Chapter 34

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Kakatapos lang ng aming last period nung makita ko si Win nagiintay sa labas ng room. Alam niya kasi sched ko hiningi niya last week same to her alam ko rin sched niya at pareho kami ng out ngayon. Kasama niya si Ryu. Minsan ko lang makita sila na wala yung dalawa pa. 

 

"Asan jowa mo Ryujin? at si Gigi?" Tanong ko ng makalapit ako.

 

"May klase pa yung dalawa tapos si Ningning busy din may group project sila." Si Winter ang sumagot. Hmm kaya naman pala wala yung tatlo.

 

"Tara sa woods." Aya ni Ryu. May napansin akong pagkakaiba sa itsura niya ngayon. Yung dating ash grey tip ng buhok niya ngayon buong buhok na talaga.

 

"Ryujin hindi ba bawal yan?" Turo ko sa buhok niya. Nagsimula na rin kaming maglakad pababa ng building at as usual nakakapit sa braso ko si Win.

 

"Nope" Nonchalant niyang sagot.

 

"Really?" 

 

"Hmm exempted naman ang department namin sa strict hair color." Hmm sabagay. 

 

"You look good on it." Pagkokomplimenta ko. Bagay sa kanya maputi naman kasi si Ryu. Ang cool manamit at matangkad pero mas matangkad parin ako. 

 

"Aw thank you Rina." Kumapit siya sa kabila kong braso at tinignan ng nakakalokong tingin si Win. 

 

"Pano ba yan Winter mukhang nagagandahan sakin nililigawan mo." Pangiinis niya kaya tumaas naman ang kilay ng isa. 

 

"Manglilibre ako ng dinner mamaya di ka kasali." Irap niya at hinila ako lalo sa kanya. Agad naman bumitaw sa pagkakahawak si Ryu at tumawa.

 

"Eto naman di mabiro. Sali mo rin ako." Pagpapacute niya. Nilabas lang ni Winter yung middle finger niya kaya nanlumo yung mukha ni Ryujin. Yan kasi alam na di dapat inaaway ang dragon. Inalis ko yung kamay ni Win mula sa braso ko. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero di ako nagreact. Nilipat ko lang yung braso ko sa balikat niya at inakbayan siya. Kaya ayun ang lapad ng ngiti kumapit din siya sa may bewang ko. Ang cute talaga nitong nilalang na to. Talo pa namin magjowa sa sobrang clingy.

 

Hindi naman kami usually ganito. I don't like PDA nga diba pero ngayon gusto ko siyang malapit sakin. Isa pa wala naman masyadong estudyante ngayon kasi oras ng klase. It's been two months simula nung nanligaw siya and to tell you guys super sweet ng loka. Last binigyan niya ako ng chocolates tas ang cute nung nasa note na 'I only share my chocolates to you'. Kaya ayun kinilig nanaman si madam niyo. About naman kay Lucas he stopped coming to school na din hindi ko alam kung bakit pero sana lang matauhan na siya. I honestly feel worried para sa kanya din kasi kahit papaano naging kaibigan ko yun.

 

"Jusko huwag kayong magharotan sa harap ko." Naunang maglakad samin si Ryu kaya nagtawanan kami ni Win.

 

"Where do you want to go after school?" Tanong niya.

 

"Hmm siguro magaaral since exam na natin ngayong huwebes." Sagot ko kaya tumango lang siya.

 

"How about we go for group study? Magaral tayo about history para hindi na mastress yung tatlo." Suhestyon niya. Pansin ko lang malaki talaga pinagbago niya pagdating sa Acads. Kung dati hindi siya nageeffort para sa mga minor subs ngayon commited na siya. 

 

"Wow dati pinapasa mo lang sakin lahat ng gagawin ngayon disidido ka na magaral." Nakakatuwa yung pagiging invested niya. 

 

"Dati yun okay ang galing kaya ng magiging girlfriend ko kaya dapat galingan ko rin." Ngiti niya kaya di ko mapigilan maging proud. She's so damn sweet.

 

"Kailan ka pa naging bolera?" 

 

"Never. Kaya you should believe in my compliments." Nagsmirk siya umoo nalang ako. I mean kailan ba ako makakahindi sa kanya? Weakness ko na yata siya eh.

 

"Fine I will." Tinanggal ko na yung pagkakaakbay ko dahil lalabas na kami ng hallway maraming studyante dito sa parte ng school mga nagiintay ng next class o papunta palang sa mga klase nila. We acted like we did not flirted seconds ago at casual lang na sumunod kay Ryujin. As much as possible gusto ko lowkey lang ayoko ng lantaran lalo pa at hindi ako out and isa yan sa mga iniisip ko these days. 

 

Pagdating namin sa woods wala ng mga tao. Naupo na si Ryu sa bench. Sumunod naman kami sa katapat niya. Nagusap lang kami sa mga ibang bagay at mga chismis sa school. Isang oras din kaming nagusap bago dumating si Lia na kala mo patay sa sobrang pagod ng itsura. Naupo siya sa tabi ng jowa niya at sumandal dito. Now this is one of the things na hindi namin usually nakikita sa kanila. 

 

"How was your class Bal?" Sinubuan siya ni Ryu ng kinakain niyang piattos.

 

"Ang sama Bal nakakapagod yung oral recitation dahil exam na bukas." Pagsusumbong niya. Ang cute nila tignan. Sa kanila lang ako nakakaramdam ng lowkey kilig. Doon sa isang couple puro ka gagohan ginagawa eh. Lalo na yung Ningning na yun.

 

"Speaking of exam maggroup study tayo mamaya." Ngiti ni Win sa kanila at mukhang excited pa.

 

"Talaga? Iba-iba pa naman kurso natin." Kunot noong sagot ni Ryu.

 

"Yung sa mutual subs natin ang pagaaralan at isa pa masmabuti ng andun lahat para sure kong magaaral kayo. Sa ating apat kayong tatlo talaga yung go with the flow lang eh. Sa inyo ako natuto manghula lang ng sagot."

 

"Good idea need ko rin aralin yung Rizal shocks ang baba ng score ko dun panay oral recitation si sir beki." Reklamo ni Lia. 

 

"Great let's meet at your apartment?" Dagdag pa niya. Yup magkasama sa iisang apartment ang dalawang to. To think na isang taon at ilang buwan na sila hindi ko alam kung anong stage na sila. Ayoko naman magtanong kasi privacy nila yun.

 

"Ang gulo ng apartment namin Winter" Umiling si Lia.

 

"Kina Gigi tayo tutal malaki naman bahay noon." Suhestyon ni Ryu. Tumango nalang si Win. Nagpatuloy lang kami sa paguusap. Nagtext din si Ning kay Win na may gagawin pa siyang report kasama ka grupo niya kaya kami lang lima yung magaaral. Dumating na rin si Giselle na nakabusangot yung mukha.

 

"Oh girl nangyari sayo?" Tanong ni Win.

 

"Naiinis ako sa lalakeng ka grupo ni Ning." Nagcross arms lang siya at padabog na umupo. 

 

"Sino? Nagkita ba kayo?" Dagdag na tanong ni Lia.

 

"Si Heeseung yung mukhang butiki. Nagkita kami kasi nanghiram ng airpods si Ningning tapos yung asungot na yun panay dikit sa kanya. Eto naman si Ning kinakampihan pa." Ang sama talaga ng tingin niya. Kala mo kakain ng tao sa galit. 

 

"Sus hindi naman yun gusto ni Ning ikaw nga jowa. Chill lang pagkatiwalaan mo yung girlfriend mo gurla." Pagpapakalma ni Ryu pero mukhang opposite pa reaction niya.

 

"Wala akong tiwala sa gagong yun halata yung tingin niya sakin na parang nangiinis. Dukutin ko mata niya display ko sa zoo." Ang brutal jusko. 

 

"Eto naman kumalma ka na di naman magpapaagaw yung bebe mo. Baliw yata yun sayo." Natatawa kong sabi. Naalala ko tuloy yung sinabi niyang iba talaga magkajowa ng dancer. Ang laswa talaga. 

 

"Tch sinabi niya ba yun?" Tumingin siya sakin.

 

"Oo sabi niya ang sarap at galing mo raw. Iba talaga magkajowa ng dancer." Pagkasabi ko nun nabulunan sa paginom ng juice si Ryu. Napatingin din sakin si Win at Lia habang si Gigi ngumiti lang. 

 

"Hmm well fine I'll chill out. Kung sa bagay lamang na lamang ako sa itsura." Nagflip hair lang siya. Yun lang pala makakapagpakalma sa kanya. 

 

"Huy tangina anong ang sarap?" Gulat na tanong ni Win. 

 

"Sus painosente ka rin babae. Tanong mo sa dalawang yan mas matagal sila samin for sure marami na yang alam." Ngisi ni Gi. Bigla namang namula si Lia at Ryujin.

 

"wala kaming alam diyan huwag mo kaming idamay sa kadumihan mo Giselle yak." Pagtatanggi ni Ryu. Umirap lang si Gi.

 

"As if hindi pa kayo naglaplapan-" Tinakpan ni Lia yung bibig niya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺