Chapter 42

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

"Found you." 

 

Paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko yung sinabi niya kanina. Matapos niyang sabihin yun nakatulog na ulit siya. Kaya ayun tumawag ako ng taxi para lang ihatid siya sa bahay nila. Good thing na malapit lang pala. Hindi ko alam na dito na pala sila lumipat. Si tita na yung nagbukas ng pinto. Nagulat nga siya nung makita kaming magkasama at pasan ko sa likod si Winwin. Inalalayan lang ako ni tita na ipasok siya sa kwarto niya. 

 

"Dito ka na matulog Karina gabi na." Pagaalala niya. Wala paring pinagbago si tita after six years. Maganda pa rin. Nilalaro ko lang si Yooji na karga-karga ko. Oo andito parin siya at cute parin. Huhu namiss ko yung anak namin.

 

"Nako hindi na po. Kailangan ko pang asikasuhin yung mga dadalhin ko bukas kaya uuwi na siguro ako samin." Naalala ko si Miggie pero hindi naman siguro pinabayaan yun ni Jun.

 

"You can do that tomorrow. Sige na hindi ako mapapanatag kung uuwi ka ng magisa. Dito ka na may guest room naman." Gusto ko pa sana tumanggi kaso ngumiti si tita kaya di nako makahindi. Kung aalis din ako baka wala nang masasakyan sa labas. Buti nalang talaga nag commute lang ako ngayong araw.

 

"Then I'll take that offer tita." Mas lalong lumapad yung ngiti niya sa sagot ko.

 

"Great. I'll tell the maids na ihanda kwarto mo. For now would you like some coffee?" 

 

"Hmm sige po." Ngumiti narin ako kaya nagtungo na kami sa balcony para makapagpahangin. Binaba ko na rin si Yooji para makatulog ng maayos dun sa dog bed niya. Feeling ko rin nawala na yung antok ko dahil sa mga ganap kanina. 

 

"How are you?" 

 

"Okay lang po. I'm working at currently on the same firm with Winter." Nung sabihin ko yun biglang natawa si tita.

 

"Akalain mo yun small world." Di ko nga rin ineexpect na magkikita ulit kami. Para akong pinaglalaruan ni universe ngayon. 

 

"Oo nga po eh. " Umiinom ako ng kape nung bigla nalang siya magsalita ulit.

 

"Single ka pa ba ija?" Muntik ko na maibuga yung iniinom ko. Naubo pa ako gulat. Si tita may baong surpresa talaga. 

 

"p-po?" Pinunasan ko muna yung bibig ko bago siya tinignan. Nakangiti lang sakin siya sakin na para bang may nais ipahiwatig. Kinakabahan ako sa mga tingin niya. Parang si Winter pag may binabalak na masama.

 

"Single din si Winter ko. How was your parents ba?" Parang nagloading ako dun ah. 

 

"Ah okay na naman sila tita. Tanggap na po nila yung preference ko. Nung graduation feeling ko balde-balde yung iniyak ko." Naalala ko nanaman yung time na yun. Ang sarap alalahanin. Yung ilang taon mong hinintay na tatanggapin ka at nung binigay na nga ang gusto mo parang lahat ng sakit at saya hinalo-halo na. Tinapik lang ni tita yung balikat ko bago ngumiti.

 

"Told you matatanggap din nila. Matagal man pero worth it naman diba?" 

 

"Hmm thanks tita." Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. 

 

"So ano na how about getting back with my daughter?" 

 

"Uhm okay lang ba yun tita?" Parang ang labo naman nauna pa ako makipagusap ng maayos sa mommy niya. Ngayong araw nga lang din kami muling nagkasama tapos ganito agad.

 

"Ang alin? bakit di mo na ba mahal anak ko?" 

 

"No no no hindi po sa ganun pero kasi kakakita lang namin muli tapos gagawa agad ako ng move. Ni hindi pa nga kami nakakapagusap ng maayos. Paano kung hindi na niya ako gusto? Baka mapilitan lang siya-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang siyang tumawa. Dejavu nanaman. 

 

"Ija Karina wala kang dapat ipagalala. I will help you with all I have. I am confident that Winter wants you back too. I mean she-" Napatigil si tita. Biglang nanlaki mga mata niya kaya napataas yung kilay ko. Mukhang muntik na siyang madulas. "Ang ibig ko sabihin why not try? Hindi basta-basta dumadating yung ganito ija. Isipin mo yun hanggang ngayon yung anak ko parin ang mahal mo ni wala ka man lang inentertain na ibang ta-" napatigil ulit siya.

 

"Tita? paano mo yan nalaman?" TInignan ko siya ng may pagtataka. Kasi wala naman akong ibang kinukwentuhan ng love life ko kundi yung si Yeji- wait no way. Parang may kung anong nagclick sa utak ko. Paano nalaman ni Yeji na si Winter yung makakatrabaho ko? Bakit di ko naisip agad yun?

 

"Uhm ija huwag kang magagalit ah?" Parang batang nakatingin lang si tita sakin. Nagaalangan na baka magalit nga ako. Ikakagalit ko nga ba?

 

"Okay ano po iyon?" 

 

"You know Yeji?" Sabi na.

 

"Opo."

 

"Yung bunso kong kapatid ay may girlfriend. That girlfriend may dalwang kambal na kapatid and maybe gets mo na dun?" Heol. So all this time may connection si Yeji kay Win. Yung ate niyang si ate Tiffany ay jowa ang nakababatang kapatid ni tita?

 

"Sino po yung kapatid niyo?" 

 

"Oh she's doctor now. I think you know her already. Siya yung president ng usg dati noong doon ka pa nagaaral." Wow.

 

"Si ate Taeyeon!?" Yung ex crush ko!? 

 

"Yeah- pero teka bakit parang mas gulat ka pa tungkol sa kapatid ko?" Pagtataka ni tita. Nako tita kung alam mo lang. May pagnanasa ako dati sa kapatid mo. Ganda talaga ng lahi nina tita. Tanginang Yeji yun bakit di man lang sakin sinabi. Si Winter din ba yung sinasabi niyang pinsan na maganda. Malilintikan talaga sakin yun bukas. Ay wala nga palang pasok grr.

 

"So galing kay Yeji yung informations?" 

 

"Hmm kamakailan ko lang din nalaman na ikaw pala yung best friend na kinukwento niya. Bago niya lang din nalaman na si Winter yung babaeng di ka makapagmove on. Don't worry hindi alam ni winter yung tungkol sayo at kay Yej. Di niya nga kilala siguro si Yeji dahil six years din siyang nagstay sa states." Medyo nahibang naman ako sa nalaman ko. Ang liit lang ng mundo grabe. So si ate Taeyeon ang gf ni ate Tiff tapos pamangkin ni ate Taeng si Winter. Kapatid naman ni ate Tiff sina Yej at Hyun. All this time link parin pala sila sakin ng di ko man lang alam. Balita ko halos anim na taon na ding may jowa si ate Tiff eh.

 

"So anong sinabi ni Yeji tungkol sakin?" 

 

"Hmm just things about you. I was the one who asked for Winter na sa firm ng uncle niya mag apply." Proud na ngumiti si tita at nag cross arms. 

 

"Ibig niyo pong sabihin?" 

 

"I don't plan on giving my daughter to a stranger. I am expecting you to talk to her at ipagpatuloy ang naudlot niyong pagiibigan. Karina ija ano pa ba ang pipigil sa inyo? Okay na din naman parents mo diba? and her father is already happy in heaven watching over us. Pinostpone niyo na yung love story niyo para saming nakakatanda maybe it's time to press play na." Napaisip ako sa sinabi ni tita. Tama nga naman siya. Galing talaga ng words of wisdom. What am I waiting for? Ito na yung chance na matagal ko ng iniintay. I promised na sa susunod naming pagkikita di ko na siya pakakawalan. Wake up Karina stop being a coward. Napalanghap ako ng sariwang hangin bago nagbuntong hininga. Humarap ako kay tita ng may determinadong tingin. 

 

"Tita can I really ask for your help?" 

 

"I'll be more than happy to do that." 

 

...

 

Winter's PoV

 

 

Nagising nalang ako sa isang malakas na alarm. Ang sakit ng ulo ko hangover. Ano bang nangyari kagabi? Nagkaroon ng welcome party para sakin tapo- Holy ... I really did that? Nagtalukbong ako ng kumot at binaon ang ulo ko sa unan bago napasigaw.

 

"AAAAAAAAAA" Nakakahiya ka Wint

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺