Chapter 9

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Finally! tapos na rin ang exam and I am confident about it specially on my major and maybe sa conworld na rin. Masaya kong nilapag yung drawing tube ko at bag sa couch. I just came back and kulang ako sa tulog mula sa puyatang plates para sa exam namin. Hindi ko na hinintay si Lucas dahil mamayang six pa labas nun.

 

Ang sarap sa feeling na wala nang poproblemahin sa acads kahit ngayon lang. I need to sleep dahil may lakad kami mamaya nhg jowa ko and the girls sa tambayan. Wala lang a little celebration for the end of exams. Ayokong pumunta na antok at bangag na bangag dahil kulang sa tulog. If my guess was right maraming ininvite sina Giselle na boys. Wala naman akong pake sa kanila mas gwapo pa rin boyfriend ko.

 

I checked the time and it's still three in the afternoon. Mamayang nine pa naman start ng party. I set my alarm to seven before finally standing up para matulog sa kwarto pero may bagay na umagaw ng atensyon ko. Yung sticky note na iniwan ni Jimin last time. Napangiti naman ako ng maalala ang babaeng nagsulat nito. Hmm maybe I should invite her.

 

Excited kong hinanap yung number niya at tinext siya. Kung curious kayo paano ko nakuha number niya, kay Lucas ko nakuha na hiningi niya naman kay Yeri.

 

'Jiminie Come with us later. Libre kita as thank you gift.' message sent. Nagbihis na din ako ng pangbahay. Nung matapos na lahat ay nahiga na ako sa kama. Ugh my precious bed. Inaantok na ako pero narinig kong tumunog yung phone ko. Kinapa ko ito sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Yung inis ko napalitan ng ngiti.

 

'saan?' bungad niya sakin. Sungit talaga nito parang daig pa ako kung magsungit.

 

'Sa Tambayan yung bar konting celebration dahil tapos na exam.' Sagot ko.

 

'Sino kasama?' hmm napaisip naman ako. For sure dadalhin ni Luke barkada niya. Meaning kasama yung cousin ko at sina Jeno. Naalala ko tuloy yung closeness nila ni Jae nung birthday ni Lucas. Mukhang bet ng cousin ko si Jimin tch.

 

'Too many to mention.' Simple kong sagot. Madami naman kasi talaga.

 

'Ayoko maa-out of place lang ako dun' narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

 

'Sasama ka at susunduin ka namin ni Lucas. Don't you dare say no to me, Jimin.' Pagbabanta ko. Di ako sure kung matatakot to sakin pero ayoko talagang tinatanggihan ako. Gusto ko lang naman siya isama.

 

'Tangina mo talaga Winter. Anong oras ba?' naiimagine ko yung mukha niyang naiinis. Hindi naman pala ako matiis eh.

 

'Mamayang nine and better pick up your phone pagtatawag ako.' I smiled. Di ko na siya hinintay na sumagot at ini end ang call. Umuusok na ilong nun HAHA.

 

Binalik ko na yung phone sa side table at nahiga na sa kama. Nakangiti akong nakatingin sa kisame. Natutuwa talaga ako sa babaeng yun. Di ko din alam, parang ang saya ng atmosphere pagsiya yung kausap ko. Pumikit nako at bago makatulog ng tuluyan naalala ko yung mukha ni Jimin nung tinuturuan niya 'ko. Hayst ano bang nangyayari sakin.



 

...


 

Karina' s PoV


 

Ugh kahit kailan talaga napakautosera nung spoiled brat na yun. Binabaan niya pa ko ha wow talaga. Inis kong binalik sa bulsa yung phone ko. Well nagaya din naman kasi si Yuna na magtambayan dahil nga tapos na exam. Di ko tuloy alam kung kanino ako sasama dahil for sure magtataka naman yung isa kung sasama ako kay Winter. Di ko pa kasi na kukwento sa kanya na medyo in good terms na kami.

 

"Laki ng problema ah. Akala ko ba tapos na ang exam?" Nilingon ko ang bagong dating na si Yeri. Hinihintay ko kasi siyang matapos sa last exam niya para sabay na kami umuwi.

 

"eh kasi ininvite ako ni Winter sa tambayan mamaya." Paguumpisa ko. Agad namang tumaas kilay niya.

 

"Close na talaga kayo no?" Hindi na talaga ako tinigilan ng babaeng to simula nung nasabi ko sa kanya yung tungkol samin ni Win.

 

"Di no. Ewan ko ba dun. Sabi niya thank you gift daw sa pagturo ko sa kanya kahapon." Nakahalumbaba lang akong nakatingin sa kawalan.

 

"Oh anong meron? Pumunta ka nalang kung ayaw mong magalit yung dragon." Tatawa-tawa niyang sabi.

 

"Yun na nga. Ininvite ako ni Yuna sa tambayan din. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol samin ni Win." Paano ko ba sasabihin?

 

"Hmm kung sa bagay for sure magugulat at di yun makakapaniwala agad. Laki naman kasi ng galit mo sa kanya noon. Di ko nga lubos maisip na okay na kayo. Like hello? Sabi mo pa dati number one hater ka niya tapos ngayon magigi-" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman kung saan pupunta usapan na to.

 

"I know okay kaya nga nagiisip ako paano sasabihin sa kanya."

 

"Nasabi mo nga sakin masasabi mo rin kay Yuna kaya huwag ka ng magmokmok diyan. Tara gala kasama sila Joy and Sae. Magsiomai daw tayo." Hinila na niya ako patayo. Wala na din akong nagawa kundi ang magpahila. Ikakain ko nalang ito. Hindi ko pa nga solve kung maycrush ba talaga ako dun kay Winter tapos dadagdag pa yung mamaya. Nako naman talagang buhay to.

 

Gaya ng sabi ni Yeri, nagsiomai kami sa boulevard. Maganda view dito kita yung dagat at mahangin. Maliban sa siomai, bumili na din kami ng barbecue at napagdisiyonang dito na maghapunan. Panandalian ko ring nakalimutan yung about kay Win. Hindi ko na din namalayan na madilim na pala dahil ang sarap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺