Chapter 7

Winter's Smile
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's PoV
 

Gagong Karina yun at nambulabog ng kay aga. Gustong-gusto niya talagang iniinis ako. Yamot na napahiga ulit ako sa kama. Sinubukan kong matulog ulit pero gising na gising na ang diwa ko. Ugh kaya ayoko nagigising ng maaga. Inis akong napaupo sa kama at tumingin sa wall clock. It's still 5:20 am. To think na madaling araw na ako nakatulog dahil sa tawagan session namin ni Lucas. Kasi nga daw bumabawi siya ng oras na di kami masyadong nakapagusap kahapon.
 

 

Dahil hindi na rin naman ako makakatulog ulit. Kinalikot ko muna yung phone ko. Wala pang text mula sa bf. Of course he's still asleep kung hindi lang ako ginambala ng babaeng yun malamang sa malamang mamaya pang eleven gising ko. Naglaro muna ako ng ilang games at nanood ng mga namiss kong vlogs. Lumipas din ang isang oras ng hindi ko man lang namamalayan. Minabuti ko ng lumabas ng kwarto para icheck yung babaeng iniwan ko sa sala. Aba malay ko kung ano na ang ginagawa niya at baka may ginagalaw siya sa mga gamit ko.
 

 

Paglabas ko wala siya sa sala pero andun yung bag na dala niya sa couch. Sumalubong sakin ang mabangong amoy ng bacon. Nagtungo ako sa kitchen at tama nga ang hinala ko nagluluto siya. 
 

 

"Good morning. Peace offering." Sabay lagay niya sa mesa ng bagong lutong bacon. May itlog at kape na din. Aba di naman siya prepared. Dinaig niya pa yaya nila Luke. Nagsaing na din siya. 


 

"Di ko alam na naghire pala ako ng katulong?" Masungit kong tingin sa hinanda niya. Sa totoo lang nagugutom ako sa nakikita ko.
 

 

"Tch magkano ba bayad?" Nakangiti niyang sabi. Tch bakit ganun parang alam niya talaga kung paano ako patahimikin. Di ko din maintindihan sarili ko at di ko magawang gawin sa kanya ang usual na ginagawa ko sa mga nangingialam sakin. 


 

"One pipti." 


 

"Presyong bakla naman yan." pagrereklamo niya. Medyo natawa ako dun pero pinigilan ko. Di ako easy to get. 


 

"Bakit alam mo? namakla ka na?" Napamaang yung mukha niya na parang nandiri. 
 

 

"Papatol ako sa lalaki at babae pero never sa bakla." Ani niya at nilapag yung bagong salin na kanin. Now that she mention it, I forgot that she's biual. Nakatingin lang siya sakin nung marealize niya yung sinabi niya. Tinitigan niya lang ako na parang binabasa yung reaksyon ko. Ano nga bang dapat ko ireact dun eh sa alam ko na din naman.


 

"What?" Taas kilay kong tanong. 


 

"Okay lang sayo?" Pagtataka niya.


 

"Na ano?" 


 

"Na biual ako." Napakunot naman noo ko dun. Bakit naman ako hindi magiging okay eh sa buhay niya yan.


 

"Ano naman pake ko sa buhay mo?"


 

"Ewan akala ko kasi hater ka ng lgbt." Natatawa na siya ngayon at nagpatuloy sa paghahanda ng mesa. Alam na alam niya kung ano ang gagawin. Di naman din kasi mahirap hanapin mga gamit sa condo ko kasi madali lang naman makita.


 

"Sino nagsabi?" 


 

"Sila yung mga hater mo." Ngisi niya at nilapag yung plate ng scrambled egg. 


 

"Isa ka sa kanila no?" Simpleng tanong pero alam kong mahirap sagutin. Napatulala naman siya nung marinig niya. Alam ko na din naman na ayaw niya sakin sa simula pa and to be honest di ko din naman siya gusto. Dun palang sa pagtanggi niya na siya lang gagawa ng proj alam kong di kami magkakasundo. I'm not expecting anything from her though.


 

"Oo dati." Sagot niya at naupo. Ako naman yung napatigil sa sagot niya. Dati? She meant two days ago? 


 

"Bakit dati? Di na ngayon?" Parang na curious naman ako dun. 


 

"Akala ko ba wala kang pake?" Nangingiti niyang panunukso.


 

"Ugh of course I care kung involved ako. So ano nga?" Natawa lang ang gaga sa sagot ko.


 

"Well sa tingin ko hindi ka naman ganun ka sama at siguro mas mabuting kilalanin muna kita bago ijudge." Ngumiti siya. Hindi yung nangiinis alam niyo yung genuine. There is something in her voice na mafefeel mo talaga yung sincerity ng sinasabi niya.


 

"How can you say na hindi ako masama? You saw what I can do." Pagcocontradict ko sa sinabi niya. Malay ko baka may hidden agenda pa to.


 

"Napagisip-isipan ko lang na baka may mali din si Lucas kaya mo na mimisinterpret yung mga pangyayari. Hindi ko din naman kasi alam yung buong storya." Napabuntong hininga na lang siya. Bakit ang genuine at honest ng babaeng to sa feelings niya?
 

 

"tch good that you understand that." I smirked.
 

 

"Pero di ko sinasabi na tama yung ginagawa niyo. Hindi ako isang kunsintidor. Pwede namang pagusapan ng masinsinan huwag ng paabutin na pisikalan pa." Dagdag niya pa. Ibang klase din pananaw niya sa buhay. Parang ang bait naman. Hindi bagay sakin HAHA.
 

 

"Whatever. Di bagay samin yan Karina." Natatawa kong sagot at naupo na din. 


 

"Why? Di niyo pa nga nasusubukan." 


 

"No it's not like that. You are talking about us here and changing the US is harder than continue doing it." Nagsalin ako sa plato ko ng kanin. Nag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
hala umabot 😱

Comments

You must be logged in to comment
la_jung27
#1
My favorite ❤️❤️❤️
iluvjiminjeong
#2
Chapter 31: gagi kayo nakakaiyak at nakakatouch 'yong mommy ni Win! i thought sa side ni Win may pagtutol na magaganap huhu mabuti't hindi pala.
iluvjiminjeong
#3
Chapter 25: gagi kayo ang sakit! Jimin... :(
iluvjiminjeong
#4
Chapter 22: Yooo! that's a big revelation! the school's queen bee may girlfriend?!!🫢 diba playgirl si Giselle? sana lang wag niyang lokohin si Ning!
iluvjiminjeong
#5
Chapter 21: Soulmates kasi kayo mga bruha kayo! Itinadhana kayong dalawa, periodt!
Kwin_ter
#6
Chapter 19: LSJFKASHFDJKAS I LOVE THIS SM
iluvjiminjeong
#7
Chapter 10: kayong dalawa nalang po gumawa ng live action HAHAHSHA
iluvjiminjeong
#8
Chapter 8: yieee bagay pu kayuu
sepvenanje #9
Chapter 42: ano baaa, kinikilig ako huhu dilim ka ba? HAHAHAHAHAH
sepvenanje #10
Chapter 26: Rina 🥺