Solidarity, sister.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"Bakit ako nasa kwarto mo?"

Nagtatakang tumingin sakin si Giselle. "You don't remember anything?"

"I.." I scanned the room again, memories from last night slowly coming back but nothing about this one. "Bits and pieces. I don't remember how I ended up in your room.."

She smirked. "Are you sure kwarto ko 'to?"

Huh? Then bakit siya nandito kung -

Oh no..

Mabilis kong sinilip sa likod ng cream curtain yung balcony habang nakaupo sa kama.

Plants.

No, no, no, no, no..

Nagbaka-sakaling pinagtitripan lang ako ni Giselle kaya naghanap pa ako ng ibang gamit sa kwarto that will not point to her. 

Binaling ko ang tingin sa study table na katabi ng balcony door.

Blue sticky notes.

The same ones I have in my drawer.

.

Tumingin ako kay Giselle sa pintuan.

"Ahuh." She said, smiling and nodding her head in satisfaction kasi napadpad ako sa kwarto ng kaibigan niya.

Gawin niyo na lang akong patatas, please.

Paano kung may nakakahiya akong ginawa kay Karina? Paano ba kasi ako napunta dito? Nasaan yung mga kasama ko?

Jusko naman, Minjeong. Bumalik ka na sa kapatid mo.

Halata ata sa mukha ko yung internal panic kaya natawa sakin si Giselle.

"Relax, Winter. Nothing serious happened." She assured me. "Bumangon ka na diyan, nakahain na pagkain. Si Ning naliligo sa taas, yung phone mo nasa sala."

That made me calm down a bit.

Lumabas na siya ng kwarto.

Binagsak ko ang katawan paghiga.

Aray, yung ulo ko.

Kung nakauwi kami ni Ning, sure akong nakauwi din yung dalawa. Imposibleng pinabayaan yun ng pinsan ko.

I swear, kapag nakita ko sila Lia papabalikin ko na sila sa mga lungga nila. Pwede naman kasi mag-facetime na lang or magcatch-up over a cup of coffee, kahit isang gallon pa kung gusto nila. Tapos lilipat sila dito?

Nope, hindi na mauulit 'to.

Inalalayan ko ang sarili palabas ng kwarto. 

May narinig akong humalakhak sa sala pagbukas ko ng pinto. Parang si Yuna ata yun?

What the hell.

Yung breakfast!

Seryoso, hindi ko ba naisip kagabi yung mga pwedeng mangyari kapag kasama ko yung dalawa? Tapos yung alak pa. Duda talaga ako kapag RGB yung kulay eh!

Sumilip muna ako sa pintuan kung may makakakita sakin from the dining area.

Walang tao kaya pumasok ako agad ng CR para mag-ayos.

Hindi ako haharap sa mga yun, lalo na kay Karina, na ganito ang itsura ko. Kailangan maganda ako kahit umaalingasaw sakin yung alak at lasang impyerno yung laway ko.

Binuksan ko yung cap ng toothpaste.

Okay, may sumuka.. may umiyak.. wala naman unusual. Tapos.. si Ning.. tapos may nag-aya ng..

Nanlaki yung mga mata ko nang maalala.

Mabilis akong nagtoothbrush at lumabas na ng CR.

Yung phone ko. Kailangan ko yung phone ko.

Garagal akong pumunta ng sala at napako din sa kinatatayuan ko nang sabay silang lahat tumingin sakin. 

Shet.

Si Yeji at Giselle naka-upo sa couch. 

Si Yuna nakasandal sa may island counter. 

Si Karina naghahain ng pagkain sa lamesa. 

Natigil silang lahat sa ginagawa nila.

Yung mga mukha nila either gusto tawanan itsura ko kasi nakalimutan ko magsuklay or gusto nila ako asarin. Yung hiya ko sa buong gabi bumalik at ako, gusto na bumalik sa kubeta.

Pwede bang hindi magpakita ng isang linggo?

"Fun night?" Bati sakin ni Yeji paglapag niya ng throw pillow sa tabi. "Worth it ang pag-cancel ko ng dentist appointment for this."

"Uhh..good morning?" Bati ko sa kanya, ngumiti ako ng bahagya. "Teka lang ha.."

Hinanap ko na yung phone ko sa sala habang nakatayo lang sa hallway, nahihiya pa lumapit sa kanila.

Wala sa center table.

Wala sa couch.

Wala sa tv.

"Looking for this?"

Nanuyot ang lalamunan ko paglingon kay Karina.

Bogus si Giselle! 

Ang sabi niya nasa sala, hindi nasa tao!

Palipat lipat ang tingin ko between her and my phone na hawak niya. Nagsama pa yung dalawang problema ko.

"Uhm..bakit pala ako nasa kwarto mo?" I asked.

"Bakit ka nga ba nasa kwarto ng kaibigan namin?" Napatingin ako kay Yuna na nakangisi sakin.

Teka lang kasi..

Binaling ko ulit ang tingin kay Karina.

"I - uhh..what happened last night?" I asked her again, dodging Yuna's question kasi girl, hindi ko rin alam! You tell me!

"Alam lang namin yung latter half." Sabi ni Yeji.

Namin?

Wala akong naaalala that involves all of them. Imposible naman mag-drunk text ako sa Unit 1117. I only buy stuff when drunk, not text stuff.

Kailangan ko talagang baguhin yung ugali kong yun.

"Uhm..pano niyo nalaman?" Curious kong tanong sa kanila.

"Sinundo ko kayo." Sagot ni Karina.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at bumaba ang tingin para alalahanin kung nangyari nga yun.

Nagpasundo ba si Ning..

Sa pagkaka-alala ko nag-grab kami..

Nakakahiya!

Sure akong madaling araw na kami nakauwi kasi yung huling check ko sa phone ko 12mn na. Pagod yung tao sa trabaho tapos sinundo niya kami. Ano na lang iisipin ni Karina sakin?

Sumakit lalo ulo ko.

Bawat minuto, may bagong information akong nakukuha at palala siya ng palala. Hindi ko na alam anong uunahin.

Okay..

Isa isa lang muna, Minjeong. Dun muna tayo sa lighter bad news, mamaya natin haharapin si Karina kasi boss level yan. Wala ka pa sa wisyo malaman yung nangyari at baka magkamali ka pa ng sasabihin.

"Uhm.. kunin ko na muna yung.." Nag-aalinlang kong tinuro yung phone ko na nasa kamay niya.

Para namang naalala din niya na hawak pa pala niya kaya naglakad siya papunta sakin para ibigay.

Chineck ko na agad phone ko habang nakatayo sa hallway.

Walang messages galing sa dalawa.

Hapon na nagigising mga yun kaya sigurado akong tulog pa sila. Ang galing, ang hihimbing ng tulog tapos ako gigisahin dito.

"Kumain na muna tayo, Winter." Bilin sakin ni Karina nang pumunta siya sa kusina.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin na ulit sa phone ko. Kailangan ko lang talaga i-check yung account ko. May naalala ako something about Boracay.

"Gising na ba yung isa, Yej?" Rinig kong tanong niya.

Bakit ang tagal mag-load ng transactions?

Natawa si Yeji bago sagutin si Karina. "Lasing pa ata. Bakit daw may anghel nung ginising ko siya."

That caught my attention and made me look at Yeji.

Anghel? Lips of an angel.. Kinanta namin nila Lia yun kagabi. Sa pagkakaalala ko, pinatugtog sa bar yun tapos magkakaakbay kaming tatlo na kumanta sa harap ni Ning.

Nag-creak yung pintuan sa likod kaya napatingin ako.

Halos lumuwa na mga mata ko sa laki nang lumabas ng kwarto ko si Lia, nagkukusot ng mata at nakahawak yung isang kamay sa ulo.

"What the hell are you doing here?!" Gulat kong tanong sa kanya. "Nasan si Chaeryeong?!"

She winced. "Wag ka sumigaw, Win. Masakit ulo ko."

Napatingin kaming lahat sa main door nang biglang sumarado ito.

"Umiksi life span ko sa inyong tatlo ha." Iritang entrada ni Ning.

At ayun na nga yung isa ko pang kaibigan. Para siyang batang nawawala at nakatayo lang sa likuran ng pinsan ko.

Paano sila napunta dito?

Minjeong, isa isa lang.

Suminghap ako nang makita ko yung transactions from last night.

"Win, pahiram damit. Amoy suka ako."

 

 

-----

 

 

"Winner talaga sinigang mo, friend!"

Compliment ni Yuna kay Karina.

Lunch time na pala kami nagising, akala ko umaga pa.

Dumating sila Yuna kanina para sa nakaplanong breakfast hangout and ang naabutan lang nila yung dalawang magkaibigan na nagkakape. Nang ikwento ni Giselle sa kanila yung nangyari kagabi, pinili nila antayin kaming magising. Gusto daw nila makita mga reactions namin.

Naawa kami kay Lia kaya pinaligo muna namin siya bago kumain ng lunch. 

"Humigop ka ng sabaw, Winter." Sabi ni Karina paglapag niya ng bowl sa harap ko. "It'll help with your hangover."

"Thanks." I smiled shyly.

Ramdam kong nagpipigil ng ngiti sila Lia sa tabi ko. Buti na lang busy yung iba kumain.

Ang sikip ng dining namin ngayon.

Last week apat lang kaming kumakain dito, ngayon na-doble na. 

Sumiksik yung dalawa kong kaibigan sakin tapos si Niing tumabi na lang din samin. Walang naitulong yung pag-upo ni Yeji at Lia sa magkabilang kabisera kasi kiskisan pa rin kami ng mga siko ngayon.

Tinaas ni Chaeryeong yung kamay niya to get Karina's attention, nasagi pa balikat ko. "Kami rin po may hangover."

Siniko ko siya. "Anong tri -"

"Akin na, bigyan din kita sabaw." Karina chuckled, looking at Chaeryeong.

Tumingin ako kay Karina.

She nodded, telling me okay lang.

Ito namang kaibigan ko. Paalala ko lang sayo sila nag-uwi satin ng buhay kagabi!

Tumayo ako at kinuha yung pitsel ng tubig sa counter.

Nakailang re-fill na ko ng tubig sa uhaw. Sinasalinan ko din sila Lia kasi gawain namin 'to pagkatapos uminom, lumaklak ng tubig. Hindi effective ang coke or kape sa amin para maalis ang hangover.

Pero itong sinigang, wow. 

"Nakatulong ba yung sinigang?" Concerned na tanong ni Karina sakin from across the table.

"Surprisingly, yes." I mused.

"Sinigang is the best hangover cure." Yuna claimed.

"Lalo na kung sinigang ni Karina." Proud na dagdag ni Giselle.

I agree. 

Dethroned na ang nilaga sa top 1 ko as best ulam. Sinigang na ni Karina. Sakto yung asim at anghang eh. Nakontra pa yung pag-ikot ng tiyan ko.

Magkakasunod din kaming natapos kumain. Nagpapakiramdaman pa kung sino unang tatayo sa lamesa kasi busog na busog lahat.

Bumalik na din sa wakas yung wisyo ko.

"Pwede kwento niyo na yung nangyari?" Tanong ko sa kanilang lahat, mukha naman ako lang walang may alam eh.

Yung tingin ng mga kasama ko kagabi parang gusto magrebolusyon.

"Kasalanan ko b -"

"Ginawa mong drumsticks yung mga pitsel, buti na lang plastic. Tapos pumwesto ka sa tabi ng entrance." Sagot ni Ning.

"Akala ko ba onti lang iinumin mo? Maka-order ka kagabi akala mo ang dami natin." Ngiwing sagot ni Chaeryeong. "Yung atay ko. My god, Winter."

"Tapos hindi kayo mapirme sa upuan niyo. Kapag bumalik na yung isa, may aalis ulit. Ayaw niyo bang magkakasama?" Iritang dagdag ni Ning.

Magjojoke sana ako pero tinitigan ako ng pinsan ko ng masama.

Sabi ko nga.

"Sumuka ka din pal -" Natigil si Lia at tumingin muna sa ibang mga kasama namin. "Sorry, guys. Pero yun, dumuwal ka."

Tumawa ng malakas si Chaeryeong. "Tapos nahigaan ni Lia."

"Puti pa naman suot ko kagabi!"

Yung mga mukha namin diring diri sa kanya. Ang dami daming pwedeng higaan, kung san pa ako sumuka. Gaano kamalas, diba?

Teka. Galing siya sa kwarto ko -

"Tapos humiga ka sa kama ko?!"

"Hindi siya umabot sa kama." Singit ni Yeji, natatawa. "Baka gumapang pa nga. Yung itsura niya kasi sa sahig parang.." inangat niya ang kamay para i-reenact. "must.. make.. it.. to.. bed."

Tumatawa kaming lahat nang mapansin kong nakatulala si Lia kay Yeji. 

Sinipa ko siya para umayos.

"Ouch!"

Oops. Wrong foot.

Sumilip si Karina sa ilalim ng lamesa.

Effective pa rin naman kasi nakuha nun atensyon ni Lia. Na-gets niya na para sa kanya talaga yung sipa kaya tumingin siya sakin. You're welcome ha? 

Karina eyed me suspiciously.

Nagpatay malisya ako.

Narinig kong dumaing si Ning sa tabi ni Chaeryeong. "Ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u