Change of plan, Win.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Ever had that feeling na gusto niyo mapag-isa?

Maybe to just think?

Difference ko lang with other people is I don't need to ask anyone kasi literal wala yung mga tao.

Mag-isa lang ako dito sa unit the whole day.

Akala ko ito na yung pagkakataon na mabibitawan ko ang mga katagang -- I want to be alone.

Engk!

Si Ning umuwi sa amin.

May pinapaasikaso sa kanya si auntie sa munisipyo, yung business permit ng water station nila. Pinsan ko lang nag-aasikaso nun kaya kailangan niya lumuwas.

Duda na talaga ako kay Ning eh.

Pangalawang uwi na niya pero hindi niya ako inaya.

Okay, para fair. Pangalawang uwi na niya pero hindi pa rin ako sumasama.

Nabanggit ko kay ate Taeyeon yun nung isang araw pero dinedma niya lang sinabi ko. Napagalitan pa nga ako kasi bakit daw hindi pa ako umuuwi.

Pwede bang humuhugot muna ako ng lakas?

I know everything is good sa pamilya namin pero nahihiya pa ako magpakita kay auntie.

Si ate Taeyeon naman busy for rehearsals.

Nung nakausap ko siya, preparation daw nila for the tour. Wala pang final schedule pero babalitaan niya ako agad kung may asian leg. Pinipilit niya yung label kasi miss na daw niya ako.

Miss ko na rin siya, sa totoo lang.

Sinumbong ko sa kanya si Karina!

Akala ko pagtatanggol ako ni ate pero hindi, tuwang tuwa pa siya. Masyado daw akong mabait dun sa tao, sumusuko ako agad sa asaran.

Hindi ah!

Si Chaeryeong bumisita sa mga kamag-anak nila dito.

Masama pa naman loob nun sa mga tita niya.

Alam niyo yung mga tita na pinagchichismisan buhay mo? Tapos bawat tita may iba't ibang version ng kwento tungkol sayo? Ganun na ganun ang mga kamag-anak niya.

Aboridong aborido si Chaeryeong kapag nagkekwento siya about them pero wala siyang magawa. Mga kapatid ng tatay niya yun eh.

Panigurado may pinasuyo si tito kaya tinitiis niyang kasama sila ngayon.

Si Lia.. nasaan nga ba si Lia?

Joke lang.

Lately may pinagkakaabalahan siya eh. Sabi ni Chaeryeong lagi daw naka-ayos at nagpapabango pa. Ang dating tuloy dugyot pa ang kaibigan namin.

Hindi naman sa ganun.

May kutob ako nasaan siya but I might be wrong. It would be better if antayin ko na lang siya lumapit sakin para magkwento.

Pero tao lang ako kaya kahapon hindi ko na natiis.

Sabi ko sa kanya kung kailangan niya ng tips, lapit siya sakin.

Aba, humagalpak lang!

'No offense.' sabay tingin sakin from head to toe.

How dare she.

Nanay nga ni Karina hindi ginawa sakin yun, tapos siya? The audacity.

'Thanks for the offer but I am covered.'

Wag niya akong ma-cover cover.

Kilala ko kaibigan ko. Laging kabado yan sa umpisa until someone gives her that push.

Ako usually yun pero mukhang hindi na ngayon. Ang sakit pala maagawan ng pwesto sa buhay ng kaibigan? Dati manghang mangha pa siya sakin kapag sinasabi ko sa kanya dapat niyang gawin pero ngayon hindi na..

Joke, nagda-drama lang ako.

Kung sino man yun, sana magaling siya mag-advice sa kaibigan ko kasi it's about time.

Pero sana may mag-advice din sakin.

Nung isang araw ko pa kasi iniisip 'to eh.

May nagbago ba kay Karina?

Ganun pa rin naman siya, diba?

Wala lang.

After kasi nung weekend.. siya lang naman laman ng utak ko.

Ilang beses ko na inulit sa utak ko lahat ng nangyari, every detail, para makita kung anong nagbago. Sasabog na utak ko kakaisip.

Nung isang araw, napansin ni Chaeryeong na kapag binabanggit ko raw pangalan ni Karina, automatic yung ngiti ko. Basis daw yun kapag gusto yung tao eh.

Hindi ba pwedeng nakakatawa kasi yung kwento ko about her?

"Karina." bulong ko sa hangin.

Wala naman!

Kapag hindi ko kasama si Karina, lalo pang dumadami mga tanong sa isip ko.

Kumain na ba siya?

Anong ginagawa niya ngayon?

Kamusta na kaya siya?

Magkekwento naman siya sakin after a long day at work pero mag-aantay pa ko hanggang makauwi siya. Ang tagal pa nun eh!

If I ask her baka mahalata naman niya. 

Kaya pumupunta ako sa isang lugar na masasagot mga katanungan ko. Balita ko kasi mahilig siya dun eh.

Ig stories.

Gumawa pa ko ulit ng account!

I used to have one but I deleted it. Parang gusto ko lang magbawas ng social media dati kahit hindi ko naman ginagamit.

Kaso masyado akong obvious.

One time, kaka-share lang niya '1s' ago, pinanood ko na agad. Tapos nagmessage siya sakin, screenshot ng story niya with an arrow pointing yung lower left part ng screen.

'Your thumbnail says hi.'

Bwiset!

Kaya yung next story niya, pinanood ko after 5 minutes.

Safe na yun.

Longest 5 minutes of my life.

Hindi naman ako binigo ni ig kasi updated nga!

Though puro pagkain or yung cafe laman ng story niya, okay lang. At least updated ako sa ginagawa niya kahit papano.

May bonus pang pictures niya!

Ilang araw ko na rin bina-browse yun paulit-ulit, from latest to the oldest post.

Okay na sana kasi wala akong na-like nung mga nakaraang araw pero kanina nadulas yung phone sa kamay ko!

Pag-angat ko ng phone, gusto ko na ulit itapon.

'To the best dad ever..'

Na-like yung birthday post niya for tito Ice!

Binawi ko agad yung like! 

Hindi naman nag-notify yun diba? Kung oo, pwede kong sabihin na glitch lang yun.

Tama yan.

Ang smart mo talaga, Minjeong.

Umilaw yung phone ko na nakapatong sa lamesa.

Pagsilip ko, it's her..

 

Karina: Winter.
Karina: Did you leave?
Karina: Wala ka sa room mo eh.

 

Oo nga pala.

Nandito ako sa balcony. Hindi ko hinawi yung kurtina kaya siguro hindi niya naisip na nandito lang ako.

Alone time, you know.

 

Me: Kwarto ko ba una mong pinupuntahan pag-uwi?
Karina: Wag ka nang bumalik dito. :)
Me: Ang pikon. Nasa puso mo lang ako.
Karina: Yan na yun? Humihina ka sa witty comebacks mo.

 

Humihina?!

Marahas kong binuksan yung door. "Anong pinagsasabi mo? Nagwa-warmup lang ako!"

She was surprised but quickly recovered.

"There you are." She greeted me with a big smile. "Kumain ka na?"

Natigilan ako.

Nawala yung pagbusangot ng mukha ko when I saw her.

Nakita ko naman siyang umalis kanina. Ganun pa rin naman suot niya, navy blue knitted longsleeves and jeans pero bakit sobrang ganda niya ngayon?

Nagtrabaho ba talaga 'to?

I cleared my throat.

"Not yet, inantay kita." Sagot ko.

"Okay, I'll cook. Mabilis lang 'to."

See?

Maasikaso pa rin naman si Karina.

Walang nagbago dun.

Na-gets ko na bakit gustong gusto ng mga tao sa unit namin. Ang homey kasi ng vibe dahil sa nakatira. Op, hindi ako kasama diyan, siya lang yan.

She exudes that calming feeling kaya you'd want to be around her.

Mas bumubuntot na nga sa kanya si Chaeryeong kesa sakin.

Naglakad ako papuntang kitchen. "Wag na. Nagluto na ko."

"Oh."

Naghain na siya sa lamesa ng mga plato at baso, ako nagpainit ng ulam.

Hindi naman sa pagmamayabang pero nagluto ako ng afritada.

Ha!

Nung kumakain kami, bilib na bilib siya kasi masarap daw yung niluto ko, saan ko raw natutunan.

Okay na sana kaso humirit ng 'no offense.'

Yan na naman yang no offense na yan.

Yes, offense!

Dalawa na sila ni Lia!

But I would like to give my thanks to the genius behind a certain website. The man I look up to kahit hindi ko alam pangalan or mukha niya.

"Sa panlasang pinoy dot com."

Natawa siya. "You could've just messaged me. Tutulungan naman kita."

Ayan.

Ganyan pa rin naman siya.

She always helps me sa mga ginagawa ko or anything na maisipan kong subukan.

Tinulungan niya ko dun sa new babies ko -- we going herb gardening!

Oh, yeah!

Tuwang tuwa siya na kumuha ako seeds ng rosemary, thyme, basil, pati siling labuyo.

Ang mahal kaya ng sili sa grocery!

Yan din kinuha ko kasi para sa kanya pa rin yun eh.

Yes, praktikal tayo dito.

Makakain ba ni Karina ang roses? Hindi. Kung pwede nga magtanim ng gulay dito, baka kumuha din ako nun eh.

Pero di niya gets bakit isang sako ng lupa kinuha ko, hindi ko rin alam. Ang weird ko nga siguro talaga mag-isip minsan.

Kahit sa newest venture ko, supportive siya.

Crochet.

Para kaming mga ewan na nanonood ng tutorial video pano gumawa ng pouch nung isang gabi. I even connected my phone sa tv para kita namin yung details saan ipapasok, ang liit kasi sa phone ko.

'Wrong hole, Winter.'

'Tama kaya pinasukan ko.'

'Alam niyo, ang dumi pakinggan.'

Kung maka-comment si Giselle, akala mo hindi nakinood sa amin.

Bumalik pa ako sa national kinabukasan para lang bilhan si Karina ng sarili niyang crochet hook. Nag-agawan kasi kami dun sa binili ko.

Naghanap na din ako magandang klase ng yarn para samin.

Baka next month, yung covers ng throw pillow namin puro handmade na.

"Nagwo-work ka eh. Ayokong maka-istorbo." Kaswal kong sagot.

"This is really good." She said, not looking at me kasi busy siya sa kinakain niya.

We stayed sa dining after kumain.

I let her rant about Charm na hindi na naman daw pumasok.

SL.

Surprise Leave.

Bago pa rin naman daw yung tao sa work so baka naga-adjust pa. She understands kasi overwhelming naman talaga yung trabaho sa cafe. Maayos rin naman daw magtrabaho kapag nandyan.

"What'd you do the whole day?" Tanong niya.

"Tinitigan mga halaman ko."

She chuckled. "They don't grow that fast."

"Impatient ako." Nakakunot ang noo. "Binuhos ko pagmamahal ko sa kanila kaya magpakita na sila sakin."

"Pumunta ka na lang dapat sa cafe."

I scrunched my nose. "Pinagtitinginan ako dun eh."

Tinaasan niya ako ng kilay. "May tumitingin sayo?"

Aray ha.

"Meron, ikaw." Seryoso kong sabi.

"Did you catch me looking at you?"

Napakurap ako when I saw that playful smile. ".. yes."

Nakita ko na 'to.

Brace yourself, Minjeong.

"If you say so." Kibit-balikat niyang sabi. "Basta ang alam ko may tumitingin sa ig feed ko."

Bakit parang uminit bigla?

Naka-on naman yung ac sa sala.

"Naka-open yung account mo sa public." Pagmaang-maangan ko.

"Oh, yeah, for sure." Tumango-tango siya. "Malayo rin nararating nila sa feed ko."

Pilit akong nagkibit-balikat, nakaiwas ang mga mata sa kanya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
kmtyn309
#1
balik ka na pi pls :(
longgadog #2
hi…
kmtyn309
#3
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #4
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #5
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #6
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #7
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #8
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #9
miss u
mikatafan #10
Chapter 59: tapos naba talaga to:((