Chapter 5

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

 

Lumabas na siya ng kwarto niya habang dala-dala yung maliit niyang wallet. Nakabusangot parin mukha niya. Gusto kong matawa pero baka bugahan ako ng apoy nito.

 

"Ayoko na pala umalis. Ako nalang magbabayad ng lahat tapos bigyan kita tip." Nakapoker face niyang tingin sakin. As if madadala niya ako diyan.

 

"Ano? ako lang bibili tapos mageeffort at mananakit ang paa sa kakalibot ng bibilhin? Hindi, sasama ka. Gagawin mo pa akong alalay." Di ko talaga alam saan ko nakukuha tung confidence ko na sagot-sagotin lang siya. 

 

"Then let's take a taxi or grab. Ang baho baho sa jeep." Pagrereklamo niya. Anak mayaman talaga eh.

 

"Ang mahal ng taxi at grab tapos sa jeep ilang barya lang magagastos natin. Uso din naman tipid no." Pagkukumbinsi ko. 

 

"Bakit ako magtitipid? I have money." Mataray niyang sagot. Hays talagang pinapamukha niya sakin kung gaano siya kayaman. Nagmumukha lang akong hampaslupa sa babaeng to.

 

"No magcocommute tayo." I insist  at hinila siya papuntang pinto. 

 

"Ikaw nalang magcommute total ikaw naman may gusto." Inis niyang bawi sa kamay niya. 

 

"Lowbat phone ko." Palusot ko. Gusto ko talaga makita siyang sumakay ng jeep parang naiisip ko palang natatawa nako. Timing at uwian pa naman ng ilan ngayon kaya medyo maraming nasakay. 

 

"Then tell me where magkikita?" Matalino din pala babaeng to.

 

"No mas okay nang magkasama tayo mas nakakasave ng energy kesa magintayan. Tara na nga." Hinila ko muli siya papunta sa pinto. Di na siya umangal nung makalabas kami. Binitawan ko narin siya dahil baka akalain nito chansing ako.

 

Nakakatuwa pala siyang inisin.

 

...

 

Winter's PoV

 

Argh naiinis ako. Never akong pinacommute ng parents at mga naging boyfriend ko tapos tong babaeng to lang magpupush sakin? Akala ko mabait siya sabi ni Ning pero parang ang laki naman yata ng galit niya sakin? Inaano ko ba siya. Makakaganti din ako Karina Yoo, kung di lang para sa project to at best friend ko pinakuyog na kita sa mga alipores ko.

 

Walang imik akong sumunod sa kanya. Di ko naman maiwasang tignan ang suot niya kasi nga nauuna siya sakin. Cargo pants, white rubber shoes, Bitbit niya lang yung jacket niya at naka black shirt na sakto lang sa kanya. Simple niya manamit tapos medyo maangas maglakad. Ngayon ko lang din napansin. Ang cool niya pala.

 

Pumara na siya ng jeep at lumingon sakin. Sinenyasan niya akong mauna. Napatingin ako sa sasakyan namin. Medyo puno na din at yung ibang pasahero pawisan pa. God I hate this. Di ko nalang siya pinansin at pumasok. Nauna akong naupo at tumabi naman siya sakin. Bale siksikan kami, ang nasa kanan ko ay si Karina at nasa kaliwa ko naman ay isang lalaking naka sando lang. Ugh ang baho! Amoy putok yung kili-kili ni kuya na nakahawak sa taas. Parang gusto ko nang bumaba. 

 

May narinig akong mahinang tawa sa kanan ko. Sinamaan ko ng tingin si Karina na halatang nagpipigil ng tawa. So nageenjoy pa siya sa kalagayn ko ngayon?

 

"Stop laughing." Pinanlisikan ko siya ng tingin. She just cleared na parang walang nangyari. Nananadya talaga to eh. 

 

Ilang minuto palang pero sobrang uncomfortable ko sa situation ko ngayon. Feeling ko may mga matang nakatingin sakin at di nga ako nagkakamali meron ngang grupo ng mga lalaki sa bandang huli na parang tutunawin ako sa tingin. Napatingin ako sa flawless kong legs na exposed mas lalo akong nailang. Kaya ayoko ng jeep di lang dahil sa mabaho kundi maraming ganitong klaseng tao. Sinamaan ko ng tingin yung mga lalaki. Mukhang napansin naman nila kaya agad nila iniwas tingin nila sakin.

 

Napansin din siguro ng kasama ko na nakatungo lang ako at parang tinatakpan yung paa ko gamit yung wallet. Inabot niya yung jacket niya at nilagay sa hita ko. Agad namang umangat tingin ko sa kanya. Parang nahiya ako dun at feeling ko kinabahan ako bigla. Bumilis heartbeat ko na parang ewan. Di ko pinahalata kasi di kami friends hmp.

 

"Yan kasi bakit nag short pa ng sobrang ikli." Panenermon niya sakin pero pabulong lang.

 

"Di na short yun kung hindi maikli. Isa pa kasalanan mo din to." Inirapan ko lang siya. Nagsmirk lang ang loko. Gaganti talaga ako.

 

Pero on the other hand, mabait naman pala siya. I mean she wouldn't do that kung hindi. Maybe I can consider what Ning told me kanina. Pero di ko pa nakakalimutan na siya dahilan kung bakit kami andito. Lintik lang talaga ang walang ganti.

 

"Pamasahe ko idagdag mo na din sayo tapos abot mo kay kuya." Kalabit niya sakin. Tumaas agad kilay ko.

 

"Ayoko ikaw nalang." Masungit kong pagtanggi. Napabuntong hininga naman siya. Di na siya sumagot at kinuha pamasahe ko at pinaabot dun sa mga taong nasa unahan. Ayaw na siguro makipag away sakin. Baka na konsensya sa pagpilit niya. Well whatever, di ako nakakalimot.

 

"Manong para ho." anunsyo niya sa driver. Pumreno at nagpark sa gilid ang jeep. Sumenyas ulit siya na mauna akong bumaba. Bakit ganun parang nagpapautos lang din ako sa babaeng to. Tumayo nalang ako at sumunod. Pero bago yun kinuha niya jacket niya at nilibot sa bewang ko. Bakit ang gentleman ng babaeng to? Wait yun ba tawag dun? gentlewoman? ay basta. Minsan di ko rin maintindihan pagiisip netong si Karina. Alam ko naman na ayaw niya sakin base na din sa mga pinapakita niya. 

 

I am well aware na maraming may ayaw sakin pero wala akong paki sa kanila. As long as hindi sila humaharang at nakikialam sa buhay ko. Nakababa na kami sa jeep. Sa wakas at tapos na kalbaryo ko. 

 

"Musta naman ride mo sa jeep miss?" Pangiinis niya sakin nung maglakad na kami papasok ng mall. 

 

"Horrible. I'll never ride that disgusting jeep." Masungit akong naunang naglakad at di siya pinansin. Naiinis parin ako. Nagtungo lang kami sa NBS at nagsimula na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺