Chapter 36

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Huwebes ng umaga at kasalukuyan kaming nagkaklase. Nakikinig lang ako sa discussion ng prof nung may kumalabit sa likod ko. Alam ko kung sino dahil wala naman ibang mangungulit sakin dito. Rizal ang sub namin ngayon meaning magkaklase kami ni Win. Di ko nga ineexpect na sa second sem magkaklase parin kami.

 

"Ano?" Bulong ko sa kanya. 

 

"Sabay tayong maglunch." Sagot niya. 

 

"Ha? bakit?" Hindi naman kasi kami nagkakasabay ng lunch dahil di nagkakatugma yung sched namin. 

 

"Wala yung prof namin mamaya. Sabay tayo ah" Hmm okay? Pumayag nako tutal wala naman akong makakasama maglunch ngayon. Nagpatuloy lang yung klase hanggang sa matapos ito at lumipat ako sa next class. Iba na next sub namin kaya di na kami nagsabay. 

 

"Uy Rina hello." Bati sakin ni Jae may kasama siyang babae ohh. 

 

"Hi." Ngumiti ako at siniko siya. "girlfriend mo?" 

 

"Hindi pa." Nahihiya niyang sagot at napakamot sa batok kaya natawa ako. 

 

"Hello I'm Jimin Karina Yoo kaibigan ni Jae." Pagpapakilala ko sa babae at inabot ang kamay ko. Kinuha niya naman ito at nakipagshake hands. Ang ganda ng nililigawan ni Jae kaso mukhang snob. Ewan yung aura niya lang siguro.

 

"I'm Sumin Bae his childhood friend. I heard about you from Jae." Tama nga ako maypagka attitude tong babaeng to. Yung tono ng pananalita parang nakakasense ako ng pagtataray. Don't tell me sinabi ni Jae na naging crush niya ako? 

 

"I hope hindi masasama?" 

 

"Hindi naman. Sinabi niya lang naging crush ka niya." Sabi na nga.

 

"Oh ex crush na Sue." Pagkokorek ni Jae. 

 

"Yeah at wala kang dapat ipangamba taken nako." Baka kasi isipin niya balakid ako sa kanila.

 

"Really?" Si Jaemin pa talaga ang tinanong wala yatang tiwala sakin.

 

"Hmm sila ng pinsan ko." Sagot niya lang. 

 

"Pinsan? Ang alam ko lang na pinsan mo dito ay si Winter ah." Opps.

 

"Ah eh Jae mauna nako may klase pa kasi ako." Nagmamadali akong umalis jusko mabubuko pa kami ng wala sa oras. Binigyan ko lang ng tingin si Jae na siya na bahala mukhang na gets niya naman at tumango lang. Yun pala yung sinasabi niyang nililigawan niya. Ang ganda nung babae kaso mukhang Winter the second pero ayoko naman ijudge agad since magchildhood friends sila at ayoko ulitin yung pagkakamali ko kay Win.

 

Pumasok na ako sa next class ko at nakinig. Wala naman masyadong ganap kaya mabilis lang din lumipas yung oras. Hindi ko na nga napansin na lunch break na pala. Paglabas ko palang ng room si Win agad nakita ko nagiintay sa may balcony. 

 

"Tara?" Aya niya. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad. 

 

"Saan tayo kakain?" Pinulupot niya nanaman yung kamay niya sa braso ko. Nasanay narin ako ganito kasi talaga siya kaclingy. 

 

"Hmm gusto ko bumili ng chicken wings." 

 

"Okay basta ikaw magbabayad." 

 

"Oo naman kailan ba kita pinagbayad ah?" 

 

"Sabi ko nga." 

 

Nagtungo na kami sa sasakyan niya at nagsimula na siyang mgdrive. Dahil sa wala naman akong magawa tinitigan ko lang siya. Pansin ko yung suot niya na medyo nakaget up than usual. Ang cute niya parin tignan habang nagdadrive.  Naka straight lang yung likod habang tumitingin sa daan. Tapos tutok na tutok sa harap.

 

"Maybe I should get my license soon." 

 

"Bakit?" Sagot niya ng di parin lumilingon. 

 

"Para maipagdrive kita." 

 

"Ayoko baka mawalan na ako ng silbi." Natawa naman ako dun.

 

"Kung sa bagay." Sinamaan niya lang ako ng tingin bago binaling ulit yung atensyon sa daan. Napailing nalang ako at tumingin sa labas. Habang nasa byahe bigla kong narealize na yung tinatahak namin na daan ay hindi na papuntang fast food chain. 

 

"Hoy saan tayo pupunta?" Kunot noo kong tanong sa kanya. 

 

"Secret gutom ka na?" Ngumiti lang siya at tinuro yung likod ng sasakyan. Tinignan ko kung ano yung tinuturo niya at may nakita akong paper bag sa back seat. Inabot ko ito at tinignan kung anong laman. May pagkain.

 

"Bumili nako." Dagdag niya kaya tumaas yung isang kilay ko. May kung anong pinaplano tung babaeng to.

 

"Saan ba tayo pupunta?" Paguulit ko ng tanong.

 

"Secret nga tulog ka muna." 

 

"Hoy may klase pa ako." 

 

"Absent ka muna Theo lang naman yung klase natin mamaya. Sinabihan ko na sina Gigi na iexcuse tayo." 

 

"Di ka nama prepared no?" Mangha ko siyang tinitigan. Nagsmirk lang ang loka at mukhang proud pa sa ginawa niya. Well it won't be so bad to skip class one time. Wala naman kaming quiz ngayon isa pa sumasakit sungay ko dun.

 

"Of course ako pa." 

 

"Fine I'll trust you on this one." Sumandal ulit ako at kumuha ng makakain doon sa paper bag. 

 

"Kumain ka na?" 

 

"Hindi pa." 

 

"Tabi mo muna yung sasakyan." 

 

"Ayoko I need to drive para makarating agad tayo." 

 

"Malayo pa ba?" 

 

"Yup mga three hours." Sagot niya. Ang layo naman. 

 

"Paano ka kakain?" 

 

"Subuan mo ko?" Woah hindi lang ako cook at tutor ako din pala PA nito. 

 

"Additional fee." Sabi ko nalang at kumuha ng burger at tinapat sa kanya.

 

"Alam mo minsan naiisip ko pera lang talaga gusto mo sakin." Reklamo niya at kumagat dun sa burger. May mayonnaise na naiwan sa bandang gilid ng lips niya kaya pinunasan ko din to. Parang bata kumain. 

 

"Syempre gusto kita kasali na rin pera mo dun." Tatawa-tawa kong sagot. Actually inaasar ko lang siya wala naman akong pake sa pera niya. Dati nga iniisip ko ang sakit sa ulo pagmaykaya yung partner. 

 

"Ang sama mo." Sumimangot siya pero alam ko naman na alam niyang nagbibiro lang ako. 

 

"Gusto mo chicken diba? eto madam." Pinakain ko nalang siya. Para kaming magasawa. Ako na tumapos nung burger dahil mukhang sarap na sarap siya doon sa manok binigay ko na yung akin din. Matapos ng subuan portion namin napagdisisyunan kong i-on yung player. I connected my phone para alam ko yung mga tugtog tapos shuffle play ko nalang. Yung unang song ay Make You Mine by Public.

 

"Nice favorite ko to." 

 

"Hmm same." 

 

"Alam mo bagay sayo yung kanta." 

 

"Kasi gusto mo ako mapasayo?" Kahit na kanya na din naman ako noon pa.

 

"Hmm oo at tsaka yung meaning din talaga ikaw yung naaalala ko." Napangiti ako sa sinabi niya kasi naman dati ako yung nangangarap samin eh. Sino ba naman magaakala na mababali din siya. Kinuha ko nalang yung kamay niya at hinalikan ito. Ang lapad ng ngiti niya nakakahawa na din.

 

Patuloy lang siya sa pagdadrive hindi ko na nga napansin na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa kung anong mga kaluskos. 

 

"Win?" Tawag ko sa kanya kaso wala na siya sa driver seat kaya hinanap ko siya. Nasalikod pala siya ng car may kinukuhang mga gamit. Lumabas na ako at doon ko lang napansin ang napakagandang view sa harap namin. Nasa may dagat kami at ang puti ng buhangin pati yung dagat ang linaw. 

 

"Good afternoon." Bati niya sakin habang may hawak na bag. Tumingin ako sa gilid at may bahay. Mukha siyang rest house. 

 

"Akin na yan ako na magdadala." Kinuha ko yung bag sa kamay niya. "Asan tayo Win?" 

 

"Nasa rest house namin." 

 

"Bakit mo ako dinala dito?" 

 

"Kasi gusto kita masolong salubungin birthday mo?" Ngumiti lang siya at naunang pumasok ng bahay. Hindi ko alam anong sasabihin ko. She just made me speechless? Wala naman kasi akong ineexpect na gawin niya tutal magkakasama naman kami bukas. Sumunod nalang ako. Gusto ko siya yakapin at sabihing super thankful ako sa effort niya ngayon. Ang ganda ng paligid swear. Nilapag ko yung bag sa couch. 

 

"Welcome to my place." Tinaas niya yung kamay niya na parang pinapakita yung buong bahay. Ang aliwalas ng bahay nila. Cozy type yung feeling. Hindi siya magarbo pero makikita mo rin yung pagiging classy niya. 

 

"Why are you so sweet?" Hinila ko siya para yakapin. Basta ang saya-saya ko. Yumakap naman siya pabalik. 

 

"Anything for you Baby Minmin." After more seconds kumalas na kami sa pagkakayakap. "Nagpagrocery nako para sa kakailanganin natin ngayong gabi." Tumango naman ako. She really prepared for this.

 

"Pero may klase tayo bukas." May long quiz nga pala ako.

 

"Don't worry uuwi rin tayo ng mga three." 

 

"Hindi ka ba mapapagod n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺