Tayo.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"How do I look?"

May pag-aalinlang akong tumayo sa harap nung tatlo.

Lia.

Ning.

Chaeryeong.

Tama ba ko ng pinagtanungan?

Dapat yata yung kabilang kampo ng palayag na barko pinapunta ko para tumulong sakin. Baka mas okay yung feedback nila sa ganito.

"Win, my friend.."

"Dong, picnic ba pupuntahan niyo?"

"Nice pa si Ning eh." Walang ka emo emosyon na sinabi ni Chaeryeong. "Ikaw ba yung picnic mat?"

Tumawa silang tatlo.

Mali nga ko ng pinapunta.

Walang nakakatawa!

Gets ko na bakit paulit ulit akong tinanong ni Karina nung isang araw kung sigurado ba ko kasi alam niyang mago-overthink ako. System overload na talaga yung utak ko kakaisip na magda-date kami ni Karina!

Di pa nga ako makaget-over sa nangyari nung isang araw tapos ngayon magda-date kami.

Ay, wait.

Parang baligtad lahat ng nangyari? Nahuli na yung date.

Pero kasi..

Totoo bang nangyayari lahat 'to?

Panaginip lang ba 'to? 

Kasi kung oo, pakigawang totoo rin sa realidad para masaya rin katawang lupa ko. Kasi yes, masaya ako. Understatement pa yan!

Ecstatic?

Bliss?

Rate your happiness, 1-Karina.

Highest level po tayo.

Nung isang araw pa niya ako inaaya lumabas pero lagi ko siyang tinatanggihan kasi gusto ko maayos, kahit ngayon lang.

I want a proper first date.

Hindi yung bara bara lang, kung ano maisipan.

I'm all for anything goes kasi hello, ako yun eh.

But I want to do it for Karina knowing how she is.

Serial planner pa talaga nagustuhan ko.

Maliban sa may main plan yan, naghahanda pa yan ng backup plan. Meron siya from A-D para walang makulusot, walang loophole.

Talk about our difference.

Sure na ba ko sa pinapasok ko? Sure na sure po, walang atrasan, walang bawian.

Tinawagan ko kahapon lahat ng pupuntahan namin to check kung open nga sila tomorrow. Sa mga ganitong pagkakataon, wala akong tiwala sa nakasulat sa internet.

Open today.

Parang kapag nagco-compute ka, 100+100 na lang gagamitan mo pa ng calculator.

Paulit ulit ko pang binasa yung review section nung resto kung masarap ba talaga yung food. I was so close to eating there by myself para lang ma-test kung masarap nga.

Jusko po.

Ayokong basta basta lang itawid yung date, kung anong binitawan kong salita kay Karina, kailangan malagpasan ko yun.

'I might surprise you.'

O ano ako ngayon?

Magdusa ka, Minjeong.

Kakaisip ko ng gusto ko mangyari, iba naging epekto sakin. Pati mga pwedeng mangyari na on brand sa pagkatao ko, inisip ko na.

Which is malas.

At hindi nga ako nagkamali.. ulit.

Sumenyas ako sa kanilang tatlo na tumalikod para makapagbihis ako.

Si Lia inikot yung upuan.

Si Ning at Chaeryeong nagtakip ng mga mata gamit yung kumot ko sa kama.

"I have 2 hours left bago ko sunduin si Karina sa cafe, baka naman gusto niyo na kong seryosohin?"

Isa isa kong tinanggal yung butones, pahapyaw na tumitingin sa mga kasama ko kung nakatalikod nga sila. Nagsuot na muna ako ng t-shirt.

"Nasaan na kasi yung damit na binili mo nung isang araw?" Tanong ni Lia.

"Hindi kasya.." 

Kumalampag yung hanger pagsabit ko sa cabinet dahil sa inis sa sarili.

Badtrip talaga.

"Panong hindi kasya?" Tanong ni Ning.

Huminga ako ng malalim at napapikit bago sagutin ang tanong ng pinsan ko. "Maling size nabigay ni ate sakin.."

Pumalya pa sa wardrobe.

Isa-isa kong inis na hinawi yung mga damit kong nakasabi para maghanap na ulit.

Bakit kasi di ko chineck yung damit bago umalis?

Hawi.

Bakit di ko naisipan silipin yung tag sa kwelyo?

Hawi.

Ngayon alam ko na bakit may nakasabit na plaka sa stores.

Check your items before leaving.

"Bakit di mo binalik?" Tanong ni Chaeryeong.

Eto.

Eto yung part na gusto ko na lang iiyak.

"Napansin ko lang nung sinuot ko na kanina.."

Nilabhan ko na't lahat, hindi ko pa napansin.

Hindi ko nga tinapon lang sa washing machine eh?

Handwash pa ginawa ko??

Sinampay ko pa???

Hindi ko napansin na parang may mali sa damit????

Kulang na nga lang i-display ko yung damit sa kama katulad ng ginagawa ko noon nung bata pa ako kapag may fieldtrip kinabukasan.

Kumuha ako ng isang damit at pinagmasdan kung okay bang suot para mamaya.

Hindi talaga eh.

"Bakit di mo tinakbo? Dun ka naman magaling."

"Seryosohin niyo na ko, please lang." Irita kong sagot.

Hagikgikan si Lia at Ning pagharap ko sa kanila.

Hindi ba sila naaawa sakin? Buti pa si Chaeryeong mukhang naawa na.

Tumayo siya mula sa kama at pumagitna saming tatlo.

"How 'bout we all calm down, hmm?" Tumingin siya sa lahat bago humarap sakin, "Nakailang cups ka ba ng kape, bakit ka ganyan?"

"Chaer, wala akong tulog."

Sabi ko pa kay Karina kagabi, matulog kami ng maaga kasi excited ako. Tapos etong magaling kong utak, pala-desisyon sa buhay. Naglakbay.

Yung utak ko nag-overdrive ng mga scenarios lang kagabi.

Tumiyaya na ko, tumagilid, uminom ng gatas, at nagbilang ng tupa pero hindi ako nakatulog kagabi. Pinagsamang kaba at excitement yung naramdaman ko pero mas nangingibabaw yung kaba.

"Gets. Pero bakit ka nga ganyan?"

"Because I'm freaking out!" Inis kong sinabit yung hawak na damit bago humarap sa kanya, hopeless. "Pano kung underwhelming yung date for her? I just want it to be perfect, Chaeryeong."

Hinawakan ni Chaeryeong yung bagsak kong balikat bago tiningnan.

"Winter, relax. It's just a date."

IT'S NOT JUST A DATE.

IT'S OUR FIRST DATE.

Na-stuck sa utak ko yung first date.

Okay lang sana kung mala 50 First Dates 'to na pwede ka makabawi every day to make it special kaso hindi. Eto yung forever na namin maaalala.

Wait, ang pangit pala ng reference ko kasi may short-term memory loss si Drew Barrymore sa movie.

Erase, erase!

"Isang damit lang ba binili mo?" Tanong ni Chaeryeong.

"Isa lang." Malungkot kong sagot.

"Uso naman oversize shirts, ayusin na lang natin." She suggested.

"Okay lang kaya maging 90s ricky martin? Kasi hapit sakin."

Naisip ko naman suotin pa rin kaso si Ricky Martin talaga naalala ko nung tiningnan ko na ang sarili sa salamin. Livin la vida loca era.

White blouse na medyo mataas ang kwelyo, hapit sa buong katawan.

Pormahan kaya yan nung 90s.

"I have a.. hmm.." nag-isip muna siya, para niyang nireview sa utak yung mga damit na meron siya sa cabinet. "maroon shirt downstairs that'll look good on you. Gusto mo ba hiramin?"

I frowned. "Maroon? But -"

"Oh my god, you're hopeless."

I appreciate Chaeryeong's help compared dun sa dalawang pinagtripan lang ako. Hindi ko na rin alam sa sarili ko bakit nagmamatigas ako ngayon, ayan na yung tulong eh.

Pero yung binili ko kasi yung perfect shirt eh!

Napalingon kaming lahat kay Ning nang tumunog yung phone niya, dial tone.

"Sino tinatawagan mo?" Nakakunot-noo kong tanong.

"Edi yung magpapakalma sayo."

Pipigilan ko na sana siya pero yung dalawa pa naming kasama naging kasabwat niya bigla. Hinawakan ako sa magkabilang braso at tinakpan pa yung bibig ko para di ako makapagsalita.

"Karina?" Bungad ni Ning pagsagot ng tawag.

"Yes, Ning? What's up?"

Nagpumiglas ako sa pagkakagapos sakin nila Lia pero walang epekto. Hinatak nila ako papunta sa upuan ko, still covering my mouth.

Oo na nga, di na nga magsasalita!

"Kung trashbag suot ng ka-date mo, lalabas ka pa rin ba kasama niya? Asking for my.." inapakan ko siya sa paa. "aray!"

"Kasama mo ba?"

"Yup." Ngiwing sagot ni Ning kay Karina, rubbing her other foot sa kabila to ease the pain.

"Panic mode?"

"Yup."

"Am I on loudspeaker?"

"Yup."

"Winter, if I don't see you here in 2 hours, hihilain kita palabas ng bahay."

Dapat ba matakot ako don? Kasi.. kinilig lang ako. Normal pa ba 'to?

"Yun na yung threat, Karina?" Tanong ni Chaeryeong.

"Di ko kailangan manakot. She's going out with me whether she likes it or not."

"Ay, rawr." Side comment ni Lia, ngiting aso sakin.

"Can I talk to her?" Karina asked, "Mabel, pasuyo muna."

Nakakahiya.

Nagtatrabaho yung tao!

Inabot sakin ni Ning yung phone at saka inirapan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hi, Karina."

"Hi, Karina!"

Nilapit pa nila Chaeryeong ang ulo sa phone ni Ning.

"Hi, guys!" Masiglang bati ni Karina sa mga kaibigan ko.

I turned off yung loudspeaker, huminga ng malalim bago nilagay sa tenga ang phone.

"Hello?" Bati ko.

"Hey." Malambing niyang tawag, rinig ang kaluskos ng plastic sa background. "What's wrong?"

Para akong bata na humaba ang nguso. "Wala akong masuot."

This time si Nico naman ang tinawag niya saglit at may pinasuyo.

Marami yatang customers, medyo maingay eh.

"Sabi mo wear something comfy, diba?" Sabi niya. "Edi yun suotin mo. Plano mo ba maglong gown?"

"Karina naman eeehhh."

Tumayo na ko papunta sa sulok ng kwarto ko, sa may bandang pintuan.

Yung tatlo kasi nakangiti sakin habang nakikipag-usap ako. Ang awkward?

"I'm joking. Kahit mukha kang pupunta ng picnic, I'd still go out with you. Ikaw ilalatag ko."

Picnic -

Sinamaan ko ng tingin ang salarin, di ko alam sino sa kanila, basta yung tatlo.

Sino nagsend sa kanila ng picture ko??

I groaned.

"Winter," tawag ulit ni Karina. "we'll have a great time, relax. I'll see you in 2 hours, okay?"

I huffed. "Okay.."

"Kapag may nakita kang naka-peach, that's me."

"Kapag may nakita kang walang saplot kask wala akong mapili, that's me."

"Too early, that's for later.." her voice low. "..after ng date."

Nanlaki mata ko sa pinapahiwatig niya.

"KARINA, THAT'S NOT WHAT -"

I heard her laugh. "Sige na, I have to go."

We dropped the call.

Napailing ako sa sinabi ni Karina.

Hindi kasama sa plano ko yun!

Hanggang kiss lang nasa isip ko!

Di pwede!

After a gruesome 1 hour and 30 minutes kasama yung tatlo, nakapag-ayos na rin ako.

Naging girl bonding pa yung nangyari, nagsuot na rin sila ng damit ko. May kasama pang panglalait kasi baka raw this time, sipagin na ko mamili ng damit.

Mga salbahe!

Hindi ko naman kasi trip ang shopping.

Namimili lang ako kapag may special ocassion. Like this one.

Actually, hindi talaga ako maluhong tao. Galante ako sa iba pero sa sarili ko hindi. Ewan ko, mas gusto ko pang mamili ng instruments kesa sa damit.

I grabbed everything I need for later from the table.

Phone, wallet, keys.

Jusko.

30 minutes na lang.

"Insan," tawag ni Ning. "umupo ka nga. Nahihilo ako sayo eh."

Pagkatapos kong mag-ayos, palakad lakad lang ako sa kwarto. Hindi talaga ako mapakali eh.

Tumabi ako kay Chaeryeong sa kama.

Okay, this is better.

28 minutes na lang.

Hinawakan ni Chaeryeong yung hita ko. "Wag kang kumuyakoy, naaalog yung kama."

"Bakit ka ba kinakabahan?" Tanong ni Lia.

"Di ka ba kinabahan nung inaya mo si Yej?" Agad kong tanong sa kanya.

"Hindi."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag tinawagan ko ngayon si Yej, parehas kayo ng sagot?"

"Kinabahan. Pinagpawisan. Nanlamig. Worse, ang ganda ng mata ni Yeji pero hindi ko siya natingnan sa mata."

See?

I'm not the only one!

"Nasaan na flowers mo?" Tanong ni Chaeryeong sakin.

Flow..? 

Crap.

Holy crap.

INTERNAL SCREAMING.

Napapikit na lang ako sa inis.

"Nawala sa utak mo?" Rinig kong tanong ni Ning. "Okay lang yan, ano ba naman yung wala kang flowers, diba?"

"Yeah, di naman masyadong mahilig si Karina sa halaman." Sarcastic na sabi ni Chaeryeong.

"Win, di importante yon." Lia pat my back. "Daanin mo na lang sa charm mo."

Ano ba.

Bulaklak nga sumampal sa mukha ko tapos yun pa nakalimutan ko?? May oras pa kaya akong tumakbo sa gateway?? Baka may flower shop don. Tatakbuhin ko na!

Sinilip ko yung oras sa phone -- 8 minutes na lang?!

Anyare?!

Mabilis akong tumungo palabas ng kwarto.

Napanganga na lang ako sa naabutan ko.

Anong.. ginagawa ni Karina dito??

I saw her sa may dining namin, nilalapag yung mga gamit niya.

"Ready to go?" She asked, smiling.

"What are you doing here?" I asked, kunot ang noo.

I guess bye, flowers.

Lumapit ako sa kanya, nakaawang ang bibig.

"Picking up my date, baka di ako siputin eh." She answered, "oh, this one's for you."

Slowmo kong kinuha ang inabot niyang cup.

"One iced latte for Winter." She winked. "May in-depth report akong natanggap kanina, wala ka raw tulog."

Napakurap lang ako pag-angat ko ng tingin sa kanya.

Better than flowers.

"See?" Tiningnan niya ko from head to toe. "You look cute naman ah?"

Sumimangot ako. "Wala naman bago sa suot ko, ganito naman ako manamit."

"Exactly."

Nagsettle na lang ako sa black flannel polo with white shirt as panloob. As if naman may ibang choi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u