Chapter 13

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Napaupo ako sa sahig nung matapos kong idikit yung last na design na crumpled paper. Wrong calculation natapos namin ng 8:30. Lumapit samin si Lucas at nagabot ng bottled water. 

 

"Wow you really did it." Manghang ngiti niya samin.

 

"Duh civil engineering student to." Pagmamayabang ni Yuqi. Ang gulo ng paligid namin. Napapalibutan ng kalat mula sa double sided tape.

 

"Sabi ko nga. Sige kukunin na muna namin to at ilalagay sa Art Center. Pahinga na muna kayo." Kasama ang ilang volunteers sabay nilang binuhat yung ginawa namin. Malaki din yun at mabigat. Maingat din naman sila dahil baka masira. Naku pepektusan ko ang makasira nun. 

 

Nung makaalis na sila, nagsiluma narin naming ligpitin yung pinaggamitan namin at mga kalat. Isang malaking bag lang naman ng kalat nakuha namin. Matapos ay binalik na namin yung mga sobra sa loob. Busy padin sila sa paggawa nung malalaking design ng letters.

 

"Uuwi na ba kayo?" Ngiting tanong samin ni ate Taeyeon.

 

"Opo thank you nga pala sa dinner." Shet ang cute din nitong president ng student government.

 

"No kami dapat ang magthank you sa inyo. Ang laking tulong niyong dalawa promise. Kayong lahat na nagvolunteer supeeer thank you talaga." Di ko mapigilang ngumiti din. Nasabi ko na bang crush ko din to? ang bait niya kasi tas yung smile shet nakakatunaw. Pero sa kanilang dalawa ni Win mas gusto ko parin smile ni Winter sadyang nakukyutan lang ako sa smile ni pres. Wait nga lang bat ba naisip ko yung kulugo na yun.

 

"Walang anuman Pres." Tugon ni ate Yuqi. Saktong dumating na din sina Lucas.

 

"Hey Luke tapos niyo na?" Tanong sa kanya ni Pres. 

 

"Yes ate Taeyeon. Magpapaalam na nga sana ako na uuwi na." 

 

"Okay siya sige pwede na kayong umuwi at magpahinga. Magiingat kayo sa daan ah." Para siyang nanay namin alam niyo yun. Yung ganung feeling. Kinuha na namin ang mga gamit namin at lumabas na nga. 

 

"Hey Yuqi sama ka nalang din hahatid kita sa inyo tutal 8:50 pa din naman." Nakatingin lang siya sa relo niya habang sinasabi ito. Di ko na sila pinansin dahil busy ako sa pagcheck ng phone ko. Iniwan ko lang kasi sa bag. 

 

From Snowball: 

Jimin sabay ka na kay Lucas ah. Sunduin niyo na rin ako. Sabi ko sa kanya may project tayo. Magdala ka na din ng damit pamalit dun kana matulog sa condo. I don't accept rejection. Paghindi kita nakita mamaya huhuntingin kita bukas. You know me Jimin Karina Yoo.

 

Bakit ganun parang naririnig ko boses niya sa message. Ang spoiled parin talaga. Bakit may kasama pang pagbabanta? Di ko rin talaga magets minsan utak nun. May side talaga siyang warfreak eh kaya nakakatakot din. 

 

"Lucas hatid mo na muna ako sa dorm tapos hatid mo si Yuqi. Tsaka mo na ako daanan may kukunin akong mga gamit." Naglalakad na kami papuntang parking. Ngumiti lang siya at nagsalute. Parang ewan lang. Naalala ko tuloy yung advertisement ng biogesic.

 

Hindi ko na nireplyan yung text ni Win. Bahala siya. Gaya nga ng plano hinatid ako ni Lucas sa dorm. 

 

"Bye Rina~" Nagwave si Yuqi. Nagwave na din ako. 

 

"Balik ako agad." Sabi Lucas na may mabait na ngiti. Tumango ako at nag babye ulit kay ate. So yun nga pumasok ako ng dorm. Marami na ding mga studyante ang nagtatambay sa lobby. Kanya-kanya ng gimik. Pagdating ko ng room ang tahimik. Sinilip ko si Yuna tulog na. Yung iba busy sa pagaaral. Tapos na naman yung exam ah. 

 

Di ko nalang pinansin at kumuha ng backpack at naglagay ng mga gamit. Dinala ko na yung mga dapat dalhin. Pati yung mobile projector ko. Since friday naman bukas pwedeng mag civilian. Tumingin ako sa relo saktong 9:10 nung makalabas ulit ako sa gate. Nakapangbahay narin ako. Wala pa din si Lucas. Saang lumalop kaya yun dinala. Sa pagkakaalam ko malapit-lapit lang din yung bahay ni Yuqi.

 

Napatingin ako sa phone kong sunod-sunod ang pagvibrate. Pagtingin ko si Win tumatawag pala. Sasagutin ko ba? Malamang sasagutin ko baka ihawin ako nito. Pagkapindot ko palang ng answer button rinig ko na boses niya kaya agad ko itong nilayo.

 

"Jimin! Where the hell are you? Bakit ayaw sagutin ni Lucas yung phone!? and it's already ing 9:15!" Hala shems galit na. Di ko namalayang five minutes na pala akong nagiintay.

 

"Uhm kase diba umuwi muna ako ng dorm? Kumuha muna ako ng gamit." Pagpapalusot ko na totoo naman. 

 

"And Lucas?" seryoso niyang tanong. Hala anong sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo?

 

"Uhm baka lowbat?" Pagsusuggest ko. Naku naman Lucas Wong anong ginagawa mo ako pa naiipit sa kamalditahan ng gf mo. Bakit di niya sinasagot phone niya? Kung sasabihin ko na mayhinatid siyang iba ano kayang irereact nito. Luke naman kasi eh~ 

 

"Ugh fine bilisan niyo naiinip nako. Kanina pa natapos yung praktis. Nagugutom nako." Naiimagine ko ang pagrolyo ng mga mata niya. 

 

"Bakit di ka kumain bago kayo nagsimula?" kumunot noo ko sa sinabi niya. Nine na pero wala pa siyang kain natural aalburoto yung bulkan.

 

"I was expecting for you to cook us dinner." Medyo kalmado na yung tono niya. Personal cook na talaga ako sa mga mata niya.

 

"Win alam mong nine na matatapos yung praktis niyo." Maypagbabanta sa boses ko. Ewan medyo nainis ako nung nalaman na di siya kumain sa tamang oras. Payatot na nga yun eh.

 

"Tsk basta bilisan niyo." Sakto namang natanaw ko yung sasakyan ni Lucas.

 

"Sige papunta na kami." Binaba ko na yung phone. Huminto yung sasakyan sa harap ko kaya pumasok na ako sa passenger side.

 

"Sorry medyo na tagalan may banggaan sa may tulay eh kaya na traffic." Pagbubuntong hininga niya. 

 

"It's fine. Tumawag si Win galit na galit. Bakit di mo raw sinasagot tawag niya." 

 

"Hala . Really?" Parang gulat pa siyang narinig yun at kinuha ang phone. 

 

"Yeah ang sabi ko nalang baka lowbat ka. Ikaw na bahala magexplain na hinatid mo lang si Yuqi" 

 

"Oh god thank you talaga Karina. Maaasahan ka talaga." Para siyang nahimasmasan nung may excuse ako para sa kanya. Ewan feeling ko may something. Di ko nalang pinansin ayoko na isipin. Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa pinagpraktisan nila Win. Bumungad samin ang malditang ekspresyon ng madam. Pero ang nakakapanibago ay yung calmness niya. Alam niyo yung calm before the strom yun yung nafefeel ko eh.

 

"Hey sorry babe nalowbat ako." Bungad ni Lucas sabay kiss sa forehead ni Win. Di ako tumingin medyo nakakailang. 

 

"Let's go na." Nauna na siyang maglakad pabalik sa sasakyan. Hindi niya ito pinansin. Parang iba yung galit na nakikita ko sa kanya. Nagkatinginan nalang kami ni Lucas.

 

"Gutom yun." natatawa niyang usal kaya medyo natawa ako. 

 

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan? ing hurry up." 

 

...

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺