Chapter 28

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

 

"How was your date?"

 

"Uhm hello? Okay lang naman hinatid ko na siya pauw- Teka nga bakit ka ganyan makatingin?" Napalunok ako ng laway sa itsura niya. Parang mangangain ng tao. 

 

"Why? Ganito naman talaga ako tumingin." Uh hindi no dati mukha siyang rabbit pero ngayon mukha na siyang tigre. 

 

"A-akala ko ba may gimik kayo?" Pagiiba ko ng topic. 

 

"Not now may lakad pala si Giselle. So? Musta naman kayo ng crush mo?" Ngumiti siya na halata namang peke. Alam niyo yung emoji na nakangiti pero halatang nasa loob yung kulo.

 

"J-joke lang naman yun. Best friend ko yung kasama ko." Pagbabawi ko ng sinabi ko kanina. Baka lapain pa ako neto gusto ko pang mabuhay.

 

"Ohh bakit ka nagpapaliwanag? Ang tanong ko lang naman kamusta kayo." Mataray niyang sagot. Nakakatakot siya swear.

 

"Eh bakit ka nagagalit?" 

 

"Sino nagsabing galit ako?" Halata Win jusko.

 

"Sorry na kasi napasarap lang yung usapan namin. Kumain ka na ba?" Hindi siya sumagot at naglakad lang papuntang couch.

 

"Huy kumain ka na ba?" Tanong ko ulit. Ayaw ako pansinin at nagseselpon lang. Galit nga siya. Ilang sandali lang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino nagtext amp siya lang pala.

 

'No' Yan lang sinabi niya.

 

"Bakit hindi ka pa kumakain? at ba't ayaw mo akong kausapin?" Hindi nanaman siya sumagot. Napakamot nalang ako sa ulo dahil feeling ko napepeste yung utak ko sa kanya. Pumasok muna ako ng kwarto para magbihis ng pang bahay bago nagtungo sa kusina at magluto ng pagkain niya. Busog narin naman ako kasi nga kumain nako kasama si ate Irene.

 

"Madam andito na yung pagkain mo." Pagaanunsyo ko sa kanya. For sure naman maririnig niya yun. Lumapit naman siya sakin habang naka poker face parin. Ayaw niya talaga ako pansinin. Umaandar nanaman pagiging childish niya.

 

"Ayaw mo ba talaga ako kausapin?" Tanong ko ngunit di man lang siya tumingin sakin. Diretso lang siya sa pagkain at nagsimula nang lantakan ito. 

 

"Hays. Sabi ko naman sayo best friend ko yung kasama ko. Friendly date lang naman yun isa pa may jowa yung tao. Ano nanaman bang kinakagalit mo?" Dahil ba sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya? Hindi parin siya kumikibo kaya napabuntong hininga na ako.

 

"kung nagagalit ka kung bakit di ko sinasagot tawag mo. Win I'm busy gusto ko respituhin yung alone time namin ng best friend ko ngayon na nga lang kami ulit nagkasama." 

 

"So I am bothering you?" Binaba niya yung kutsara at tinignan ako sa mata ng seryoso at diretso. 

 

"Hindi naman sa ganun. Eh bakit ba gusto mong malaman kung asan kami?" Hindi siya nakasagot. 

 

"See. Win may ibang tao pa akong pinapahalagan sa buhay. Nasabi ko narin naman siguro sayo na hindi sa lahat ng panahon uunahin kita diba?" Mahinahon lang yung pagkakasabi ko pero parang ang laki ng impact sa kanya. Hindi naman kasi sa ayaw ko yung ginagawa niya pero may limitation din kasi yung pagiging selosa dapat. 

 

"Isa pa ano naman kung naging totoong crush ko yun? Hindi mo ba ako supportado? Minsan naguguluhan nako sayo. Daig mo pa jowa ko kung magselos." Biro lang naman yun kaso mukhang natamaan siya. Totoo naman kasi sa amin ako yung may gusto sa kanya pero daig niya pa ako mang akin.

 

"Hayst ewan ko sayo kumain ka na. Uuwi ako bukas ng maaga kaya matutulog nako." Napatingin ako sa oras eight thirty na pala. Hinubad ko na yung apron at nagtungo sa kwarto. Nilock ko na baka bigla pa yung sumulpot. 

 

Hindi ko talaga siya magets kase hindi naman siya ganito kina Ningning. Gusto ko na inaangkin niya ako pero minsan nakakalito na. Di ko alam kung ano ba talaga tingin niya sakin. Minsan nakakafrustrate yung ganito na aasta siyang ganyan kahit wala kaming label. Kasi parang umaasa ako. Nakakatakot kaya alam mo yung may something sa inyo pero hindi niyo ma point out kung ano. I know I said I will express my love eh siya ba? Ano yung sa kanya? Ayokong magka false hope pero at the same time yun ang binibigay niya.

 

Naputol yung pagiisip ko nung nagring ulit yung phone ko.

 

'come out.' Naningkit paningin ko sa text niya. Inuutosan ba ako neto? Nasundan ulit ng isa pang text.

 

'Please.' Automatic na napangiti ako. Shuta ang rupok ko bhie. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Syempre nagpapa as if ako na naiinis. Kunware galit ako. Nakita ko siya agad nagiintay sa labas ng kwarto ko. Uhm mukha siyang maiiyak.

 

"Sorry na." Bigla niya nalang ako niyakap. Kanina ang sungit niya sakin ngayon nagsosorry hanep talaga utak neto.

 

"Saan?" 

 

"Sorry nainis lang ako kasi di mo ako sinasagot. Alam mo naman ayokong iniignore ako." Sumbong niya. Nagpapacute ba siya? Kasi kung oo ang effective.

 

"Patingin ng mukhang naiinis?" Nakatanggap nanaman ako ng hampas. 

 

"Seryoso kasi." Natawa nalang ako. Ewan ganito na routine namin pagnagkatampuhan. Kung magaaway kami mabilis lang din naman magkabati. 

 

"Sorry din sinabi ko lang na date para payback ko sana sa paghulog mo ng toothbrush ko." Ngisi ko. Pagnaaaalala ko yun nandidiri ako sa bibig ko swear. Nakailang mouthwash nga ako matapos yun. Bigla nalang siyang natawa. Tangina naalala siguro yung nangyari kaninang umaga.

 

"So bati na tayo?" 

 

"Di naman ako galit. Ikaw kaya diyan." 

 

"Gago ka kasi eh." Luh ako pa. Pero sabagay may kasalanan din naman ako. 

 

In the end, nagdecide kami na mag movie marathon sa kwarto niya. Kasama namin sina Yooji at yung dalawang puppies. Pinangalanan namin na Gyeoul (Winter) yung puti at Yeoreum (Summer) naman yung medyo ginger. Wala trip ko lang yung unique. Hindi naglaon bagsak na si Winter at himbing na himbing. Nasa lap niya pa natutulog si Yooji tapos sakin naman yung dalawang puppies. Ang cute nga mukha kaming one big happy family. Nilapag ko sa tabi niya yung dalawang tuta na tulog narin bago nilabas yung phone ko at pinucturan sila. Gawin kong homescreen. 

 

 

...

 

Winter's PoV

 

 

Kasalukuyan akong nakahiga magisa sa kama. Wala si Jimin umuwi sa kanila. Nakatingin lang ako sa kisame at nagiisip. A month of living with her makes me feel more alive. Walang araw na nagiging boring. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya kahapon. I act like I'm her girlfriend na sobra ako magselos. Bakit nga ba? Yan rin yung tanong ko sa sarili ko. Naaalibadbaran ako kapag may kasama siyang iba na may romantic relation sa kanya. Kahit nga best friend ko napagiisipan ko ng masama. Why? Pati ako nagugulohan na sa sarili ko. 

 

Jimin became more and more an important person to me. Ewan ko ba parang di buo ang araw ko paghindi ko siya nakakausap and suprisingly I don't think much about Lucas anymore. Para bang nakalimutan ko na kakabreak up ko lang pala. Napatingin ako sa katabi ko.

 

"Yooji should I call your mama?" Tanong ko sa aso ko. Hindi siya sumagot pero pinatong niya yung ulo niya sa lap ko sabay na ngumiti. Di ako sure pero mukha talaga siyang ngumiti. Ang cute nga.

 

Ididial ko na sana yung number niya nung maunahan ako sa incoming call ni Ningning. Ano namang kailangan neto? 

 

"What?" Bungad ko sa kanya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺