Will you think about it?

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"Do we need tea and balcony time?"

I asked, trying to salvage yung not-tensed but slightly shocked atmosphere between us.

Tumingin si Karina sa balcony.

"Can we stay in my room instead?"

Para akong nagblack-out sa narinig ko.

She bopped my forehead gamit ang palad, nagulat pa ko sa sudden impact.

"Gusto ko kasing humiga, Winter."

Pinitik ko siya sa noo, mahina lang.

"May nagtsa-tsaa bang nakahiga, Karina?"

"Sino maga-adjust? Yung tsaa o cuddle time?"

Iniwan ko siya sa kusina at naglakad papuntang kwarto ko.

"Syempre yung tsaa!"

Paligoy-ligoy pa kasi pwede naman dumiretso na gusto ng cuddle time, eh gusto ko rin nun syempre. Madali akong kausap!

Pero wait, sa kwarto niya talaga?

Final na?

Normally we stay sa sala lang, never sa mga kwarto namin..

May pinaplano na naman ba 'to?

"Ako muna maliligo." Pag-announce ko sa hallway.

"Hephephep." Karina halted, "Bakit ikaw mauuna?"

Full stop sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Kasi nanlalagkit na ko?" Sagot ko.

"Nanlalagkit na rin ako?"

Bumuntong-hininga ako.

"Karina, ang tagal mo maligo. Anong ginagawa mo sa loob?"

"Is it my fault na mahaba ang katawan ko?"

"So.." I paused. "matagal ang travel time ng sabon pababa?"

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Less than 20 minutes lang ako maligo, Karina." Nagmakaawa ako. "May seremonyas na yun."

"Sige, oorasan kita." Naglakad siya palapit, kinuha ang phone niya na nakapatong sa counter, "Kapag 10 minutes di ka pa tapos.."

"May kasalanan ba ko? Bakit minus 10?"

May kinalikot siya sa phone bago hinarap sakin -- timer.

Kumaripas ako papunta ng kwarto ko para kumuha ng pangtulog at towel. Nakita ko pa siyang tumatawa sa hallway nung papasok na ko ng bathroom.

Mukha akong uto-uto pero di ko alam anong tumatakbo sa utak ni Karina kaya sumunod na lang ako.

Fastest record ko 5 minutes, max ko na yung 20 minutes kasi nabuburyo na rin ako sa loob. So, doable naman yung 10 minutes.

"6 minutes!" Sigaw ni Karina sa pintuan.

Bakit ang bilis??

"Wag kang mandaya, Karina!"

Kuskos, kuskos, kuskos.

Wash, wash, wash.

Hindi ko na alam kung tubig pa ba yung dumadaloy sa balat ko o pawis na sa pagmamadali. Mas matindi pa siya kay Ning eh! At least yung pinsan ko dinadaganan lang ako sa umaga!

Nakasandal siya sa door frame paglabas ko. Bitbit ang towel at pangtulog sa isang kamay, hawak naman ang phone sa kabila.

"Wow, less than 10 minutes. Nagtoothbrush ka ba?"

"Tiisin mo hininga ko mamaya."

Syempre nagtoothbrush ako.

Nasundot ko pa nga gums ko eh.

Tiningnan niya ko from head to toe.

"Bakit hindi terno pajamas mo?" Natatawa niyang tanong.

"Why do you think?"

Wala na kaya akong oras mamili pa. Kinuha ko na lang kung ano yung nasa ibabaw. Malay ko bang pangpasko yung kulay ng nakuha ko, red and green.

"Wait for me sa room?" Tanong niya bago pumasok ng bathroom.

"Which room?" 

"Sige, dun ka sa kwarto mo."

I laughed.

Ang hirap naman biruin nito.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng pintuan namin.

Hingang malalim.

Eto na naman po kami sa bagong episode ng Let's Test Winter's Self-Control. Mukhang kwarto edition.

Kayanin mo, Minjeong! Hook, line, and sinker ka sa 'cuddle' pero di ka bibigay.

Bumukas na yung shower.

Sinampay ko na muna ang towel sa kwarto bago pumunta sa kabila.

Ang weird ba na kumatok ako?

Alam kong kami pero kwarto niya pa rin kasi 'to, you know. Personal space.

"Winter! Did you knock?"

"Maligo ka lang diyan!"

Pumasok na ko at binuksan ang ilaw. Umalingasaw ang lavender scent galing sa oil diffuser niya na nakapatong sa lamesa.

Mukha akong ewan na nakatayo lang sa gitna ng kwarto, pinag-iisipan kung saan uupo.

Umupo na lang ako sa paanan ng kama.

Bakit ba ako kinakabahan?

Walang mangyayare!

Napag-usapan kasi namin na ngayong kami na, hindi kami magmamadali sa aspetong yun. And I kinda want it to be special? Hindi yung tawag lang ng laman.

Wait, pano hindi magiging tawag ng laman? Tawag ng puso?

Shet.

Anong nangyayare sakin?

Tsaka, ang dami pa namin hindi alam sa isa't-isa so better kung dahan-dahanin?

Katulad nung kanina.

Okay, di naman talaga ako bothered sa sagot niya.

Nagulat lang.

Di rin ako kinakabahan para sa relasyon namin kasi tulad ng napag-usapan, it's just a conversation, nothing else. And that's waaaay down the road. Pero bakit kasi parang.. nagpapapansin si future samin?

Kumakaway eh.

Wag muna siya makigulo, please lang.

"Yes?" Bungad ni Karina pagpasok ng kwarto, "Lalim ng iniisip mo."

Yes, kanina malalim.

Ngayon di na kasi in all her glory, Karina's right in front of me wearing.. striped pajamas.

Ang cute talaga.

"I was just.." 

I trailed off when she faced me while drying her hair with her towel. Na-distract ng flexed neck muscle niya.

Dapat siguro bumalik na ko sa kwarto ko?

This is torture.

How can someone be this cute and —

"Winter? Nakanganga ka."

Napalunok ako at agad inangat ang tingin sa kanya. She's smirking the hell out at me.

"I was just wondering why you said no, it was unexpected." Dire-diretso kong sabi para maibalik ang sarili.

Mahinhin siyang natawa at sinampay ang towel sa upuan bago lumapit sakin para.. kumandong.

Lord.

Yung legs ko po di pa nakaka-recover today.

May sariling pag-iisip na ata mga kamay ko kasi automatic silang pumaikot sa bewang ni Karina. Habang ang kanya naman ay pumaikot sa batok ko, her other hand resting on top of my shoulder.

"Why? Mukha bang ready to settle down na ko?" She asked, eyeing my lips.

Amoy na amoy ko ang mint toothpase namin pati na rin ang shampoo dahil sa close proximity namin.

Jusko naman.

Ang hirap mag-focus!

I cleared my throat. "Di naman sa ganun. I just thought kasama na yun sa.. sa.. I mean.." sinamaan ko siya ng tingin. "Will you stop biting your lip? Di ko matapos sentence ko."

She laughed. "Okay, continue."

"You said it yourself, you love kids."

Nilayo niya ng kaunti ang mukha sa akin.

"I'm surprised you said no, too." She said. "You were really good with Uju earlier. Looks like hindi lang ako ang mahilig sa bata."

"Playmate lang nila ako, babe. Aray!" Agad kong hinimas yung balikat ko, nagulat din siya sa ginawa niya. "Bakit mo ko kinurot?"

"I'm sorry.." Natawa siya at hinimas na rin yung balikat kong nakurot niya, may bonus pang kiss. "Hep!" Pigil niya agad nang bubuka na a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u