Chapter 1

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Sumilay ang liwanag ng araw mula sa bintana at tumama ito sa mga mata ko. Nasilaw ako ng panandalian ng dahil doon. Agad kong pinikit ang aking mga mata at kinusot ito.

 

"Rina." Bungad sakin ng kaibigan kong si Yeri na mugto ang mga mata. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

 

"Nangyari sayo? para kang galing lamay." Natatawa kong banat sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

 

"Masakit pakiramdam ko." Daing niya at nayuko sa mesa. Luh ginawa nito?

 

"Bakit? anong kinain mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Alam ko ibig sabihin ng ngiti na to. Kaya naman pala mukha siyang nabaog ngayon.

 

"Ano ba ininom niyo kagabi?" Pagiiba ko ng tanong.

 

"Tatlong the bar at isang case ng red horse." Wala sa gana niyang sagot.

 

"Kaya naman pala. Hayop ka din uminom, kung kailan may gagawing activity tsaka mo naisipang mag ganyan. Nako Yeri kukutusan talaga kita paghindi natin to nagawa ng maayos." Panenermon ko sa kanya. Sumimangot lang ang mukha ng gaga. Bilib din ako sa babaeng 'to at nakukuhang pumasok kahit bangag na bangag na. Minsan nga pumasok pa 'yan na lasing tapos ending ako ginawang yaya, tch.

 

Pakilala ko nga pala bespar ko dito sa school. Yerim Kim, 19 years of age at first year CE. Kaklase ko sa halos lahat ng sub yan. Friends nga lahat dahil sa pagiging super friendly. Siya 'yung una kong naging kaibigan dito sa Uni dahil na din same course and block lang kami.

 

"Goodmorning!" Isang babaeng naka red lipstick na may kulay ang buhok ang nakatayo sa harap ng pinto ngayon.

 

"Morning love." Salubong sa kanya ni Lucas. Niyakap naman siya ni Winter at siniil ng halik. Jusko po PDA na naman sila. Ano bang bago?!

 

Napairap nalang ako ng lihim at tumingin ulit sa labas. Ayokong masayang pake ko sa kanila.

 

'Yung dumating nga pala si Winter Kim 'yon. Hindi sila magpinsan ni Yeri ah. Dakilang bad girl at bad influence sa school. Isa siyang architecture student. Maganda siya, as in pero sadyang halos lahat ng masamang katangian nasa kanya na. Party girl, selfish, warfreak, spoiled at mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Pagminamalas ka nga naman, magkaklase kami sa dalawang sub. Isa pa yung boyfriend niya na si Lucas Wong, an ME student at heartthrob ng campus. Gwapo naman kasi at ganda ng katawan. Crush ko dati 'yon kaso nung naging sila ni Winter nawalan ako ng pake. Ewan ko ba at ayoko sa mga babaeng gaya ni Kim.

 

"Rina ano iniisip mo? Lalim naman ata at mukhang nakarating ka na sa mariana trench." Ani naman nitong katabi ko.

 

"Wala naiinis lang ako." Sabay irap ko. Alam naman niya kung gano ko ka hate yung pda na couple sa likod.

 

"Hayaan mo na girl." Natatawa niyang sabi. Di ko nalang siya pinansin at nakahalumbabang tumingin ulit sa labas ng bintana. May mga estudyanteng dumadaan papunta sa mga first sub nila. Ilang minuto din bago dumating si sir.

 

"Good morning class." Ngiti-ngiting bati ni sir. Mukhang good mood teacher namin.

 

"Morning sir." Ani ng lahat.

 

"I'll be giving you your project for the midterm." Pagsisimula niya. Agad namang nagreact ang klase at dumaing. Aga-aga project agad. Napasimangot naman ako.

 

"Oh anong ingay yan." Natatawang sabi ni sir. Nagtaas ng kamay si Bang Chan, ang class president namin kung ituring.

 

"Sir by group?" tanong niya na agad namang sinundan ng pagsang-ayon ng mga kaklase namin.

 

"By pair." Sagot naman ni sir. Nice!

 

"Yerms partners ta-" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

 

"Pero random." Ngisi niya na umani ng ingay mula sa 'min. Bakit ang lupit mo sir! Napabusangot kami ni Yeri. Sana lang mabait ang magiging partner ko.

 

Nagsimula nang magbunutan gamit ang prinepare ni sir na nakafold na papers. Si Yeri na susunod kaya agad namang tumayo ang bruha.

 

"Si Saeron partner mo." Tingin ni sir sa papel tsaka sinulat ang names nila sa class record niya.

 

"Ho?" Di makapaniwalang tanong ni Yerms kay sir. Natatawa ako sa itsura niya.

 

"Copy sir!" Sagot naman ni Sae na parang wala lang. Inis na tinignan siya ni Yeri at padabog na bumalik sa tabi ko.

 

"Ayos babe! partners tayo." Ngiting pangiinis naman nitong babaeng nasa likod namin. Nasabi ko na bang crush siya ni Yeri? Natawa ako itsura ni Yerms. Para siyang matatae na ano. Kung ikaw ba naman asarin nitong si Saeron tignan ko lang kung di ka mafafall. Ang sweet niya kasi kay Yeri tapos ito namang si dalaga sumasabay 'yan tuloy naging marupok.

 

"Tigilan mo ko Saeron may kasalanan ka pa sa'kin." Sabay irap niya. Pakipot talaga 'tung babaeng 'to. Pabebe masyado.

 

"Sorry na nga, babawi ako. Gawin na'tin ang proj sa Infinitea." Ngisi niya habang nag aaya. Tumingin naman siya sakin.

 

"Sama ka Karina?" Nasali pa nga. Napa ngiti nalang ako tinignan siya ng may kahulugan.

 

"Hindi na, baka maistorbo ko pa date niyo." Pangiinis ko. Isang mahinang hampas naman ang natanggap ko mula sa namumula kong kaibigan.

 

"Tigilan mo 'ko Yu." Ani niya sabay umirap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺