Chapter 40

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

 

Nagising ako sa isang nakakabinging alarm. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang aking kisame. Walang gana akong naupo at napatingin sa paanan ko. Aw ang himbing ng tulog niya.

 

"Good morning taglamig" Kinuha ko siya at nilipat sa mga braso ko. Ang cute ng aso ko. Minulat niya ang mga mata niya at tinignan ako. Aw.

 

"Gutom ka na? Let's go eat?" Pagkasabi ko ng salitang eat nabuhayan siya at tumalon mula sa mga kamay ko. Halatang excited dahil nag wiwiggle yung buntot. 

 

"Okay tara na" Napangiti nalang ako at nagtungo na nga sa kusina. Nakasunod lang siya sakin. He's a white pomeranian and yes Taglamig yung pinangalan ko sa kanya pero usually Miggie pag tinatawag ko. I don't know why pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang isang taong naging parte ng buhay ko. Nagluto nako para sa breakfast pero pinakain ko na muna si Miggie. 

 

I live alone now. May sarili na akong condo. I'm planning on making my own house soon pero siguro saka na pag nakapag ipon nako. After ko magluto at magtimpla ng kape biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino kaya otomatik na napangiti ako. 

 

"Hello ma?" 

 

"Anak pupunta ka ba raw sa reunion ng mga pinsan mo." Ang aga naman yan agad tinanong.

 

"Oo nagusap na kami ni ate Seul. Kala ko naman kung ano ma. Wala man lang bang good morning diyan." Natatawa kong sagot. 

 

"Di maganda umaga ko yung papa mo ayun umalis nanaman." Reklamo niya kaya mas lalo akong napangiti.

 

"Let me guess nakipagtongits nanaman?" 

 

"Sinabi mo pa. Mamaya may sched pa yun ng sabong niya." Napailing nalang ako.

 

"Yaan mo na ma yan kaligayahan ni papa matanda na din naman yun." 

 

"Ewan ko sa kanya." 

 

"Natanggap mo na ba yung padala ko?" Pagiiba ko ng topic kasi mukhang nayayamot talaga siya kay papa.

 

"Oo nak salamat nga pala dun kaso magtira ka naman ng para sayo ah. Baka di ka kumakain ng maayos diyan." Paalala niya. 

 

"Ma ang dami ko kaya kumain. Isa pa aanhin ko naman yung sweldo ko wala naman akong pinagkakagastuan." 

 

"Maghanap ka ng jowa." Suhestyon niya kaya natawa nanaman ako. Si mama talaga eh.

 

"Ma naman." 

 

"Seryoso nga nak hanap ka. Basta yung maganda ah. Ayoko magka manugang ng panget." Pff. Yeah you heard it right after many years natanggap narin nila kung ano ako. Imagine kung gaano kadami iniyak ko nung araw na yun. Legit yung saya nung niyakap nila ako nung graduation at sinabing tanggap nila ako kahit na sino ang gugustuhin ko babae man o lalake. Grabe din iyak ni mama nun. Sorry siya ng sorry sa mga sakit na salitang nasabi niya first time ko rin makita si papa na umiyak. Ang wholesome ng moment na yun.

 

"Si mama parang ewan." 

 

"Sabi ni Yeji nabubulok ka na diyan. Ang seryoso mo masyado sa trabaho." 

 

"Ma I'm fine. Kung may matitipuhan man ako huwag ka magaalala dadalhin ko diyan. Yung y, maganda at mayaman para may sugar mommy ako." Natawa si mama sa sagot ko. 

 

"Dami mong alam bata ka. Sige na malapit na work time mo. Ingat ka parati." 

 

"Yes ma Labyooo." 

 

"Labyoo too." at binaba na nga niya yung tawag. Nakangiti lang akong nakatingin sa phone ko. It's been six years. Anim na taon na lumipat ako ng skwelahan. Anim na taon na nagpakalayo-layo ako. I finished my studies and passed the board exam. Currently working as a engineer and project manager sa isang kilalang firm dito sa pinas. I got promoted after two years of working.

 

Tinapos ko na yung kinakain ko at naligo bago magbihis. Chineck ko yung bag ko kung andun na yung mga kailangan kong dalhin. Bumaba ang tingin ko sa aso kong nakaupo lang at nakatingin sakin. 

 

"Miggie alis na si mommy okay? I'll call kuya Jun to feed you later. " Nilaro ko lang yung balahibo niya dahil ang lambot talaga. He really reminds me of that girl. It's been a long time and after kong umalis wala na talaga akong narinig na kung ano man tungkol sa kanya. I change my number, I deactivated every social media I have. Sa totoo lang maiintindihan ko kung kinalimutan na ako ng babaeng yun. She has the right. Ako yung biglang nangiwan. 

 

If you think na nagkajowa ako after kong umalis hindi po. Even after nung ma accept nina mama. Sabi niya pa nga kung kailan daw okay na sa kanila ako pa yung naging choosy. To be honest after kong umalis walang araw na di talaga ako umiiyak. I missed her so much. Pati nga sa toothbrush ko siya yung naaalala ko. Naging walking dead talaga yung concept ko for almost two years din. Binaon ko yung sarili ko sa pagaaral which really paid off pero muntik na marisk yung health ko kasi di na ako kumakain sa tamang oras. Na admit nga ako sa ospital dahil sa lala ng ulcer ko. Kaya ayun si mama talak nanaman ng talak pero mukhang dahil din dun kaya niya napagtanto na talagang mahal ko yung tao. 

 

Lumabas na ako ng condo at nagtungo sa parking lot para sumakay sa motor bike ko. I wore my helmet at gloves bago ito pinaharurot sa daan. Mga ten minutes din bago ako nakarating sa office and kakaupo ko pa nga lang sa upuan ko ng...

 

"YUJI!!!" Napatalon ako sa gulat nung biglang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko. Paglingon ko kung sino yung best friend ko lang pala. 

 

"Tangina mo Yeji." Bungad ko sa kanya. Kasi may hawak pala siyang iced americano kaya ang lamig ng kamay. She's Hwang Yeji. A friend I met doon sa school na nilipatan ko. Yung ugali niya parang si Yeri din eh. Siya lang yung babaeng nakakasama ko parati doon at nakakausap para di naman mapanis laway ko diba. Sabay din kaming nagtake ng board at pumasa. Dami ko nang nakwentong kadramahan sa kanya pero mas marami sa kanya. Hindot kasi daming chicks. Nakikipag contest sa kakambal niyang si Hyunjin.

 

"Hehe tawag ka ni sir may itatanong daw. Puntahan mo na." Nguso niya sa direksyon ng office ni sir. 

 

"Bakit daw? Aalis sana ako papuntang site." Napanguso ako. Kasi naman eh may gustong ipachange sa designe yung client.

 

"Di ko alam puntahan mo nalang." Wala na akong nagawa kundi tumayo at nagtungo nga sa office ng director namin. Inhale exhale. Kumatok muna ako bago ito binuksan. Sinilip ko mun ayung ulo ko. Nakita ko si sir busy sa mga papers. 

 

"Sir tawag niyo po ako?" 

 

"Oh Karina pasok ka." Binaba na niya yung mga papel at maayos akong tinignan. Pumasok na nga ako at sinara yung pinto. 

 

"Upo ka muna." Umupo ako sa couch sa loob ng office niya. 

 

"Bakit po sir?" 

 

"I have something to ask you." Parang kinabahan naman ako dun. Ang seryoso kasi ng mukha ni sir. Hindi naman siguro ako papagalitan nito. Wala naman akong maling nagawa so far.

 

"Po?" 

 

"Have you heard of Gensler firm?" 

 

"Uhm diba architectural firm yun base sa US?" Sikat yun na firm kung hindi ako nagkakamali.

 

"Yeah and someone who used to be working there decided to transfer here." Woah really? That's a good oppurtunity sa company pero anong relate naman nun sakin?

 

"That's a great news sir." 

 

"Hmm we're going to have a big project with that architect and I want you to be the project manager for that." Napatulala nalang ako sa sinabi niya. 

 

"Ako po?" 

 

"Yes I think out of all project managers in this firm you have the cleanest record. You got promoted within two years lang ng pagtatrabaho and as your director I really am impressed on how you handle the projects under you. So yeah I think it's reasonable to put you on the job." 

 

"But sir I still have pending project-" 

 

"That's fine. I'll ask your best friend to take some of your loads." Ngumiti lang si sir. Paano pa ako makakahindi niyan. Napangiti nalang din ako at tumango. 

 

"Okay sir pero kailan po ba dadating yung new comer?" 

 

"Oh about that she'll be here by tomorrow." 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺