Chapter 2

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Madilim na nung natapos kami. Daldal kasi ng bakla naming teacher sa history kaya ayun di namin namalayan na nagbell na pala. Nakipagkita pa ako kay Yeri para ibigay sa kanya notes ko kasi first period nila Rizal bukas.

 

"Uwi na ako Yerms." Paalam ko sa kanya matapos ko siyang turuan.

 

"Sige lang sanay na ako iniiwan." Pagdadrama niya naman.

 

"Heto nanaman pagiging emosyonal niya." commento ni Mark habang naka akbay sa jowa niya. Isa pa tung magshota nato buti nalang di sila masyadong pda.

 

"Tigilan mo ko Mark. Alam mo ba Haechan yang boyfriend mo absent nanaman kanina sa Comlab?" Pagsusubong naman niya. Napataas ang kilay ni Haechan sa narinig. Ops kailangan ko nang umalis ayokong mapasubo sa away ng dalawang to.

 

"Bahala kayo diyan uuwi na ako." Di ko na sila pinansin at naglakad na pauwi. Malapit lang kasi dormitory na tinutuluyan ko. Madilim na din at ang tahimik na ang paligid. Ilang sandali lang din ay nakarating nako sa may gate.

 

"Ginabi ka ata Miss Rina." Nakangiting bungad sakin ni manong guard.

 

"Tagal po kasi natapos ni sir." Ani ko at gumanti ng ngiti. Naglog in na ako at pumasok sa dorm. Madami na ang kumakain sa cafeteria. Medyo gutom narin ako kaya agad akong pumasok sa kwarto para magbihis.

 

"Ate!" Nagulat naman ako nung bigla akong tawagin ni Yuna. Roommate at close friend ko. Tawag niya sakin ate dahil mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon. Pero kahit ganun mas matangkad siya sakin.

 

"Ano?"

 

"Nagaya si Chaery ng inuman." Nakangising tingin niya sakin. Parang alam ko na gusto neto.

 

"wala ka bang gagawin?" Nakataas kilay kong tanong. Binaba ko ang bag at drawing tube ko.

 

"Wala na te at isa pa friday nanaman bukas wala tayo masyadong klase." tinaas baba niya yung kilay niya na parang may ibig sabihin.

 

"Anong oras daw?"

 

"Mayang nine."

 

"Sino kasama?"

 

"Friends niya."

 

"Ano mga inumin?"

 

"Di ko alam pero yung friend daw manlilibre." Kibit balikat niyang sabi.

 

"Nakakahiya naman." commento ko at nagsimula nang maghanap ng masusuot na pamalit.

 

"Oo nga pero te minsan lang ang free drinks." Pangungulit niya.

 

"Sabagay nga naman. Sige sasama ako pero kakain muna tayo." Kinuha ko yung lalagyan ko ng sabon at shampoo bago tuluyang pumasok sa cr. Naligo ako dahil feeling ko ang lagkit-lagkit ng katawan ko. Matapos kong maligo nagbihis na ako ng shorts at medyo oversized shirt. Pinatuyo ko gamit ng tuwalya ang buhok ko. Paglabas ko nakabihis na si Yuna.

 

"Mga ate kakain kayo?" Tanong ni Wonyoung, isa pang kasama namin sa kwarto. Kung itatanong niyo ilan kami lahat? lima po kami. Dalawang senior high at tatlo kaming college.

 

"Oo tara." Aya ko sa kanya. Agad naman siyang bumaba.

 

"Si Yujin kakain?" Tanong ko sa kanya. Sila kasi ang magkasama sa isang double deck.

 

"Di daw siya kakain as usual." Ani niya.

 

"Si Kura?" Tanong ko pa.

 

"Mamaya pa yun may gagawin pa daw na plates." Si Yuna na sumagot. Si Kura ay isang architecture student while si Yuna ay tourism.

 

"Okay tara na." Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo sa cafeteria para umorder. Napatingin ako sa relo ko habang nilalapag yung tray ng pagkain ko. Almost eight na pala. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan na rin. Kinamusta ko araw nila. Todo kwento naman si Wonyoung tungkol sa gwapong crush niya. Samantalang si Yuna naman ay tungkol dun sa ka MU niya. Infairness sa mga roommates ko at ang sigla ng mga love life.

 

"Ikaw ba te wala kang natitipohan?" Baling niya ng tanong sakin. Umiling naman ako.

 

"Wala di ko bet young mga babae at lalaki sa department namin." Sabay subo ko dun sa kanin at chicken.

 

"Dami niyo namang choices." Pagrereklamo ng pinakabata. Okay, nasabi ko na ba na biual ako?

 

"Inggit ka? ireto ka namin sa babae." Natatawang sabi naman ni Yuna. At nasabi ko na din ba na biual din tung kaibigan ko?

 

"Ew tigilan mo ko ate Yuna." Ani niya na parang nandidiri. Tinawanan lang namin siya ni Yuna.

 

"Kaya ako sayo focus ka nalang diyan sa crush at pagaaral mo." Ngisi ko sa kanya at tinuro turo gamit ng tinidor.

 

"Speaking of pagaaral, turuan mo ko sa math ate Rina may hindi ako maintindihan." Nakabusangot niyang sabi.

 

"Sure tungkol saan?"

 

"Sa gen math te yung sa function di ko talaga magets." Napasinghap siya at tumingin sakin na parang nahihirapan talaga. Ganun ba ka hirap gen math? Di naman yata.

 

"Sige pahiramin kita ng notes ko sa grade 11." Ngiti ko. Sumigla naman yung mukha niya nung marinig sinabi ko.

 

"Sabi mo yan ah!"

 

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Halos kalahating oras din kaming nakatambay sa cafeteria kahit tapos na kaming kumain. Napagdisisyunan naming bumalik na sa room at magprepare dahil nga maylakad pa kami ni Yuna.

 

"Te andun na daw sila Chae sinend na niya yung address."

 

"Ha? akala ko sa kanila tayo." Nakakunot noo kong sinuot yung jacket ko dahil malamigin ako. Tapos na siyang magbihis at suot na niya bag at sandals niya.

 

"Doon daw sa bahay ng friend niya." Sumandal siya sa pader habang hinihintay ao. Inaayos ko na yung buhok ko at nagpabango. Ayoko kasing umalis ng di mabango. Sinuot ko na yung bag at shoes ko. Chineck ko yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺