Chapter 29

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Karina's PoV

 

Finally tapos narin lahat ng exam ko. Di ko alam kay Win pero sabi niya mamaya pang three last period nila kaya siguro magiintay nalang ako. Papalabas nako nung magkasalubong kami ni Jae. Uhm...

 

"Uy Rina pauwi ka na?" Ang lapad ng ngiti niya nung makita ako. After a month ngayon ko lang siya ulit nakita at makakausap. Di ko pa naman siya nirereplyan. 

 

"Hindi eh hihintayin ko pa si Winter."

 

"Samahan na kita." Nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan.

 

"Uhm sorry kung hindi nako nakareply nung mga una mong text." Nakokonsensya kasi ako. Mabait kaya sakin si Jae.

 

"It's okay nung nagsimula ang training camp wala naman masyadong signal dun kaya hindi ko narin nasundan tapos pagbalik namin exam week agad ang daming plates na dapat ipasa. Hindi ka naman din obligado na magreply." Ang gentle ng boses niya. Mapaghahalata talaga na mabait tapos gentleman pa. 

 

"Next time magrereply na talaga ako." 

 

"Okay lang ano ka ba. Teka gusto mo ice cream?" Turo niya dun sa nagbebenta ng dirty ice cream. Napangiti ako naalala ko kasi si Win mahilig pa naman yun sa ice cream.

 

"Uhm no okay-" 

 

"Ayaw mo?" Medyo lumungkot yung expression niya. 

 

"Gusto mo ba?" Tanong ko. Tumango naman siya naiimagine ko tuloy na may sparks sa mga mata niya nung sinabi ko yun kaya medyo natawa ako.

 

"Libre na kita bawi ko sa di pagreply." 

 

"Really? But I can pay for us." Hindi ako nakinig at binigay yung bayad kay manong at nagorder.

 

"No I insist. Minsan lang ako manglibre kaya take it as a reward sa pagkapanalo niyo. Late na yung gift pero here you go." Pinasa ko yung ice cream sa kanya. Nakita ko ang pag ngiti niya habang nakatitig sa ice cream. Ilang beses ko na nasabi na ang cute din ng lalakeng to. 

 

"Thank you Rina." 

 

"Welcome Jae. Doon na tayo mag intay sa woods. Tinext ko na si Win na dumeretso na doon." 

 

Nagusap lang kami ni Jae sa mga bagay-bagay. Nalaman ko na hindi ganun ka okay ang relationship ng mga magulang ni Win. Dati nung mga bata pa sila madalas na doon natutulog si Winter sa bahay nila kasi ayaw niyang naririnig yung mga magulang niya na nagaaway. 

 

"Supportive naman ang parents niya sa kaniya. Pagdating sa anak nila nagkakasundo sila. They spoil her dahil only daughter kasi but one day they both decided to have a divorce kasi ayaw na talaga ng mommy ni Winter yung pangangaliwa ng daddy niya. In the end they separated and she's only ten that time. Malaki ang bahay nila pero palaging wala yung mommy niya due to business kaya sanay na siyang magisa." 

 

"So that's what she meant nung nalasing siya. Sabi niya mabilis lang sila bumigay." Sabi ko na nga ba may family problem si Win. Hindi pa siya nakakapagkwento tungkol sa kanila sa halos dalawang buwan na naming magkasama.

 

"Yeah ever since then tanging si Ningning at yung nanny niya lang siya nakakapagopen up. Kaya nung nalaman ko na she wanted to live with you doon ko narealize na finally she's ready to have someone to live her life with. Finally she's seeking out from the lonliness. Kahit yung gagong ex niya hindi siya napasaya ng gaya ng ginagawa mo. I can see how genuine she smiles pag kasama ka. So I decided to give up on my crush on you." Nakikinig lang ako sa kwento niya pero yung huling sinabi niya ang nagpalingon sakin. He knew?

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

"My cousin needs you more. I think deserve ka rin niya. Kahit crush kita mas mahal ko yung pinsan ko and if masaya siya sayo supportado ko yun." Ngumiti siya ng makahulugan. 

 

"So alam mo." 

 

"Na may something sayo yung pinsan ko? Di pa ba obvious? Minsan nga sinasadya ko nalang dahil nakakatuwa talaga yung itsura niya." 

 

"Di ako sure kung may feelings ba talaga siya sakin. Alam naman natin na sadyang clingy lang yun." Napasandal nalang ako habang nakatingin sa taas ng kahoy sa harap namin. May mga ibon na naglalaro.

 

"Hmm pero yung jealousy niya pagdating sayo iba sa magkaibigan. Alam mo naman siguro yun diba?" 

 

"Yeah pero minsan naguguluhan ako. Siya na mismo nagsabi na malabo." buntong hininga ko. 

 

"I agree magulo talaga utak nun pero I think natatakot ka din masira kung anong meron kayo ngayon. It's okay I can understand that." Parang nagbago yung tingin ko sa lalakeng to. He's so much better sa lahat ng lalakeng nakilala ko. 

 

"Okay lang ba sayo? I mean us being both girls?" Tumawa lang siya sa sagot ko.

 

"Bakit hindi? I don't have the right to judge you. I solely believe na love can be of any forms. Why limit yourself sa sinasabing normal ng nakararami? Lumaki ako sa isang catholic family pero never ko kinonsidera na iba kayo sa normal na tao." Di ko mapigilan ma touch sa sinabi niya. Knowing someone na tanggap ka kung ano ka ay sobrang sarap sa pakiramdam.

 

"Thank you." 

 

"I should thank you for taking care of my cousin." 

 

Hindi namin namalayan ang oras at alas tres na pala ng hapon. Napasarap yung usapan namin at yung topic? Si Winter lang naman. 

 

"Why is he here?" Bungad ng kakadating lang na si Win.

 

"Yo cous. Sinamahan ko lang si Rina na hintayin ka." Sagot niya at inakbayan ako. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Win sa ginawa niya.

 

"Alis nako Rina andito na pala siya. Usap ulit tayo next time." Tinapik niya ako sa balikat pero bago ito may binulong siya. "I can help you make her confess." Ha? Magtatanong na sana ako kaso lumayo na siya at sumanyas na tumawag lang ako bago umalis. 

 

"Close na kayo?" Mataray niyang tanong. 

 

"I think so. Bakit? Selos ka nanaman?" Pangaasar ko. Kaso mukhang na fluster siya sa sinabi ko.

 

"N-no I'm not." Pagdedeny niya at namula. Am I seeing this right? Si Winter nagbublush?

 

 

...

 

 

Kakatapos lang ng exam week namin. After ng ilang gabing puyatan sawakas at tapos narin. Siguro naging busy ako masyado dahil nga pasahan ng mga requirements kaya di ko masyadong napansin yung pagkakaiba kay Win. I mean she's usually clingy pero somehow parang may nabago. Di ko alam kung bakit pero naging extra sweet siya sakin? Habang tinuturuan ko rin siya parang ang layo ng tingin niya kaya minsan napapalo ko ng ruler. 

 

Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner at siya nakatitig lang sa kinakain niya. Ang lalim ng iniisip. Bukas may plano silang gumimik pero uuwi ako samin. Christmas break narin next week. 

 

"Hoy Win okay ka lang? nung monday ka pa ganyan ah." Pagoopen ko ng topic. Minsan nahuhuli ko pa siyang nakatitig sakin na para bang may gustong sabihin. Inangat niya lang tingin niya sakin kaya nagtaas ako ng kilay. Sumubo ako ng kanin at ulam. 

 

"Jimin pano kung sabihin kong in love ako?" Muntik na ako mabilaukan sa bigla niyang tanong. Inabot niya naman agad yung tubig. Matapos kong makarecover tinitigan ko siya ng mabuti.

 

"Kanino?" 

 

"What if lang naman." Maang niya. 

 

"Bakit mo naman naisip yan? naka move on ka na kay Lucas?" More than one month narin pero teka bakit parang ang bilis? Nakahanap na siya ng bago?

 

"I think okay nako pero kaylangan ko pang respetuhin yung three months rule." Napanghalumbaba niyang sabi. Seryoso nga siya?

 

"Di nga. Totoo? Sino?" 

 

"Babae." 

 

"HA?!" Tangina.

 

"Sabi ko feeling ko nagkakagusto nako sa babae." Paguulit niya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺