Chapter 18

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Tumingin ako sa hawak-hawak kong ID na kabibigay lang ni Sol. Para saming mga volunteers lang to. Na atasan kaming mag facilitate para sa opening ng Udays. Today is monday at halatang excited ang lahat. Maraming stalls na naka linya sa hallway. 

 

"Tara Rina nagsimula na daw yung parada. Babalik sila in thirty minutes siguro." Usal niya habang hinihila ako papunta sa AC kung saan gaganapin yung opening. 

 

"Sina Minho?" Tanong ko. 

 

"Andun na nagiintay sa loob." 

 

Pagdating namin andun nga sila nakabantay sa may pinto. Dalawa kasi pintuan dito yung entrance at exit. Nagsimula na ding magbigay ng instruction si Ms. Boa yung guidance head namin. Magkasama kami ni Sol sa isang pinto.

 

"Asan si ate Yuqi?" Tanong niya sakin. Luh bakit ako?

 

"Ewan ko dun last usap namin nung friday pa." Naalala ko tuloy yung nangyari. Bumabalik yung inis ko. Still tropa ko siya. Si Yuqi ang partner ko sa mga ganitong bagay. 

 

"So true nga na may something sa kanila ni Lucas kaya nagalit si Winter?" Chismis niyang bulong. Andun din naman kasi siya nung dumating si Lucas.

 

"Diba kayo ang naiwan dun? Bakit di niyo tinanong?" Balik ko. 

 

"Eh nahihiya kami. Hello si Lucas yun pagnalaman ni Winter na pinupush namin sila eh baka makalbo kami ng kampon ni Giselle." Kinikilabutan niyang sabi. Napaisip ako. Speaking of Winter hindi ko pa pala siya nakausap simula nung Saturday. Umuwi ako samin tapos kababalik ko lang kaninang six sa dorm. 

Kinausap ko na si mama tungkol dun sa planong paglipat ko at pagiging tutor. Supportive naman si mama basta ay hindi ko lang papabayaan yung studies ko. I didn't contact Win for a reason. Nakakagulantang kasi yung morning kisses niya. I mean hello? Okay lang ba yun? Sure kinikiss ko yung iba kong kaibigan pero araw-araw? Parang torture naman sakin yun. Nagdadalawang isip tuloy ako. Hindi niya din naman ako masyadong kinulit dahil busy din siya sa practice nila.

 

"Hello? Earth to Rina." Kaway-kaway niya sa harap ko. Opps. 

 

"Sorry may naalala lang. Hayaan mo nalang yun si Yuqi. Matanda na din naman siya." Tugon ko dun sa una niyang sinabi.

 

"Pero di nga. Alam mo ang kayang gawin ng grupo nila Giselle. Hindi malayong ma gaya siya sa mga nakabangga nila." Pagaalala niya. Hindi naman siguro? Wala namang sinabi si Win na ganun. Kahit na may kasalanan si Yuqi dito di ko parin gustong mapahamak siya. Kaibigan ko parin yun.

 

"Sana nga." Kakausapin ko nalang tungkol dito si Win mamaya.

 

...

 

Matapos ang halos twenty minutes na pagtayo, napaaga yung dating ng parada. Ang ganda ng mga suot nila. Iba't ibang kulay na nagpepresenta ng kanilang mga departamento. May mga mascot din tapos yung mga kanya-kanya nilang kandidata. Actually ang lively ng paligid. Kami na nagbabantay tinuturo lang sa kanila kung saan sila uupo. May mga outsiders din kasi na gustong manood. 

 

Nung mapuno na yung art center, saka na nagsimula yung opening ceremony. Torch lighting muna tapos iba't ibang pagpapakitang gilas ng mga manlalahok. Sa lahat ng dumaan hindi ko nakita si Win. Asan na kaya yun? Baka hindi nanaman nagising sa tamang oras. Pwede ring hindi ko lang talaga siya napansin dahil sa dami ng tao. Pagkatapos kasi ng opening ceremony ay magsisimula na din yung mga ball games pero bench cheering muna bago ang cheer dance competition. Sa lahat ng competitors yung samin yung pinaka gusto kong costume. Neat and pleasing sa mata. 

 

Gusto ko siyang icheer kaso malabong bitbit niya yung phone niya. 

 

"Rina tara balik sa office?" 

 

"Bakit?" 

 

"Nagtext si ate Mina need assistance daw for food ng mga judge." Nakatingin lang siya sa phone niya habang sinasabi to sakin. Hindi pa din naman nagsisimula kaya sumama nako. Nagdistribute na kami ng mga pagkain. Kailangan din naming lumabas ng school para bumili ng kung anong dapat bilhin. Walang pwedeng makalabas na estudyante sa mga oras na ito maliban samin dahil nga may ID kaming mga volunteers na authorized na makalabas. 

 

Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala kaming palakad-lakad. Nagtext sakin si Yuqi.

 

'Bench cheering na cheer natin si Yerim.'

 

"Sol tara sa AC magsisimula na yung bench cheering bilis." Hinila ko siya papunta nga dun. 

 

"Hoi dahan-dahan." Maliit na babae kasi to kaya baka nabibilisan sakin. Muntik ko pang makaladkad. Pagdating namin puno na yung bench. Kaya no choice use the privilege doon kami malapit sa stage para makita namin ng harap-harapan. Last pa pala yung department namin. 

 

"Rina yung crush ko." Tili niya. Kumunot naman noo ko at tumingin sa unang mag peperform. CBA ang unang lalahok at accounting din kurso ni Sol.

 

"Sino diyan?" Tinuro niya yung maputing lalaki sa may gilid. Ang dami nila at ang layo mula samin kaya di ko masabi kung gwapo nga ba. Malabo pa naman mata ko. 

 

"Buti nakahabol kayo." Lumapit samin si Yuqi. Ngumiti ako.

 

"Thank you sa pagsabi." 

 

"Sabi ko naman sayo sabay tayo magchecheer sa department natin." Ito yung side niya na gusto ko kaya nga magkaibigan kami.

 

"Oo naman cheer natin si Yeri mamaya." Excited kong sabi. Napagusapan na namin to nung gumagawa kami ng logo. Silang dalawa yung una kong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺