Chapter 11

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Muntik na kaming matumba nung bigla siyang maout of balance. Buti nalang nasalo ko siya agad kundi bukol aabutin neto. Medyo umiikot na din yung paningin ko. Hello? 2 am na po kami umuwi. Pati si Lucas medyo lasing na kaya kami na naman ni Jae ang to the rescue sa mga wasted. Magisa kong inalayan si Win papunta ng condo niya. Ang bigat pala ng babaeng to kahit mukhang payatot.

 

Inihiga ko na siya sa kama at tinanggal yung heels niya. Alam kong hindi naman nya yata kailangan neto kasi di naman siya sobrang pandak actually matangkad siya kaso mas matangkad lang ako. Di ba nananakit paa niya dito. Inayos ko siya ng higa at kinumutan. Ginawa na talaga akong personal alalay. Ini-on ko na din yung aircon. Saan ako matutulog ngayon? Siguro sa couch nalang. Aalis na sana ako nung bigla siyang magising at magamok. 

 

"Jimin! saan ka pupunta?" Nakasimangot niyang tingin sakin. Halatang lasing parin siya. Kaya tinulak ko ulit siya pahiga.

 

"matutulog kaya matulog ka na din."

 

"Tabi tayo." Parang bata niyang usal. Ano na namang trip neto.

 

"Ayoko matulog ka na nga." Tinakpan ko ng kumot mukha niya at akmang aalis na nung bigla niya hawakan kamay ko. Para akong kinuryente ng libo libong eels. Ang bakla lang.

 

"Iiwan mo din ako?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Nagdadrama ba siya?

 

"Wala namang nangiiwan sayo. Matutulog lang ako Win dahil bukas kailangan ko pang bumiyahe pauwi." Pagpapaliwanag ko na di ko rin alam kung maiintindihan niya dahil lasing nga.

 

"Lahat ng importante sakin iniiwan nalang ako. Am I that insignificant, Jimin? Ganun na ba ako kasama?" Malungkot siyang tumingin sa mga mata ko. Alam mo yung parang maiiyak na siya. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya pero I think she's talking about her personal problem.

 

"Ugh fine huwag ka nang magdrama. Usog ka dali." Napakamot nalang ako sa ulo. Ngumiti naman siya agad na parang wala lang yung nangyari. Inaactingan lang pala ako ng bruha. Ang weak ko talaga pagdating sa kanya ngayon ko lang na realize.

 

Umusog naman siya sa kabila. Malaki naman kasi kama ni madam. Nahiga na ako sa tabi niya at siya naman nakatingin lang sakin na para akong alien. Ang lagkit ng tingin para akong tutunawin. Tumalikod nalang ako sa kanya para umiwas. Ayokong makita niyang nagbublush ako. Isipin pa niyang may gusto ako sa kanya.

 

"Jimin" Tawag niya sakin. Hindi ako kumibo. Magpapanggap akong tulog.

 

"JIMIN!" Sabay yugyog niya sakin. 

 

"Ano!?" Inis kong sagot pero hindi pa rin ako lumilingon. 

 

"We're friends right?" Ano isasagot ko diyan? Hindi nalang ako sumagot pero feeling ko ang lungkot ng boses niya. Hays bakit di ko matiis tung babaeng to.

 

"Gusto mo ba?" I asked. Alam ko naman may abnormality na nangyayari sakin. Maybe attracted lang ako dahil sa nasa kanya yung hinahanap ko sa phycial aspect ng ideal partner ko.

 

"Of course. I think Lucas is right na good influence ka sakin. Ikaw lang may lakas ng loob na sagotin ako ng ganun. Kahit minsan di ko gusto tabas ng dila mo pero okay na din." Di ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sinabi niya. Napagdisisyunan kong humarap sa kanya pero bad move ang lapit niya pala sakin. kulang nalang talaga ng mga tatlong inch maglalapat na mga labi naming. Ako lang yata ang nagulat kasi siya nakapikit lang. I tried my best to compose myself not to give out na kinakabahan ako.

 

"The feeling is mutual. Ang pinagkaiba lang parati akong naiinis sa spoiled attitude mo." nasabi ko nalang at ngumiti. Minulat niya naman ang mga mata niya at ngumuso. Aw cute.

 

"You can't do anything but deal with it." Mataray niyang sagot na turns out into a cute one kasi nga lasing.

 

"Yun nga ginagawa ko."

 

"Tsk. Tulog na nga tayo girin." sumiksik siya sakin at umunan sa braso ko. Hala ginawa pa akong unan.

 

"Anong ginagawa mo?"

 

"Matutulog." Ngiti niya na parang bata. Bata nga yata siya eh.

 

"Usog ka, dun ka sa side mo. Mawawalan ako ng braso sayo." Pagpupumilit ko. Nak ng toknene mamamatay ako sa kaba ang lapit niya.

 

"Ayoko gusto ko dito ang comfy kaya. Alam mo yung expression mo pag hindi nakangiti parang pusa. Ang snob pero ang tangkad mo naman parang giraffe. Hybrid ka ba?." Aba ay kinukutya pa ako.

 

"Kesa naman sayo para kang si snowball." Naalala ko yung movie na secret life of pets.

 

"Cute kaya ni snowball."

 

"Snowball na nalunod." Natatawa kong balik. Naramdaman ko naman ang sakit ng pagkurot niya sa tagiliran ko.

 

"Aray! Hoi abusado na ah pag yan nagkapasa papakain ko sayo yung T-square."

 

"Eh sa gago ka eh sorry not sorry." sumubsob pa siya at talagang kinuha pa niya isa kong kamay para ibalot sa kanya. Parang nagcucuddle tuloy kami. Hinayaan ko nalang. Sumasakit na din ulo ko gusto ko na matulog. Sana lang hindi niya marinig kalabog ng dibdib ko.

 

"Minmin tulog ka na?" Hindi na ako sumagot para tumigil na nga siya. Naramdaman kong inangat niya yung ulo niya para sumilip kaya agad akong napapikit at nagpanggap na tulog.

 

"Goodnight girin." Yumakap pa siya sakin. Hindi ko maiwasan na iyakap din siya pabalik. Siguro dahil sa alak narin. Inamoy ko buhok niya at damn super bango. Amoy mayaman talaga. Nakakarelax kaya di rin nagtagal nakatulog din ako.

 

'Goodnight snowball'

 

...

 

Eight na nung magising ako. As expected tulog pa nga si Win at ang braso kong ginawa niyang unan di ko na maramdaman. . Dahan-dahan ko siyang tinulak palayo para hindi m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺