mo, nandito si mama." Paalala ng kuya niya kaya hindi na niya itinuloy pa.

"Grabe kayo sa friend namin! Pambato kaya namin 'to!" Pag-cheer sakin nila Lia.

That reminder is what I needed.

Pambato ako nila akong dalawa kapag may naghahamon sa amin tuwing nasa sports bar. Gusto lang namin i-enjoy yung game over a few beers tapos may mayayabang na lalakeng lalapit? Hihirit pa na kapag nanalo sila, number namin ang kapalit.

Not me, bro.

Di tayo talo.

Okay.. I got this.

"Ilang round ba yan?" Ryujin asked after drinking her second coffee of the day.

"Best of 3," Karina answered then looked at me in a teasing manner. "She requested kasi natalo siya sa first game."

"Yikes." Napangiwi si Chaeryeong, patting my shoulder twice to console me.

Okay, medyo nag-crumble ang aking confidence.

Gulat is an understatement eh.

Shook to my core ako, mga bakla!

Thrice lang ako nakatira nung first game namin, yung isa scratch pa! Pwedeng: A. Kinalawang ako, B. Malas today, or C. She's that good.

C. She's that good.

Regrets.

Eto ba ang tema ng araw ko?

And it doesn't help na ang ganda-ganda niya. Seriously, nakaka-distract. 

Naka-white loose plain shirt and denim shorts lang siya pero kuhang kuha na naman ako. I had to remind myself the same woman was kicking my in this match.

Tinuro ako ni Heej, nakangisi. "Kabado bente na yan."

Nagkunwari akong walang narinig at nag-focus lang kay Karina - sa game pala.

"Ang serious ha." Ate said from the side, medyo gulat but definitely having fun na may tumatalo sa akin ngayon. Never pa siya nanalo sakin eh. "Tatalon ka lang, anong kinakatakot mo? Kung wala akong pilay, I'd try that, too."

"Sayang hindi niyo masyado na-enjoy La Union." Malungkot na saad ni Yuna.

"I had fun, guys. Pinanood ko lang kayo pero nag-enjoy ako. And we will do this again next time."

"Pupunta kami Coron next year! Sama po kayo!" Pag-aya ni Ryujin sa kanila.

Nagtinginan ang kapatid ko at ang manager niya. One of their telepathic usap.

"Kelan if ever?" Tanong ni Ate.

"April po." Sagot ni Yeji.

"Sorry, guys. Nasa tour ako by that time."

"May schedule ka na ulit?" Gulat kong tanong.

Kaka-ayos lang daw ng schedule niya bago kami umalis pa-Manila. Kung tutuusin, pwede na raw siya bumalik next month pero knowing na maraming aalma, namely me and Ate Tiff, she decided not to and instead, she'll focus on her full recovery.

The initial plan is February ang resume. Naka-hold pa yung announcement sa fans since wala pang progress yung therapy niya.

Binalik ko ang atensyon sa game.

Grabe si Karina. Nalingat lang ako, dalawa na lang bola -

Oh my god!

She missed!

Makakatira na ako sa wakas!

With renewed hope na pwede pa akong manalo, I walked towards the other end ng pool table. Sumunod si Karina at tumayo sa likuran ko.

"Bakit nandiyan ka?" Tanong ni Giselle sa kanya.

"Request niya." Natatawang sagot ni Karina sa kaibigan.

"Kasi nadi-distract ako." I reasoned, eyes on the yellow striped ball at tinatantsa yung right spot saan itatama yung cue ball.

"You're hopeless, Min."

"I know," I muttered to myself, pulling the cue stick about to take my shot.

Pumasok!!

Oh my god, I feel like crying!!

At parang gusto ko mag-celebrate nung nanalo ako sa 2nd round! Sabi na kailangan ko lang talaga ng warm-up eh!

Sa do or die round, pinagpawisan na 'ko sa kaba kasi parehas kaming may tig-isang bola left to pocket before the eight ball.

It was my turn, a lucky turn of events at that. Scratch yung last shot ni Karina which gave me a chance para makahabol.

Medyo serious na ang atmosphere. Wala nang nang-aasar, wala nang tumatawa. Kahit ang audience namin tahimik na. Di rin nila alam bakit pero invested na raw sila sa match namin.

Mas kinabahan ako when my last ball went it.

Eightball na.

Isa na lang!

Looking around the table for the closest pocket, I took a deep breath before bending down. Everyone was quiet, only the faint sound of the song playing from the speaker can be heard.

I got this.. ilang beses ko na ata 'to sinabi sa sarili since we started playing.

One last shot aaaaaand - What. The flying. Duck.

"Ayun lang." Hagikgiksan silang lahat nang hindi pumasok ang eight ball.

Ako? Nanghina sa kinatatayuan.

Maliban kasi sa hindi pumasok yung bola, nag-stop siya sa tapat ng mismong pocket which I was aiming for. As in isang pitik lang mahuhulog na hindi pa binigay sakin.

"Titira pa ba ko, babe?" Asar ni Karina sa akin.

"Siyempre." Kunwaring hindi kinakabahan.

Pero sana pala di ko na pinatira, sana pala tinanggap ko na lang ang pagkatalo. Mas nakakairita kasi yung triumphant smile ng jowa ko when the eight ball went in.

"Okay lang yan, Dong! May life vest naman."

"Lulutang at lulutang ka sa huli."

I stared blankly at Ning and Lia. I don't feel comforted at all.

"Bakit ka kasi nakikipagpustahan diyan kay Karina?"

"Actually."

"Eh dating baliw yan."

"Wow, thanks ha." Karina feigned hurt to her friends, returning her cue stick to the rack hanging on the wall behind me.

I glared at her when she flashed her smug smile. "You took advantage of my hangover."

"Ako ba nagsabing uminom ka ng marami kagabi?"

I rolled my eyes, full force pa rin ang pout baka maawa. "Hindi. Pero sana di mo masyadong ginalingan."

"Hindi ko nga ginalingan."

I stared at her blankly.

"Kaya ko nga pinalitan yung dare eh. Imagine kung same pa rin from last night, diba? Yun ang take advantage."

Tinakpan ko agad ang aking body.

"Ang kapal ng face mo. Paalala ko ginawa mo kagabi?" That's my cue to walk away from the conversation. "Wag kang maang-maangan."

Suminghal ako. "Di na talaga ako iinom."

"Sure, sabi mo eh." She smiled.

Tumulong ulit kaming lahat for lunch.

Nahihiya na kami sa tita ko eh, buong stay pinaglutuan niya lang kami. Ni-hindi nga ata siya naglakad-lakad sa labas. Though mukhang nag-eenjoy naman siya kakwentuhan ang mga kaibigan namin, lalo na si Chaeryeong. She developed some sort of fondness sa kaibigan ko.

"Chaeryeong, anak." Malambing na tawag ng Auntie ko.

Tumigil ang katabi ko sa pagpitas ng dahon ng kangkong. "Po?"

"May boypren ka ba?"

At parang may dumaan na anghel in our midst, natigil kaming lahat sa mga designated tasks on hand and tuned in sa pag-uusap nila.

"Wala po, Tita."

"Tamang-tama, walang nobya ang panganay ko."

Nabilaukan yung bata ko. ".. po?"

"Ma!" Pag-alma nung panganay sa may likuran ni Auntie, maluha-luha pa siya dahil sa hinihawang sibuyas.

Teka..

Parang.. parang..

Hindi ko maalala.

Tumingin ako kay Ning na nakatayo sa tapat ko, mukhang lost din ang memory niya from last night. May pinag-usapan kami related kay Kuya eh.

"Masipag at mabait yan."

"MAAAAAAA!" Pag-ungot nung panganay, may lone tear pa on his right eye. "Anong ginagawa mooooo??"

Tumingala si Auntie sa anak. "Naghahanap ng mabait na manugang. Baket?"

Manugang agad-agad?

"Baby po namin si Chaeryeong. Daan muna siya samin ni Lia." Sabi ko.

"Luh." Nilingon ako ni Lia na nakaupo sa kabilang side ni Chaeryeong. "Siyempre pasado na!"

"Huy. Screening muna." Paalala ko sa kanya.

Pangako namin yan ni Lia sa isa't-isa dati pa eh - kung sino man ang magbabalak umakyat ng ligaw sa bata namin, dadaan muna samin. Rigorous screening is mandatory.

"Pinsan mo na 'to, Minjeong." Pagkumbinsi ni Auntie sakin.

"Ma naman eh!"

Natatawa na lang kaming lahat kay kuya. Totoong luha na ba 'to, bakit may pumatak na rin sa kabila?

Pasimple niyang tinignan ang nili-link ng nanay sa kanya. "Nakakahiya sa tao."

Tinuon ulit ni Auntie ang atensyon sa manugang prospect. "Ano bang hanap mo sa lalake, hija?"

Habang ginigisa nila ang dalawa, well mukhang si Kuya Leng kasi lahat ng qualities na gusto ni Chaeryeong sa lalake binabato niya pabalik sa anak, napansin kong wala na pala sila Ate sa kusina. Nagpaalam akong aakyatin muna sila at baka may kailangan ang kapatid ko.

Bago ako pumanig ng hagdan, tinawag ko si Kuya Leng.

"Paalam ka muna samin."

"Huy, wag mo nga 'ko isama diyan." Sabat ni Lia. "Pasado na saken!"

"Si mama sabihan mo, bakit ako!" Pinadyak ni Kuya ang paa sa sahig. "Ma kasi!"

"Akong bahala sa pinsan mo, 'nak."

"MAAAAAAAAA -"

"Mali pala. Karina, ikaw na bahala kay Minjeong ha." Suyo ng tita ko sa katabi.

Nginitian siya nito. "Sige po."

"Uh, babe?" Pagsingit ko sa kanilang dalawa.

"Umakyat ka na." Pagtaboy niya sakin. "Kami na dito."

Pinanliitan ko nang tingin si Kuya. "I'm watching you."

"Stressssssss!"

Pagtungtong ko pa lang sa hallway ng mga kwarto, narinig ko na yung tunog ng plastic mula sa room nila Ate. Pagsilip ko, nakalatag yung isang maleta at tinutulungan siya ni Ate Jae mag-empake.

"You're leaving?"

Tumingala silang dalawa sa akin.

"Ihahatid namin sila Nang pabalik ng Pangasinan." Sagot ni Ate.

Umupo ako sa paanan ng kama. "Kasama maleta?"

"We're going back to Manila right after."

Nagulat ako. "Huh? Bakit?"

Tahimik lang si Ate Jae na sinasalansan yung ibang damit ng kapatid ko sa maleta.

"You should spend the last night without adult supervision."

"Hindi naman kayo pinapauwi eh.." Nag-pout ako.

Ate's eyes softened. "Alam ko, ano ka ba."

Tahimik kong pinanood sila tapusin ang pag-eempake ng mga gamit. Nang matapos, napansin siguro ng kapatid ko na nalulungkot ako.

Hindi naman kasi sila pinapauwi eh! Wala kaya sa plano 'to.

Tinapik ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u