Chapter 17

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik akong naglalakad papuntang dorm. Nauna na akong umuwi hindi ko masikmura nakikita ko. Matapos ang usapan namin ni Yuqi. Alam kong disidido siya sa ginawa niya at mukhang wala siyang pinagsisisihan. She's old enough upang magdisisyon para sa sarili niya pero hindi niya pwedeng iexpect sakin na susupportahan siya sa kalokohan na yun. Lalo na at may masasaktan na iba sa gagawin nila. Winter is a friend and I care for her kahit na dedevelop ako at ayoko itong lumalim pa. Wala sa utak ko ang saktan siya.

 

Sa totoo lang naiinis ako sa ginawa ni Yuqi. I thought she's better than that. Akala ko hindi niya kayang gumawa ng ganun. Ang maging disperada dahil lang sa isang lalake. Isa pa tung si Lucas at hinahayaan lang. I don't get him. Kung mahal niya si Winter bakit niya sinusugal na masaktan yung girlfriend niya. I'm starting to think na he's not as good as they said.

 

Napabuntong hininga nalang ako. Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sasabihin ko ba? Kahit ganun kaibigan parin ang turing ko kay Yuqi. Wala din ako sa lugar para sabihin yung totoo. Maybe kausapin ko si Luke? or I should check on Win.

 

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa at dinial yung number niya. It's already past twelve. Hindi ko ineexpect na sasagutin niya yung tawag pero after three rings sumagot siya.

 

"What?" Cold niyang tugon. 

 

"Nagising ba kita?" Concern kong tanong. Mukhang galing kasi siya sa tulog. 

 

"Hindi bakit?" sungit naman neto.

 

"Okay ka lang ba?" Hindi siya sumagot. Instead may narinig akong pagubo. Medyo husky din yung boses niya. 

 

"Yeah." Sagot niya. Parang hindi.

 

"May sakit ka ba?" 

 

"What is it for you kung meron nga?" Bakit ang maldita nito. Ganito ba siya pagmaysakit? 

 

"Did you drink your med?" 

 

"No." 

 

"Bakit?" 

 

"Bakti ang dami mong tanong?" Hays.

 

"I'll go there. What's your passcode?" Lumihis ako ng daan papuntang sakayan sa kanila. Maysakit naman pala bakit di niya sinabi kanina.

 

"Secret ayoko umuwi ka nalang." Pagmamatigas niya. Ewan ko dito kanina lang nagtathank you siya sakin ngayon parang tinataboy ako palayo.

 

"Winter just tell me kung ayaw mong pasabugin ko yung pinto mo." Pagbabanta ko. 

 

"Tch gago ka kasi." Kumunot noo ko dun sa sinabi niya. Hala ako pa may kasalanan. Pumara na ako ng taxi dahil malabong may jeep pang dadaan sa routa papunta sa condo niya.

 

"Kasalanan ko pa? passcode na kasi." Pangungulit ko. Hindi ko na muna aawayin may sakit eh.

 

"Oo kasalanan mo. I was going ask your help but you have the guts to speak that 's name." Halata talagang maysakit siya pero ramdam ko parin yung mataray niyang tono. So dahil dun kaya siya ganito sakin ngayon? Di ko naman alam na siya pala tumawag eh. Sabagay kasalanan ko din naman kasi di ko tinignan muna sino yung caller.

 

"Fine I'm sorry akala ko kasi siya. Bawi ako mahal na reyna so passcode na bilis." Daanin ko nalang sa lambing. Baka tumalab sa kanya.

 

"111720 ing hurry." Labo din kanina ayaw niya ako papuntahin ngayon pinapadali ako. Hay nako. Di nalang ako nagreklamo at binaba na yung phone. Ilang sandali din bago ako nakarating. Tinype ko yung code at nagopen nga. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa couch nakatalukbong at nakapikit. 

 

"Why didn't you call for help sa iba mong kaibigan?" Bungad ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang noo niya at sobrang init nga.

 

"They're busy." rason niya. 

 

"Then your parents?" 

 

"Busy too." 

 

"Lucas?"

 

"He's out of coverage." So did she called for me dahil wala siya. How convenient pero ano pa nga ba. Ito yung role ko as a friend eh.

 

Napatingin nalang ako sa kanya at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng bimpo at maliit na paglalagyan ko nung tubig na maligamgam. Kumuha na din ako ng gamot para sa lagnat. I checked the time. 

 

"Anong oras ka uminom ng gamot?" May lalagyan ng gamot kasi sa mesa at baso ng tubig. 

 

"Five." Mahina niyang tugon. Nilagay ko yung bimpo sa ulo niya.

 

"Kumain ka na?" 

 

"Hindi pa." Umigting tenga ko sa sagot niya. Abay may plano yatang magpakamatay. Gusto kong manermon pero baka sumakit lalo pakiramdam nito. Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo ulit sa kusina para magluto ng arroz caldo. Matapos ay nagsalin ako sa bowl bago bumalik sa kanya. Tinulungan ko siyang maupo at pinasandal sa couch. Ang hina niya at sobrang init ng katawan. Ano bang ginawa nito at ganito nilagnat. 

 

"Tsaka na kita aawayin pagwala ka nang lagnat. Kain ka muna." Ibibigay ko sana sa kanya yung bowl ng pagkain nung pinigilan niya ako.

 

"Subuan mo 'ko." Matamlay niyang utos. Kahit may sakit na utusera parin eh. Dahil ayoko ng sakit sa ulo ginawa ko nalang. Hinipan ko muna bago ko ipakain sa kanya. Ganun lang routine namin hanggang sa maubos niya. Tsaka ko siya pinainom ng gamot. 

 

"Doon ka sa kwarto mo matulog." Pinigilan ko siyang mahiga ulit. 

 

"Pasan mo 'ko?" Bakit ganun? ang cute niya ngayon shet. Tumigil ka heart kundi dudukutin talaga kita at itatapon sa outer space. Dahil hindi naman ako pwedeng humindi dahil maysakit nga to pinasan ko nalang siya sa likod. Kailan ba ako makakatanggi dito?

 

"Sana pala parati ako may sakit para masunurin ka." 

 

"May saltik ka rin eh." Binaba ko na siya at hiniga sa kama. Hininaan ko yung aircon. Kinumutan ko siya at naglagay narin ako ng tubig sa side table niya. Incase na mauhaw siya. Pinalitan ko yung bimpo ng fever patch na nakita ko sa med kit niya. Matapos ang lahat ay tatayo na sana ako para umuwi kaso pinigilan niya ako.

 

"Dito kana matulog." Nakapout niyang sabi. Parang bata pala siya pagnilalagnat.

 

"Giniginaw ako gusto ko hug ni Minmin." dagdag pa niya. Kumunot noo ko. Alam niyo yung naglalaban yung isip at puso. Ganun na ganun talaga nararamdaman ko. Shet naman kasi.

 

"Gusto mo hinaan ko yung aircon?" 

 

Lumingo-lingo lang siya bilang pagtanggi. Naman Win pinapatay mo 'ko eh.

 

"Tabi ka sakin." Umusog pa siya para magkaspace ako. Wala na akong nagawa kundi umakyat at tumabi nga. Agad naman siyang yumakap sakin kaya niyakap ko nalang din. Inayos ko yung kumot sa leegan niya. Sumiksik siya sa may leeg ko. Ang init ng hininga niya. 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺